Chapter Five

112K 5K 3.3K
                                    

“Hay...”

Ang boring. Super duper boring. The day in the later today are super boring and it will making me wants to be in the somewhere of... Basta, hindi ko na kaya, sobrang boring talaga. Napapa-english tuloy ako.

“Nathalie... wala bang inuutos sa 'yo si Sir?” tanong ni Cam, isa sa katulong ni Ashteroh.

“Wala nga, e. Bored na bored na 'ko! Bakit pa n'ya ginulo ang tahimik kong buhay kung palagi lang pala akong nakahilata rito?” reklamo ko saka kumagat sa chocolate na hawak ko. Ewan ko kung kanino 'to, nakita ko lang sa ref.

“Ayaw mo no'n? Masarap buhay mo. Kahit nga kami walang masyadong ginagawa rito, e. Pero grabe pa rin siya magpasweldo. Napag-aral ko nga kapatid ko dahil sa kanya,” sabi naman ni Andeng.

Napangisi ako. Ibig sabihin hindi pala kuripot si Boss Ashteroh. Okay na rin pala kung gano'n, hindi na lugi. Sana bigyan n'ya ko nang maayos na porsyento sa mga nanakawan ko.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Ashteroh. Nakawan ko na lang kaya siya? Baka may nakatago ro'n na hindi ko alam.

Tumayo na lang ako at nagpunta sa kwarto ni boss. Hindi n'ya ugaling mag-lock ng kwarto kaya lagi ko siyang nananakawan ng mga damit.

Umupo ako sa kama ni boss pagpasok ko. Simple lang naman ang design ng kwarto ni Ashteroh, pero malaki at malaki rin ang space. 'Yung halaga yata ng nagastos sa kwarto na 'to mas mahal pa ng tatlong beses sa buhay ko... Bakit kaya nagnanakaw pa sila? Lalo na si Ashteroh, mayaman naman siya.

Tumayo na lang ako ulit at naghanap ng pwedeng ibulsa. Natigilan ako nang makita ang pabangong ginagamit ni boss. Kinuha ko 'yon at inamoy. Wow, ang bango. Hindi gano'ng katapang ang amoy.

Pasimple kong ini-spray ang pabango sa leeg ko. Napangisi na lang ako saka ibinalik 'yon sa lagayan. Muli akong gumala sa kwarto n'ya para maghanap ng pwedeng nakawin.

Napangisi ako nang makakita ng lagayan ng relo n'ya. Grabe, ang dami n'yang relo. Mukhang mamahalin pa ang mga 'to. Nasusuot n'ya ba 'to lahat o trip n'ya lang bumili nang bumili?

Nagkibit-balikat na lang ako saka kumuha ng isang relo. Napatingin naman ako sa isang cabinet. May mga bracelet at kwintas do'n na panglalaki. Kumuha rin ako ng tig-isa saka nilagay sa bulsa ko. Magkano ko kaya mabebenta ang mga 'to?

Bumalik na lang ako sa kama saka umupo. Kinuha ko ang remote sa gilid saka binuksan ang TV. Grabe, ang sarap naman manood sa ganitong kalaking TV.

Natigilan ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Agad na iniluwa no'n si Ashteroh na naghuhubad ng blazer n'ya. Natigilan din siya nang makita ako.

“Hi, boss...” sabi ko na lang saka nag-peace sign.

Napailing na lang siya saka pumasok sa loob. Inilapag n'ya ang blazer n'ya sa couch saka niluwagan ang necktie n'ya.

“Boss, sobrang boring na ng buhay ko. Tatambay lang ba ako rito always and forever?” naghihimutok na tanong ko.

“Maghintay ka,” sabi na lang n'ya saka hinubad ang relo n'ya.

Wala na ba siyang trabaho? Pero ang aga pa ah, tanghali pa nga lang yata, e. Gano'n ba talaga kapag sobrang yaman?

“Boss, kailangan ko ng bumili ng mga damit para hindi na kita ninanakawan ng damit lagi. Kailangan ko rin ng bagong cellphone saka mga gamit. Kailangan ko rin ng stock ng personality citizens ko gaya ng napkin at kung ano-ano pa,” paliwanag ko sa kanya.

“Personal necessities,” pagtatama n'ya sa sinabi ko.

Naiinis ako. Imbis na pansinin n'ya ang hinaing ko, mas pinansin n'ya pa ang mali kong english. Grabe ng pang-aalipusta 'to.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon