Titibo-tibo (COMPLETED)

By majestingg

16K 2K 37

COMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa b... More

Titibo-tibo
Prelude
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note

Special Chaper 2

112 6 0
By majestingg

Thoughts About Drex's Kagaguhan

Ang sarap sa feeling na mag-isa ka lang sa bahay. Shet. Papa-overnight ko talaga mga tropa ko rito para naman open-time sa inuman. May bago na kasing trabaho si Papa, bodyguard siya nung C.E.O na kaibigan ng Tatay ni Genesis. Nasa Cebu sila ngayon. Choks na choks naman siya kaya G ako. Basta masaya si Papa. Sina Tiyang at Joseph naman nasa probinsiya roon sa side nina Tiyong Carlos. Niyaya nila ako pero umayaw na ako. Hindi ko trip, e. Walang signal do'n!

"Ay, depota!" sambit ko nang hindi ko mapindot-pindot iyong ranked game dahil may kumag na invite nang invite. Tangina. Papabuhat lang naman 'to, e. Sus.

Naglaro muna ako ng isang game tapos nag-magic chess na lang ako dahil natalo iyong unang laro. Ayoko na ulit kasi baka 'di ko araw ngayon. Mahirap na baka ma-loss-streak ako. Sumpa pa naman 'yang ganyang sign. Buti pa sa magic chess, chill lang.

Kasalukuyan akong naglalaro nang biglang napamura na naman ako dahil may tumawag. Napairap na lang ako dahil ayaw ko rin namang i-reject. Kanina ko pa hinihintay 'to! Bakit ngayon pa kung kailan intense na iyong laro ko. Awit.

"Naglalaro ako," sabi ko kay Xyll.

"I'm on my way there."

"Ano? Dala ka pagkain. Katamad mag-saing," sagot ko naman. Narinig ko siyang natawa.

"Labas na lang tayo?"

"Ayoko. Katamad. Gusto ko lang humiga ngayong araw. Wala akong tambak na hugasan at saka walang gagalaw ng mga gamit sa bahay ngayon kaya walang kalat," sabi ko pa.

Galing kasi iyong kumag na iyon sa airport, hinatid si Drex. Gago kasi 'tong si Drex, e. Kung ako siguro iyong kaibigan nung Tine baka nasapak ko na siya dahil sa ginawa niya. Kahit naman gusto niyang ipaglaban, nakakainis pa rin kasi ang tanga niya! Nakakainit ng dugo. Hindi ko na maintindihan 'tong mga kaibigan ni Xyll, parang pinanganak talagang mga gago.

Maya-maya lang ay dumating na rin si Xyll na may dala-dalang pagkain. Bumaba agad ako para salubungin siya.

"Naks, naman. Good boy!" salubong ko sa kanya saka niyakap siya. "Ano nang balita kay Drex?"

Umupo siya sa sofa, at dahil nakayakap kami sa isa't isa pati ako ay napaupo na rin. Hinalikan niya ako sa noo ko. "He's so wasted."

"Tsk. E, 'yung si Tine? Binisita niyo na?"

"No. Dumeretso kami sa airport."

Napalayo ako sa kanya saka siya hinampas. "Hinayaan mo 'yon?!" Inis na saad ko. "Alam mo kung ganyan gagawin mo sa 'kin, baka hindi na 'ko magpapakita kung babalik ka."

Pero tinawanan lang ako ng gago. "But Drex need to calm down, first. I think it's better if haharap siya kay Tine na okay siya. It won't solve anything if they are both wasted. Pareho lang naman sila nawalan..."

Kinuha ko iyong chips na supot na dinala niya. "Pero kailangan siya ni Tine ngayon. At syempre, kailangan niya rin si Tine. E, diba, according to Tori naman, si Tine 'yung naging sandalan talaga ni Drex sa lahat ng mga babae na nakilala niya? So, in conclusion, dapat hindi muna nila iniwan isa't isa."

Kinurot bigla ni Xyll iyong pisngi. Hinampas ko naman agad iyong kamay niya. "You know what, kumain ka na ng kanin. Hindi puro chips," aniya saka inagaw sa 'kin iyong chips.

"Nakaka-stress naman nangyayari. May practice pa 'ko mamaya. Sama ka?"

"Saan?"

"Sa school. 'Tsaka pala huwag ka nang sumama. Magkaibang team pala tayo. Baka mang-spy ka, e!" sabi ko, pero napansin kong nakatingin lang siya sa sahig. "Hoy, anyare sa 'yo?" tanong ko habang binubuksan iyong pagkain na dala niya.

Bumuntong-hininga siya saka tumingin sa 'kin. "I'm just worried about Drex. God, it feels so sucks."

"Kung ikaw nasa posisyon niya, iiwanan mo rin ba ako?" kaswal na tanong ko saka sumubo ng pagkain.

"Of course not! Why would you ask like that?" Parang nagagalit niya pang sambit.

"Wala lang. Imagine kasi, 19 pa lang sila tapos... gano'n?"

"Ikaw? Would you abort the baby if that happens?"

"Ewan ko! Pero kapag iiwan mo ako, edi iaabort!" Diretsong sagot ko. Subalit napaisip din naman ako sa sinabi ko. Gagi, parang hindi ko rin ata kaya 'yon, e. Punyeta, iba talaga nagagawa ng pagmamahal.

"Why are you kept saying na iiwan kita? Hindi mangyayari 'yon," sabi niya. "But seriously, if that happens to us, would you keep the baby? Kahit na bata pa tayo?"

Napatigil ako bigla sa pagnguya. Inisip kong mabuti kung paano ko ba sasagutin iyong tanong niya. "Kaka-20 lang naman natin last month, so hindi na siya teenage pregnancy kung sakaling mangyari sa 'tin 'yon."

Napasapo si Xyll sa noo niya. "No, what if we were Drex and Tine?" Bakit ba kasi ang layo ng agwat ng buwan ng kapanganakan ni Drex at Xyll? Si Dee, February. Si Xyll, March. Tapos si Drex, December?! Pinaka-bunso sa kanilang tatlo tapos unang naging tatay?! Kagagawan niya 'yan, e.

"Syempre, oo. Ikaw 'yung daddy, e. Kilig ka na niyan?" Pang-aasar ko pa. "Pero seryoso, malamang! Sa dalawang taon ba nating pagsasama, sa tingin mo wala pa rin akong tiwala sa 'yo?!"

Ngumiti naman itong si Xyll. "I love you."

Inikutan ko lang siya ng mata. Wala na atang masabi, e. Pero sa totoo lang, kung ako man ang nasa posisyon ni Tine, magda-dalawang isip talaga ko kung iki-keep ko iyong bata. Aba! Sinabi ba naman sa 'kin ni Tori na hindi pa raw talaga girlfriend iyon ni Drex!

"So arte. Buntisin kita ngayon diyan, e." Agad naman akong nabilaukan nang sabihin niya iyon. Mabuti na lang at may dala siyang juice ngayon!

"T-Tangina." Nauubong sambit ko pagkatapos kong uminom ng juice.

Nakangiti naman itong gago. Pumasok tuloy sa isipan ko iyong eksena nung birthday niya!

"Sorry." Natatawang sambit niya.

"Umayos ka Xyll, ah. Porke wala sina Papa rito! Landi-landi mo. Ipapa-abort ko talaga 'yung batang mabubuo ngayon, e, 'tamo."

"But when you said, if that happens to us and now that we're 20... so that means?"

Naihampas ko sa kanya iyong unan sa tabi ko. "Jusko, Xyll. Nahahawaan ka na sa pagka-baboy ni Drex!"

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit at hinalikan ako. Mabuti na lang at walang kanin sa loob ng bunganga ko ngayon dahil ang awkward naman kung mapapasa 'yon sa kanya.

Napabitaw na lang ako saka natawa dahil sa naisip.

"What's so funny?"

Nawala tuloy iyong tawa ko. "Wala!" sagot ko habang sinisimulang iligpit iyong pinagkainan ko. "Kumakain tayo, e. Hahalik-halik ka r'yan."

Natawa naman siya. "Okay. Pagbalik mo, prepare yourself to what I am planning today."

Gulat akong napatingin sa kanya. "Hoy, Xyll!" sita ko saka hinampas siya sa hita. Tumayo na lang ako kaagad at pumunta sa kusina para ilagay iyong sobra sa ref. Jusko, parang ayaw ko na tuloy bumalik do'n sa sala! Baka kung ano pang mangyari, e. May practice pa ako mamaya para sa battle of tha bands. Ayoko namang paika-ika akong maglakad! Gano'n 'yung nangyari kay Tori nung birthday ni Xyll, e. Gumawa sila ni Dee ng milagro sa mismong kwarto kung saan ako natutulog!

Hinintay ako ni Xyll mag-ayos dahil ihahatid niya na lang daw ako sa school. Pagdating naman doon ay naabutan namin ang TorDee couple na mukhang kahahatid lang din ni Dee kay Tori.

"Aish. Na-miss ko tuloy bigla si Drex!" sambit pa ni Tori habang inaayos iyong mga dala niyang gamit. Siya kasi representative ng team nila.

"Are you going to the hospital?" tanong ni Xyll kay Dee.

Uming lang si Dee. "Driella's there."

Nagkibit-balikat naman si Xyll. "Well... aight."

"Okay. I'll go ahead, then," sabi ni Dee saka lumapit ka Tori para halikan ito. "Tori doesn't want me to come inside, if you two wonders."

Napangiwi ako. "Arte niyo," sabi ko sa kanila saka tumingin na kay Xyll. "Male-late na ako. Anong oras laro niyo? Wait na lang kita ro'n?"

"No, just wait at the music room. Ako na pupunta."

Nang tuluyan nang makabalik si Dee sa sasakyan niya ay saka na kami nagpasyang pumasok. Since pareho naman kami ni Tori ng direksyon, hindi na ako hinatid pa ni Xyll. Sa gymnasium papunta si Tori, ako naman sa music room—which is parehong nasa main building lang. Pitong palapag kasi iyong main building, sa 6th floor lang ako at 7th naman si Tori kaya mauuna ako.

Pagdating ko sa music room, wala pa iyong magtuturo sa amin. Kaya nag-practice na lang muna akong bumirit-birit dahil sobrang taas ng kakantahin ko. Mabuti na nga lang at ka-team ko si Gelo, siya iyong ka-duet ko ngayon sa pagkanta. Kiss (Never Let Me Go) by Thyro and Yumi kasi iyong napiling kanta ng coach namin. Sobrang bibo raw kasi ng drum sa dulo. Kakainis, kami namang singer iyong hirap!

Maya-maya lang ay tumayo si Gelo. "Oy, Demi. Sundan mo, ah. Medyo hirap ako rito," aniya. Nakakapanibagong kakanta siya na hindi niya hawak ang gitara niya. "Ooh baby, ooh baby, ooh baby. Where'd you learn to work that way..."

"I said you, you, you..." Dugtong ko.

"You are driving me insane."
"You are driving me insane."

"Would you come with me, Baaaaaaaabe!"
"Would you come with me, Baaaaaaaabe!"

"Ah, bwisit, magse-second voice pa ako," sabi ko naman pagkatapos.

"Gusto mo i-practice natin ngayon? Ayos na ako ro'n."

"Sige sige."

Sinimulan namin ang pag-practice. Tatlong kanta kasi iyong kakantahin namin. Iyong una ay Time Machine na sinuggest ni Gelo. Hindi raw kasi masyadong mataas iyon at para panlinlang na rin sa mga kalaban. Ang susunod naman namin na kakantahin ay Kung 'Di Rin Lang Ikaw by DecAve, which is pinag-usapan namin ni Gelo as warm up namin. Gano'ng kanta kasi iyong forte namin kaya para maging comfort song na lang, para iwas kaba sa biritan. Umay talaga, hindi naman ako bumibirit kaya sana kakayanin ko!

Nang oras na para kantahin iyong Kiss, hindi ko maiwasang humiling na sana hindi ako mapiyok. Kapag kasi nangyari iyon, baka kakabahan ako nang bongga pagdating ng finals.

"You are driving me insane."
"You are driving me insane."

Diyan na naman 'yang part na 'yan. Parang bwakanang shet.

"Would you come with me, Baaaaaaaabe!"
"Would you come with me, Baaaaaaaabe!"

Napapikit ako.

"Hold me close, by your side."
"Hold me close, by your side."

"Baby never let me go..." Si Gelo.

"Never let me go through the night..." Sa pagdilat ko ng mga mata ko. Si Xyll iyong unang nakita ko habang naka-sandal pa sa gilid ng pintuan. "As I open my eyes..."

"Baby, kiss me from my nose down to my..."

"Oh oh oh..." Nakita kong natawa si Xyll nang kantahin ko iyon. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil bigla akong na-bwisit. Hayop 'tong kantang 'to, ah! Hindi ko naman 'to napansin no'ng una!

Hingal na hingal ako matapos naming kantahin iyong kanta. Biritan malala!

Naglakad na papasok si Xyll habang pumapalakpak pa.

"Spy, uy!" sabi ni Gelo sa kanya.

"Wala na, panalo na kayo," sagot naman ni Xyll.

"Nandito ka? 'Kala ko ba may practice kayo?" tanong ko naman.

"Uy, nagmessage si Ma'am. Tayo-tayo na lang daw muna magpractice. May emergency meeting daw kasi, may away daw na naganap sa mga baseball players," sabi naman nung drummer namin.

Agad naman akong napalingon kay Xyll. Kinibitan lang ako ng balikat ng gago.

"Kasama ka ro'n, 'no?" tanong ko.

"Anyare, pre?" tanong naman ni Gelo sa kanya.

"I don't know. Pagdating ko nagtutulakan na sila. That's why I went here instead, baka madamay pa ako, e," sagot niya. "Sige na, mag-practice na kayo. I'll be the audience. Sarap pakinggan boses ng asawa ko."

"Umay!" sigaw ni Gelo saka bumalik na roon sa pwesto niya kanina. "Pero ano kayang nangyari ro'n sa mga baseball players. Sigurado kang hindi mo alam, pre?"

Bumuntong-hininga si Xyll saka naupo. "Well... it's better not to talk about it." Pagkatapos ay tumingin siya sa akin at nakataas pa ang isang kilay.

Ano na naman kaya 'yon?!

Continue Reading

You'll Also Like

927K 26.4K 48
✴FICTION ✴COMPLETED ✴UNEDITED ✴HEAVEN WINTER SNOW LOURDE♥
11.7K 1.1K 62
Si Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong da...
146K 3.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
83.7K 3.5K 109
Zavier Yutsuko a girl, no scratch that a boyish girl. Having a simple life is her dream, just goofing around have fun, entering a boys fight, that's...