Garden Of Hope (Paradise Seri...

By Seachy

2.8K 263 37

Being the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an... More

Paradise Series
Garden Of Hope
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue

Chapter 43

24 3 0
By Seachy

C H A P T E R 4 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Unti-unting dumilat ang dalaga ng maramdamang napaso ang pisngi niya. Sumalubong sakaniya ang pamilyar na ceiling. 

"Chrysanta." 

Nanlalaking matang tumingin siya sa pintuan ng kwarto niya. Halos lumuwa na ang mata ni Santa ng makita ang pamilyar na mukha. 

Agad siyang umupo sa kama niya at tinitigan ang maamo at mala anghel na mukha ng kaniyang ina. Ngayon niya lang nabilang kung ilang taon na niyang nakikita ang mukhang 'yun. Ang mukhang kapag nakita niya ay parang lahat ng problema ay naglalaho na para bang bula. At nagpapakalma sa buong sistema niya. 

"M-mom," garalgal na sabi niya. Tuluyan nang lumabas ang mainit na luha sa pisngi niya. 

Unti-unting sumikip ang dibdib niya kaya mahina niyang itong sinusuntok muli. Mas lalo siyang naiyak ng makitang lumuluha rin ang mom niya kasabay niya. 

Gusto niyang magalit sakaniya pero may parte sakaniya na nagsasabing hinatayin ang paliwanag ng mom niya bago siya magalit dito. 

"W-why d-did y-you choose t-to l-leave us?" 

Sa wakas ay natanong niya na rin iyon. Iyon ang pinaka iiwasan niyang tanungin sa mom niya. Ayaw niyang iparamdam sa mom niya na maling desisyon ang pagpunta sa ibang bansa pero totoo namang maling desisyon iyon. 

Alam niya na nagiging masyado siyang unfair pero ngayon na nakita niya muli ang mom niya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng galit. 

Maraming silang tatlo pinagdaanan habang walang ang mom niya. Pero kahit naman nand'yan ang mom niya ay wala rin itong nagagawa para ipagtanggol niya ang mga anak niya. 

"Chrysanta, I'm sorry," she softly said.  

Nang marinig niya ang puno ng sensiridad na boses na iyon ay mas lalong lumakas ang hagulgol niya. Sa totoo lang gusto niya pang magtagal ang galit sa puso niya. Pero sa isang 'sorry' lang ay biglang nawala ang ang galit niya. 

"I-I'm r-really m-mad at y-you, mom. B-but..." Hindi niya matuloy ang sasabihin dahil parang may kung anong bumara sa lalamunan niya.

Malalim siyang bumuntong hininga at pilit na pinapakalma ang sarili. Pinunasan niya ang basang pisngi at lumunok. nag-angat siya ng tingin sa mom niya na basa na rin ang pisngi habang nakasapo ang kamay nito sa bibig niya. 

"W-why? Why did you choose to leave us? Hindi mo ba alam na sobra na ako, kaming nahihirapan kay dad!? Halos gusto ko na lang mawala sa mundo para lang matapos ang lahat ng paghihirap ko!" sigaw niya at mahinang pinukpok ang dibdib niya nang maramdamang nagsimulang sumikip na naman ang dibdib niya. 

Mas lalong lumakas ang hagulgol ng mom niya kaya naging walang silbi ang pagpunas ng pisngi niya dahil nabasa lang din ulit 'yun. 

Marami siyang gustong sabihin dito pero hindi niya magawa dahil parang umurong ang dila niya ngayon habang nakatitig sa mom niya na ngayon naka-upo na sa sahig. 

"Sorry..." 

Mariin na pumikit si Santa saka yumuko. "I-I d-don't n-need your s-sorry. I-I need an explanation from y-you." 

"I-I can't," bulong niya kaya agad siyang nag-angat ng tingin dito. 

Parang may kung anong sumuntok sa puso niya ng marinig iyon. Impossible! Bakit hindi na naman niya nagawang mag explain kay Santa! Dahil na naman sa nararamdamang takot sa dad niya? Ganu'n ba!?

"You can't!? Impossible," hindi makapaniwalang sabi niya at ginulo ang sariling buhok. 

Sobrang gulo na nang isip niya ngayon. Ang buong akala niya ay sa dad niya lang siya masasaktan ng ganito pero, pati sa mom niya pala. 

Dapat man lang nag warning si God kay Santa na ganito rin kasakit ang dadanasin niya sa mom niya. Para man lang makapaghanda siya, hindi ganito. Na halos mabaliw na siya sa sakit na nararamdaman. 

"S-sorry, Chrysanta. I can't explain to you clearl-"

"Stop saying sorry! It's fucking useless, mom." 

Nakita niya ang sumilay sa mata nito ang matinding sakit dahil sa sinabi niya ngunit hindi niya na iyon inintindi pa. Kahit sa araw lang 'to, alalahanin niya muna 'yung nararamdaman niya ngayon bago sila. 

"C-Chrysanta. Please be strong-" 

"Mom, I can't." Nag-angat siya ng tingin dito at tinitigan siya diretsyo sa mata. "In the first place, I'm not really strong as you thought. "

Mahina siyang natawa at ginulo ang sariling buhok. "To be honest, nabubuhay na lang ako sa mundong 'to dahil sa pangako ko sa kapatid ko at sa'yo. Ayokong iwanan ang mga kapatid ko at nangako ako na dapat masilayan ko sila na kaya na nilang ipagtanggol ang sarili nila at makikita ko sila na suot-suot nila ang maging gusto nila paglaki." 

Malalim siyang humugot ng hangin upang pigilan ang sarili na umiyak at humagulgol ng malakas muli. "So how I can be strong if my promise to Rian and Lea is the only thing that keeps me alive?"

"Chrysanta..." 

Malalim siyang bumuntong hininga at yumuko. Mariin siyang pumikit at kinuyom ang kamao. 

"Soon. You will understand." 

Agad siyang nag-angat ng tingin dito. Pero agad nanlaki ang mata niya ng sumalubong sakaniya bigla ay ang ceiling ng kwarto niya. 

Where's mom!? 

Akmang tatayo na siya ng biglang bumalatay ang matinding sakit sa likuran niya kaya agad siyang ngumiwi. 

"Santa!" 

Agad siyang napalingon sa gilid niya ng marinig ang pamilyar na boses. Hindi niya na naman ang uunahin niyang maramdaman ng makita si Pepper, Poppy at Happy na nag-aalalang nakatingin sakaniya. 

"Pepper, Poppy," nanghihinang bulong niya. 

Agad naman silang tumangong sabay at hinawakan ang kamay niya. Ngayon niya lang naramdaman ang matinding panghihina ng buong katawan niya. Isama mo pa ang sobrang nananakit na likod niya na para bang hiniwa siya doon ng paulit-ulit. 

"Sorry, ngayon ka lang namin napuntahan kung kailan huli na ang lahat," puno nang pagsisi na sabi ni Poppy at pinunasan ang tumulong luha sa pisngi niya. 

"Patawarin mo kami, Santa. We didn't save you-" 

"Save me from what?" kunot-noong tanong niya habang palipat-lipat ang tingin sa tatlo. 

Gulat na nagkatinginan ang tatlo. 

"You didn't remember!?" gulat na tanong ni Happy at hinawi ang ilang pirasong buhok na humarang sa mukha niya. 

Kunot-noo siyang umiling at tumitig sa itaas. Pinipilit na aalalahanin kung bakit nakaratay siya sa kama niya habang masakit ang buong katawan niya. 

Unti-unting nagpasukan ang mga alaala ni Santa mula doon sa sinampal siya ng dad niya hanggang sa dinala siya nito sa pamilyar na lugar. Sa office ng dad niya. Sa likod ng bookshelf niya ay may nakatagong pintuan doon. At doon sa maliit na kwartong iyon ay doon siya laging pinapalo ng iba't-ibang klaseng latigo sa buong katawan niya. Especially sa likuran niya. 

Noong bata siya nagsimula ang pagpalo sakaniya ng ganu'n noong napahiya niya ang sarili sa party. At simula 'nun ay takot na takot na ang dalaga na makagawa ng pagkakamali at pumasok sa office ng dad niya. 

Natatakot siya na maulit iyon pero ngayon, naulit na naman. 

"N-naalala k-ko na," bulong niya kaya nakahinga ng maluwag ang tatlo. 

"Masakit pa ba!?" nag-aalalang tanong ni Pepper. 

Agad siyang tumango at  ilahad ang braso sakaniya. "Itayo mo ko."

"Baka hindi mo kaya-" 

"I'm thirsty!" 

Napanguso si Pepper at inalalayan siyang makatay. Habang nasa isang gilid niya naman si Poppy na nakaalalay din sakaniya. Habang si Happy naman ay nag-aayos ng unan na nasa likod niya. 

Agad niyang kinagat ang pang-ibabang labi ng maramdaman na sobrang kumikirot ang likod niya. Para itong pinupunit kaya pinigilan niyang sumigaw sa sakit. 

Nang makaayos na siya ng upo ay dahan-dahan niyang sinandal ang likod niya. Hindi niya tuluyang sinandal ang likod niya sa unan dahil mas lalong sasakit iyon.  

"P-Paano n-niyo k-ko nadala dito?" takang-tanong niya. Malakas na bumuntong hininga si Pepper at inabot muna sakaniya ang tubig. 

"Nalaman namin kay kuya Happy na nilalatigo ka na nang daddy mo. At nang makarating kami dito sa mansyon niyo tapos na 'yung paglalatigo s-sa'yo." 

Tinignan niya ang tatlo. Nakahinga siya ng maluwag ng malaman na hindi nila napanood ang paglalatigo sakaniya. Huli na sila dumating ngunit nagpapasalamat doon si Santa. Baka hindi nila kayanin kapag napnood nila 'yun. 

"N-naabutan ka na lang namin doon sa harapan ng office ni tito sage na duguan," nahihirapang kwento ni Poppy at marahan na hinawakan ang kamay niya. 

"Nalaman ko na nag top 2 ka lang kaya agad pumunta dito at tinawagan sina Pepper." Yumuko si Happy. "Sor"

"Stop saying sorry. Hindi naman kayo gumawa sa'akin nito kaya hindi niyo kailangan magsorry," inis na sabi niya at uminom ng tubig. 

May kung anong sumuntok na naman sa puso niya ng napagtanto na panaginip lang pala ang pagkikita nila ng mom niya.  Ang buong akala niya pa naman ay magiging maayos na dahil nandito amg mom niya. 

Pero hindi niya maiwasang mapa-isip. Paano kaya kung totoong dumating na ang mom niya? Maayos na ba ang lahat? 

"Pero nahuli pa rin kami ng dating. Kung hindi kami dating sana hindi nanakit 'yang li-"

"Mas mabuti na 'yun, Poppy." 

Hindi makapaniwalang tinignan siya ng tatlo. Malalim siyang bumuntong hininga at pinaglaruan ang sariling daliri. 

"Para hindi niyo na nakita 'yung pagpaparusa sa'akin. Alam kong mas lalo kayong masasaktan kung sakaling naabutan niyo 'yun." 

Sabay-sabay silang nagkatinginan na tatlo. Sabay-sabay silang tumango ng mapagtantong tama ang sinabi ni Santa. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Bakit ba kasi nagpumilit ka pa dito!?" inis na bulong ni Poppy sakaniya habang inaalalayan siyang maglakad papunta sa bulletin board ng school nila. 

"Gusto kong makitang kung sino 'yung naka top 1," malamig niya sabi.

Malakas na bumuga ng hangin si Poppy. "Anong gagawin mo kapag nalaman mo kung sino!? Sasapakin mo!? Sak-" 

"Mag papasalamat ako sakaniya." 

Napatitig sakaniya ni Poppy. "Why?" 

Malakas na bumuntong hininga si Santa. "Dahil sakaniya hindi ko na kailangang humarap sa boyfriend mo." 

Tuluyan nang napatigil si Poppy sa paglalakad at tumitig kay Santa. Malalim siyang bumuntong hininga at dahan-dahan hinawakan ang balikat ni Poppy. 

"I want to be honest with you, Poppy. Natatakot ako, natatakot ako sa boyfriend simula pa lang. Sa tuwing tinititigan ko siya feeling ko hindi ako ligtas palagi. Kaya kung may ginagawa siya sa'yo-" 

"Wala siyang ginagawa sa'akin."

Napatitig siya sa mukha ni Poppy. Binabasa niya ngayon ang mga mata niya kung totoo bang nagsasabi siya ng totoo o hindi. 

Napabuntong hininga siya ng makitang totoo ang sinasabi nito. Pero ang tanong niya sa kaniyang isipan ay bakit hindi pa rin nawawala ang pangamba sa puso niya? 

Akmang ibabalik niya na ang tingin kay Poppy ng maramdamang nag vibrate ang cellphone niya kaya agad niyang pansadahan ng tingin ang sling bag niya. 

Akmang bibitaw na siya sa balikat ni Poppy ng maramdamang bumalatay ang kirot sa likod niya kaya ngumiwi siya. 

"Ako na kukuha," sabi nito at mabilis na kinuha ang phone niya at inabot sakaniya. 

Tinansya muna ni Santa ang kakayahan niyang tumayo mag-sa bago bitawan si Poppy. Naka-alalay pa rin namin si Poppy sakaniya kaya hindi na siya nag-aalala pa. 

"H-Hello?" Pilit niyang hindi pinapahalata ang panghihina niya sa boses. 

[Lemon!? May nangyari ba? Bakit gan'yan boses mo? Okay ka lang ba!?] puno ng pag-aalalang sabi nito. 

Malalim na bumuntong hininga ang dalaga saka tumango. "I-I'm okay, don't worry."

[Hindi eh. May iba talaga sa boses mo. Don't lie to me-]

"I'm really okay, Calamansi. Hinihingal lang ako," pagpapalusot niya saka dahan-dahang umayos ng tayo. 

Malalim na nagbuntong hininga ito. [Hindi ako makakapasok ngayon. Masyado na kong ginigisa dito ni Mr. Rozen.]

Napasimangot na lang ang dalaga ng hindi nito tinawag ang tatay niya na daddy, dad o papa. Ngayon niya lang din ulit naalala na kailangan na rin mag trabaho ni Milo doon sa company ng tatay niya bago siya ang maging may-ari 'nun.

 Ayaw pa 'nga ni Milo na magtrabaho doon dahil ayaw niya naman maging may-ari 'nun pero dahil nga siya lang ang nag-iisang anak ng dad niya ay wala rin siyang magagawa kung hindi akuin iyon. 

"Good luck with your work, Calamansi," malambing sabi niya. 

[Mag-iingat ka d'yan . Wag na wag mong gugutumin sarili mo, hah!? Tatanungin ko si Shila kung kumain ka o hindi.]

Mahinang natawa si Santa saka tumango. Nag paalam na sila sa isa't-isa bago sila magpasya ibaba na ang tawag. Inalalayan na siya ni Poppy papunta sa bulletin board. 

Pilit niyang hindi pinapahalata na nahihirapan siyang maglakad ng maayos para hindi mahalata ng mga taong dumadaan sa gilid nila na nahihirapan siya. 

Habang palapit siya sa bulletin board ay mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Malakas siyang bumuntong hininga saka tumigil sa harapan ng papael kung saan nandoon ang list na mga nakapasok sa top. 

Unti-unting nanlaki ang mata niya ng makita ang buong pangalan ni Hazel sa top 1. Sabi na 'nga ba, may ginawa talaga silang mag-ina para makapasok si Hazel sa top 1. 

"I'm on the top now. What you ganna do about it!?" nakangising tanong ni Hazel saka sumandal sa bulletim board na nasa harapan niya. 

Palihim siyang humugot ng hangin mula sa dibdib niya upang mapakalma ang sarili. Taas-noong tumingin kay Hazel.

"Medyo nakakatamad na rin kasing maging top ng.." Tumingin siya sa itaas upang maalala kung ilang years na siyang nasa top 1. Mula kinder yata siya ay nasa top one na siya. "Hindi ko maalala kung ilang years na ba ako top one. Medyo nakakapagod maging nasa taas kaya pinagbigyan lang kita ngayon. Para naman maranasan mo kung paano maging nasa taas pero-"

Bahagyang siyang lumapit dahilan para kumirot ang likod niya pero pinilit niya ang sarili na huwag ngumiwi. 

"-Kahit naman nasa taas ka hinding-hindi mo ko mapapalitan," makahulugan niyang sabi dahilan para umigting ang panga nito. 

Mahinang natawa si Santa at tinapik ang balikat niya. "Congrats."

Hindi niya na hinintay pang sigawan siya nito at naglakad na palayo doon. Mariin siyang napapikit ng maramdaman na bumalatay ang matinding kirot sa likod niya sa bawat malaking paghakbang niya. 

Agad siyang napatigil sa paglalakad ng maramdamang nanginig ang mga tuhod niya. Nagsimulang manlabo ang paningin niya kaya agad siyang kumurap ng paulit-ulit. 

"Santa!" 

Continue Reading

You'll Also Like

14.3K 707 49
MJ OsmeΓ±a can get whatever she likes. Will she be able to get the man of her life?
3.4K 142 33
Asturias Series #2 Physique Edifice, last line he said before leaving Blaire Sevaspiana Manalo. But what if the reason of his leaving are finding the...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
63.7K 1.5K 42
Rule #2 : Never get yourself burned by the same flames. For Audrey, Blaze is like a fire she doesn't want to involve herself into. Bawat lapit niya'y...