BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

481K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 46 - BROTHERS

6.2K 359 145
By VictoriaGie

ASHARI'S POV

It's not a bird,

It's not a plane,

It is boy tattoo Rebel Silvia with the bubuyog shades!

Rebel Silvia! Ang lalaking tattoo na tinubuan ng katawan ang siyang nakatayo sa harapan ko na nakasuot ng shades e umagang umaga naman at wala pang sikat ng araw.

Ano 'yan? Pabibo lang? Papogi ganern? Pasikat?

"Come with me." at akala mo pa talaga kung sinong feeling close kung maka-utos. Nakahawak pa sa braso ko habang pinanonood kami ng madlang mga schoolmate. Oh daig pa live kdrama.

"Bakit nandito ka?" 'yan agad ang unang bumulalas sa bibig ko. May sariling buhay ang kilay ko at nagsalubong ito kay Rebel.

Nakakapagtaka lang ha, bakit nandito ang isang 'to? Pwedeng pwede naman niya akong ipakidnap ulit o kaya pwede naman siyang magpadala ng tauhan niya. Oks sana kung yung dalawang pogi na ipinakilala niya sa akin doon sa yate, ano na nga pangalan ng dalawang 'yon? Cricket? Jonas? Ah, hindi ko na matandaan!

Pero bakit nga nandito siya? Ang under bhosxz maluphetz ng mga Silvia?

"I'll tell you later, come with me for now."

"Bitawan mo si Ashari."

Akmang hihilahin na ako paalis ni Rebel kaso nandito nga pala ang epal na pasimuno ng lahat ng 'to. E kung hindi siya nagmagandang isigaw ang pangalan ko, edi hindi sana ako nakita nitong si Boy Tattoo.

Hindi pinansin ni Rebel ang pinyang si Tony.

"Bitawan mo sinabi siya." marahas na inalis ni Tony ang hawak ni Rebel sa braso ko.

Ayan mga froglita, natupad na hiling niyo. Magkasama na si Rebel at Tony, may bonus na pag-uusap pa ha. Bakit feel ko e napanood ko na ang ganitong eksena sa kdrama? Ang haba naman ng hair ko, pinag-aagawan ako ng dalawang boylet oh HOHO!

Pero hindi ko pa din alam kung ano ang pakulo ni Rebel. Kung dati mangangatog na ang tuhod ko dahil sa takot at galit sa kaniya, pwes ngayon, neknok niya. Wala na akong pake sa mga mafia, wala na akong koneksyon sa kanila at alam kong hindi na ako gagalawin nitong si Rebel.

Binigyan na nga niya ako ng kwintas diba. Gold pa'yon, malapit ko na nga isangla e.

"Sino ka? Bakit mo pinipilit si Ashari na sumama sa'yo?" masungit na tanong ni Tony. "Ashari, sino ba'tong lalaking 'to?" ako na ang tinanong niya ng hindi siya sagutin ni Rebel.

Kita sa mukha ni Tony the pinya ang irita.

Nag-angat din ako ng tingin kay Rebel. Ganon pa din siya, iyong 'mind your own business' look pa din. Sarap suntukin. Kung ako si Tony kanina ko pa binigwasan 'to e.

"Ashari...huwag mong sabihing..." O ano nanamang tumatakbo sa utak ng pinyang 'to? "Ito ba 'yung boyfriend na sinasabi mo sa akin nung nakaraan?"

Bigla kong pinanlakihan ng mata si Tony. Ano bang pinagsasasabi ng isang 'to? Iyong mga froglita lalong naging echosera dahil sa narinig nila kay Tony.

"Hindi ko siya boyfriend!" Depensa ko. Sinibangutan ko ng tingin si Rebel.

"E ano mo siya Ashari?" Bwisit na Tony, parang nagpapa-awa pa na sagutin ko ang tanong niya para maliwanag siya sa mga nangyayari.

Leche ano isasagot ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na mafia si Rebel at minsan na niyang pinagtangkaan ang buhay ko.

"He-hehe." Natawa nalang ako ng wala sa oras ng maalala kong bigla ang collar na inilagay ni Rebel sa leeg ko higit isang buwan na ang nakakalipas. Ini-imagine ko palang na kung sumabog talaga 'yon, chunky corned beef na ako. 

"P-pinsan ko!" Nablanko ang utak ko kaya 'yan na ang pinaka walang kwentang palusot na nagawa ko sa tanang buhay ko. "Pinsan ko siya!" katapusan ko na yata, sinong nasa matinong utak ang magsasabi na pinsan niya si Rebel? Si Rebel na may sapak sa utak at anytime e pwedeng pasabugin ang bungo ko.

Ang lakas pa ng loob ko kasi lumapit pa ako kay Rebel at inakbayan siya. Nanginginig pa ng very light ang braso ko. E paano kung biglang humugot ng baril 'to at paputukan ako sa ulo.

Hindi naman siguro niya tatapusin ang buhay ko dahil sa simpleng akbay diba?

"Pinsan?" parang ayaw naman maniwala ng bwisit na Tony.

Si Rebel naman diretsyo ang tingin at medyo nakabend na siya dahil sa pag-akbay ko. Matangkad siya masyado kaya no choice siya kundi mag-adjust sa akin.

"Oo pinsan ko nga, diba pinsan kita Rebel." hinigpitan ko ang akbay kay Rebel para marealize naman niya na dapat siyang makisakay.

At pasalamat ang kalooban ko dahil mukhang narealize niya.

"She's a cousin." Pinalis ni Rebel ang braso ko na naka-akbay sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag. Legit parang may natanggal na tinik sa lalamunan ko.

Kasalukuyan akong humuhugot ng lakas ng mapansin ko na naglakad palapit si Rebel kay Tony.

Takha ko siyang pinagmasdan. Ano gagawin niya kay Tony?

"Rebel Silvia." inilahad ni Rebel ang palad niya kay Tony.

Medyo nanlaki ng legit ang mata ko doon.

Wow, anong nangyayari sa mundo? Nagpapakilala talaga si Rebel kay Tony?

Pinagmasdan ko naman si Tony, siguro naman maniniwala na siya noh.

Pagkakita ko sa ekspresyon ni Tony, yung nanlalaki kong mata e bumalik sa pagtataka.

Biglang nag-iba ang ekspresyon niya, para bang may nakakahawang sakit si Rebel at ayaw niyang tanggapin ang kamay nito.

"Ah...Rebel Silvia, parehas nga kayo ng aplido...ni Ashari." lalong kumunot ang noo ko sa way ng pagbanggit ni Tony ng pangalan ni Rebel. Nakatitig lang siya ng madilim sa nakalahad na kamay ni Rebel, huwag mong sabihin na nag-aamok ng away si Tony ha?

Nakalimutan ko na gangster wannabe nga pala ang isang 'to. Baka naman na-i-inggit siya kay Rebel sa mga tattoo nito.

"Tony Perez." medyo nawala lang ang pagtataka ko ng bigyan ng normal na ngiti ni Tony si Rebel bago kinuha ang palad nito.

Phew, akala ko mag-aamok pa siya ng away e.

"O'right Tony, me and my cousin will be having a mini reunion, if you'll excuse us."

Hindi na inintay ni Rebel na magsalita pa si Tony. Tinalikudan na niya ito at naglakad pabalik dito sa pwesto ko.

"This is about Galileo, come with me..." Bulong ni Rebel nang lagpasan niya ako at dumiretsyo papasok sa kotse niya.

Noong narinig ko sa kaniya ang pangalan na binanggit, umihip ang malakas na hangin at hindi na ako nagdalawang isip na sundan siya.

Gets ko na hindi ako basta basta pupuntahan ni Rebel ng personal dito kung hindi mahalaga. Wala na akong pake kung may MPO man na makakita sa akin, ang mahalaga ay alam kong tungkol kay Gali ang pag-uusapan namin ni Rebel.

Huwag lang talaga akong subukang scam-in ni Rebel, mayaman na ako, kaya ko na siyang bilhin!!!

--

Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ako dinala ni Rebel, basta ang tumatakbo lang sa utak ko buong byahe ay una si Gali, pangalawa ay ang posibilidad na baka ini-scam ako ni Rebel. E kung pakana pala niya 'to para mahuli ako ng MPO dibah? Tinanong ko naman siya kanina ng ganito e...

"Ui Rebel, hindi mo naman ako niloloko diba? Si Gali talaga ang pag-uusapan natin?"

Syempre, panget kausap si Rebel kaya ang sagot niya sa akin,... "I don't waste time for pranks and scams."

In-english nanaman ako edi nanahimik nalang ang bibig ko kaysa magnosebleed pa ng wala sa oras ang ilong ko.

Pangatlong tumatakbo sa isip ko e ilang araw palang akong nakakapasok tapos um-absent nanaman ako. Napakawalang kwenta kong studyante. Buti nalang talaga mayaman ako kaya kahit bumagsak e may kakapulutan ako.

Huminto ang sasakyan ni Rebel sa parking lot ng isang isolated na five story glass building na may malawak na golf course sa paligid at maliit na lake na natatanaw sa hindi kalayuan.

Anong kayamanan nanaman kaya ng mga Silvia ang ipapakita ni Rebel sa akin? Hmmm? Mai-inggit nanaman ako, baka mamaya niyan gustuhin ko na din bumili ng golf area.

Bumaba kami sa kotse, sinundan ko siya habang sinisipat ko ang paligid. In fairness, may mangilan ngilang tao na mukha yayamanin ang naglalaro ng golf. Mukhang safe naman sa pinagdalhan sa akin ni Rebel.

Pumasok si Rebel sa loob ng building. Utotmatic ang pinto, ui bet ko 'to, ganito ipapagawa kong pinto sa bahay ko!

"Good day Sir." lahat ng makakasalubong namin ay binabati si Rebel. Hindi ko maiwasang isipin kung mafia din ba ang mga tao dito.

Dumiretsyo si Rebel sa elevator. Tahimik akong nakasunod sa kaniya. Pinindot niya ang fifth floor, ang pinakamataas na floor nitong building.

"Kaylangan ba talaga dito pa tayo mag-usap? Hindi ba pwedeng sa restaurant nalang ganern?" tanong ko kay Rebel pamatay lang sa nakakabinging katahimikan.

Pailalim naman niya akong tiningnan. Iyong tingin na sinasabing 'ARE YOU OUT OF YOUR MIND? Why would I treat you to a restaurant?'

"Mayaman na ako Rebel, kayang kaya kong bilhin ang restaurant." asik ko sa kaniya.

"What are you blabbering? Do you want those MPOs see you dining with a mafia?"

Napahawi ako ng buhok. "Ay, 'yun ba dahilan? Akala ko kasi ayaw mo lang akong ilibre sa restaurant. Sorry naman, medyo assumera lang..."

E mukha kasing magdadamot 'yung itsura niya kanina e.

Hindi na ako nagtanong pa, mamaya lang din naman e mag-uusap na kaming dalawa, iipunin ko nalang lahat ng tanong ko para naman hindi kami maubusan ng topic.

Ilang segundo lang ang lumipas, bumukas na ang elevator.

Pagbukas na pagbukas ng pinto... "Ay kalabaw ka! Ano 'yon?" bulalas ko sabay napapikit at takip sa tenga dahil sa gulat.

Legit, pamilyar 'yung tunog na'yon! Putok 'yon ng baril.

Isang putok pa ang umalingawngaw sa buong lugar.

Walanjo! "Sabi na e! Sabi na talaga may pinaplano kang hindi maganda sa akin! Dapat talaga hindi ako naniwala sa'yo! Binigyan bigyan mo pa ako ng kwintas na sign of freedom tapos isang buwan lang ang lumipas e papatayin mo na din ako kaagad? Bakit hindi mo manlang ako in-inform para naman naisangla ko mung 'yung kwintas, siya din 'yon! Pera din 'yun!" nakapikit pa din ako at ayaw ko pang dumilat. Leche, dapat talaga kay Tony pinya nalang ako sumama hindi sa boy tattoo na'to!

"Who would waste a bullet on you Ashari? Wala akong planong sayangin ang oras ko para sa ulo mo. Open your eyes, no one's going to harm you."

Wow naman, parang sinabi lang din ni Rebel na wala akong halagang tao.

May point din naman si Rebel kaya nagbukas na din ako ng mata. Ibinaba ko na din ang nakatakip na palad sa dalawa kong tenga.

"Follow me."

Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako sa elevator para sundan si Rebel o bababa nalang ako?

Ang lugar na pinagdalhan niya dito sa akin sa fifth floor ay isang indoor shooting range (A/N: Ang shooting/firing range ay isang facility na pinaggaganapan ng shooting trainings/competitions). Malay ko ba kung plano pala akong gawing target ni Rebel.

Out of this world pa naman mag-isip ang isang 'yon. Kahit gusto kong bumaba, sinundan ko pa din si Rebel dahil naniniwala ako na may mahalaga kaming pag-uusapan tungkol kay Gali. Lakas loob na ini-apak ko ang paa sa malamig na firing room. Anong aircon ba ang gamit nila ditong aircon? Ang lameegg!!

Sa hindi kalayuan, doon ko na nakita ang dalawang tao na nag-f-firing. Isang babae at isang lalaki. Busy sila masyado sa ginagawa nilang pagbabaril, nakatalikod sila sa akin kaya naman hindi ko makita ang mukha nila.

Nakita ko si Rebel na may binubutingting na dalawang hindi kalakihang brief case. Paglapit ko sa pwesto niya, nakita ko ang dalawang baril. Iyong isa ay 'yung kagaya ng palaging dala ni East--basta siya na'yon. Iyong isa naman e 'yung kagaya ng palagi kong napapanood sa mga Kdrama.

"Ano tawag dito?" itinuro ko 'yung palaging nakikita sa kdrama

"Revolver, Model 686+"

Napatango naman ako. "Eh ito?" turo doon sa isa pa..

"M&P Shield EZ 9mm Vs EZ 380"

HA? ANO ULIT? "AHHH." kunwari alam ko nalang sige. "Hehe ok." sasakit lang ulo ko kapag inalala ko.

"Ano na palang sasabihin mo tungkol kay Gali?" ani ko kay Rebel habang tinitigan siyang isuot ang gloves, eyeglasses at earmuffs. "Akala ko ba mag-uusap tayo? E bakit parang plano mo ding makipagbarilan sa papel na target?" lecheng Rebel 'to. Huwag niyang sabihin na dinala niya ako dito para panoodin siyang bumaril.

Hindi ako pinansin ni Rebel. May dinampot siyang bag sa gilid at initsiya niya iyon sa akin. "Wear those, we'll talk after you learn how to shoot."

"HA?" takhang binulatlat ko ang nasa loob ng bag. Pagkakita ko, mga gear na pang shooting. Kagaya ng mga isinuot ni Rebel. Ear muffs, eye protection, gloves at kung ano ano pa na kaylangan. "Ayaw ko! Wala akong planong matutong bumaril." WOW LANG! Masamang budhi ako pero ni minsan hindi pumasok sa utak ko ang bumaril ng kahit sino.

"You have to."

"FYI lang ha, hindi niyo ako kagaya kaya huwag mo akong itulad sa inyong mga mafia na parang humahawak lang ng lollipop ang paghawak ng baril. Hindi! Ayaw ko! Bahala ka diyan!"

Ibinagsak ko sa lamesa ang bag na ibinigay ni Rebel. Bakit ba pinapangunahan niya ang buhay ko? Sino ba siya? Ni hindi ko naman siya kamag-anak e!

"I didn't know you were this dumbheaded Ashari."

"Anong dumbhe-"

"It's for self-defense. How would you protect Galileo in the future if you can't even protect yourself."

Natameme akong bigla sa sinabi ni Rebel. Ayaw ko sa mga baril, bata palang ako, may dalang malas na sa akin ang mga iyon. Panget kasi yung mga kidnapper ko nung bata, sukat bumaril ng tao sa harapan ko. Kaya ayun, ni minsan hindi ko nakitang gamit ang mga baril para protektahan ang sarili. Para sa akin, ginagamit ito para pumatay, para kumitil ng buhay.

"A skill in using guns won't harm anybody, Ashari. Now get your self straight and wear your gear. I'll let you use the revolver."

Hindi ko alam kung kaya bang bumasa ng utak nitong si Rebel o sadyang ganoon katransparent ang mukha ko kaya alam na alam niya ang tumatakbo sa utak ko?

In the end, ginawa ko din ang sinabi ni Rebel. Tama, hindi ko naman gagamitin ang baril para pumatay e. Saka sureball makakalimutan ko din kung paano gamitin 'to paglipas lang ng mga ilang araw.

Pagkatapos kong mag-ayos, nilapitan ako ni Rebel. Hawak niya sa kaliwang kamay ang tatlong bala, sa kanan naman ang revolver.

"This is already loaded, the three is a spare. I'll teach you to use every bit of this gun, Ashari..."

"Kaylangan pa ba talaga 'to?" Tanong ko ng abutin ang baril at bala sa kamay niya

Akmang sasagot na si Rebel ng may isang lalaki ang lumapit at um-epal sa usapan namin. "Kuya?"

Kuya?

Tinignan ko mula ulo hanggang paa ang lalaking lumapit sa amin. Nakasuot ito ng shooting gear, mukha siya iyong lalaking naabutan naming nagbabaril kanina. Matangkad siya, halos kasing tangkad ni Rebel pero hindi siya kasing chupapi. Kulang pa siya sa workout, gwapo naman siya pero hindi ko maipaliwanag kung saang parte ng mukha niya ang hindi bumagay? Desente naman siyang tignan, medyo isang paligo lang na kulang sa kagwapuhan ni Rebel. Magka-ano-ano ba sila? Kapatid? Hindi sila magkamukha!

"Mind your own business Ryder." ay ang sunget ng lolo Rebel niyo.

"Hindi ko alam na pupunta ka dito kuya. You should have told me para nakapag-utos ako sa mga tauhan ko na magprepare ng lunch para sa'yo."

Ay mukha siyang spoiled brat na kulang sa pansin. Parang may kuya complex lang ganern.

"No need, I'm with a guest." malamig na tugon ni Rebel.

Luh, grabe naman, ganito ba kapag may kapatid? Dapat pala akong magpasalamat sa tatay at sa nanay kong kapiling na si Lord dahil ako lang ang bunga ng pagmamahalan nila. Ayokong magkaroon ng kapatif na kagaya ni Rebel.

Dahil sa ipinakilala akong guest nitong si Rebel, naglanding tuloy ang tingin nung Ryder sa akin. Pagtama ng mata naming dalawa, doon ko narealize na mata ang hindi bumagay sa facial features niya. Alam mo 'yung mata na parang nang-uuto kahit hindi naman? Iyong nagpipilit na maging strong-eyed kahit parang joker naman talaga? Ganyan 'yung mata ni Ryder. Magkamata sila ni tatay, parehas parang walang gagawing matino sa buhay.

"Oh, a guest. Good day miss, I'm Ryder, Rebel's younger brother." inilahad nito ang kamay sa akin ng may mga ngiti sa labi. Aha! Magkapatid nga sila. "You are somewhat familiar...." dagdag pa nito habang pinagmamasdang maigi ang mukha ko.

Ngumiti naman ako ng matamis at kinuha ang nakahalad na kamay niya. "Sure akong ngayon mo lang nakita ang kagandahan ko, ako lang kasi ang may mukhang ganito hihi. Ashari nga pala." pagpapakilala ko.

Pagkarinig na pagkarinig ni Ryder ng pangalan ko, daig pa niya ang nakalaklak ng sampong suka at akala mo may germs ako sa kamay at dali dali niyang hinigit pabalik ang palad mula sa pagkakashake hands ko.

"You!" Literal na sumambakol ang mukha ko sa reaksyon niya. Grabe ha, ano ako may nakakahawang sakit? "No wonder you are familiar! You are that girl!" oh ano naman sa'yo? "Kuya, why did you bring this girl to my place?"

Ahh, so sa kaniya 'tong lugar na'to? Kaya pala ang panget e, kayang kaya ko din bumili ng ganito!

"She'll learn shooting, do you have any problem with that Ryder?"

"Kuya she' behind all the happenings since Vintagio--"

"You don't want me to send you out on the sea again, right Ryder?"

Biglang parang may dagang kumagat sa dila ni Ryder at natameme na ito. Awwe, bakit parang tuta siya na sunod-sunudan sa lobo? Ayan, buti nga sa kaniya, karma 'yan sa pag-iinarte niya sa akin.

Inirapan ko nga si Ryder. Belaaaatt! "I'll get you a beer, Kuya." ngingisi ngisi lang ako. "And a snack for your guest." nakatalikod si Rebel sa aming dalawa kaya naman kung samaan din ako ng tingin ni Ryder e wagas. "I'll excuse myself." aba ang loko, bago tumalikod, inirapan din ako! WOW!

Isang abnormal na kuya at isang kulang sa pansin sa kapatid. Ang malas naman ng mga magulang nitong si Rebel at Ryder, parehas kinulang sa buwan ang mga ugali ng anak. Hays, sana lang wala silang kapatid na babae kundi kawawa lang sa kanilang dalawa.


"No. Get a maid to prepare that..." pagpigil ni Rebel sa kapatid. Tsk, ayaw pa paalisin. "You teach Ashari how to use the gun."

Bakit biglang naging si Ryder ang magtuturo sa akin?


"I am with a guest too Kuya. I can't teach her." kalmadong sagot naman ni Ryder pero pagtama ulit ng mata sa akin, sinamaan nanaman ako ng tingin. Tusukin ko mata mo e.


"Your guest can wait, I am not."



"Ok, I'll teach her but with a price."



"I'll give you a jet plane."



"I want the latest model." -Ryder



"And a pilot." -Rebel



Nagpapalit palit ang tingin ko sa pag-uusap ng magkapatid. Wow, jet? As in jet na legit? Hindi yung jet na laruan? Plus may bonus pa na piloto.


Walanjo, gaano ba kayaman ang mga mafia at parang bumibili lang sila ng candy kung mag-usap?





"Ok Kuya!" masayang tono na ang pumalit sa seryosong boses ni Ryder. "Oi, sundan mo ako para mabilis na tayong matapos. Hindi na ako makatiis sa mukha mo." asik nitong bulong sa akin.



"Bakit, feeling mo katiis tiis din 'yang sa'yo? Spoiled brat!" Tumingin ako kay Rebel. "Sa akin Rebel, walang price pag natuto ako? Hehe." Baka gusto niya din akong bigyan ng jet plane, hindi ako magrereklamo kahit second hand yon.

"Tapang ng apog." blahblahblah manahimik ka Ryder.



"If you get a bull's eye, I'll think of it." luh joke lang naman 'yung sinabi ko na price sa akin pero dahil pag-iisipan daw niya...hindi ako tatanggi hoho.


"Kuya!"




"Go, learn!"


Dinilaan ko si Ryder bleeeh!

At doon na nga nagsimula ang hindi matapos tapos na bangayan namin dalawa ni Ryder. Hindi ko ba alam pero tuwing magsasalita siya, gustong gusto kong binabara, at ramdam kong ganoon din siya sa akin! Lahat! As in miski sa way kung paano niya ituro ang paghawak ng baril at paggamit nito.

Para akong nakatagpo ng kapwa ko sakit sa ulo! Parehas naming ayaw magpatalo.



"Ang sabi ko, sipatin mong maigi kung tatama ba. Nagsasayang ka ng bala Ashari!"



"Hindi bala ang sinasayang ko kundi pagod! Nangangawit na braso ko! Kaunting kaunti nalang hindi ko na matataas 'to."


"Oo, kaunting kaonti nalang den ang pasensiya ko kaya ayusin mo! Hindi ako mabibigyan ni Kuya ng jet kapag hindi ka natuto!"




"Pwes huwag ka ng umasa sa jet mo kasi hindi ako matututo!" Isang kalabit pa sa bala ang ginawa ko sa inis ko kay Ryder. Pagtama ng bala sa target....




"Bull's eye!" hindi makapaniwalang bulalas ni Ryder sa tabi ko. Ako naman, bagsak panga na inaninag kung legit ba na sa gitna 'yung butas. "YES! KUYA! NAKUHA NI ASHARI! FINALLY I'LL GET A JET PLANE!"



Bilib na ako sa sarili ko! Hindi lang basta sa gitna, gitnang gitna talaga! Mygulaynes! Kung alam ko lang na sharp shooter pala ako, nag-apply na sana ako sa army!







Lumapit sa amin si Rebel. Tumingin siya sa target. Parang normal lang at parang hindi achievement ng first timer na kagaya ko ang reaksyon niya. Edi waw, ano pa ba aasahan ko dito kay Rebel.



"Hihi pano ba 'yan Rebel, anong price ibibigay mo sa akin?" Arrhhhhhh! Pag sinabi ni Rebel na anything I wis for, hihilingin ko na bilhan niya ako ng airport! Panis ang jet plane ni Ryder pag ganon mwahahaha!




"The revolver is yours, that's your price."


Biglang nawala lahat ng excitement sa katawan ko.

"Luh ang cheap." Hindi ko naiwasang sabihin. Kadaya naman, bakit revolver ang aken? Aanhin ko 'to? Ididisplay ko sa bahay? Mamaya niyan makasuhan pa ako ng illegal possession of firearm!


"Why are you giving it to her Kuya?"

"Oo nga Rebel, bakit kasi ito ang ibibigay mo sa akin?" Pwede namang helicopter nalang kung ayaw niya jet.


"She'll fit to use it."



"No! Hindi ako papayag, give me the revolver instead. She can have the jet."


Nagningning ang mga mata ko. Emeeee! Parang timang si Ryder, bakit niya ipagpapalit ang jet sa revolver! Ha, bahala siya, ako naman magbebenefit dito.


"I'll give to Ashari, you can't oppose."



"Kuya, that's mom's revolver! Why would you give it to a stranger?"





Biglang tumahimik ang buong lugar. Pati ako e tinakasan ng sasabihin.



Sa mama nila ito?



Itong baril na hawak ko?




Luh! Ang sabi ko pa naman 'cheap', may sentimental value pala. Parang gusto ko muna tuloy maglaho ng very light.

Parang ewan din naman kasi si Rebel. Bakit ba niya ibibigay ito sa akin? Pwede namang bigyan nalang niya ako ng isla para sa premyo.




"She isn't a stranger Ryder."


Oo nga naman, hindi nga naman ako stranger para kay Rebel.



"You really hate mom that much that you easily give her valuables to just someone. Maybe it really is a good thing that mom isn't alive anymore."




At doon ko na gustong maglaho ng tuluyan. Bakit ko ba sinabing cheap 'tong revolver?



"A-aalagaan kong mabuti 'tong revolver. Thank you Rebel kasi naisip mong sa kagaya kong may mabuting loob at nagpapahalaga sa gamit ipagkatiwala ito hehe." sana naman lumubag ang loob nila sa sinabi ko.


Walanjo, pag-uwi ko sa bahay itatago ko ito sa pinakakailaliman ng cabinet ko para walang makakita na kahit sino. Kahit daga bawal!




"Use it when it's needed." Si Rebel naman kasi hindi marunong magpalubag ng loob. Hindi manlang niya isipin ang nararamdaman ni Ryder.



"Your job here is done, go downstairs with your guest." ayan, napakasunget talaga niya kay Ryder. Kaya hindi ko masisi kung kulang 'tong isa sa pansin e.



Masama ang loob na umalis si Ryder kasama ang babaeng nagfifiring lang din magdamag.





"Grabe ka naman sa kapatid mo."




"He'll be the next boss of the Silvia's. He should learn how to act without being emotional."

Hindi ko gets kung paano ang ranking nila. Hindi ba dapat e si Rebel ang maging next na boss?

"Ah, kaya tinatrato mo siya ng ganon? Parang masahol pa sa katulong?"



"I think it's time we talk about Galileo."



Napakagaling talagang lumusot ni Rebel sa mga usapan. Sabagay, wala naman akong ganap sa buhay nilang magkapatid.





"Kaylan babalik si Gali?" Iyan ang unang tanong na lumabas sa bibig ko panimula ng pag-uusap namin.











____





Edit: This chapter is dedicated to:
jeakyut07
zerreiffienia
JennyRose234561
nayumina


Maraming maraming salamat sa inyong patuloy na pagbabasa. Love lots! Happy reading 😚😘😘

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
4.7M 169K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...