I'm Born as an Eryndor! (Seas...

By itsmarresemonika

413K 24.7K 2K

She died due overworking as a popular web writer, she never thought she could died like that in an appopriate... More

prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chaptee 93 (Season 2)
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
! NOTICE !
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter166

Chapter 52

2.3K 159 6
By itsmarresemonika


Sa paglipas ng dalawang linggo ay masyado pa ako naging abala at marami nangyari. Nang napagpasyahan nang bumalik ng Thilawiel ang mag-ama na Cairon ay agad din nila ipinadala sa kanilang tagapagsilbi ang mga listahan na hinihigi ko sa kanila upang mapag-aralan ko ang mga ito habang wala akong ginagawa o hindi kaya may maluwag na oras ako mula sa aking trabaho. Dahil sa mapapagasawa ko na si Otis, dadalo din sila mag-ama sa gaganaping kasal nina Cederic at Ceola.

Todo ang paghahanda ng Kaharian sa engrandeng pagtitipon. Kahit ako ay excited na din na magiging parte na ng pamilya si Ceola. Sino bang mag-aakala na ang dating guro ko ay magiging hipag ko na? Ang mas nakakasaya sa aking pakiramdam ay papakasalan nila ang isa't isa na may kasamang pagmamahal. Walang bahid na politika. So far, naialis ko na sila sa panganib kahit papaano. Bukod pa d'yan, ikinalat na din ni Vencel ang mga imbitasyon sa mga Kaharian na sa ilalim ng Imperyo. Kahit ang Severassi at Oloisean ay imbitado. Teka, alam na din kaya nila na ako naman ang sunod na ikakasal? Hindi bale nalang, malalaman din naman nila 'yon.

Napapansin ko na mukhang nadepress ang mga kapatid ko sa naging desisyon ko na pakasalan ni Otis. Pero si Vencel ay mukhang kalmado sa nangyayari pero napapansin ko pa rin ang pagiging malungkot niya. Hindi man niya nasasabi o pinapakita pero nararamdaman ko. Wala na din siyang magagawa dahil pumayag na ako. Gustuhin ko man sabihin sa kaniya ang pinakarason ko kung bakit ako pumayag ay pinipigilan ko lang din ang aking sarili. Ayoko siyang mag-aalala nang husto, kahit ang mga kapatid ko. At saka, para sa akin, hindi naman ako mapapabayaan nina Emperador Audrick at Otis kung sakaling nasa poder nila ako. Kuntento at panatag na ako.

Tahimik akong naglalakad patungo sa silid ni Ceola. Sa mga oras na ito ay inaayusan na siya para sa gaganapin na pinakamahalagang araw ngayon---ang araw ng kanilang kasal. Hindi na rin ako makapaghintay kung ano ang magiging histura niya.

Nagpasya din ang dalawa na dito sila mismo sa Palasyo magpapakasal imbis sa Cathedral.

Dali-dali akong pumasok sa kaniyang silid. Wala man lang katok. Tumambad sa akin ang babae na nakatalikod. Nasa gilid lamang ang mga maid niya. Mukhang nakahanda na nga talaga siya. Maghihintay nalang siya ng abiso na maaari na siyang lumabas. Suot na niya ang maganda at puting wedding dress. Suot din niya ang mahabang belo. Mukhang naramdaman niya ang aking presensya kaya lumingon siya sa akin. Napasinghap ako nang makita ko si Ceola sa aking harap. Hindi ko mapigilang mamangha. Mas tumingkad pa ang kagandahan niyang taglay ngayon. Maganda naman talaga si Ceola, pero parang ibang Ceola na ang nasa harap ko.

Lihim ako natatawa ngayon sa loob-loob ko. Tiyak na maiiyak sa tuwa si Cederic sa oras na makita niya kung gaano kaganda ang kaniyang mapapangasawa.

"Mahal na prinsesa..." masaya niyang bulalas saka nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Mahigpit siyang nakahawak. "H-hindi ko alam pero... Parang isang panaginip ang lahat ng ito..." nanginginig ang kaniyang boses.

Mahina akong tumawa. "Masaya ako para sa iyo, Ceola."

Pumikit siya saka yumuko. "Kung alam ninyo lang kung gaano ako kasaya... Kung papaano ninyo kami tinulungan..."

Oh, no. Don't tell me iiyak ka bago ang seremonyas ng kasal? "Huwag ka munang umiyak, Ceola. Saka ka na umiyak kapag tapos na ang kasal." wika ko.

Siya naman ang natawa. "Iyan din ang sinasabi mo sa akin bago tayo mag-uumpisa sa pangangaso, mahal na prinsesa."

Bumungisngis kami. Ngayon ko lang din narealize ang bagay na 'yon. "Binabati kita, Ceola. Alagaan mo nang mabuti si Cederic. Hinihiling ko na sana ay maging masaya ang pagsasama ninyo."

Marahan siyang bumitaw mula sa pagkahawak niya sa akin. Hinawakan niya ang kaniyang palda saka yumuko siya sa harap ko bilang pagbigay pugay sa akin. "Sisikapin ko at gagawin ko po ang lahat upang magampanan ko ang pagiging mabuting asawa ng pangatlong prinsipe, si Prinsipe Cederic, mahal na Prinsesa Styriniana. Ipinapangako ko po din na hindi mapupunta sa wala ang Unibersidad na inihandog ninyo para sa amin."

"Ikinalulugod ko, Dukesa Ceola Briouse-Eryndor."

**

Patuloy ko pa rin iginagala ang aking paningin sa paligid. Mula dito, tanaw ko ang mga eleganteng karwahe na sunud-sunod na nagsidatingan. Lihim ako napangiti. Inaasahan ko din na dadating na ang mga tao na galing sa monarkiya ng mga Kaharian na bahagi ng aming Imperyo. Hindi lang 'yon, kahit ang tatlo pang Imperyo ay inaasahan din ang pagdating sa gaganaping kasal. Napansin ko na wala pa rin ang tatlong tao na inaasahan ko, base sa mga nakikita kong family crest na nakaukit sa mga karwaheh ng mga bisita. O hindi kaya, nakarating na sila nang hindi ko pa alam?

Tumayo ako ng tuwid. Ipinagpatuloy ko pa ang aking paglalakad hanggang sa napadpad ako sa hardin. Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga at lumapad ang aking ngiti habang dinadama ang malamig at sariwang hangin dito sa labas. Dagdag pa ang naggagandahang bulaklak at mga halaman sa paligid. Mas gumagaan ang pakiramdam ko. Especially, this place gives me a nostalogic feeling.

Dahil din d'yan, hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong humiga sa damuhan nang nakahilata. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata para mas maramdaman ko ang kapaligiran. Mas nagiging kalmado ang isipan ko sa mga oras na ito dahil tahimik ang lugar, maliban lang sa mga tunog mula sa mga halaman na sumasayaw sa hangin at mga masasayang huni ng ibon na nakadapo sa sanga ng mga puno.

Parang kailan lang. Sinariwa ko ang mga alaala sa isipan ko. Unang beses na tumuntong ako sa lugar na ito ay noong sanggol palang ako. Mga panahon na nangangapa pa ako sa mundong ito. Na hindi pa ako komportable sa mga Eryndor dahil takot pa ako nang nalaman ko kung ano talaga ng nature nila. Pero sa hinahaba ng panahon na nagdaan, unti-unti ko na silang nakikilala. Kung ano talaga sila... Na hindi ko rin namamalyan ay ginagawa ko na rin silang mga kayamanan sa mundong ito. Mga tao na nais kong protektahan. Mga tao na hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na malaman ko na may mangyayari sa kanila na masama.

Kahit na nawala na ako sa dati kong mundo, atleast maswerte pa rin ako. Nagkaroon ako ng pangalawang buhay. Bonus na din na ang ibinigay sa akin ay mga Eryndor na inaalagaan at pinoprotektahan nila ako nang higit pa sa kanilang buhay. Dagdag pa ang mga kaibigan ko. I finally found another special home in this world. Wala na akong mahihiling pa.

Kaya gagawin ko ang lahat mahanap ko lang ang lalaking 'yon. Ang lalaking nagbabalak na pabagsakin ang apat na Imperyo. Maswerte nalang din ako dahil suportado ako ni Otis sa plano ko.

"Prinsipe Dilston, hintay! Sandali!" bigla ako nakarinig ng boses ng isang babae sa hindi kalayuan.

Agad ako dumilat saka bumangon mula sa pagkahiga ko sa damuhan. Agad ko binalingan ang pinanggalingan ng boses. Wait, narito na si Dilston? Pero mukhang may kasama siyang babae.

Tumayo ako saka pinagpag ko ang aking damit. Nagpakawala na ako ng iilang hakbang patungo sa direksyon kung saan ko narinig ang boses. Dahil likas na usisera ako, nagtago ako sa halamanan. Sumilip ako nang kaunti. Sakto ang puwesto ko upang hindi nila ako makita. Laglag ang panga ko na nakita ko si Dilston. Medyo nawindang ako nang makita ko ang malamig na ekspresyon ng kaniyang mukha na ngayon ko lang nakita 'yon sa buong buhay ko. O sadyang nasanay lang ako na makita siyang kalmado at nakikitawa sa oras na magkakasama kaming apat?

Kita ko kung papaano nakabuntot sa kaniya ang isang magandang dilag. Palagay ko ay kasing edad ko lang ito. Tulad ko, kulay blonde din ang kaniyan buhok pero maiksi 'yon na umabot hanggang balikat ang haba n'on. Mas matingkad nga lang ang pagiging blonde ko mula sa kaniya. Balingkinitan ang kaniyang katawan, maputi na kasing puti ng gatas ang kaniyang balat. Natural lang namumula ang mga magkabilang pisngi niya. Base din sa kasuotan nito, tingin ko ay hindi rin karaniwan na anak ng opisyal ng isang kaharian. Mukhang siyang buhay na manika.

"Mahal na Prinsipe, utang na loob, tumigil ka!" mukhang maiksi ang pasensya niya, hindi na niya mapigilang sumabog dahil sa inis kaya nagawa niyang sumigaw sa harap ng prinsipe na tagapagmana ng Oloisean.

Kita ko kung papaano tumigil si Dilston. Tumigil din ang babae. Umukit ang pagkagulat sa mukha nito. Nanatili siyang nakatalikod sa babae na naghahabol sa kanila. I saw how pissed is he which makes me surprised even more. Ano bang nangyayari sa kanilang dalawa? May alitan ba silang dalawa? Kusa din 'yon nawala. Pinili niyang harapin ang babae.

"Ano bang kailangan mo? At bakit naririto ka?" malamig niyang tanong.

So he knows this gal after all, huh?

Ilang singhap pa ang ginawa ng babae. Napasapo ito sa dibdib. "Naririto ako dahil imbitado din ang aking ama sa kasal na ito, Prinsipe Dilston." sagot niya na para bang naghahabol siya ng hininga.

'Yong totoo, gaano kalayo ang narating ng dalawang ito?

"Kung ganoon, maaari kang dumiretso sa mga ikakasal, Prinsesa Charisse. Hindi nang pagdating mo dito ay sa akin ka didiretso." malamig nitong turan.

Humakbang pa ng dalawa ang tinutukoy na Prinsesa Charrise palapit kay Dilston pero muli siya natigilan nang muli nagsalita ang Prinsipe ng Oloisean.

"At bakit ganyan ang ayos mo? Hindi naman ganyan ang totoong kulay ng iyong buhok."

Laglag ang panga ko sa aking narinig. What? Hindi pala siya blonde talaga? Eh anong kulay talaga ng ng buhok niya kung ganoon?

Kita ko kung papaano kinuyom ng prinsesa ang kaniyang mga kamao. Bahagya siyang yumuko. Sa tingin ko ay parang maiiyak na siya nang wala sa oras. "N-nang tinanong kita... Kung anong gusto mo sa babae... Ang sagot mo... Kulay ginto ang buhok..."

"Subalit, hindi mo kailangan baguhin ang pisikal mong anyo. Dahil kahit kailan, hinding hindi mo siya magiging katulad. Hindi mo makukuha kung gaano siya katalino at kung gaano siya katapang, Prinsesa Charisse." malamig na dagdag ni Dilston.

Napasapo sa bibig ang prinsesa. Malapit na itong maiyak. Napangiwi ako. Ano ba itong nasasaksihan ko? Para akong nanonood ng love story. Pero hindi 'yon ang concern ko. May nararamdaman akong habag para sa prinsesa. Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. Tumayo ako. Nagpasya na akong lumabas. Hindi ko talaga matake kapag may naiiyak sa harap ko!

Tatayo na sana ako pero may narinig akong kaluskos sa likuran ko. Agad ko ito nilingon.

"Binibini?" isang binata na may kasamang pagtataka na tingin.

Sino naman ang isang 'to? Ngayon ko lang siya nakita. Pero 'yong suot niya, pamilyar sa akin. Tuluyan ako nakatayo saka hinarap siya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Pinag-aaralan ko siya sa harap ko. "Paumanhin, ginoo pero ngayon lang kita nakita... Sino po sila?" sa huli ay nasabi ko ang katagang 'yon.

Ginawaran niya ako ng matamis na ngiti na parang akala mo ay matagal na kami magkakilala. Nagbow siya sa harap ko. "Sa wakas ay nakilala din kita, Prinsesa Styriniana." may bahid na kasiglahan sa boses niya. "Nais kong ipakilala ang sarili ko sa iyo. Ako si Shan na nagmula pa sa Kaharian ng Jian Yu."

Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ng lugar. Anong ginagawa ng taga-Jian Yu sa lugar na ito? Papaano siya nakapasok? Sa pagkukwento sa akin nina Vencel at Raegan, hindi magaksundo ang Imperyo ng Cyan at ng Jian Yu. Wala rin binanggit sa akin ang mga Eryndor na nang-imbita sila ng isang Opisyal maski man si Prinsipe Ting Fei para sa okasyon na ito.

Tikom ang aking bibig. Nanatili ko pa rin siya pinag-aaralan sa hitsura niya. Wala naman siyang suot na armas o anuman. Pero isa lang ang napapansin ko. Hindi siya karaniwang tao. Sa katunayan pa nga ay may hawig siya kay Prinsipe Ting Fei o hallucination ko lang?

"Prinsesa?" tawag niya sa akin.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita. "Paumanhin, Ginoong Shan ngunit, wala akong natatandaan na may inimbita ang aking pamilya na taga-Jian Yu para sa okasyon na ito. At iisang tao lamang ang kilala ko mula sa lugar na 'yon." seryoso kong pahayag. "At hindi ko rin mawari kung papaano ka nakapasok dito sa gayon ay mahigpit naman ang pagbabantay sa bawat sulok ng Palasyo."

"Naiitindihan ko ang ibig mong sabihin, Prinsesa Styriniana." hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Narito lamang ako upang masilayan ko ang nag-iisang prinsesa ng Cyan, ang tanyag na prinsesa."

Ngumiwi ako. "Hindi ko inaasahan na ganyan pala ako katanyag at umabot pa ito sa Jian Yu." bumalik ang aking kaseryosohan. "Bakit mo ako nais makita?"

Umiling siya. "Wala namang pinakarason ngunit dinala lamang ako ng aking mga paa dito."

Tumalikwas ang aking kilay. "Ganito ba magbiro ang mga taga-Jian Yu?"

Lumabi siya saka tumangu-tango. "Marahil..."

"Kung ganoon man ay kinakailangan ko nang umalis, Ginoong Shan. Ikinagagalak kitang makilala." pagpapaalam ko saka tinalikuran ko na siya. Wala pag-aalangan sa akin nang iwan ko siya sa hardin. Ang mas iniisip ko ngayon ay ilang saglit nalang ay mag-uumpisa na ang kasal nina Cederic at Ceola anumang oras. Hindi dapat ako magpapahuli.

"Maraming salamat, Prinsesa Styriniana." rinig kong sambit niya sa pamamagitan ng hangin.

Natigilan ako saka lumingon sa pinanggalingan niya. Wala na siya doon. Tanging marahan na hampas na hangin ang naramdaman ko nang lumingon ako. Inikot ko pa ang aking paningin sa paligid. Hinahanap ko ang bakas niya. Subalit wala na akong nakikita o nararamadaman pa. Nagkibit-balikat ako. Nagpasya na akong lumisan na sa hardin.

Nakabalik na ako sa loob ng Palasyo. In Palace lobby to be exact. Sakto din na kakarating din nina Emperador Audrick at Otis na may hawak na nakatuping trench coat. Agad umukit ang kagalakan sa aking mga labi nang makita ko sila. Hindi ako nagdalawang-isip na daluhan sila bilang pagsalubong na din.

"Ikinagagalak ko pong nakadalo kayo, mga kamahalan, Emperador Audrick at unang prinsipe, Prinsipe Otis." magalang kong sambit saka yumuko sa harap nila.

"Ikinalulugod din naman maimbitahan sa malaking selebrasyon ng Cyan, aking magiging manugang, Prinsesa Styriniana." galak na galak na sambit ni Emeprador Audrick. Biglang umukit ang ngisi niya na may halong pagmamayabang. "Hindi na ako makapaghintay kung ano ang magiging reaksyon nina Kron at Nerius sa oras na malaman nila na ikakasal ang nag-iisang prinsesa ng Cyan sa aking anak."

Pareho kami napangiwi ni Otis sa kaniyang sinabi. Sa hitsura niyang 'yan ay akala mo nakipagpustahan siya.

"Siya nga po pala, hindi ninyo po ba kasama si Ceca?" pag-iiba ko ng usapan.

"Kasalukuyan siyang natutulog, Rini." nakangiting sagot ni Otis. Ipinakita niya sa akin ang nakatuping trench coat na hawak niya.

Bumaba ang tingin ko doon. Umawang nang kaunti ang aking bibig nang makita ko ang isang maliit na ibon na mahimbing na natutulog. Gulat akong tumingin sa mag-amang Cairon. Pareho silang nakangiti sa akin na parang sinasagot na niya ang hindi ko maisatinig na tanong. Nilahad ko ang aking palad kay Otis. Hindi siya nagdalawang-isip na ipasa sa akin ang tela. Nngiti kong pinagmasdan ang natutulog na ibon. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Ceca..." mahina kong tawag sa kaniya.

Me and Otis were decided to call her Cecania means free. Pero mukhang mahaba ang pangalan na 'yon para sa kaniya so we decided to give her a nickname which is Ceca, means light or white.

Hindi siya magising. Siguro ay napagod siya sa mahabang byahe mula Thilawiel. Ang sabi din ni Oti s ay hindi pa magawang makalipad ni Ceca ng sobrang layo dahil masyado pa itong bata pero di kalaunan ay matututo din ito lumipad nang malayuan.

Ceca, you're so cute.

Umusad na kaming tatlo papunta sa bulwagan kung saan gaganapin ang kasal. Masaya kaming nag-uusap habang naglalakad kami patungo doon.

**

Mula sa hindi kalayuan ay tanaw ni Emperador Shan ng Jian Yu ang nag-iisang prinsesa ng Cyan na naglalakad kasama ang Emperador at ang unang prinsipe ng Thilawiel. Isang maliit na ngiti ang iginuhit niya sa kaniyang mga labi. Alam niya mismo sa sarili niya na sa una palang ay imposible para sa kaniya na makalapit kay Rini. Pero hindi siya makapaniwala na magagawa niyang makaharap ito at makausap nang malapitan! Ang tanging plano lang niya ay masilayan niya lang ito kahit malayuan man lang at magpasalamat sa pagsagip sa kaniyang buhay mula sa kapamakan.

Kung hindi inirekomenda ni Rini tungkol sa mga nakakagamot na gayuma ni Ceola ay tiyak ay nasa kritikal pa rin ang kaniyang kondisyon. Sa loob ng dalawang linggo, nararamdaman niya na tumatalab ang gamot na ibinaon ng kaniyang nakakabatang kapatid na si Ting Fei.

Napasapo siya sa kaniyang dibdib kung nasaan ang kaniyang puso. Hinding hindi niya makakalimutan ang pagkakataon na nagawa siyang tawagin ni Rini sa mismong pangalan niya na dahilan upang umapaw ang kalagalakan sa kaniyang sistema.

"Sana ay magkita tayo muli, Prinsesa Styriniana..." mahina niyang saad saka tuluyan na siyang makaalis ng Palasyo. 

Continue Reading

You'll Also Like

100K 3.6K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
13.1K 751 27
Life in NSA is getting tougher than expected. Will they survive? How will the gang defeat their foes? Language: TagLish Cover made by; Cha
11.6K 333 7
Adonis doesn't want to believe in love anymore because of what happened to his parents. If you don't want to get shot by Cupid's arrow, you must... K...