Caught and Conquered (SERIE F...

By elyjindria

4.5M 178K 120K

(COMPLETED) Nathalie Mariano is an unfortunate woman. Her family abandoned her when she was just a kid, she w... More

Caught and Conquered
DISCLAIMER
MOODBOARD
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
LAST CHAPTER
NEXT

Chapter Thirty-One

109K 5K 1.3K
By elyjindria

Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Napadaing ako saka tumingin sa paligid, ang sakit sa mata ng liwanag... Mukhang nasa ospital na naman ako.

“Buti naman gising ka na.” Narinig ko ang boses ni Gina.

Napatingin ako sa kanila. Nandito sina Gina. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala para sa 'kin. Napabuntonghininga na lang ako dahil pinag-alala ko na naman sila.

Muli akong napadaing at napahawak sa sentido ko. Sinubukan kong bumangon. Agad naman akong pinigilan ni Gina. May kinuha siyang maliit na remote sa tabi n'ya saka may pinindot doon. Natigilan ako nang kusang umangat ang itaas na parte ng kamang hinihigaan ko. Tipid na napangiti na lang ako saka nagpasalamat kay Gina.

“Ano ka ba naman, Nathalie? Bakit ka naman kasi nagpapalipas ng gutom? Na-ospital ka naman tuloy,” tila nag-aalalang sabi ni Ken.

Iyon pala ang dahilan. Ilang araw na nga akong walang gana kumain. Kaya pala nahihilo ako at nanghihina.

“Dumaan dito si Thalia kanina at nagdala ng mga prutas. May kailangan daw siya asikasuhin kaya umalis siya agad. Pero babalik daw siya mamaya,” saad ni Gina.

“Ite-text ko na lang siya na h'wag na magpunta. Aalis na rin naman ako rito agad. Mukhang VIP room pa ang silid na 'to. Bakit naman sa mamahaling ospital pa ako dinala? Nahimatay lang naman ako,” napapailing na sabi ko na lang saka napakamot sa kilay ko.

Napatikhim sina Gina saka napakamot sa batok nila. Tila ba nahihiya silang sabihin ang kung ano man ang kailangan nila sabihin.

“Ano... 'Yung Mama mo naman ang nagbayad dito,” sabi ni Chinu.

Natigilan ako saka napakunot ang noo. Muntik ko ng malimutan ang tungkol sa kanya... Ang tungkol sa nanay ko.

Napabuntonghininga ako at muling pumikit. Ang daming tanong sa isip ko. Sobrang sama ng loob ko. Paulit-ulit ko lang sinasabi sa isip ko na wala na akong pakialam sa katotohanang inabandona ako... pero nakakasama pa rin pala talaga ng loob.

“Naths, sasabihin ko na ba sa Mama mo na nagising ka na? Halos hindi siya umalis dito kagabi para bantayan ka kahit may dinaramdam din siya... Ayaw mo ba siyang kausapin?” tanong ni Gina.

“Sabi ng Mama mo mag-text kami sa kanya kapag nagising ka na at kapag gusto mo na siyang makausap. Nasa isang VIP room din siya at nagpapagamot. Ayaw n'yang mai-stress ka lang kapag nakita mo siya kaya bumukod siya ng silid,” sabi naman ni Kuyu.

Napabuga ako ng hangin at marahang idinilat ang mga mata ko. Mapait na napangiti na lang ako saka tumingin sa kanila. Base sa nakikita ko sa mga mata nila, gusto nila na kausapin ko ang ina ko.

Napabuntonghininga na lang ako at tumango. “Ituro n'yo na lang sa akin kung nasaan siya. Ako na ang pupunta sa kanya,” sabi ko na lang.

Halatang nagulat sila sa sinabi ko. Mukhang hindi nila inaasahan na papayag akong makipag-usap... Ayoko na kasi ng dagdag na bigat sa dibdib. Siguro nga dapat pakinggan ko muna siya bago ko alamin ang dapat kong gawin. Ako lang din naman ang mahihirapan at magdurusa kapag sinarado ko nang tuluyan ang sarili ko sa nanay ko.

Mapait na napangiti na lang ako... Ano ba ang itatawag ko sa kanya? Kahit pangalan n'ya nga ay hindi ko na maalala. Maski ang mga alaala namin hindi ko na maaalala. Ang mukha n'ya lang ang nanatiling pamilyar sa alaala ko.

“Nandyan siya sa loob kasama si Killian,” sabi ni Gina saka itinuro ang pinto.

Napalunok ako at napakapit nang mahigpit sa IV stand. Hindi ko pa raw kasi pwedeng alisin ito sabi ng doktor kaya tulak tulak ko sa paglalakad.

Napabuga ako ng hangin at pinakalma ang sarili ko. Naramdaman kong umalis na si Gina pero nakatitig pa rin ako sa pinto.

Nanginginig na inangat ko ang kamay ko saka kumatok. Saglit lang ang hinintay ko at agad din akong pinagbuksan ni Killian. Halatang natigilan siya nang makita ako. Agad n'yang hinawakan ang IV stand ko at inalalayan ako papasok sa silid.

“K-Kayleigh...”

Agad na napabangon si Mama nang makita ako. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya nang paupuin n'ya ako sa kama. Umupo naman siya sa tabi ko saka humawak sa kamay ko.

“M-May sakit po ba kayo?” tanong ko saka napaiwas ng tingin sa kanya.

“A-Ayos lang ako, anak... Ikaw? May masakit ba sa 'yo? May gusto ka ba? Sabihin mo lang sa akin,” sabi n'ya habang hinahaplos ang kamay ko.

Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti saka umiling. “Ayos lang po ako,” sabi ko na lang.

Nanginginig ang mga kamay ko. Alam ko sa sarili ko na galit ako sa kanya, may sama pa rin ako ng loob sa kanya... pero hindi ko maikakaila na lumalambot din ang puso ko para sa kanya.

Napatingin ako kay Killian na tahimik lang na nakatitig sa amin. Bahagya siyang ngumiti nang mapatingin ako sa kanya.

“Kumusta ka naman, ate?” nakangising tanong n'ya.

Agad na sumama ang mukha ko. “Please, h'wag mo akong tawaging gan'yan kung ayaw mong bigwasan kita,” pananakot ko sa kan'ya.

Ang awkward kasi pakinggan. Ni hindi ko nga alam na mas matanda pala ako sa kanya.

“Okay, Kayleigh Acuesta,” tila nang-iinis pang sabi n'ya.

Napabuntonghininga na lang ako. Kayleigh Acuesta... Ngayon ko na lang ulit naalala na Acuesta pala ang apelyido ko.

“Gaano mo na katagal alam ang tungkol dito, Killian?” seryosong tanong ko sa kanya.

Napabuntonghininga siya. “Three years ago pa. Unang kita pa lang daw sa 'yo ni Mama sa hotel, alam na n'ya na ikaw si Kayleigh. Sorry pero palihim din akong nagpa-DNA test no'n at nalamab kong tama nga si Mama. Anak ka n'ya at magkapatid tayo. Pinakiusapan lang ako ni Mama na h'wag munang sabihin sa 'yo dahil ayaw n'yang mabigla ka,” paliwanag ni Killian.

Napatango na lang ako. Kaya naman pala sobrang bait sa 'kin ni Killian. Bakit hindi ako nagtaka na hindi nanghinayang si Killian na pag-aralin ako sa magandang school at kumuha nang magaling na tutor para sa akin? Dapat nagtaka na ako na sobrang daming naitulong ni Killian sa 'kin.

“B-Bakit... bakit napagdesisyunan n'yong aminin ngayon kung nagawa n'yong itago ng tatlong taon?” tanong ko.

“Sobrang nag-alala si Mama noong nalaman n'yang nabaril ka. Doon n'ya napagdesisyunan na hindi n'ya na kayang manahimik at hayaan kang mag-isa. Kaya nandito si Mama sa 'yo ngayon. Ipapaliwanag n'ya ang side n'ya at sasagutin ang lahat ng itatanong mo sa kanya,” saad pa ni Killian.

Napatingin ako kay Mama. Namumula ang mga mata n'ya at naluluha habang nakatingin sa akin. Para bang hindi siya makapaniwala na nandito na ako sa harapan n'ya ngayon.

“Makikinig po ako sa sasabihin n'yo... pero sana po maintindihan n'yo kung hindi ko kaagad matatanggap ang lahat,” bulong ko saka napalunok.

Ngumiti si Mama at tumango. “Masaya na ako na handa kang makinig sa akin, anak,” naluluhang sabi ni Mama saka hinaplos ang buhok ko. “Hindi ko ginusto na abandonahin ka, anak. Maniwala ka sa akin... Mahal na mahal kita. Sobrang hirap para sa akin ang iwan ka sa kaibigan ko na si Lusian,” naluluhang sabi ni Mama.

Si Aling Lusian... Siya ang tumayong magulang namin nina Chinu pero matagal na siyang pumanaw dahil sa sakit. Sampung taon pa lang ako nang pumanaw si Aling Lusian... Doon din kami natutong magnakaw nina Chinu.

“Buntis na ako sa 'yo nang itakda akong ikasal sa ama ni Killian. Galit na galit sa akin ang mga magulang ko at sinabing ipalaglag ko ang bata pero hindi ko ginawa dahil hindi ko kaya, anak. Nagawa kong tumakas hanggang sa nailuwal kita at napalaki. Pero nahagilap ako ng lolo ni Killian sa father side n'ya makalipas ang ilang taon. P-Pinapatay n'ya ang Papa mo, sinakripisyo ng Papa mo ang buhay n'ya para maitakas kita at hindi malaman ng Lolo ni Killian ang tungkol sa 'yo. Wala na 'kong nagawa ng mga panahong 'yon kundi ang iwan ka kay Lusian dahil ayokong mangyari sa 'yo ang nangyari sa ama mo. S-Sobrang bigat na desisyon sa 'kin na iwan ka, Kayleigh. Walang gabi na nakatulog ako nang ayos kakaisip sa 'yo. Hindi kita nagawang kumustahin o ipahanap dahil palaging nakabantay ang Papa ni Killian sa bawat kilos ko... Namatay ang Papa ni Killian four years ago. Doon lang ako naglakas-loob na ipahanap ka at sabihin kay Killian ang tungkol sa 'yo,” naluluhang paliwanag ni Mama.

Hindi ako nakapagsalita ngunit tuluyan akong napaluha. Nakakapit ako nang mahigpit sa damit ko habang patuloy na naluha.

“A-Alam kong hindi sapat na dahilan 'yon sa pang-aabandona ko sa 'yo... pero sana, anak. Bigyan mo 'ko ng pagkakataon na maging magulang sa 'yo. G-Gagawin ko ang lahat para iparamdam sa 'yo ang ilang taon na naging pagkukulang ko bilang ina mo. Hayaan mong bumawi si Mama sa 'yo... P-Please, anak. Hayaan mo 'kong maging magulang sa 'yo,” tila nagsusumamong sabi ni Mama saka marahan akong hinila para yakapin.

Nanginginit ang mga kamay na gumanti ako ng yakap sa kanya at napahagulgol ng iyak. Kumapit ako nang mahigpit sa damit n'ya habang naluha na parang bata sa mga bisig n'ya.

“M-Mama...” anas ko habang patuloy na lumuluha.

Tuluyang napahagulgol ng iyak si Mama nang marinig na tinawag ko siya. Tila ba iyon ang matagal na n'yang gusto marinig. Umiyak siya na tila ba matagal na siyang nangungulila na marinig ang salitang 'yon mula sa akin.

“M-Mahal na mahal kita, anak ko...” naiyak na sabi ni Mama at napayakap nang mahigpit sa akin.

HINDI KO na alam kung gaano kami katagal magkayakap ni Mama. Hindi ko naman siya pinipigilan at hinayaan na lang siya. Napangiti na lang ako at hinaplos ang likod ni Mama.

“Mama, humiga na po kayo at magpahinga. Gabi na po at kailangan n'yo ng matulog,” sabi ko saka tinapik ang kama.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ang mukha ko. Napangiti siya saka marahang hinaplos ang pisngi ko. Hanggang ngayon ay naluluha pa rin siya.

“Ayokong pumikit at matulog, anak. B-Baka panaginip lang 'to. Hindi ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap kita ngayon, anak ko,” naluha pa ring sabi ni Mama habang titig na titig sa akin. Para bang mawawala ako kapag kumurap siya.

“Mama, paano po kayo makakabawi sa akin kung hindi n'yo po aalagaan ang sarili n'yo? Gusto n'yo po ba akong mag-alala?” tanomg ko saka hinawakan ang kamay n'ya.

Naluluhang gumiti si Mama saka umiling. Wala na siyang nagawa nang tumayo ako at pinaayos siya ng pwesto sa kama. Umupo ako sa upuan na malapit sa kama n'ya saka kinumutan siya.

Napangiti ako at muling humawak sa kamay n'ya at tumitig sa kanya. Idinikit ko ang pisngi ko sa likod ng palad n'ya saka marahang hinaplos ang buhok n'ya.

“Mama... may request lang po sana ako,” saad ko saka tumingin sa mga mata n'ya.

“Ano 'yon, Kayleigh?” tanong n'ya.

“Pwede po bang mag-stick ako sa pangalan ko ngayon. Gusto ko pong manatili bilang Nathalie. Gusto ko po ang pangalang ibinigay n'yo sa akin, pero naging masaya rin naman po ako bilang Nathalie. Kaya gusto ko po sana na manatiling Nathalie ang pangalan ko,” sabi ko habang nakatitig sa kanya.

Ngumiti si Mama at tumango. “Kung iyon ang gusto mo, anak. Ayos lang.”

Napangiti na lang ako at pinagpatuloy ang paghaplos sa buhok n'ya, namumuti na ang buhok n'ya. Halata rin sa mukha ni Mama ang stress... Buong buhay ko akala ko ako lang ang nahihirapan sa aming dalawa. Mukhang mabigat din ang dinala n'ya sa mga nakalipas na taon. Malamang araw-araw siyang nilalamon ng konsensya dahil sa ginawa n'yang pag-abandona sa akin noon.

Sa tingin ko hindi na dapat pag-abandona ang itawag ko ro'n... iniligtas ako ni Mama.

“Ano na ang plano mo, ate--ay, Kayleigh... ay, Nathalie pala,” tila naguguluhang sabi ni Killian.

Tiningnan ko siya nang masama saka binato ng unan. Nandito na ako sa silid ko. Mamaya lang ay pwede na ako umalis. Kailangan ko ng umuwi. Sasamahan ako ni Killian na ayusin ang mga gamit ko dahil sa bahay na nila ako titira.

Ang plano ko noong bago kami mkapag-usap ni Mama, bibigyan ko muna ng oras ang sarili ko at lalayo muna sa kanila... pero sa tingin ko ay wala ng dahilan para magsayang kami ng oras. Ilang taon na rin naman kaming nangulila sa isa't isa ni Mama. Ramdam na ramdam ko rin naman kung gaano siya nagsisi at kung gaano n'ya ako kamahal.

“Tawagin mo ako kung saan ka komportable, para ka namang tanga, e,” sabi ko na lang saka inirapan si Killian.

“Okay, ate,” sabi naman n'ya.

Napasinghap ako. Nagkibit-balikat naman siya.

“Sabi mo tawagin kita kung saan ako komportable,” tila patay-malisyang sabi n'ya.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Kung gano'n, igalang mo ang ate mo,” nakangising sabi ko.

“Wow, ang yabang mo na palibhasa kahati na kita sa inheritance.” Napaismid siya.

Mas lalo akong napangisi. “Oo kaya kabahan ka na.”

PAGKATAPOS ko mag-ayos, inihatid na ako ni Killian sa apartment. Sinabi ko na bukas na lang kami tumuloy sa paglipat dahil inaantok na rin ako.

Napabuntonghininga ako at pumasok na sa apartment nang umalis na si Killian. Ni-lock ko kaagad ang pinto saka nagtungo sa kwarto ko. Ngunit halos napatalon naman ako sa gulat nang makita ko si Ashteroh na nakahiga sa kama ko. Nakatalikod siya sa pwesto ko kaya hindi ko matukoy kung tulog ba siya o gising.

Ano'ng ginagawa n'ya rito?

Agad kong pinakalma ang nagwawala kong puso. Likod pa lang n'ya ang nakikita ko pero grabe na ang epekto sa akin.

Napalunok ako at lumapit sa kanya saka marahang niyugyog ang balikat n'ya.

“Pst, huy. Gising,” sabi ko na lang.

Napapitlag ako nang agad siyang lumingon sa akin. Napakunot ang noo ko nang mapansing mukha siyang walang tulog at puyat na puyat.

Napatikhim na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. “Umuwi ka na sa sarili mong bahay at doon matulog,” tila masungit na sabi ko na para bang hindi ako naghintay ng isang linggo sa kanya.

Tinalikuran ko na lang siya. Akmang lalapit na ako sa drawer para kumuha ng damit pero agad akong nayakap ni Ashteroh mula sa likuran ko. Napabuntonghininga siya saka isinubsob ang mukha sa leeg ko. Halos makiliti ako nang maramdaman ko ang mainit n'yang hininga ro'n.

“Nathalie...”

Pangalan ko pa lang ang binanggit n'ya pero halos magwala na ang puso ko. Napalunok ako at huminga nang malalim.

Hinawakan ni Ashteroh ang balikat ko saka pinaharap ako sa kanya. Napatitig ako sa pagod n'yang mga mata.

“Ma'am Nathalie... itigil na natin 'tong iwasan at tabuyang laro na 'to. Tatlong taon na ang nasayang sa atin. H'wag na tayong magsayang ng oras ulit. Magmahalan at maging masaya na tayo ulit. Hmm?” Hinaplos n'ya ang pisngi ko habang titig na titig sa akin. “Hindi mo na ba ako mahal?” tanong n'ya pa.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi agad nakasagot. Dinampian n'ya nang marahang halik ang labi ko saka yumakap sa baywang ko.

“Mahal na mahal kita, Ma'am Nathalie,” anas n'ya saka muling tumitig sa mga mata ko.

Napalunok na lang ako at nanginginig ang mga kamay na yumakap sa batok n'ya. Halatang natigilan siya sa ginawa ko.

“S-Sige... Pumapayag na ako. M-Magmahalan na tayo ulit at maging masaya na magkasama,” usal ko habang nakatitig din sa kanya.

Halatang nagulat si Ashteroh sa sinabi ko. Bahagya pang napaawang ang mga labi n'ya. “N-Nathalie.”

Napangiti ako saka dinampian ng halik ang nakaawang n'yang labi... Dapat noong una pa lang alam ko na... dapat alam ko na sa sarili ko na bibigay rin ako sa kanya. Mahina pa rin ako pagdating kay boss.

“Mahal na mahal din kita, boss mapagmahal sakalam.”

Continue Reading

You'll Also Like

175K 7.8K 38
(COMPLETED) Cupida Yllara Abad was named after Cupid by her parents just because she was born on Valentines day. She was called Cupid by everyone aro...
13.4K 446 1
Katrice Rivera is Fiero De Greco's most loyal employee; she would do anything for him. She was so attached to him that she was willing to surrender a...
20.6K 705 5
NEW EDITION Cavanaugh #2 Kryptonite, a twenty-three year old stubborn, rebellious, spoiled-brat, and strong-willed woman who's raised alone by the pe...