Glistening Lantern (Gazellian...

By VentreCanard

1.9M 151K 59.4K

Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have ma... More

Glistening Lantern
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 7

35.3K 3.6K 1.5K
By VentreCanard

Chapter 7: Promise and Death

I thought everything would eventually turn smoothly. I had plans. We had my sisters to help us. Nagawa ko nang makapasok sa templo ng mga matatandang Callista at makuha ang susi.

The vampire found the map!

Handa na kami sa sunud-sunod naming mga hakbang, ngunit saan ako nagkamali? Saan kami nagkamli? Bakit ganoon na lang ang nangyari sa loob ng aklatan?

Why all those lamps suddenly...?

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang mariin kong hawak ang manipis na bakal na hawakan ng lumang lamparang nakuha ko pa sa templo ng matatandang Callista. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang madala ito sa kabila nang lahat ng biglaang pangyayaring sumalubong sa amin.

We had the plan, and now it was all ruined into pieces.

Paano kami magsisimula? Nagsisiguro kung sa mga oras na ito'y napagtagpi-tagpi na ng aking buong angkan ang katotohanan.

This man behind me is not our Earth God, but a different creature who brazenly embraced the title who's not fitted for him. Isa iyong malaking insulto na tanging kamatayan lang ang kabayaran.

And me... as an accomplice will be branded as a traitor. Noo'y ang kapangyarihan ko lang na hindi lumalabas ay isa nang malaking problema at kahihiyan sa aming pamilya, ngunit ang kaalaman na pinili ko pang pumanig sa dayuhan na walang respeto sa aming angkan ay hindi insulto kundi panlalaban sa sariling dugong dapat ay aking iniingatan.

Ngunit paano ko patutunayan sa kanilang ang pagtulong sa bampirang ito'y nais ng aming ninuno?

Who will be there to prove my dreams? My family will continuously take my side even with hesitation, even when everything seems ridiculous to believe. At iyon ang bagay na hindi ko na nais pang higit na mangyari.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Kusa na iyong nagpatakan kasabay ng pagyugyog ng aking mga balikat.

Why do I have to experience this?

Bakit ako pa? Bakit kailangan sa akin ibigay ang responsibilidad na iyon? Isang Callista na walang kakayahan?

Hindi ko na inisip ang lalaking nasa likuran ko at hinayaan ko ang sarili kong umiyak nang napakalakas. Simula nang paulit-ulit ipamukha sa akin ng aking angkan ang kakulangan ko at ang takot nila sa maaari kong dalhing kahihiyan sa kanila, hindi ko pa hinayaan ang sarili kong lubos na lumuha.

Hindi ko nais ipadama pa sa aking pamilya ang matinding kalungkutang pilit kong kinikimkim. I tried my best to look motivated, tough, and happy. Ngunit sa bawat araw na sinusubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko, tila unti-unti akong nanghihina mula sa loob ko.

In this world... being different is a weakness. It's hard to accept the unusual. We've been living in a standard. Ngunit dapat ba'y ganoon na lang? Fevia Attero is a free world with everything seems possible, and being different is not a flaw.

Ngunit kailan ko iyon maririnig mula sa iba?

Wala akong narinig na salita mula sa bampirang nasa likuran ko. Nanatili ang bilis ng sinasakyan naming kabayo sa loob ng sumunod pang mga oras.

"Is this horse enchanted?" tanong niya sa akin nang maramdaman niyang tapos na akong umiyak.

Tumango ako. "Hmm, that's why."

Sinumulan ko nang punasan ng mahabang manggas ng braso ko ang aking pisngi, ngunit hindi rin iyon natuloy nang nag-abot ang bampira sa akin ng panyo.

He handed me an unusual kind of red handkerchief with a delicate embroidered small flower on its corner and three initial letters. CLG.

"I salvaged it from my suit when I first arrived here."

Hindi na ako nagsalita at tinanggap na lang ang panyo sa kanya. "It has a sentimental value," dagdag niya na saglit na nakapagpatigil sa pagpunas ko sa aking pisngi.

Akala ko'y magpapatuloy ang katahimikan sa pagitan namin dalawa at mananatali ang malakas na yabag ng kabayo, ngunit halos mapapitlag ako nang saglit kong naramdaman ang bahagya niyang pagyuko at pagbulong sa akin.

"I'm sorry... I really do..."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kanya. He doesn't have any idea about my dreams and the oath that my ancestor had sworn to his father. Siguro'y iniisip niyang siya ang sinisisi ko sa mga oras na ito. Ngunit hindi iyon pumasok sa isip ko...

He didn't drag me into this mess, since I've already been inside a long-time mess. At kung hindi siya dumating ng mga oras na iyon, malamang ay totoo ngang wala na ako sa mundong ito.

That the Earth God accepted me as their offering. At tuluyan na nga akong maglalaho sa mundong itong hindi man lang nagawa ang mga bagay na aking minimithi.

Didn't even given a chance to prove herself...

But his sudden arrival made a sudden twist on my life. I should stop asking why, instead I need to answer the how's...

"I know that you'll never believe me, but you're safer with me. I can't leave you inside your clan's territory—"

"Because they will kill me..." pagpapatuloy ko. Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang hindi sumagot sa akin.

Nagpatuloy ang pagtakbo ng aming kabayo kasabay nang unti-unting pagsikat ng araw. Tuluyan na kaming nakalampas sa daan kung saan tanging nagtataasang mga puno at kagubatan ang siyang nakikita ng aming mga mata. Ngayo'y ang siyang sumalubong sa amin ay ang kay lawak na kagatan na siyang unti-unting nagniningning dahil sa pagsilip ng araw.

Tila hindi lang araw ang siyang nais sumalubong sa amin sa mga oras na iyon, dahil higit na umihip ang hangin dahilan kung bakit bumaba ang talukbong sa aking ulo at kusang kumawala ang pagkakatali ng aking buhok.

"A-Anna, your hair..." bago ko pa mapagsalikop ang aking mahabang buhok na tumatama sa mukha ng bampira'y itinigil na niya ang kabayo.

Igagalaw ko na sana ang kamay ko upang dalhin iyon sa balikat ko nang siya mismo ang gumawa niyon sa akin. He smoothly moved his hand like he was used to this gesture.

Saglit siyang tumawa. Una'y inaakala kong ako ang siyang tinatawanan niya, ngunit nang lumingon ako sa kanya'y nasa karagatan ang kanyang atensyon.

"I never appreciated the sunrise before... but this is really beautiful."

Tumango ako. Kung pagmamasdan ang karagatan at ang kapayapaan nito, ang mga ibong nagliliparan sa ibabaw nito, at ang patuloy na pagkislap nito na tila may mga diyamanteng naghihintay sa ilalim nito, parang hindi kami nanggaling sa isang mahirap na sitwasyon.

Tila patungo lang kami sa lugar kung saan kami magbabakasyon.

How can this world, Fevia Attero, can be so beautiful but deathly?

"Aren't you disappointed? The map was in front of you. Everything seems fine..."

"Hindi ko rin alam, Anna. I don't even understand."

He was so desperate to find the map and escape this world. Hindi ganitong reaksyon ang siyang inaasahan ko sa kanya. I thought he'd blame me. I thought he'd be more aggressive, but what am I seeing? He didn't even look like running away.

Dati'y hindi niya nais mag-aksaya ng oras, ngunit ngayon ay nagagawa niya pang tumanaw at ngumiti sa dagat. With those mischievous eyes, lips that can easily smile, and even his grayish silver hair...

I've met him as carefree as this. Hindi ko akalain na sa sandaling makaalis siya sa loob ng maliit na templong iyon ay magagawa niyang higit na maging makisi—

Kusa kong ipinilig ang ulo ko at bago ko pa man iniwas ang tingin ko mula sa kanya'y huli na ang lahat. Nahuli na ako ng bampirang nakatitig sa kanya. Agad siyang ngumisi sa akin.

"Please, don't break your heart, Anna. I am already mated."

Pinagsisihan ko ang saglit na paghanga sa kanya. Sarkastiko akong bumuga ng hangin at sinadya kong bahagya siyang sikuhin.

"You wish!"

He chuckled. "I am not your type, I know. So, what's next? I think we need to find another clothes for me? This white kimono is well..." pinili na niyang hindi ipagpatuloy ang sasabihin niya dahil alam niyang magiging insulto iyon sa akin.

"Alright."

"By the way, where are we? Nakalayo na ba tayo?"

Muli akong tumango. "Kung ngayo'y tuluyan na nilang nalaman ang totoong nangyari at ang katotohanan sa likuran ng pagpapanggap mo, nasisiguro kong gumagawa na ng paraan si ama upang pabagalin ang pagsunod nila sa atin. But we can't just rely on my father's help."

"It's good that you're still having a family on your side."

Tipid akong ngumiti sa sinabi niya. "Getting back, we're still inside the southern part of Fevia Attero which is the Empire of Itara. Our clan is currently residing at the Kingdom of Itara Thethoris, and we just passed its border. Now, we're about to enter the Kingdom of Itara Thenon."

Siya naman ang tumango sa akin. "Any political conflicts that might hinder us to enter their kingdom?"

Napalingon ako sa kanya sa dahil sa katanungan niyang iyon. I didn't expect that he'd ask me about it.

"What?" he asked with a grin.

"Nothing..."

"Why do we need to think about the politics? I will not let them know that I am the daughter—"

"It's not that, Anna. Alam kong naintindihan mo ang katanungan ko. If your clan or any other clan with the same ability has a conflict with that kingdom we will attract some attention, especially if an Attero can sense someone else's ability."

He's asking if we have a bad relation with Itara Thenon.

"We will never attract them. My presence as an Earth Mage is not strong to other mages. Even you... pagkakamalian ka lang nilang mahinang Attero. Just don't use your power accidentally."

"Since I don't have your well... magical dusts?"

"It's our symbol."

"Alright. I respect your symbols."

Akala ko'y ipagpapatuloy na naming muli ang pangangabayo pero kusa niyang inilihis sa isang daan ang aming kabayo hanggang sa matagpuan kong patungo kami sa kagubatan.

One of the vampire's amazing gifts is their extraordinary abilities. Sinabi niya sa akin na may makakasalubong kaming mga karwahe at ilang mga kabayo kung ipagpapatuloy naming dumaan sa direksyong iyon.

We decided to let them cross the road before we continued our journey. Itinali niya muna sa isang puno ang aming kabayo. Naupo ako sa isang mababang bato, siya'y pinili ang kaharap kong bato at naupo rin.

Una'y patingin-tingin lang siya sa paligid habang may pagsipol at pilit inaabala ang sarili, pero hindi lumampas sa akin ang ilang niyang pagsulyap sa akin na tila may nais sabihin. Ang kaninang mga palad niyang kapwa nakatuon sa bato upang alalayan ang sarili niya'y pinagsalikop na niya at ipinatong na niya sa dalawa niyang hita na ngayo'y kanya nang pinagkrus.

Ilang beses siyang tumikhim upang kuhanin ang atensyon ko, at nang sandaling nagtama ang aming mga mata'y tila muntik pa siyang mapatalon.

"What?"

"Are you sure you're not angry or what?"

Nagkibit balikat ako. "May mangyayari ba kung magalit ako sa 'yo? You are my accomplice after all. I shouldn't make you my enemy. I need you. We need each other's company. You're powerful."

Pansin ko ang saglit niyang pagngiwi sa mga huling salita ko na parang nagdadala iyon sa kanya ng masamang alaala.

"I will bring you to your map, vampire."

Nang sabihin ko iyon, kusang nagsayawan ang mga nagtatayugang mga puno sa paligid. Unti-unting nalagas ang ilang maliliit na dahon at sumabay iyon sa pagsayaw ng aking mahabang buhok sa hangin.

Everything wasn't a mistake. I was chosen to complete her oath. It's my destiny. Kung hindi man ako nabiyayaan ng kapangyarihan, siguro'y ang responsibilidad na ito ang siyang magpapatunay sa akin bilang isang Attero.

"Caleb..."

Nanlaki ang kanyang mga mata nang sandaling marinig niyang tawagin ko ang kanyang pangalan.

"W-What's—"

"You mentioned before that vampires are different, right? That you have this attachment to someone and it's unbreakable... na kahit ang mga Attero'y walang bagay na maikukumpara roon. You say it's your mate thing, right?"

Nakakunot na ang kanyang noo sa akin.

"You're wrong, vampire. Because, us, Atteros, have our blood and heart oath. A deathly promise that will instantly kill us. At sa sandaling hindi namin tuparin iyon kusang sasabog ang aming puso at dadanak ang aming dugo sa mundong ito bilang patunay na isa kaming Attero na walang kapangyarihan at pagpapahalaga sa isang salita. A promise is deathly in this world, Caleb."

"Why do you suddenly—"

"You saved me that night. And you saved me again."

Bilang isang Attero, isa sa katangian namin ay ang pagtanaw ng malaking utang na loob sa nilalang na nagbigay sa amin ng ikalawang buhay. But I wasn't just given a second life... it was third, no, fourth. His father was the first one who saved me.

Nawala na siya sa prenteng pagkakaupo at halata na ang pagkagulo ng kanyang isipan sa bigla kong iniisip. Sa pagkakataong iyon ay ang mga palad ko naman ang isang inilagay ko sa magkabilang tagiliran ko upang alalayan ang sarili ko sa pagkakaupo.

"Caleb, from the vampire world... I swear to my blood and heart that I will bring you to your map."

Continue Reading

You'll Also Like

13.2K 925 58
KANTOBOYZ SERIES # 1 (COMPLETED) - Kwento ni Maria Magdalena Burkot, isang babae ngunit lalaki by heart! Isang malaking sayang sa kaniya ang pagkawal...
9.3M 474K 63
In fairy tale, it is the prince who would go all the way with all his might to fight against the enchanted apple. And his kiss will awaken the sleepi...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
11M 559K 53
Free-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus q...