Glistening Lantern (Gazellian...

By VentreCanard

1.9M 150K 59.2K

Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have ma... More

Glistening Lantern
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 10

37.9K 3.5K 1.9K
By VentreCanard

AN/ You can hear the music above for a better reading experience :)

Chapter 10

Kiss

Hindi na nagawang makasagot ni Caleb sa katanungan ko, sa halip ay pinili na lamang niya ang mahabang katahimikan habang nangangabayo kami patungo sa susunod na kaharian. Lalong hindi na rin naman ako gumawa ng usapan sa pagitan namin, kaya hanggang sa makarating kami sa Itara Thenon ay hindi na kami nagpansinan.

We were welcomed by the huge stoned wall with a delicate steel bar gate in the middle. Atop of those steel bars were sharp edge cut that could easily kill someone that would attempt to trespass the entrance. The guards on the post were also armored not just with silver metallic uniforms, but also with their magical weapons that could easily incapacitate any living Attero.

I took a lump on my throat. I could even hear the rapid beating of my heart.

Nagawa man namin makatakas sa Itara Thethoris kung saan naninirahan ang mga Callista, walang kasiguraduhan ang aming kaligtasan sa kahariang aming hinaharap sa mga oras na ito. Halos hindi na ako makagalaw sa ibabaw ng kabayo dahilan kung bakit nauna nang bumaba sa akin si Caleb.

Wala sa sarili kong ibinaba ang talukbong ko upang higit na itago ang aking kaanyuan. Hanggang ngayon ay wala pa kaming ideya ni Caleb kung ano na ang sunod na hakbang ng mga Callista at ang siyang reaksyon nila sa nangyaring sunog at pagkawala namin ni Caleb.

My wise sister may have an idea about the real story, but they will surrender me. They will try their best to stall the movement of the Callista clan against me.  Ngunit hanggang saan? Hanggang kailan? There's always a limit to their help.

Tulad nang itinanong sa akin ni Caleb tungkol sa relasyon ng Itara Thethoris at Itara Thenon na hindi ko na nagawang sagutin, base sa aking naririnig mula sa usapan nina ama't ina, hindi nga maganda ang relasyon ng dalawang kaharian. Even the communications of the group of earth mages weren't good as I remember. So, even if the Callista family already had sent a letter about us, the group of earth mages here wouldn't be as cooperative.

Hindi ko alam kung dapat ko na ba iyong ipagpasalamat. Everyone around us could be an enemy. Mula man sa angkan ko o kaya'y sa panibagong kaharian na papasukin namin.

"Anna..."

Mahinang tawag ni Caleb ang siyang gumising sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Inilahad na niya ang isa niyang kamay upang alalayan akong bumaba ng kabayo.

"I can manage—" he cut me off.

"You can't," agad nawala iyong kamay niyang nakalahad sa akin at mabilis ko iyong natagpuan sa baywang ko. He swiftly pulled me down with his skilled hands on my waist. Ilang beses niya palang nagagawa iyon ay parang sanay na sanay na siya.

"There." He grinned at me.

Bakit hindi ko man lang makita sa kanya ang bakas ng pangamba? We can't just forcibly enter this kingdom without getting interrogated by these two intimidating guards. At alam kong ang anumang pag-uusapan namin ay maaaring makarating sa itaas. Though, I am confident that even if they had a full glimpse of my face, they wouldn't recognize me as someone important. Lalo na't hindi naman pa talaga ako ipinakikilala ng mga Callista sa madla dahil sa kakulangan ko.

But I can't just simply take the rumors lightly...

"Calm down, Anna."

Saglit akong napatungo nang hawakan ni Caleb ang kamay ko. He intertwined our fingers together as the long arms of our cloak hid our clasped hands. Muli siyang ngumisi sa akin.

"I got your back," mas mahinang bulong niya sa akin.

As we approached the entrance with our clasped hands, and a rope in Caleb's hand to guide our horse, the guards alerted themselves, I even saw how they tightly gripped their weapons. Of course, we're unannounced visitors of their kingdom, it's normal for them to be wary of us.

"Good afternoon, sire..." panimula ni Caleb.

Nang humakbang pa kami ni Caleb ay mabilis nang ibinaba ng dalawang kawal ang dala nilang mahabang sandata at gumawa ng krus upang iparating sa amin ang mensahe na hindi kami basta na lamang makapapasok.

"May imbitasyon ba kayo mula sa loob?"

Iyon ang tanong na kinatatakutan ko. Even a talisman that can fake an item will not pass this security, baka higit lang kaming mapahamak. Mas humigpit ang pagkakahawak ko kay Caleb, dapat ay hihilahin ko na siya palayo sa mga bantay ngunit napalingon na lang ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Tipid siyang yumuko sa dalawa.

"Paumanhin. But I am just desperate in need of a competent doctor for my wife," may pag-iling pa siya na parang nawawalan na siya ng pag-asa.

Huh?

Binitawan na ni Caleb ang kamay ko at ipinulupot niya iyon sa baywang ko. "We've been married for years...and she experienced miscarriage twice. You...you..." isa-isa niyang sinalubong ang mga mata ng dalawang kawal na parang anumang oras ay tutulo na ang luha niya.

Caleb is indeed a great actor!

"Are you married? Are you already a father? A loving husband? I can't take seeing my wife suffers the most if I can do something to end it. I failed to ask for an invitation since I am desperate enough to take an action. I heard how competent the doctors and sorcerers in this kingdom..."

Mas hinila ako papalapit ni Caleb sa kanya at saglit nanlaki ang mga mata ko nang tumulo ang luha niya sa harap naming tatlo na may kasama pang paghalik sa ibabaw ng talukbong ko.

"If you can't allow us to enter... at least allow my wife to find the right doctor inside. I-I can stay here and wait..." nangangatal pa ang boses niya.

Dahil parang mga ama't asawa nga ang mga kawal na nakabantay sa amin, nakailang senyasan pa ang mga iyon, pansin ko rin na parang napapaluha na ang dalawa at nadala na sa madramang tagpo namin ni Caleb.

"Mahal, mauna ka na, ha? Hihintayin na lang kita rito sa labas," pilit ko nang itinatago ang ngiwi ko dahil sa magaling na pag-arte ni Caleb.

Tuluyan nang sumenyas ang isa sa dalawang kawal doon sa mga bantay rin sa itaas na siyang nagbubukas at sara ng bakal na harang.

"Maaari na kayong pumasok. Marami ngang magagaling na doctor dito sa mga buntis, tama ang kahariang pinuntahan n'yo."

"Maraming salamat!" malakas na sabi ni Caleb.

Nagawa niya pang yakapin gamit ang isa niyang braso halinhinan ang dalawang kawal at ilang beses niyang tinapik ang mga iyon sa likuran. Hindi na rin naman nakapalag ang dalawang kawal sa pag-aakalang si Caleb ay isang ulirang asawa at masyado lamang natuwa sa nangyari.

I tried my best not to notice the easy damage on those silver armored on the guards' chest. Tipid lang binangga ni Caleb ang dibdib niya roon ay parang natupi na. Mariin ko nang hinila si Caleb habang nagsisimula nang umangat ang bakal na harang.

Kailangan na naming magmadali bago pa nila mapansin ang ginawa ni Caleb sa kasuotan nila.

"Maraming salamat..." ani ko sa dalawang kawal na tumango sa amin ni Caleb habang pababa na muli ang harang.

Just like the entrance of every kingdom ni Fevia Attero, we were welcomed by busy creatures with different professions. Most of them were people with different flyers brandishing their businesses, powers, abilities, traditions, and other temptations that would make you offer your sack of gold.

Unang lumapit sa amin ay isang bata na namimigay ng papel kung saan maaari kaming tumigil.

"Inn?" tanong ni Caleb.

"We need to find a cheaper—"

Yumuko si Caleb sa bata. "Alin dito ang pinakamahal?"

"Caleb!"

"It's okay," kumindat siya sa akin at pinagpatuloy niya ang pagkausap sa bata. Sumunod na lumapit sa amin ay isang matanda. He offered us service for our horse.

Sinabi nito sa amin kung saan kami titigil at doon niya dadalhin ang aming kabayo.

"Isn't he suspicious?" bulong sa akin ni Caleb.

"It's fine. Ganito talaga sa Attero. May napili ka na bang tutuluyan natin?"

"We should sell the horse, Anna. They can easily track us using your horse," saglit akong sumulyap sa kabayong kinuha pa namin sa mga Callista. Gusto ko sanang iyon pa rin ang gamitin namin, pero tama ang sinabi ni Caleb.

I even had an idea of it.

Tumango ako.

Lumapit na si Caleb doon sa matanda at sinimulan na niyang makipag-usap. Habang abala si Caleb ay pinili ko munang maglakad-lakad na hindi lalayo sa kanya. The entrance of every kingdom in Attero is as lively as this, lalo na't dapat ay ganito naman talaga ang pagsalubong sa mga bumibisita o kaya'y mga dayuhan.

Aside from the people giving pamphlets, there are also different stalls that sell different magical items that cater the pride of Itara Thenon. Even domestic magical beasts, na hindi lang maaaring alaga sa bahay kundi malaki rin tulong sa proteksyon sa sarili.

Nauna akong nagtungo sa tindahan ng mga bulaklak. I could see different varieties of flowers with colors, size, appearance, and even fragrance.

"Anong bulaklak ang nais mo, hija? Mayroon kaming maaaring magbigay sa 'yo ng mahimbing na tulog at magandang panaginip. Mayroon din kaming sa sandaling inilagay mo sa 'yong silid ay magbigay ng mababa o mataas na temperatura, mayroon din kaming bulaklak na may naninirahang maliit na diwata, aawitan ka nito ng isang beses bago siya tuluyang kumawala. Nagbebenta rin kami ng bulaklak na ang mabangong arouma nito'y nagdadala ng magandang kutis o kaya'y nais mong makatulong sa inyong mag-asawa... magsabi ka lang sa akin ng iyong nais, hija..." napalingon ako kay Caleb na ngayon ay katabi ko na.

"How about flowers that can bring you somewhere...?"

"A teleportation flower?"

"Yes," tipid na sagot ni Caleb.

Wala na sa babae ang atensyon niya, sa halip ay naroon na ang isang kamay niya sa mga nakahilerang bulaklak habang ang dulo ng mga daliri niyang maingat na nanunulay roon. 

Napailing na lang ang babae. "Wala kami niyon, hijo. Ngunit sa kabilang tindahan ay nag-aalok ng mabilis na transportasyon, hindi na rin iyon nalalayo sa kailangan mo."

"Hmm..."

"How about a flower that can make someone prettier?"

"Sa kutis! Ito—"

"Not that. I mean... a natural flower. Not enchanted. My companion doesn't need any enchantment for her beauty."

"Normal na bulaklak?"

"Indeed."

Saglit sumulyap sa akin ang babae na may kakaibang ngiti sa kanyang mga mata bago siya tumalikod at kumuha ng puting bulaklak. She handled it with Caleb, and then Caleb gave him five silver coins.

"Keep the change."

Hindi na ako nakapagsalita pa nang igiya niya ako papalayo sa tindahan ng nakangiti pa ring babae. Magsasalita na sana ako para sabihin kay Caleb na tigilan na niya ang pagpapanggap niya sa harap ng mga tao, nang iabot na nga niya sa akin ang puting bulaklak.

Ilang beses akong kumurap sa puting bulaklak sa harapan ko. We're still walking together but his gaze was straight on the road.

"What's this?"

"A flower."

"I mean... what for?"

"I am naturally a gentleman, Anna. A woman looking at flowers deserves someone who can give her one. Accept it or I'll throw it."

Dahil hindi ko gustong masayang lang ang puting bulaklak ay tinanggap ko na iyon. "I wasn't expecting for a flower. Tumingin lang ako. At hindi mo na rin kailangan pa magpanggap. We passed the gate. I am no longer your wife that can't bear a child."

Nauna na akong maglakad sa kanya, ngunit tumigil din ako at saglit at humarap sa kanya habang bahagyang nakalapat sa tungki ng ilong ko ang bulaklak na ibinigay niya, tipid ko iyong pinaikot gamit ang isang kamay ko na siyang nakita kong ginawa niya.

We're in the middle of a busy street with colorful stalls that serve as an aisle for us. There were hurried people from left and right with their elegant dresses, umbrellas, hats, and canes. I could hear the sounds of the carriages, the horses, and even the voices of the coachmen, yet I suddenly felt like a stuck stranger in a very strange place... no, I am not a woman lost in a strange place, but a traveler found a new place.

I am a traveler dressed in a common dress, covered by a cheap cloak with a white expensive flower on her hand. A sudden wind blew. There were swirling glitters of colorful mana around us, the lively music of orchestra band, magical birds flying, scents of different flowers, and aroma of luxurious coffee, pancakes... and even the orange light of the day that's beginning to end.  

Fevia Attero is a known magical place, but I never thought that it would make me feel more magical today, the moment I locked my eyes on him, with his admiring eyes on me, and his lips half-opened.

The cloaks on our heads suddenly fell as the wind continued to blow.

He has a mate. He keeps reminding me and himself, but everything seems so conflicted between us?

But the confliction, confusion, and hesitation between us suddenly disappeared for a moment, because Caleb who dignifiedly firmed our accomplice relationship just crossed our safe distance, and in a brief moment, I found him desperately cupping my face to meet his begging lips to brush mine.

His eyes were red as blood was about to burn me.

And when he's about to further weaken me, and forget that I am not destined for him, I uttered the words that would cut our magical illusion. "I am not your map, Caleb."

Continue Reading

You'll Also Like

15M 482K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
9.2M 474K 63
In fairy tale, it is the prince who would go all the way with all his might to fight against the enchanted apple. And his kiss will awaken the sleepi...
4.9M 342K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...