Chapter Four

107K 5K 2.9K
                                    

Club dei... ano raw?

Wala akong naintindihan dahil mukhang ibang luggage din naman ang sinabi n'ya. Hindi tunog english 'yon, e. Siguro Chinese? Ay ewan, ayoko na masyadong mag-isip, hindi bagay sa 'kin. Ganda lang talaga meron ako.

“Hehe, thank you, boss number two,” sabi ko na lang saka ngumiti nang matamis sa kanya.

Kung si Ashteron ang boss ko, siguro siya ang boss number two. Eh teka, 20 silang lahat dito eh? Hay, ang dami ko namang boss kung gano'n.

“I'm not your boss yet, young lady... Cad, explain it to her. This is so draining,” sabi ni boss number two... Ay, hindi ko pa raw siya boss... bale Zakarius muna.

Naglakad na si Zakarius pabalik sa upuan n'ya saka ipinikit ang mga mata n'ya. Hindi ko alam kung anong nakakapagod sa ginawa n'ya, e nagsalita lang naman siya. Mukhang hindi lang siya psychology, mukhang tamad din siya.

Lumapit sa akin 'yung lalaking mukhang friendly. Infireness, pogi rin ang isang 'to. Sadyang mukha lang gagawa ng kalokohan.

“Hi, lods Nathalie... Ako nga pala si Cad. Nagpakilala na 'ko kanina pero mukhang 'di mo napansin. Pero okay lang, ito lang kasi ako,” sabi n'ya sa akin.

Sadboi ng pinas yata ang lalaking 'to.

“Okay, Cad Toth,” sabi ko na lang.

Napakunot ang noo n'ya. “C-Cad Toth?” tila nagtatakang tanong n'ya.

“Mukhang wala kang apelyido kaya bibigyan kita. Bagay yata sa 'yo ang Toth... Okay lang 'yan, marami na akong nabigyan ng apelyido kaya h'wag ka ng mahiya,” sabi ko saka tinapik nang marahan ang braso n'ya.

Medyo hawig n'ya si Kenan Toth kaya parehas na lang sila ng apelyido.

Natawa si Cad at napasabunot sa sarili n'yang buhok. “Tangina, Ashteroh. Bakit ka nagdala ng babaeng mas malakas ang trip sa 'kin? Hindi ko matanggap, pare. Ako lang dapat 'yung number one, e,” tila nadidismayang sabi ni Cad at napailing pa.

Ano bang pinagsasasabi ng siraulong 'to? Ako na nga ang concert sa kanya, e.

“Okay, Ma'am Nathalie. Ako na si Cad Toth... By the way, let's go na, lods. Magsisimula na ang try out mo para matanggap na tauhan ng feroci,” sabi ni Cad saka umakbay sa akin.

Ang sosyal naman, may try out pa... Pero ano ba 'yung try out?

“Wala bang sasama sa inyo? Ako lang talaga ang mag-g-grade kay Nathalie?” tanong ni Cad saka nilingon ang mga lalaki na parang may mga sariling mundo.

Sineseryoso ba talaga nila 'to? Kinakabahan ako kanina pero nabawasan dahil mukha namang walang pake ang mga 'to, maski na ang leader kuno nila na si Zakarius mukhang inaantok lang.

“Kaya mo na 'yan, i-summarize mo na lang 'yung mangyayari,” sabi ng isang lalaki habang nagce-cellphone.

“Zak, bayaran mo 'ko rito. Tangina, walang nakakapag-utos sa 'kin ng libre,” paghihimutok ni Cad.

Tumango na lang si Zakarius habang nakapikit pa rin. Lumaki naman ang ngiti ni Cad. Wowers, mukhang pera ang isang 'to ah.

Lumabas na kami ng headquarters nila na 'to. Nakaakbay sa 'kin si Cad habang si Ashteroh naman nakasunod lang sa likuran namin. Pasimple ko siyang nilingon... Sasama rin siya?

Nakalabas na kami sa parang gubat na pagdadaanan bago makapasok sa headquarters nila. Infireness, ayos din 'yung parang gubat na pagdadaanan. Hindi kita ang headquarters nila dahil sa matataas na puno.

“Pareng Ashteroh, ikaw na ang mag-drive,” sabi ni Cad.

Sumakay na kami sa kotse. Nasa backseat kami ni Cad habang si Ashteroh ang nagmamaneho. Saan naman kaya kami pupunta? Baka dalhin nila ako sa liblib na lugar tapos doon ako patayin?

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon