Glistening Lantern (Gazellian...

By VentreCanard

1.9M 150K 59.2K

Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have ma... More

Glistening Lantern
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 9

38.3K 3.5K 1.4K
By VentreCanard

Chapter 9: Katanungan

Dahil higit na matagal ang gabi sa Attero lalo na sa mga kagubatan nito, hindi na ako nagulat nang sa pagmulat ng aking mga mata'y madilim pa rin. Nanatiling ang maliit na liwanag mula sa lampara ang siyang pinanggagalingan ng aming liwanag.

Saglit akong nagpakurap-kurap habang nakatitig sa lampara hanggang sa unti-unting rumehistro sa akin kung kanino ako nakasandal, agad akong tumuwid ng aking pagkakaupo at mabilis kong sinuklay ng aking mga daliri ang aking mahabang buhok. Pinanatili ko ang aking mga mata sa lampara at pinilit ang sariling huwag sulyapan ang lalaking katabi ko.

"H-Hindi ka natulog?"

"You've read about vampires. We don't need too much sleep."

Tumango ako. Nanatili ang katahimikan sa pagitan namin dahilan kung bakit namayani ang musikang tangay ng buong kagubatan. Ganoon na lang ba ako napagod? At nagawa kong hindi maramdaman ang dalang ingay ng kagubatan habang natutulog ako?

Magsasalita pa sana ako nang nauna nang tumayo si Caleb. Tipid niyang pinagpagan ang puting kimono at walang lingon na siyang naglakad patungo sa aming kabayo.

"Let's go. I don't sense any presence on the road."

Tumayo na rin ako at kinuha ko ang lampara. Malalaki ang hakbang ko upang agad ko siyang maabutan, saglit pa kaming nanatiling nakatayo roon sa harap ng kabayo dahil ilang beses niya pa iyong hinaplos at inayos na parang sanay na sanay na siya sa gawaing iyon.

Dahil higit na malaki ang kabayong gamit namin kumpara sa iba, inaasahan na niyang mahihirapan akong sumakay roon mag-isa. Lalo na't siya pa nga mismo ang nagsakay sa akin nang sandaling tumakas kami sa aking pamilya.

Bumuntonghininga siya bago siya humarap sa akin. "Anna..."

I blinked innocently at him. Tila biglang nawala iyong pagiging masigla niya, inaakala ko nang makakatanggap ako sa kanya ng pang-iinsulto dahil ginawa kong sandalan ang braso ng isang prinsepe, o kaya'y ipagyayabang niyang higit siyang makapangyarihan sa lahi ko. Ngunit kanina pa siyang tahimik at tanging pangalan ko lang ang nasabi nang sandaling nagtama ang aming mga mata.

"Can you ride behind me?"

Saglit akong sumulyap sa mataas na kabayo. Wala namang kaso sa akin iyon.

Nang hindi ako agad nagsalita ay sinundan niya ang sinabi niya. "So, no one can recognize you."

Tumango ako. "It's fine."

Hindi na siya nagsalita. Sa isang iglap ay agad ko nang naramdaman ang presensiya niya sa likuran ko at walang pasabing nagtungo ang dalawa niyang kamay sa baywang ko. He carefully lifted me up on our horse without matching my attempt gazes.

When he made sure that I was already comfortable, he immediately followed me and positioned himself on the front. And when he was about to hold the reigns, I hesitantly grabbed a portion of his kimono to support myself on a possible fall.

Bakit hindi man lang nagsasabi itong si Caleb?

Saglit na napalingon pakanan si Caleb, ngunit hindi niya ako lubos na nilingon. Natigil sa anumang hakbang ang kabayo at naramdaman kong muli ang pagbuntonghininga niya.

What is wrong with him? Bakit nagkakaganyan siya?

"Ano ba ang problema mo?!" binitiwan ko ang pagkakahawak ko sa kimono niya at hinayaan ko nang tumaas ang boses ko sa kanya.

He was fine before. What happened to him?

"I... I think I am hungry."

"What? Dapat sinabi mo! I can find some fruits using my—" ngunit natigil din ako sa paghahanap ng talisman nang maalala kong iba ang uri ng pagkagutom ng mga bampira.

He's thirsty. He needs blood.

Hanggang sa unti-unting rumehistro sa akin ang mga kilos niya. He refused to let me sit in front of him because my neck will be... wala sa sarili akong napahawak sa leeg ko.

Bumaba si Caleb mula sa kabayo, pilit pa rin niyang iniiwas ang kanyang mga mata sa akin, ngunit saglit kong nahuli iyon.

It's already bloody red.

At hindi kang iyon dahil maging ang mga pangil niya'y nakalabas na rin! Bago pa man ako muling nagsalita'y kusa nang tumakbo nang napakabilis si Caleb at ang tanging nasundan lang ng aking mata'y ang ilang beses na pagkislap ng kulay abo nitong buhok sa tuwing saglit itong natatamaan ng liwanag ng buwan.

I waited for him. Naroon lang ako sa ibabaw ng kabayo sa gitna ng kagubatan na sa tila nagmamasid. Sa unang pagkakataon nang sandaling pumasok ako sa kagubatang iyon, unti-unti na akong nakaramdam ng takot at pag-iisa.

How can this forest switch from beautiful and enchanting to deadly and untrustworthy in a short period?

Kung kanina'y tila nasa gitna ako ng isang hindi pa nadidiskubreng paraiso na handang umawit sa akin, ngunit nang sandaling ako'y mag-isa tila ito'y nagmamasid at nag-iisip ng paraan upang gamitin ako bilang isang kapaki-pakinabang na alay.

The huge bamboo trees continued to dance, but not with harmony but threats that it was about to fall. The leaves swirling on the wind suddenly became blades that could gash my skin, and grasses grew like inhabitants of snakes and unusual crawling creatures that were about to lure me.

I bit my lower lip. Where is he?

Hindi na magkaintindihan ang mga mata ko kung saan iyong titingin, sa mga nagtataasang damo ba? Sa mga punong nakapaligid sa akin? Sa dilim na hindi naabutan ng liwanag ng buwan?

Nangangatal ang mga kamay kong naghahanap ng talisman na maaari kong gamiting panlaban sa anumang pwedeng umatake sa akin, at nang sandaling marinig ako nang may higit na ingay sa bandang kaliwa ko'y mabilis kong inangat ang dalawang kamay ko na ang siyang inilabas ko ang dalawang talisman na gumagana lamang dahil sa presensiyang mayroon ako.

It's not a powerful attack. Lalo na't ang mga talisman na ito'y ginawa lamang para sa mga batang Callista na babago pa lamang nag-eensayo ng kanilang mga kapangyarihan.

This will not give any damage at all.

Nakalutang ang dalawa kong talisman sa ere habang nangangatal ang dalawa kong kamay. Handa na sana akong umusal ng dasal na siyang kikilalanin ng talisman nang biglang tumigil ang galaw sa lugar na iyon.

Wala akong tigil sa pagpaling sa kana at kaliwa, ganoon na rin ang mga kamay ko at ang dalawang talisman sa ere, at tuluyan na nga akong napatili nang sa muling pagbaling ko'y may natapatan ang aking mga talisman.

Agad akong umusal ng maiksing mga salita dahilan kung bakit may umatakeng abong enerhiya sa kanya, ngunit mabilis niyang iyong nailagan.

Caleb playfully tilted his head and peaked at me with a grin. He's back! The idiot! And it's him!

"Y-You! B-Bakit ang tagal mo?!"

Nanatiling siya sa ganoong posisyon na parang batang sinisilip ako at nahuli sa isang sitwasyon na maaari niyang paulit-ulit sabihin sa akin upang asarin ako. His other hand was lazily placed on his waist while grinning stupidly in front of me.

"May kalaban ka yata?"

I noticed that he's not wearing the kimono. At ang tanging natira'y ang pang-ibaba nitong kasuotan na kailanman ay hindi dapat isuot na nakikita ng mga mata. Ang puting pantalon ng aming panginoon ay dapat laging nakatago sa likuran ng kanyang makapal na kimono.

Our god's sacred kimono... he ruined everything!

This idiot vampire wore it casually with traces of dirt on it. At isa pa... lalo kaming kukuha ng atensyon sa daan. It's not usual ni Fevia Attero to see a man topless, on his horse with a woman!

"N-Nasaan na iyong kimono, Caleb? Why are you just wearing his— hindi ganyan ang pagsusuot niyan!"

"Ah? Nabahiran na ng dugo, Anna. I told you, I can pay for this."

Bumalik na siya sa dati. Gutom pala talaga siya. Ngunit hindi iyon ang siyang problema namin ngayon. Muling pumasada ang aking mga mata sa kabuuan ng bampira. With dirty white pants hugging on his waist... waist? Hindi niya pa ba maitataas iyon? Is it really usual for vampires to expose those lines...?

Kahit ang mga Callista at ang ibang mga Attero lalaki na nag-eensayo'y hindi ganito sobrang maglabas ng katawan.

"Kukuha ka ng higit na atensyon! Paano tayo makakapasok sa susunod na kaharian kung—" mariin akong napapikit.

"I will get more attention if I am wearing a white kimono with blood. Besides, I sensed a nearby presence. It could be a small family, or something? We can steal some—"

"We can borrow."

"Buy. Hindi ako nanghihiram, Anna."

"Alright."

Ngumisi siya ulit sa akin bago siya sumampa muli sa kabayo, humatad sa akin ang kabuuan ng likuran niya dahilan kung bakit napakuyom ang dalawa kong kamay.

"S-Saan?"

Lumingon siya sa akin. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nag-aalinlangang salubungin ang mga mata ko, pero ako naman ngayon ang higit na nahihirapan.

"Saan ako hahawak?!" iritadong tanong ko sa kanya.

"Oh?" he chuckled.

Ibinalik niya ang atensyon niya sa tali ng kabayo. "Sa katawan ko na lang. Ikaw bahala, I don't mind."

Hindi ako natutuwa sa nangyayari kaya sa balikat niya na lang ako humawak, pero hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ng kagubatan ay bigla niyang hinila ang renda ng kabayo kaya upang protektahan ang sarili ko sa pagbagsak, mabilis yumakap ang mga braso ko sa katawan niya at kusang dumikit ang pisngi ko sa likuran niya.

"Ops, traffic," he laughed.

What's more annoying? His unusual laughter! What's with the two he-he? Is he an idiot or what?

"W-What? What?!"

Akala niya ay maipapagpatuloy niya ang pang-aasar sa akin, ngunit nagkakamali siya, kumuha na ako ng isang talisman at inilabas ko ang lubid roon. Walang nagawa ang pag-angal niya sa akin nang ipulupot ko ang lubid sa katawan niya at iyon ang siyang hinawakan ko.

He chuckled again. "Kill joy."

Hindi na muli sumubok nang pang-aasar si Caleb at mas binigyan niya ng atensyon ang pangangabayo, at tulad nga ng sinabi niya, mayroong maliit na tahanan kung saan tila may pamilyang nakatira roon. Dahil magmamadaling araw pa lamang at tulog pa sila, wala na kaming pinagpilian kundi kusa nang kumuha ng mga kasuotang nakasampay.

Caleb left a jewel in front of the small house's door.

"Bakit parang kay dami mong mamahaling bato na ganyan?"

"I salvaged it from my uniform. Aside from embroidered designs, there are jewels on it. Can't you remember?"

Inalala ko ang una naming tagpo, muntik ko nang makalimutan na inakala ko rin siyang isang maharlika o prinsipe ng mga oras na iyon.

Now Caleb's looking different, not a prince or even an Earth God, but insanely handsome traveler.

W-What? What?

He's wearing a tightly fitted (since it's not his size) black long sleeves with visible traces of his body, tucked it in his brown pants and a brown leather belt with small pocket on the left side of his waist. He used an old black boots ( since it's the only fitted for him) and a dirty green cape that could hide his unusual silver grayish hair.

Pinalitan ko rin ang kasuotan ko ng ordinaryong saya ng kababaihan, ngunit ang kulay nito'y katulad ng sa kapang suot ni Caleb. Hinayaan ko rin nakababa ang buhok ko dahil masyadong mababa ang hakab ng saya sa likuran at nasisiguro kong malalamigan ako.

"Wear a new cape."

Si Caleb mismo ang kumuha ng isang kapa ng babae at maingat siyang nagtungo sa likuran ko. Sana'y sasabihin ko nang hindi na niya ako kailangang tulungan ngunit ibinuka na niya ang kapa at isusuot ko na lang iyon.

"Salamat..."

Tumango siya at nagsimula nang bumalik sa nakatali naming kabayo. "You can ride in front, Anna."

"Is it safe now?" tanong ko.

"What?"

Pinag-angatan ko siya ng isa kong kilay. "You're refusing to see my neck, right?" pinagkrus ko ang aking mga braso at mabagal ang lakad ko patungo sa kabayo.

Tila nagulat siya sa hantaran kong tanong sa kanya dahilan kung bakit siya napahakbang paatras ng isang beses. "Don't worry... if we get caught in an unnecessary situation, I am willing to offer my blood. I am aware that a vampire's hunger can lead to death."

Umawang ang bibig niya nang sandaling tumigil ako sa mismong harapan niya at taas noong sinalubong ang mga mata niya. "If you may help me... Prince Caleb," tipid kong ibinuka ang mga braso ko upang mahawakan niya ang baywang ko.

He grimly closed his mouth, but I could see how his jaw clenched in confliction. Mabilis niya akong binuhat at dinala sa ibabaw ng kabayo, sumunod siya at hinawakan na tali na tila niyayakap ako.

"That's a very dangerous offer, Callista," madiing sabi niya.

"For you or for me?"

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 89 21
ZEMBLANITY SERIES #2 We both love each other. We're suppose to end up together.. this isn't happening.. why? Is this really.. what the player's endg...
9.2M 452K 63
In fairy tale, the spinning wheel made the princess fall into her deep sleep, a sleep like death from which she will never awaken. But mine was a dif...
11.4M 570K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...