Breathe With Me (COMPLETED) ✔

By kuyaebzkie1025

1K 153 7

Nalunod si Johnson Villahermosa sa dagat habang nag-swimming kasama ng kanyang mga classmates. Niligtas siya... More

PAALALA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30

CHAPTER 11

23 6 0
By kuyaebzkie1025

Nagising kaming dalawa ni Ford nang biglang may kumatok sa pintuan. Malakas ang pagkatok sa pinto kay bumangon kami kaagad sa kama. Nang binuksan ni Ford ang pintuan ay biglang siyang nagulat nang sinuntok siya ni Gerald. Hinawakan ni Gerald ang T-shirt ni Ford habang nagharapan silang dalawa.

"Ba't mo nilasing kagabi ang kapatid ko?" tanong ni Gerald habang nagagalit.

"Rald, si Gian ay kusang uminom ng alak." sagot ko

Binitawan ni Gerald si Ford at lumapit siya sa akin. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at halos di na ako makahinga sa ginawa niya sa akin.

"Wow! Mas kinampihan mo pa ang syota mo kaysa sa akin. Eh, mas guwapo ako sa kanya." pang-aakit ni Gerald at pinatikim ko siya ng malutong na sampal ala Maricel Soriano.

Hinawakan ni Gerald ang masakit na parte ng kanyang pisngi at bigla na lang niya akong hinalikan. Di ko sana gusto ang halik niya pero wala na akong magagawa. Buti nga lang at hindi nagtagal ng 40 minutes ang halikan namin dahil sinuntok siya kaagad ni Sandro.

"Rald, bakit hindi ako ang gusto mo?" tanong ni Sandro habang pumatong siya sa katawan ni Gerald.

"Sandro, sorry na! Promise, behave na ako!" sabi ni Gerald

"Kiss mo muna ako!" saad ni Sandro

"Sa kuwarto na lang tayo mag-kiss kasi nakakahiya dito." ani Gerald

"Sus, puwede naman dito maghalikan tutal wala naman masyadong tao dito." pang-aasar ko

Muntik na sana kaming hagisan ng tsinelas pero buti nga lang at hindi kami tinamaan ni Ford dahil sinarado ko kaagad ang pinto. Hinalikan ko si Ford para di ko maisip ang halik ni Gerald at katulad kahapon ay tumagal na naman ng another 40 minutes ang halikan namin.

"Nag-toothbrush ka ba?" tanong ko

"Oo, bakit iyan pa ang tiatanong mo sa akin? Bad breath ba ako?" sagot ni Ford

"Lasang Red Horse kasi ang bibig mo." sabi ko at tumatawa ako nang malakas.

Nasa grand ballroom kami ng hotel at may libreng breakfast para sa mga nag-stay dito. Kaming Ang almusal namin ay corned beef, scramble egg, tocino, at fried rice. Kaya lang hindi kami masyadong nasarapan sa almusal.

"Yuck! Ba't kulang sa asin ang scramble egg?" reklamo ni Ford

"Half-cook ang kanilang tocino." reklamo ni Michael

"Ano guys? Sa labas tayo mag-breakfast?" inaya ko sila

Napilitan kaming ubusin ang almusal namin para di madismaya ang mga staff ng hotel baka kasi di nila kami tatanggapin kapag bumalik kami ulit next time. Pumunta kami sa isang karinderya na nasa 500 meters lang ang distansya galing ng hotel.

"Mga dodong, anong i-oorder niyo?" tanong ng babae na nasa 40 to 50 ang edad.

"Dalawang cornsilog para sa amin ng boyfriend ko." order ni Ford habang inakbayan niya ako.

Napasigaw ang ale dahil kinilig siya sa ginawa ni Ford sa akin.

"Naku, naalala ko tuloy noong dalaga pa ako ganyan rin kami ng boyfriend ko pero asawa ko na siya ngayon." sabi ng babae

"Tapsilog po ang akin." order ni Sandro

"Dalawang hotsilog para sa akin at sa friend ko." order ni Michael at biglang tinignan ng ale sina Michael ng Gian na parang may something.

"Friend ba talaga kayo? I don't believe you! Nagsimula rin kami ng asawa ko sa friend-friend na iyan pero na-fall rin ako sa kanya." ani ng babae at di niya namalayan na nasa likod pala niya ang kanyang asawa.

"Mahal, ba't ka nakikipaglandian sa mga baby boys?" tanong ng asawa ng babae at hinampas niya ang ulo ng asawa niya gamit ang papel.

"Hoy, hindi ako malandi! May mag-syota kasi dito!" sagot ng babae at pareho silang umalis.

Pagkatapos ng ilang minuto ay inihain na ng lalaki sa mesa ang mga inorder namin.

"Pagpasensyahan niyo na ang asawa ko kasi natutuwa lang iyon kapag nakakita ng pogi." sabi ng lalaki

"Okey lang po uncle at natutuwa lang kami." tugon ni Michael

"May softdrinks po ba?" tanong ko

"Meron." sagot ng lalaki

"Isang litro po ng Sprite." order ni Michael

Kumuha ang lalaki ng softdinks at baso pagkatapos ay inilagay niya sa mesa namin tsaka umais. Habang kumakain kami ay biglang dumating ang ex ko na kamukha ni Sandro at bigla akong natulala.

"Hoy!" sigaw ni Sandro at nagising ako galing sa pagkatulala ko.

"Ba't ka natulala?" tanong ni Gian

"Na-miss ko lang ang ex ko." sagot ko

"Paps, huwag mo nang isipin ang ex mo dahil katabi mo si present at future mo." paalala ni Ford

Biglang lumapit sa table namin si ex kasama ang kanyang boyfriend na kasing-edad ni kuya.

"Hi Johnson, long time no see." pagbati ni ex

"Guys, this is Bryce and he is my ex-boyfriend." pinakilala ko ang ex ko sa kanila.

Napatingin silang lahat except Sandro kay Bryce.

"Wow! Magkamukha pala sila ni Sandro!" namangha si Michael

"Guys, this is Wilbert. Boyfriend ko siya for almost a year." pagpapakilala ni Bryce sa kanyang kasamang lalaki.

"Di pala ako na-inform na may kamukha pala ako dito. Buti nga lang at hindi katulad sa teleserye na may long lost twin brother pala ako. Bihira kasi sa mundo na may kamukha ang tao." ani Bryce

"Buti nga lang at nakamove-on ka na sa ex mo. For sure kakarmahin si Bryce dahil sa ginawa niya sa'yo." bulong ni Ford

"Guys, mag-breakfast muna kami ng boyfriend ko." paalam ni Bryce tsaka sila umalis.

Katatapos lang namin kumain nang biglang may kaguluhan na nangyayari sa karinderya. May dalawang lalaki na biglang sumugod kina Bryce at Wilbert.

"So, ikaw pala ang bago ni Wilbert ngayon?" tanong ni lalaki 1 sabay sampal sa kaliwang pisngi ni Bryce.

"Kaya pala hindi na ako mahal ni Wilbert kasi busy siya na nakipaglandian." sabi ni lalaki 2 sabay sampal sa kanang pisngi ni Bryce.

Maraming tao ang nakatingin sa kanilang apat. Para kaming nanonood ng teleserye na pinagkaguluhan ng sambayanan.

"Karma mo iyan, Bryce! Hindi man kita nasampal noon at least nagbabayad ka na sa sakit na nadarama ko." bulalas ko habang umiiyak

"Paps, okey lang iyan. Hindi ko inexpect na lalakero pala si Wilbert." sabi ni Ford habang pinatahan niya ako.

Naalala ko ang tamis at pait habang kasama ko siya noon sa loob ng three months.

"Guys, bakit ba kayo nandito? Hindi ko na kayo mahal dahil si Bryce na ang mahal ko." ani Wilbert

"Kayong dalawa, talo kayo sa akin dahil mas nasarapan si Wilbert sa akin kaysa sa inyo." pagyayabang ni Bryce

Dahil sa galit ay pinagtulungan nilang suntukin si Bryce hanggang sa may dumating na barangay tanod. Bumalik na kami kaagad ng hotel dahil naawa ako kay Sandro baka mapagkamalan na siya si Bryce. Dahil malapit lang ang hotel at karinderya ay naglalakad kaming lami.

"Sandro, hindi ka ba natakot na baka awayin ka ng mga syota ni Wilbert?" tanong ni Michael

"Syempre, natatakot ako baka ma-misinterpret nila ako at maisip nila na ako si Bryce." sagot ni Sandro

"May palatandaan ako kung sino si Bryce at sino si Sandro." sabi ko

"Paano?" tanong ni Sandro

"Si Bryce ay may nunal sa noo, kilay, at pisngi habang si Sandro ay may birthmark sa baba at chest." sagot ko

"Grabe, ang talino pala ni Johnson." compliment ni Gian

"Syempre, ako pa!" sabi ko habang proud ako sa aking sarili

Nagcheck-out na kaming apat sa hotel at hindi na sumama si Gian sa amin pauwi dahil hindi pa umaalis sina Gerald at kanilang mga pinsan.

(Gerald's POV)

Nag-away kami ng kapatid ko sa kuwarto ng hotel dahil sinira niya ang plano ko na mapasakin si Johnson. Halos malasing na ako dahil nasasaktan ako dahil kay Johnson pero masaya naman ako dahil kay Sandro.

"Gian, huwag kang makipagkaibigan diyan kina Johnshon baka ikaw pa ang dahilan na hindi siya mapashakin." paalala ko

"Kuya, hindi ako kontrabida tulad mo at wala akong pakialam na hindi mo mapasayo si Johnson." bulalas ni Gian at sinuntok ko siya sa mukha.

"Sha ayaw at sha gushto mo, itutuloy ko ang panggagayuma kay Johnshon at kukulamin ko shi Ford." sabi ko at uminom ng alak. Hindi ako katulad ng mga kontrabida na umiinom ng red wine.

"Kuya, tanggapin mo kasi na wala ka nang pag-asa kay Johnson. Tanggap ko rin naman na hindi mapasakin si Ford." saad ni Gian

"Akala mo madaling tanggapin iyon? Nashashaktan pa rin ako dahil hindi ko naging syota shi Johnshon dahil nahihiya ako sha kanya. In short, natotorpe ako. Shimula noong nakita ko shi Ford sha piling ni Johnshon, nagsheshelosh ako at nashashaktan dahil hindi ako kumilosh para mapashakin siya." paliwanag ko

Natuwa ako nang bigla kong nakita si Sandro sa harapan ko at dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nakita ko sa kanyang mga mata na nagulat siya pero hinalikan ko siya sa bibig. Masarap ang halikan naming dalawa pero nagulat ako dahil hindi pala si Sandro ang kahalikan ko kundi ang sarili kong kapatid.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 504 34
Nahulog sa kanal si Jefferson Montilla habang naglalakad siya galing ng palengke. Ngunit nakita siya ni Lyndon Chavez at nahulog sila sa isa't isa. I...
8.3K 573 25
Oct. 3, 2022: This is still barely edited. If you guys noticed some errors and loopholes, feel free to comment it down so we can do something about i...
39.6K 1K 40
Nang makilala ni Quijano si Felix ay nasa pinakamalungkot na punto ng buhay nito ang huli. Yet Quijano was able to make the latter smile before they...
2.5M 162K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...