BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

483K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 45 - HEADACHE

5K 305 127
By VictoriaGie


ASHARI'S POV

Kapag may 500 milyones ka, anong gagawin mo?

Syempre mapapakanta sabay sayaw ka nalang sa Money ni Lalisa ng BlackPink!

I came here to drop somе money, droppin' all my money
Drop some money, all this bread so yummy, yeah
Twerkin', twerkin' when I buy the things I like
Dolla', dollas droppin' on my ass tonight 🎶



"WOOT! WOOT! PARTEEHHH!"


Simple, edi magpapakasaya! I-enjoy ang pera na pinagharapan! Minsan lang tayo mabubuhay sa mundong ibabaw, hindi pa ba natin susulitin?

Ako, sa sobrang sulit....


Naubos ko 500 million ko sa loob lang ng isang buwan MWAHAHAHAHA!!!! Pwede na akong ilagay sa Guinness's book of record, ang taong pinaka mabilis na ginastos ang kayamanan niya!

Isang buwan!

Ay mali...

Mag-iisang buwan palang pala. Bukas ang pang isang buwan ko.

Alam niyo kung saan ko ginastos ang perang pinaghirapan ko? Ang pera na naglagay sa akin sa bingit ng kamatayan at ang pera na katumbas ay dugo at pawis?

Syempre hindi.

Pero ichichika ko sa inyo para updated kayo sa happenings ng buhay ko. Ayaw kong nahuhuli kayo sa chismis!

Pumunta ako ng Korea noong unang tatlong araw ng pagkalaya ko sa impyernong mansion mga Marchese! Pinuntahan ko si Cha Eun Woohoo at nakipag one night stand ako sa kaniya! Char, nirentahan ko lang naman siya ng mga 6 hours para sa dinner date.

O dibaa, kaso napag-alaman ko na may putok pala siya kaya napalipad tuloy ako sa New York ng wala sa oras. Napa-woohoo ako sa amoy niya kase.

Sa New York nagmaganda ko! Pinuntahan ko lahat ng branch ng Dior, Celine, Chanel, Louis Vuitton, Prada at pinagbibili lahat ng pinaka mamahal nilang bag at damit! Um-attend din ako ng mga runway shows nila. O jivaah, mayaman ako at walang makakapigil sa akin!!!

Pangalawang linggo, pumunta ako sa Iceland at in-enjoy ang aurora borealis at ang blue lagoon. Ha, ikaw man may kalahating bilyon, ewan ko nalang kung hindi mo pa talaga isama sa bucket list mo yon!

In short, nagligalig ako sa Europe! Pwera sa Italy.

Pangatlong linggo, napagdesisyunan kong sa Pinas na ako magpakasaya. Nakipag party party ako sa lahat ng bar sa beach na mamahalin. Winaldas ko pera ko para rentahan ang bar!

Nagwaldas ako ng pera sa mga walang kabuluhang bagay.

Syempre binili ko na din ung stocks ng school namin para wala silang karapatan na ibagsak ako ngayong sem dahil puro absent na ako.

Ibig ibig ko na nga ding bumili ng jowa para naman may tagabitbit ako ng mga napa-shopping ko sa mall kaso napag-isipan kong yate nalang ang bibilhin ko.

Ayorn, bumili nga ako ng yate! Inggiterang babae ako! Nainggit ako kay Rebel kaya bumili din ako ng sarili kong yate. Hindi nga lang kasing ganda ng kaniya pero pwede na! Basta lumulutang sa tubig!

(A/N: sana bibe nalang binili mo)

Bumili din ako ng maliit na isla, on going ang pagpapatayo ng bahay kong garbo kaya no choice ako kundi umuwi pa din sa bulok na bahay namin ng magaling kong tatay!



Hanggang ngayon ganoon pa din, parang lutang sa sarili na ine-enjoy ko ang mga bagay na hindi ko ma-e-enjoy kung hindi ako milyonarya!

Alam kong deserve ko 'to! Ilang beses nadawit sa hukay ang buhay ko. Panahon naman para magpakasasa ako sa sarap at ligaya!

Kakalimutan ko na ang naging buhay ko sa Marchese!

Kakalimutan ko silang lahat.

Lahat sila!

Si Easton?

Magsama sila ni Cannabeth! Kahit sampong beses pa silang magpakasal, wala akong pake! Kakalimutan ko sila!

Pati si Gali?

Kakalimutan ko na din siya!

Magpa- party ako! MAGPAPARTY AKOOOOO!

MAGPAPAKASAYA AKOOOOO!

At ayun nga, nagparty ako hanggang sa matapos ko nanaman ang isang buong gabi na parang wala lang. Na parang nasayang lang ang araw ko....

_______

Ugh, ang sakit ng ulo ko!!!


Parang binibiyak sa gitna, gusto ko pang matulog, inaakit pa ako ng kama ko pero bakit pakiramdam ko may pares ng mata ang nakatingin sa akin.

Hindi pa kaylaman nagkamali ang radar ko. May taong nakatabi sa akin sa higaan at alam kong nakatitig siya sa akin.

Kahit sobrang sakit ng ulo ko, pinilit kong dumilat. Sasakalin ko kung sino man 'tong manyakis na tumabi sa akin sa pagtulog ko.

Pagdilat ko ng mata, parang gusto ko ulit pumikit dahil parang nahihilo pa ako.

Ayan sige, party pa ha! Pasalamat ka naka-uwi ka pa ng buhay dito sa bahay ng walang kwenta mong tatay, Ashari!

"You're awake..."

Sabi na! Hindi talaga ako nagkamali, may lapastangang pumasok sa kwarto ko!!!!

Labag sa kalooban na ipinilig ko ang ulo ko sa kanan kung saan dinig na dinig ko sa tenga 'yung boses ng nagsalita.

Umiikot paningin ko leche!

Pagkakita ko sa manyakol na nakahiga sa tabi, parang lalong umikot ang mundo ko. Daig pa nilindol ganon.

Ano ba 'tong mga nakikita ko?

Gaano ba ako nalasing ng cocktail at naghahallucinate na ako.

"E-e-aston?" kita mo, miski boses ko di nakikisama. Ano 'yan ngarag ka na?

Hindi na talaga ako magpaparty! Masama na ang epekto sa akin.

May mga nakikita ako na hindi ko naman dapat makita!

Nahihilo pa din ako, umiikot ang paningin, bwisit! Pilit kong pino-focus ang tingin ko sa taong katabi ko. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko, isang maling galaw ko lang....ewwww ayoko ng isipin kung ano yon. Kadiri lang!

Pero wala, ayaw talaga tumino ng paningin ko.

"I am missing you so much already..." inabot ng lalaking manyak ang mukha ko. "I'm glad I can touch you like this..." naramdaman ko ang banayad na haplos niya sa pisngi ko.

Walanjo, sa gitna ng hilo ko bakit kinikilig ang pempem ko????

Pinilit kong tanggalin ang hilo ko. Gusto kong itulak si Easton paalis pero wala akong lakas.

Fyi, alam ba ni Cannabeth na nandito siya ha?

"B-bakit ka..." Bwisit na lalamunan to, nasunog din yata ng wine, di ako makapagsalita ng maayos! "...bakit andito k-ka..."

Umiikot pa din ang paningin ko. Hoy mata ayusin mo ganap mo! Gusto kong makita ng maayos ang mukha ng taong manyakis na trespasser dito sa kwarto ko hehe.

"Why? You don't want me to visit you?"

Pinilit ko talaga umiling. "Sana araw-araw hihi..." Bulalas ko

Nakita ko sa magulo kong paningin ang banayad na pagngiti ng lalaking katabi ko.

"Ashari..." leche, buti nalang matino ang pandinig ko ngayon. Ang gwapo ng boses niya.

"Hmmm?"

"I want to kiss you..." ay kita mo 'to, masyadong maharot! Lagot ka kay Cannabeth!

"Gusto ko din ikaw i-kiss hihi." syempre di ako papatalo. Dapat mas maharot ako! Bahala na si Cannabeth sa buhay niya. Dakilang epal lang naman siya e.

Sandaling tumahimik ang lalaking kaharap ko...si Easton. Ano na? Diba gusto niya ako i-kiss? Wala pala siya e, panay salita lang siya!

"Ang tagal naman ng kiss mo!" Ako na nagreklamo, kakupad niya e. "Kapag di mo ako kiss, ikaw kiss ko hihi."

Gaya nung first kiss namin diba? Ako naman unang humalik sa kaniya, wala ng pagkaka-iba kung ako pa din ang unang hahalik sa kaniya ngayon.

"Then don't regret what you said after this....Ashari."

Pagkatapos bitawan ni Easton ang mga salita na'yon, mabilis pa sa kisap mata na naramdaman ko ang bahagya niyang pagkuha sa batok ko at ang banayad na paglapat ng labi niya sa labi ko.

Hinalikan niya ako....

Iyong pinaka matamis na halik na miski langgam ma-i-inggit.

Legit, hinalikan niya ako at ito yung halik na hinding hindi ko makakalimutan.

kahit magising man ako

Kahit magising man ako sa sa katotohanan na----

"HOY BABAE!"

Namulagat ang mga ko ng maramdaman ko ang malamig na bagay na nakalapat sa labi ko.

Pagkakita ko....

ANG DAKILA KONG TATAY, MAY YELO NA IPINATONG SA LABI KO!

"AHHHH! ANG LAMIGGGGG!" sa sobrang lamig, napatayo ako sa kama at bwisit na bwisit na humarap sa magaling kong ama. "HOY TATAY!" Pagtawag ko sa kaniya pabalik sabay bato ng ice cube sa gilid niya. "WALA KA TALAGANG MAGANDANG GAGAWIN SA ANAK NOH? IREREKLAMO KITA SA DSWD! INAABUSO ANG SARILI MONG ANAK!"

Ang magaling kong tatay, nag cross arms lang at masama ang tingin sa akin.

"Anong oras na! Tanghaling tapat na tulog ka pa din. Atsaka ano 'yang inginunguso nguso mo? May kahalikan ka ba sa hangin o may kahalikan ka sa panaginip mo? Sino 'yang malas na lalaki na'yan ha?"

Literal na tumigil ang mundo ko ng marealize ko na OO NGA PALA! SI EASTON!

Asan siya?

Nakapag tago ba siya bago dumating ang tatay ko?

Teka ...

Ashari bakit habang tumatagal e nagiging bonakid ka?

WALANG EASTONN NA DUMATING!

NANANAGINIP KAAAAA!!!!

Leche! Arghhhh! Kadiri lang! Bakit ako mananaginip ng ganon? Ewwwwe!!!!

"Tay, nananaginip ako at sa panaginip ko wala akong kahalikan pero alam kong isinusuplong kita sa mga pulis dahil sa pagmamaltrato mo sa sarili mong anak. Itinuturo kita gamit ang nguso ko!" paggawa ko ng kwento. Panaginip naman e, kahit di makatotohanan ok lang!

Napa-iling nalang ang tatay kong magaling. "Ang malas ko talaga at nagka-anak ako ng gaya mo."

"WOW! As if namang swerte ako at ikaw ang tatay ko. Kung ipapanganak ako ulit, hihilingin ko na hindi ikaw ang maging tatay ko."

"Kadami mong alam. Choosy ka pa! Imbis na magreklamo ka, magluto ka nalang ng hapunan! Nasa kusina ang mga gamit."

Pagkatapos akong tarayan ng tatay ko, lumayas na siya.

Wow lang talaga. Anong karapatan niya na utusan na magluto ang anak na isang milyonarya?

Bwisit!

Dapat talaga magawa na ang bahay ko sa isla para makalayas na ako sa bwisit na bahay na'to!

_____



Luminga linga ako sa madilim na salas ng bahay ni tatay. Tulog naman na ýung magaling kong tatay diba? Humigpit ang hawak ko sa strap ng sling bag ko ng makita ko ang pusa ni Aling Marites na akala mong reyna na may-ari ng bahay kung maka-upo doon sa sala set.


"BWISIT NA PUSA! Aatakihin ako sa takot e!" pinandilatan ko ýung pusa na prenteng prenteng naka-upo sa salas. Nag ngiyaw siya at ewan ko din ba naman kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Gali.


Naalala ko iyong unang gabi niya dito sa bahay. Iyong akala ko nawala siya, nun pala nagtago lang sa kwarto ko dahil takot siya sa pusa.

Nakipag-eye to eye ako sa pusa ni Aling Marites. Bakit ba iniisip ko pa si Gali? Hindi ba kakalimutan mo na siya Ashari?

"Ngiyaw."

Bumaba ang pusa sala, dumiretsiyo siya doon sa itaas ng cabinet malapit sa bintana. Ewan ko kung bakit parang timang ako na nakasunod ng tingin sa pusa. AALIS AKO DIBA? MAKIKIPARTY ULIT AKO E!


"Meow..."


"Minggg"


Bahagya akong nagkunot ng noo ng aninagin ko kung ano ýung mga gumagalaw na maliliit hayop sa itaas ng cabinet.


AHA!

Maliliit na pusa! Bunga ng kababalghan na ginawa ng mga pusang 'to ni Aling Marites. Akalain mong nanganak na pala ýung pusa naýan?


Pinagmasdan ko kung paano alagaan nung malantod na pusa ni Aling Marites ang mga anak niya. Sobrang alaga na akala mo ay ayaw na nitong mawalay sa anak.


Gali....


Naalala ko nanaman ang forbbiden name naýon! Move on naaaa! Magpaparty ka nga diba? Ano pang ginagawa mo dito sa bulok na bahay ng tatay mo? Kung ayaw mong maabutan ka niyang tatakas dis oras ng gabi, e simulan mo ng umalis ASHARI!


"Hoy babae, saan ka pupunta?"



SPEAKING OF! AYAN! AYAN ANG SINASABI KO E! PAHAMAK NA MGA PUSA!


Nanigas ako sa katayuan ko. Naka-akmang lalakad pa naman ako ng palihim ng maabutan ako ng magaling kong tatay. Dahan dahan kong pinilig ang ulo ko palikod at tadaaaahhh, kahit madalim, kitang kita ko pa din ang akala mo mangangain niyang mukha!


"Aalis ka ng ganitong oras? Tatakas ka?"


Leche naman oh, bakit ba kasi umuwi pa siya dito e? Bakit hindi nalang siya bumyahe hanggang sa magawa ýung bahay ko sa isla!


Inis na tumayo ako ng maayos at ginaya ang pagcross-arms ng magaling kong tatay.


"Bibili lang ako ng patis kay Aling Marites!" pagsusungit ko. Sana lumusot.


"Patis? Aanhin mo ng patis ha? Ipangkukuskos sa kilikili mo? Sarado na si Marites, Ashari! Kung gagawa ka ng dahilan, ayus-ayusin mo. Gawin mong makatotohanan."


Sabi na't hindi ako lulusot e.


"Kung makadiwara ka naman sa akin daig mo pa nagme-menopause! Bakit, kapag ba nagdahilan ako ng makatotohanan, papayagan mo akong umalis? Hindi naman diba?"


"Saan ka ba pupunta?"


Ngumuso ako at nag-isip kung magsasabi ba ako ng totoo o hindi. "Pupunta ako sa party." pagsuko ko. Di na ako aasa na papayagan ako ng magaling kong tatay.


"Party?"


"Oo! Party sa bar, bakit sasama ka? Pakilala kita sa mga bebe gerl don bet mo?" malay mo gusto palang humanap ng bebe nitong tatay ko. Malay mo sa bar siya makatagpo. 


Hindi ko alam kung saan nakakuha ng nakarolyong diyaryo ang tatay ko, "ARAY!" reklamo ko sabay himas sa noo. "Hoy irereklamo na talaga kita sa DSWD sa pagmamaltrato mo sa sarili mong anak!"


"ANAK? ANAK BA TALAGA KITANG BABAE KA? HALIKA DITO, KULANG PA HAMPAS NA IBINIGAY KO SAÝO!" lumapit ang tatay ko sa saken kaya mabilis akong tumakbo palabas sa pinto.


"AHHH!!! HINDI NA NGA E! HINDI NA AKO TATAKAS!!!!"

Pilit kong binubuksan yung doorknob pero ayaw bumukas. Leche sa sobrang luma ng doorknob ng bulok na bahay na'to, hindi na tuloy mabuksan!


Naabutan tuloy ako ng magaling kong tatay!


Pinukpok niya ako ng tatlo sa ulo. "ARGGHHH!!! NAKAKA-INIS KA TATAY! Irereklamo talaga kita sa pagmamaltrato ng menor de edad!" sigaw ko sa kaniya. Hindi ako nasaktan sa ulo pero yung pride ko ang nasaktan! Bwisit!


"Magbe-bente ka na! Anong menor de edad!"


"Kita mo, miski edad ko hindi mo alam. Mag nineteen palang ako!" 


Speaking of, malapit na birthday ko. Tatanda nanaman ako ng isang taon.


"Ahh, nineteen ka palang ba?" walang kwentang tatay talaga. "Aalis ka ba talaga?"


Biglang nag-iba ang boses ni tatay. Medyo nagtaas ako ng kilay. Parang boses ng guilty e, ganon.


"Oo, aalis ako kung papayagan mo ako." syempre nahuli na ako sa akto, kung hindi siya papayag edi no choice ako kundi magpatay ng oras sa kwarto ko. Panigurado kasi hindi din naman ako makakatulog.


"Sige, papayag ako." ay wehhh! Lumawak ang ngiti ko. Bigla kong nakalimutan na isa siyang walang kwentang ama. "Sa isang kondisyon..."

Bumalik ang sibangot ko. Sabi na e, hindi ako makaka-alis ng walang kondisyones.


"Ano?" walang buhay kong tanong. 


"Tawagan mo si Tony, isama mo siya."


HA! TONY NANAMAN! TANDANG TANDA KO NA ITONG MAGALING KO DING TATAY ANG NAG UDYOK SA AKIN PARA JOWAIN KO SI TONY E!


Bakit ba tiwalang tiwala siya sa leche kong ex? Kung alam mo lang tatay, niloko ako ng bwisit na'yon!


"Si Kiffy nalang isasama ko."


"Hindi ko kilala yang Kiffy pero alam kong hindi ka din sasamahan non. Si Tony lang ang nagtyatyaga saýo kaya sige na. Kung gusto mong umalis, isama mo si Tony, kung hindi mo siya isasama, umakyat ka na sa kwarto mo at magkulong ka nalang don!"



At dahil walang kwenta ang tatay ko, pumayag na din ako sa gusto niya.



Sa mga panahon na'to, mas gugustuhin ko ng masuya sa pagmumukha ng pinyang si Tony kaysa magkulong ako mag-isa sa kwarto.



Ayokong mag-isa...



Hindi pa sa ngayon...




______




Lumipas ang gabi na si Tony ang kasama ko sa bar. Ito na ang pinaka boring at pinaka nakakabwisit na gabi na naranasan ko simula ng matuto akong magparty.


Leche naman kasi, si Tony pinalibutan ng mga babae at bakla, naipit ako sa kanila at hindi nila ako pina-alis sa pwesto ko dahil madami daw silang tanong tungkol kay Tony. Ang hindi ko lang gets, bakit sa akin pa sila magtatanong e pwede namang direkta na kay pinya.


Hay nako, ewan ko din ba kung duling sila o banlag., Ano ba ang meron sa pinya na'to? Bakit bet na bet nila?


Alas singko ng madaling araw ng lumabas kaming dalawa ni Tony. Nag-aya siya sa 7/11, don na daw kami mag breakfast bago umuwi. Iritadong iritado lang ako buong oras na kasama ko siya. Bwisit na bwisit din ako dahil hindi mawala sa sistema niya yung baby boo kineme kineme! 



"Ashari ko?" at ang pagdagdag pa niya ng 'ko' sa Ashari ang nakakapagpadagdag sa inis ko.


Hindi ko siya pinansin, hinigop ko lang ang mainit na soup ng cup noodles na nilalapang namin.


"Ang saya ko..." mahina niyang bulong sa tabi ko. Naka-upo kami sa bench dito sa 7/11, kaharap ang labas. "Nakasama kita ng matagal ngayong gabi." akala mo siyang natatae na nahihiya.


Hindi ko pa din siya pinansin. Bakit ba cup noodles ang kinakain ko e milyonarya ako.


"Baby boo bear..."


Argghhh ang dugyot!


"Pwede ba kitang ligawan ulit?"


Halos maibuga ko ang soup na hinigop ko sa sinabi ni Tony. Nasamid tuloy ako. "T-tubig nga!"


Mabilis akong inabutan ng tubig ni Tony. "Nabigla ba kita Ashari ko? Patawad, hindi ko sinasadya."


Nilagok ko ang tubig. Pagkatapos mawala ng bara sa lalamunan ko, marahas kong ibinaba ang basyo ng tubig sa lamesa atsaka tiningnan ng masama si Tony. Kung dati ngingitian ko lang siya para matapos ang lahat ng eksena niya, pwes ngayon hindi. Kagabi pa ako nagtitimpi sa pagmumukha niya e.


"Tony, limang taon na simula ng niloko mo ako. Tama ako diba?"


"Mali ka Ashari ko...mag-a-anim na taon naýon."


Naihilamos ko ang palad sa mukha. Bakit ba nakaka-stress kausapin 'tong si Tony.


"Lima o anim o kahit magsampo man, wala na ok? Tapos na tayo! Hindi na pwedeng maging tayo ulit kaya no way, eww lang, hindi kita papayagang manligaw."


"Bakit naman hindi? Wala naman akong tinatapakang iba, wala ka pa namang boyfriend, boto naman si Tatay mo sa ating dalawa. Bakit hindi?"


Argh, anong salita pa ba ang kaylangang marinig ng pinya na'to? "At sino nagsabi sa'yo na wala akong boyfriend?"


Walanjo, Ashari, kung ano man ang binabalik mong idahilan kay Tony, huwag mo ng ituloy please lang!!!!


"W-wala ka naman boyfriend diba?"


"May boyfriend na ako!" Argh, desperada na ako, magsisinungaling na ako tigilan lang ako ng pinya na'to.


"Kilala kita Ashari, hindi ako naniniwala sa'yo."


Nyenyenye! Bakit parang ipinapamukha ni Tony na hindi ako kajowa jowa? Mukha ba talagang walang papatol sa akin? Bwisit na Tony 'to!


"Edi huwag, hindi kita pipilitin na maniwala sa akin. Basta hindi pwede! Tapos na 'yung atin five years ago, Tony!"



Inirapan ko siya bago tuluyang inubos ang cup noodles ko. "Ano pangalan?"


Sinulyapan ko si Tony, akala mo siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.


"Pangalan nino?"


"Ng boyfriend mo Ashari...ano pangalan niya?" 


Kapag ba nagsabi ako ng kahit anong pangalan sa isang 'to titigilan na niya ako?


Walang buhay na tumingin ako ng diretsyo sa labas ng glass window nitong seven eleven. Ano bang mapapala ko sa pakikipag-usap dito kay Tony?


"Hindi ko ba pwedeng malaman ang pangalan niya?"


Nagtanong pa ng isang beses si Tony pero nakatitig lang ako sa labas. Nakatitig ako sa isang pigura na biglang nahagip ng mata ko. Nakatayo ito sa hindi kalayuan at dahil medyo madilim pa, hindi ko masiguro kung tama nga ba 'yung nakikita ko.


"Ashari, ano pangalan ng boyfriend mo?"


"Easton..." napatayo ako sa kina-uupuan ko. 



Teka sandali!


"Easton ang pangalan niya? Ashari?"



Biglang naglakad palayo ang pigura sa dilim. Teka lang! Sandali lang, may gusto lang akong itanong!



Easton sandali!!!!


"ASHARI!"


Tumakbo ako palabas para sundan 'yung taong nakita ko. Paglabas ko at pagpunta ko sa pwesto kung nasaan siya kanina, wala na akong taong naabutan.



"Ashari, anong nangyayari?"


Napa-angat ako ng titig sa mukha ni Tony. Nakahawak siya sa braso ko at nag-aalala.


Ng magising ako sa wisho ko, isang batok ang ibinigay ko sa kaniya.


"Ackk--aray Ashari ko, ganyan ka ba talaga magmahal? Nananakit?"


"Subukan mo pang magtanong tungkol sa boyfriend boyfriend na'yan, sa susunod hindi lang batok ang aabutin mo."


Leche, dahil kay Tony may mga nakikita akong hindi ko dapat nakikita! Naghahallucinate na ako.


"Sabi na wala ka talagang boyfriend! Easton pa ha, saang k-drama mo nanaman napanood 'yung may bida na Easton para mag-imagine ka na boyfriend mo siya?" 



Kakasabi ko lang na huwag siyang magbabanggit ng tungkol don diba?



Sampong hampas sa ulo ang inabot ni Tony sa akin hanggang sa maka-uwi kami ng bahay.






____



A/N: May part 2 po ito, nag cut ako kasi mahaba masyado ang chapter HAHAHAHA! Wait lang po sa susunod :)


Anyways, this chapter is dedicated to @ ???  


HAHAHAHA, MAG DEDICATE AKO, FIRST THREE TO COMMENT NG USERNAME NILA, SILA PO PAGDEDEDICATEAN KO NEXT CHAPTER! LOVE LOTS BABYSITTERS!

Continue Reading

You'll Also Like

970K 30.8K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
3.1M 86.9K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
617K 26.9K 38
Ink Fuego found herself in a situation she never even imagine. Nagising nalang siya isang araw na kailangan niyang sambutin ang responsibilidad na da...
760K 40.9K 103
an epistolary