LUMINOUS (Fantasy Novel)

By Gregor_io

11.1K 906 554

|| COMPLETED || Stand-Alone YA Fantasy Novel ANG BUHAY NI AMARIS ay puno ng pasakit sa kamay ng kanyang adopt... More

LUMINOUS
The Map
I : AMARIS
II : ALEK
III : AMARIS
IV : ALEK
V : AMARIS
VI : ALEK
VII : AMARIS
VIII : ALEK
IX : AMARIS
X : ALEK
XI : AMARIS
XII : ALEK
XIII : AMARIS
XIV : ALEK
XV : AMARIS
XVI : ALEK
XVII : AMARIS
XVIII : ALEK
XIX : AMARIS
XX : ALEK
XXI : AMARIS
XXII : ALEK
XXIII : AMARIS
XXIV : ALEK
XXV : AMARIS
XXVI : ALEK
XXVII : AMARIS
XXIX : AMARIS
XXX : ALEK
XXXI : AMARIS
XXXII : ALEK
XXXIII : AMARIS
XXXIV : ALEK
XXXV : AMARIS
XXXVI : ALEK
XXXVII : AMARIS
EPILOGUE
THANK YOU!
🌕

XXVIII : ALEK

62 12 7
By Gregor_io


Hindi ko mapagkumpara ang ilusyon sa realidad. Tila naghahalo ang dalawa.

Nang magbalik ang aking malay, hindi ko matukoy kung ito ba'y totoo o panaginip lamang. Manhid ang aking buong katawan maliban sa brutal na lamig ng sahig sa aking mga tuhod, at ang higpit ng dalawang posas sa aking mga nakaangat na kamay. Bagsak ang aking ulo, at wala akong lakas na mai-angat ito. Ako'y labis na nanghihina kumpara sa huli kong naaalala.

Gaano katagal akong nawalan ng malay?

Sumabog ang kirot sa likuran ng aking utak nang subukan kong hanapin ang kasagutan. Nagtagpi-tagpi ang mga pangyayari sa aking isipan, kaybilis. Nag-iwan iyong ng malawak na puwang sa aking dibdib.

Amaris. "Danil." Inay.

Bumigat pa lalo ang aking katawan. Mahihinang kalatong ng mga kadena ang sumakop sa patay na hangin. Nalaman kong ako'y nakagapos, sa mga kamay at mga paa. Isang malamlam na orbe ng asul na liwanag ang nakalutang ilang patlang ang layo sa aking harapan, sinusuplayan ako ng itim na usok.

Hindi.

Ito'y sumasagap ng itim na usok mula sa akin. Ramdam ko ang paghatak nito palabas sa aking mga ugat. Sa bawat sandali, labis-labis pa akong nanghihina.

Nalusaw ang aking puso. Dama ko ang paghihiwahiwalay ng aking lakas. Sa paglisan ng itim na enerhiya sa akin na siyang tanging napapanatili sa akin bilang buo, ako'y unti-unting nawawasak. Wala akong magawa upang ito'y pigilan.

"P-patawarin nyo ako . . . sa lahat."

Amaris. Danil. "Inay."

Ninais ko lamang ituwid ang lahat. Ninais ko lamang kumapit sa katiting na pag-asa . . . at pangako. Marahil akin iyong nagawa kung sinunod ko lamang ang pawang kagustuhan ng Dark Majesty.

O marahil hindi.

Marahil walang magbabago sa kapalarang nakaabang sa akin, mapagtagumpayan ko man ang aking misyon o hindi, na simula pa lamang, ang intesyon lamang sa akin ay ako'y gamitin.

"Amaris . . ." Paos ang aking mahinang boses. Hindi dapat kita idinawit pa rito.

Kasalanan ko ito.

At ng Dark Majesty.

Sa lahat ng sakripisyong aking ginawa, sa lahat ng bulag kong pagsunod sa kanya, ito ang kanyang isinukli. Nagkamali ako sa pagkilala sa kanya . . . at sa mga Darkborne. Bumaha ng pagsisisi sa bawat espasyo ng aking dibdib. Ang katotohanan ay sumisiklab sa aking isipan, nakakalapnos. Gumapang ang manipis na init pababa sa aking pisngi. "Bakit . . . ako?"

"Sa mababa mong uri ay hindi na ako mapapaisip pa kung hindi mo naitugma ang mga lantad na senyales."

Dark Majesty. Ang kanyang malalim at direktang boses ay nagmumula sa aking likuran. Tinangka kong siya'y harapin subalit wala akong kakayahang iyon ay isagawa.

Lumitaw siya sa aking harapan, ang kanyang mga paa'y magaan sa sahig. "Hayaan mong ipaunawa ko sa iyo ang lahat." Ilang hakbang ang inilapit nya sa akin. "Ang babaeng iyon ay may kaugnayan sa Buwan." Tulad ng aking nahinuha. "At ikaw ay isang Moonfolk." Ang mga Moonfolk ay aming ninuno, mga lumang Zamarron. "Lahat ng hindi likas na Shadow ay mga Moonfolk, ngayon ay batid mo na."

Isa akong Moonfolk. Ang mga Zamarron ay mga Moonfolk. Hindi ito masakop ng aking utak.

"Bilang Moonfolk, mayroon kang likas na katangiang bumabagay sa liwanag ng Buwan, at ng babaeng iyon."

Amaris. Iyon ba ang dahilan kung bakit kay likas kong nararamdaman ang kanyang enerhiya? Dahil ang akin mismong kakayahan ay mula sa Buwan . . . na nauugnay sa kanya? Ngayo'y malinaw na sa akin ang mga pagkakataong tila nabibigyan nya ako ng higit na lakas. Kung bakit hindi ko iyon binigyang pansin? Noong inihabi ko ang koneksyon ko sa kanyang damdamin sa aming yakap, hindi ko inasahang akin iyong magagawa. Ang alaala mula sa Earth ay nagbalik sa akin. Noong ako'y nawalan ng malay sa gitna ng buhos ng ulan, at naglaho ang mga aninong nakapalibot sa akin, pinigilan ko siya sa kanyang paglapit. Sa sandaling paglapat ng kanyang liwanag sa akin sa mga tagpong iyon, sa kaloob-looban ko ay ninais kong siya'y mas lumapit pa. Paanong inisip kong isa iyong kahibangan?

"Nakikita kong nauunawaan mo na. O nais mong higit ko pang ipaintindi sa iyo, Mababang uri?"

Nais kong marinig mula sa kanya ang kanyang pagtataksil at pagpapaikot sa akin. Kumulo ang suklam at galit sa aking dibdib, hinayaan ko ang sarili kong manahimik.

"Para sa isang Shadow . . . wala kaming likas na kakayahang labanan ang kanyang sumasalungat na enerhiya sa amin. Ngunit sa iyo, mababang Moonfolk, iyon ay walang kahirap-hirap." Umusbong ang kanyang malalim at tusong halakhak. "Ang ginawa kong iyon ay maliit na aksyon lamang sa mga kaya pang gawin ng isa Hari . . . para sa kanyang trono . . . at mundo."

Ang puwersa ng aking emosyon ang nagsuplay ng lakas sa akin upang magawa kong i-angat ang aking mukha. Ang mabigat kong buhok ay bahagyang nakasagabal sa aking paningin, subalit tiniyak kong direkta ang aking mga mata sa dugo nyang balintataw. "Hindi ka totoong Hari, taksil na uri."

Inasahan ko ang pagbalot ng kanyang kontrol sa aking katawan, ang pagsabog ng kanyang enerhiya. Subalit humalakhak lamang siya. Hindi ko na kinaya pa ang bigat ng aking mukha at muli itong bumagsak.

"Sa ngayon ay may naaaninag pa akong pakinabang sa iyo. Sapat na muna ang iyong pagdurusa." Siya'y naglaho. Nalusaw ang kanyang presensya at sa mga sumunod na sandali ay namalaging muli ang katahimikan.

Nais kong sumigaw, sumabog sa galit, bumulusok sa Dark Majesty at wasakin ang kanyang katawan at enerhiya. Sa aking damdamin at isipan iyon ay aking nagawa . . . ngunit hindi ko hawak ang aking katawan. Kung akin lamang itong muling makokontrol, titiyakin kong ang mga kagustuhan kong iyon ay mangyayari.

Continue Reading

You'll Also Like

33K 1K 39
Welcome to St. Achelous Academy! In a secluded school, far away from mortals. No one knows about this except the gods and the goddesses. A school fu...
45.1K 1.8K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
11.3M 507K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #02 â—¢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
13.2K 481 70
"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste y...