Chapter Thirteen

112K 4.7K 3.8K
                                    

"Shet na malagket. Sana si Havon ang makatuluyan ni Hazel," sabi ko saka napayakap nang mahigpit sa unan.

Natigilan si Ashteroh sa sinabi ko at inalis ang pagkakaakbay sa akin. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kanya nang hampasin n'ya ako ng unan sa mukha.

Naiinis na kinuha ko ang unan sa kanya saka hinampas din ang mukha n'ya.

"Grabe ka, boss! Ganyan ka na porke binasted kita!" asik ko saka sinakal-sakal pa siya.

Napaubo naman siya at itinulak ang mukha ko palayo sa kanya. Gagong 'to, parang kanina lang ang sweet n'ya. Panay ang halik at yakap tapos bigla na lang nanghahampas. Siraulo amputa.

Nandito kaming dalawa sa may living room nanonood ng palabas. Dapat sa kwarto n'ya kaso sabi ko dito na lang sa sala para hindi ako makatulog. Romance 'tong pinapanood namin. Buti napilit ko siyang manood ng ganito. Ayaw n'ya pa kanina kasi corny raw ang romance genre pero ngayon naman dalang dala na siya sa scenes. Parang ewan.

"Bakit Team Havon ka? Ma-red flag 'yon, e. Sobrang toxic. Si Homer ang bagay kay Hazel," nakakunot-noong saad n'ya.

Nako, magkaiba pala kami ng team dalawa. Bakit kasi love triangle pa 'tong pinapanood namin?

"May dahilan naman si Havon kaya siya gano'n 'no! Saka mas may chemistry sila ni Hazel. Mabait nga si Homer kaso mabagal naman kumilos. Wala silang kilig factor ni Hazel," paliwanag ko naman.

Naiinis na inakbayan ako ni boss saka ni-headlock ako. Napaubo naman ako saka naiinis na hinampas ang braso n'ya na nasa leeg ko.

"Type mo ba 'yung ma-red flag at toxic na lalaki? Kung gano'n pala ang type mo dapat mga kaibigan ko na lang ang maging ka-MU mo. Ako ang pinaka-boyfriend material sa feroci akala mo ba? Halos lahat ng mga 'yon maraming red flags!" asik n'ya saka ginulo nang todo ang buhok ko.

Bakit naman nauwi sa ganito ang usapan namin?

"Sa palabas lang kasi! Saka bakit ba galit na galit ka? Porke hindi ako Team Homer nagkakaganyan ka na!" singhal ko saka inalis ng braso n'ya sa akin at kinagat ang kamay n'ya.

Napaismid na lang siya at muling nag-focus sa panonood. Naiinis na napakagat siya sa kuko n'ya.

"Kapag hindi si Homer ang nakatuluyan ni Hazel, hahagilapin ko ang writer n'yan at papatayin ko talaga hanggang--"

Tinakpan ko ang bibig ni boss saka kinagat ang pisngi n'ya. Hinampas n'ya naman ang kamay ko saka hinampas ulit ako ng unan sa mukha.

"Bakit ba kanina ka pa nangangagat?! Bampira ka ba?!" asik n'ya.

"Ang sarap mo kagatin, boss. Payakap nga," sabi ko na lang saka niyakap siya sa leeg.

Napaismid na lang siya at yumakap din sa baywang ko. Marupok si boss.

"Boss, Team Havon ka na lang din, please. Kiss kita kapag team Havon ka na rin," sabi ko saka nagtaas-baba ng kilay.

Napatingin sa 'kin si boss saka napangisi. "Sige na nga, Team Havon na rin ako. Pa-kiss na," sabi n'ya saka hinila ako at pinaupo sa kandungan n'ya.

"Marupok ka, boss. Joke lang 'yon, e!" natatawang sabi ko at itinulak ang mukha n'ya nang akmang hahalikan na n'ya 'ko.

"Deserve ni Homer si Hazel. Team Homer until the end," biglang pagbabago ng isip ni boss.

Napasinghap ako at hinampas ang dibdib n'ya. "Ang pangit mo ka-bonding, boss!"

"Ikaw ang pangit ka-bonding. Bakit type mo ang mga toxic na lalaki gaya ni Havon? Pangit ng trip mo," nang-aasar na sabi n'ya saka kinurot nang malakas ang pisngi ko.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon