A (not-so) Cliché Love Story...

By dotmallowmonster

222 19 11

a not so cliché love story I: friends (completed) this is a not so typical story of high school lovers. Trans... More

A (not-so) Cliché Love Story I: Friends
warning
prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
epilogue

Chapter 10

10 1 0
By dotmallowmonster


"And they all live happily ever after.."

Pumalakpak ang mga bata matapos ang pagku-kwento ni Jian. Happily ever after. Ugh, sucks bro.
Umirap na lang ako dahil doon. Tsh. Hindi totoo 'yon! Walang gano'n!

"Ikaw, may jowa ka naman pero ang bitter bitter mo!" pagpuna sa'kin nito nang makalapit sa 'kin. Si Jian— isa sa co-owner ko sa Just Café.

"Tsh. 'Wag mo kasing ituro sa kanila 'yang mga ganiyan, dapat bata pa lang ay alam na nila ang saklap ng reyalidad!" singhal ko dito.

Pinandilatan niya ako at kinurot, "Ikaw! Pinagkaitan ka ba ng childhood?"

Inirapan ko lang siya at ngumuso, rinig ko naman ang pagtawa ng babae sa gilid ko. "Let me guess, nag-away kayo ni Antonio, 'no?" pangaasar niya na ikina-simangot ko. Nagtawanan sila at nag-apir pa. Si Lea, ang isa pang co-owner ko nitong café.

"Hay, nako. Ano na namang ginawa mo, ha?" nakapamewang na tanong ni Jian.

"Wow, ha? Ako agad sinisi? Gano'n ba tingin mo sa'kin, bwisit ka!"

Pinanliitan naman ako ng mata ni Lea habang nang-aasar na ngumisi. "Oh, bakit? Sino ba nag-umpisa ng away niyo?"

Ngumuso ako at umiwas ng tingin. "Ako."
Sinamaan ko sila ng tingin nang humalakhak sila. "Mga bwiset."

"Ano na naman ginawa mo this time, Ei?" tumatawang tanong ni Jian.

"Well.. partly, may kasalanan din siya. Nagselos na naman, eh! Kausap ko lang naman 'yong katrabaho niyang babae tapos inasar ko na baka side-chick niya 'yon. Kaso, ayon.. napikon.."

Tinaasan nila akong dalawa ng kilay na parang sinasabing 'hindi kami naniniwalang 'yon lang ang dahilan' na ikinaismid ko. "Sinabi ko ang ganda no'ng chick. Kung lalaki ako, jojowain ko 'yon..."

Nanlaki ang mata nila at sabay na humalakhak. "Kung wala ka lang talagang jowa, iisipin kong shombot ka!"

Umirap lang ako sa kanilang dalawa at pumasok na sa opisina ko rito sa building.

Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang invitation card para sa reunion party ng batch namin. Hindi ko mapigilang ngumiti sa excitement at saya.

Sampung taon na ang nakakalipas simula noong High School. Since nakagraduate na ako ng jhs, napagdesisyunan na Papa na tanggapin ang trabaho na in-offer sa kaniya sa Manila.

Doon na ako nag-Senior High, kasama si Lexus, sa UST kami nag-aral. ABM ang strand ko at HUMSS naman ang kaniya. Sila Bam? Nanghingi si Bambie ng space kay Lex, nalaman niya kasing nagsabi na ito kay tita Alexa na sa Cavite mag-sSenior High kaya sinabi niyang ayaw muna niyang makita si Lex. Reason? Ewan ko. Ayoko siyang usisain dahil may tiwala naman ako sa mga desisyon niya. At katulad ko, mayroon ding tiwala sa kaniya si Lex sa kaniya kaya sa Manila na lang siya nag-SHS. Kaya si Bambie, Aleeya at Markus ay sa DLSU-C nag-aral. Yep, si Markus at Aleeya. Hindi kasi pinayagan si Aleeya na sa Manila mag-SHS, nagpaiwan naman si Markus dahil nga.. ehem.. sila na that time. Sana all.

No'ng nag-college, lumipat ako sa U.P kong mahal.  Sa Diliman Campus ako nag-aral ng photography. Si Lexus ay sa Ateneo nag-aral, Fine Arts ang kinuha niya kasama ang kambal na Business Management ang kinuha. Habang si Bam ay Legal Management. Yassir, si Bam at Lex ay sa iisang school lang nag-college. After SHS, during summer break ay nagbakasyon sila sa Germany. At doon.. nagkita silang dalawa. Wala masyadong juicy details akong nakuha kay Bam dahil kilala niyo naman 'yon. Tsh. Si Aleeya ay sa DLSU pa rin pero dito na sa Manila at kasama niya ang bebe niya. Naol. Accountancy naman ang course nila pareho.

During college, mas lalong lumandi si Lexus. Noong SHS kami na na sa iisang university ay inaraw-araw niya ang kaharutan, ngayong magkalayo kami ay wala siyang paki at puro harot pa rin everyday. Well, hindi naman gano'n kalayo ang Diliman sa Katipunan so, yeah. Ang harot ng gaga. No'ng 18th birthday ko ay nagtanong siya sa'kin if pwede ba daw manligaw, um-oo ako. Siyempre, legal age na, e. Hehe. Pero ang ulikba, hindi nakuntento, nagpaalam pa sa parents ko! Ito namang magulang ko, tuwang-tuwa. Inasar pa ako, ibibigay daw nila ako sa kaniya ng buong-buo. Walang pag-aalinlangan.

During third and fourth years ko sa college, kahit na halos nahihirapan na ako sa college life, hindi siya sumuko. Nando'n siya, thru ups and downs, every failures, mistake, shits and in my achievements.. he's always there. And when we graduated, i finally answered him. We became official.

Nagising ako sa pagkakatulala nang makarinig ako ng tikhim. Napangiti ako nang nando'n siya sa pinto at may dalang paper bag. Isa, sa tingin ko ay pagkain at ang isa'y alam kong libro.

"Nandiyan na si bebe Antonio mo!" sigaw ni Lea mula sa labas ng pinto na ikinasimangot niya.

"God, she's so annoying..." bulong niya na ikina-ngiti ko. Pinsan kasi niya si Lea, college friend ko siya tapos noon ko lang din nalaman na pinsan niya sila Lexus. Pinang-aasar niya dito 'yong second name ni Lexus.

"Hey, babe." bati niya habang nakangiti.

Inirapan ko siya na kaniya namang ikinanguso. "Babe, i'm sorry, okay? I just annoyed.. i'm not mad. I'm really, really, sorry. I love you so much."

Sarkastiko akong ngumisi sa kaniya. "Talaga? Nagselos ka sa babae? Mukha ba 'kong papatol do'n? Oo, maganda 'yon pero di ako tibo o bisexual!" inis kong litanya. Nakayuko lang siyang nakikinig sa'kin. Matapos kong magsalita ay inangat na niya ang ulo niya at malambot na ngiti ang iginawad niya.

"I'm really sorry. I admit my mistakes, and i'll make it up to you, alright?"

Wala na kong magawa kundi tumango. Bumuntong hininga ako at ngumiti. "I love you.." bulong ko at hinalikan siya sa labi.

Napangisi naman ako nang mapansin ang pamumula ng mukha niya. "I love you too, babe."

Ngumiti ako nang muli niya 'kong hinalikan, mula sa padampi ay tuluyan itong lumalim hanggang sa naging mapusok. Nakayakap ang isa kong braso sa batok niya habang nakasabunot naman ang isa sa buhok niya. Nakapulupot na sa bewang ko ang isa niyang braso at ang isa ay na sa balakang ko. Ang kaniyang mga labi ay unti-unting gumagapang papunta sa panga, ilalim ng tenga, leeg at balikat ko. Nag-simula nang mag-init ang buo kong katawan nang may kumatok sa pinto.

"Ma'am Eieezha, kailangan daw po kayo, sabi ni ma'am Jian." rinig kong saad ng isang staff ng café.

Tila natupok ang apoy na umaligid sa'min ni Lexus. Ngumiti ako rito nang mapansin ang mariin niyang pagpikit. Hinawakan ko siya sa balikat at pinaharap, hinalikan ko ang labi niya ng isa pang beses bago nagpaalam.

"Hmm.. the reunion party will happen next week. Are you excited?" nilingon ko si Lexus nang magsalita ito. Seryosong nagmamaneho, isa ang hawak sa steering wheel at ang isa ay sa hita ko. Feeling niya ata ay kambyo. Kagagaling lang namin sa pag-grocery at ihahatid niya na ako sa bahay. Napangiti naman ako sa tanong niya.

"Siyempre naman! Sino bang hindi? Kahit naman mga bonak 'yong batch mates na'tin ay nakakamiss pa rin, no!"

Ngumiti siya at sumang-ayon. "Ten years.."

Nanlaki ang mata ko nang may ma-realize. "Fuck, ngayon ko lang na-realize! Gosh! Ten years! What the hell.."

Kumunot ang noo niya. "What?"

"Ten years na pala since junior high school! What the fuck? Ang tanda ko na pala talaga.." bulong ko na ikinatawa niya.

Tinignan ko siya habang nakakunot ang noo. Hinawakan naman niya ang baba ko bago yumuko at halikan ang mga labi ko. Agad ko 'yong tinugunan pero mabilis siyang humiwalay.

"Yeah, we're old na. Old enough to marry.."

Namilog ang mata ko nang bigla siyang naglabas ng isang kahon ng singsing. Simple lamang iyon, white gold ang diyamante na nakapalibot sa puting perlas.

"I.. ahm.. this is not actually planned but, damn, babe.. i won't let this day passed without asking you this," kinagat niya ang labi at tinanggal ang singsing mula sa kahon. Inangat ang tingin at nanginginig ang labing muli'y nagsalita. "Babe, will you marry me?"

Ngumiti ako at hindi napigilan ang pagpatak ng luha. Mabilis akong tumango at nilahad ang kamay sa kaniya.

"Yes! Yes, i'll marry you!"

Kinagat ko ang labi at pinigilang humikbi habang unti-unti niya 'tong ipasok sa daliri ko gamit ang nanginginig niyang kamay. Nang matapos ay agad niyang inangat ang baba ko upang muling halikan at buong puso ko itong tinugon.

Noon, naiinis ako sa mga babaeng umiiyak tuwing may nag-popropose sa kanila. Pwede namang tanggapin na lang 'yon ng matiwasay. Hindi ko alam na ganito pala kasaya na makatanggap ng singsing, simbolo ng pagmamahalan niyong dalawa at ang simula ng pagsasama niyo na ilalalaan niyo sa Kaniya. Ayoko rin actually ng proposal, ang cliché. Ayokong may luluhod sa harap kong lalaki tapos aalukin ako ng kasal. Ayoko sa kahit na anong cliché.

Ang tingin ko sa buhay ko noon, pang-karaniwan. Plain. Akala ko, isa lang akong extra sa mga storya nitong mga tao sa paligid ko. Akala ko ay hanggang doon lang ako. Cliché may this sounds but, my whole life changed the moment he transferred in my school. The boring life i've had became so much more when i met him. Posible pala 'yon, no? Akala ko kasi, sa mg nobela ko lang iyon makikita o mababasa. Na hindi iyon pwedeng mangyari sa totoong buhay kasi naman... masyadong perpekto ang gano'n. Parang.. ang saya.

Pero narealize ko na kaya pala may conflicts sa mga nobela ay para ipakita na 'too good to be true' man ang buhay sa mundo ng kathang-isip, may imperpeksyon pa rin ito. Katulad ng buhay ko, may mga problema man pero ang mahalaga ay nandiyan sila. Noon, sobrang naiinis ako sa mg taong nagsasabi ng gano'n, e. Kasi, ano bang silbi ng nandiyan sila kung napapagod ka naman? Pero, kasi.. it's a matter of finding that person who would make you tired and be your peace at the same time.

"Oh my gosh, Betty?" rinig kong sigaw ni Lyn. Tinanaw ko ang tinitignan niya at halos mapanganga ako nang makita siya.

"Ang ganda niya.." hindi ko mapigilang komento.

Si Betty na puro 'pakalog' ang bungad sa'kin noon, ay ganito na kaganda ngayon. Isa na siyang kilalang beauty vlogger at proffesional make up artist. Napangiti ako nang makitang dinadaldal siya ni Chin. Si Chin.. isa na siyang mabuting ina. Ang alam ko ay mayroon na rin siyang sariling tattoo shop.

Si Lyn? Isa sa mga Chef sa prestihiyosong paaralan na itinaguyod ng gobyerno. Philippine International University ang tawag. Sosyal, no? Most of my batchmates are all succesful in our own chosen fields. And i'm very proud for them..

"Zha, ang blooming mo talaga ngayon.." bulong ni Bambie.

Inirapan ko siya. "'Wag mo akong bolahin, attorney."

"Baliw ka. 'Pag yan na-jinx mo.."

Inirapan ko siya bago kinurot ang pisngi. Ang abunjing-bunjing cinnamon roll ko ay kasalukuyang Law Student.

Biglang tumikhim ang kambal ni Lexus at hinawakan sa bewang si Bam. Inirapan ko itong bwisit na 'to. Siya ang nagmana ng company nila. Wow, yaman. Naks, CEO at Lawyer? Power Couple. Emsz. Ayaw rin kasi ni Lexus na maghandle ng kompanya nila, busy siya sa Art School na tinayo niya. At ang bebe ko ay kilala rin na pintor sa iba't-ibang sulok ng mundo. Madalas rin ang exhibit niya dito sa Pinas.

Tinignan ko ang dalawang akala mo ay hindi mapaghiwalay. Si Markus na nakayapos kay Aleeya na akala mo ay may magkaka-interes na kunin 'yan. CPA couple naman ang isang 'to, ang alam ko ay handle ni Markus ang Accounting Firm ng parents niya. Si Aleeya naman ay financial adviser. Halos lahat kaming magkakaibigan ay siya ang financial consultant/adviser.

"Marveles! Ang ganda mo pa rin hanggang ngayon, ha." nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Rivelo.

Biglang may humatak sa'kin mula sa pagkakayakap niya, siyempre ang bebe ko. Masama ang tingin niya rito pero tumawa lang siya.

"Chill ka lang, dude. Nangangamusta lang." natatawang aniya.

"Nangangamusta pero ang higpit ng yakap mo?!"

Hinawakan ko ang balikat niya. "Kumalma ka, babe." bulong ko na agad naman niyang ginawa.

Sinamaan ko naman ng tingin si Rivelo. "At ikaw naman! Ano bang gusto mo, away o gulo?!" singhal ko rito na ikinatawa niya.

"I'm just teasing you both, okay? A dare." aniya at tinuro ang table nila. Nando'n sila Ardiente at ang iba pang section Quezon. Nakangiti sila at nakapeace sign naman si Lacson na class president nila noon. Nginitian ko sila at sinaluduhan. Bumaling ako kay Rivelo at sinamaan sia ng tingin na ikinatawa niya. Nagpaalam na siya at bumalik sa pwesto nila. Umupo naman kami ni Lexus pero hindi niya tinanggal ang kamay sa bewang ko.

"He's still a bachelor?" gulat na bulong ni Aleeya.

"Of course, he's a from a famous band and the guitarist. He's also notorious playboy, you know.." pagbibigay alam ni Bam.

"Psh. He should stop that and get seriously in love." komento ni Lex na ikinataas ng kilay ko.

"Uh.. coming from you?"

Defensive naman niya akong tinignan. "What? I am not a playboy!"

"Uh-huh?" sarkastiko akong ngumisi at pasimpleng nginuso si Bam na nakatingin pala sa'min.

Ngumuso siya at dinantay ang baba sa balikat nito. "Well.."

Inirapan ko na lang siya habang tumawa naman ang lahat ng na sa table namin. Maya-maya'y mas lalong umingay nang lumabas ang dati naming mga teachers. Si sir Santi, sir Mark, sir Fres, ma'am Tin, ma'am Estravo, ma'am Daniel at marami pang iba. Nagkatuwaan lalo ang mga dating estudyante kasama ang dating mga guro.

"I am more than proud to all of you, to what kind of person you've all became.." hindi ko maiwasang mapangiti  sa mga salita ni sir Santi.

Kahit walang connect ang mathematics sa profession ko, thankful pa rin ako sa mga naituro niya. Lalo na dahil naging habit ko ang advance reading dahil advance lagi ang pinapasagot niya sa'kin sa board. Ang laking tulong no'n sa college, no!

"Kahit anong mangyari, huwag niyong aalis sa isipn niyo na hindi lang kayo basta naging estudyante. Hindi lang basta kayong pumasok para mag-aral, dahil nakabuo kayo ng pmilya. Out of each other. And i want you all to treasure that.. I want you to remember that this batch! This batch isn't just a batch of students who studied to study, we made a circle of friends and at that, became a bigger family. A family not bonded by blood, but with love. Thank you so much! And.. welcome back home, pag-asanians!"

Matapos ang message na 'yon ay nagtuloy ang kasiyahan. Pero maya-maya ay biglang namatay ang ilaw, kataka-takang walang nag-panic. Hinanap ko si Lexus sa gitna ng kadiliman, pero biglng may umilaw sa unahan. Nakit ko ang pinaka-gwapong nilalang na nakita ko, nakatayo at may hawak na bouqet ng libro. Napangisi ako dahil doon. Really, huh? 

Pero mas nagulat ako nang sunod-sunod na bumukas ang ilaw at nag-iba na ang atmosphere. Nilibot ko ang paligid at nanlaki ang mata ng makitang lahat sila ay nakapalibot sa'min. Nakita ko ang pamilya ko, at pamilya niya. Muli ko siyang tinignan, ilang metro ang layo namin sa isa't-isa pero nakita ko pa rin ang kislap sa mga mata niya.

Unti-unti siyang lumakad papunta sa direksyon ko, hindi binibitawan ng tingin ang isa't-isa. Nakagat ko ang labi ko nang makarating siyas harap ko at dahan-dahang lumuhod. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon.

"I'm scared with the waves because it once drowns me, almost taking my life away..

When i met you, you remind me of it. You came into my life, like a sea waves, splashing onto me wildly. But still, no matter how wild some waves are.. there is always tranquil in it. And you are it. My wild waves, and my peace. All in one, babe. Yeah, you maybe  like a waves on the sea but..

I won't mind drowning as long as it's you.

And i'm asking you, again, in front of everyone who witness how i adore the waves..

Will you marry me?"

Narinig ko ang tilian ng mga batchmates ko. Lahat sila ay hinihintay ang sagot ko. Noon, ayoko talaga ng ganito. Sinabi ko nang ayoko ng cliché things na nagaganap sa mga novels. Pero heto ako, nagiging total cliché dahil ng pinaka-cliché na bagay ay nagawa ko na. It's falling in love.

It's maybe cliché, yes, but it's what makes us alive. Being inlove. And hell, we all living a cliché life but what makes our stories unique is us. It's all about ourselves, and the people around us.

In front of this man, kneeling infront of me, people surrounding us..
even if this kind of proposal is very cliché in so many ways, my answer will always be..

"Yes."




————

hey, dudes!!!! finally, natapos ko na rin 'to hehez. sana nagustuhan niyo. if nabitin kayo, sorry not sorry.
N E WAYS, SANA NAG-ENJOY KAYO NA BASAHIN 'TO KASI KUNG HINDI, EDI DON'T.

so, yeah. i hope u did not cringe as much as i did when i'm writing this. at kung hindi ka nag-cringe.. anong klaseng stamina ang meron ka? char hehe

aight, again, thank u for reading this. i hope u enjoy! always remember that keep living thru loving! emsz. stay safe mga madzwae!

epilogue is up next! babuh🙌

Continue Reading

You'll Also Like

115K 5.4K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
449K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...