Chapter Ten

118K 5.4K 3.7K
                                    

“Boss... bakit?”

Alam kong ang pangit ng respond ko sa pag-amin n'ya, pero hindi kasi talaga ako maka-move on. Napapaisip ako kung ano'ng meron sa akin at nagustuhan n'ya 'ko.

“A-Ang ibig kong sabihin boss... ano ba'ng kagusto-gusto sa akin? Bakit mo 'ko nagustuhan?” tanong ko, tila hindi pa rin makapaniwala.

Napakunot ang noo n'ya. “What do you mean? What's not to like about you? What's not to adore about you? I mean, you are so likable. Paano ako hindi magkakagusto sa 'yo?” tila kaswal na sabi n'ya.

Paano n'ya nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon? Nagwawala na ang puso ko ngayon kahit siya naman ang umamin sa akin.

Napabuntonghininga siya at napaiwas ng tingin. Natigilan ako nang mapansing namumula ang tainga at pisngi n'ya. Ginulo n'ya ang buhok n'ya saka napabulong.

“Damn, this is so uncool. I should have done this better,” bulong n'ya saka napakagat sa ibabang labi.

“Boss?”

Napatikhim siya at napabuga ng hangin na tila pinapakalma ang sarili. Muli siyang lumingon sa 'kin. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina... hindi siya mukhang kalmado ngayon.

“I-I really like you, Nathalie... Gusto kitang ligawan,” sabi n'ya saka muling napaiwas ng tingin.

Paano ko naman siya seseryosohin? Kung saan-saan siya tumitingin.

“Boss, tumingin ka nga sa akin. Para kang estudyanteng magpapaalam mag-cr sa teacher n'ya, e,” nakapamaywang na sabi ko.

Napaismid si Ashteroh at binatukan ako. Napasinghap ako sa ginawa n'ya.

“Boss! Kainis ka ha! Ganyan ka ba magkagusto?!” naiinis na tanong ko sinuntok ang dibdib n'ya.

“Para ka naman kasing ewan! I-I'm trying to be romantic here. Akala ko ba madaling umamin?! Kanina pa 'ko kinakabahan dito!” Napaismid siya.

“Eh bakit ka galit?!” asik ko.

Natigilan ako nang hinawakan n'ya na lang ang kamay ko at hinila ako papasok sa mansyon.

“Para kang ewan, sweet dapat 'to, e. Bakit ka ba ganyan?” Inakbayan ako ni boss saka ginulo nang todo ang buhok ko.

“Boss! What making do this of you to me! Akala ko ba gusto mo 'ko? Dapat sweet ka sa 'kin!” singhal ko saka kinuha ang kamay n'ya at kinagat 'yon. Hindi naman siya nag-react.

Tumigil siya sa paglalakad. Napatigil din ako dahil nakaakbay siya sa 'kin. Natigilan na lang ako at nagtatakang napatingin sa kanya. Gusto ko rin sana agad umiwas dahil ang lapit namin masyado sa isa't isa pero hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata n'ya.

“Bakit? Magpapaligaw ka ba sa 'kin?” tanong n'ya. “Ma'am Nathalie?” dagdag pa n'ya habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi agad nakasagot. Mali talaga na ganito kami kalapit sa isa't isa at kitang kita ko ang tila nang-aakit n'yang mga mata. Baka bigla ko siyang sagutin agad at yayain siyang magpakasal.

“S-Sa isang kondisyon, boss,” usal ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

“Hmm?” tanong n'ya.

“Sabihin mo muna... sobrang ganda ni Nathalie kaya nabihag ang puso ko. Habang nanliligaw ako sa kanya, papayagan ko siyang pisilin ang pwet ko dahil sobrang ganda n'ya at deserve n'ya ang pwet ko,” sabi ko habang seryosong nakatitig sa mga mata n'ya.

Napakunot ang noo ni Ashteroh. “Bakit ba gustong gusto mo ang pwet ko? Ano ba'ng mas gusto mo? 'Yung pwet ko o ako?” tila naiinis na tanong n'ya.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon