Chapter Eleven

111K 4.5K 3.1K
                                    

"Boss..."

Napakunot ang noo ni Ashteroh nang lumapit ako sa kanya. Pinigilan ko siya sa pag-aayos ng necktie n'ya. Napabuga ako ng hangin at ako na mismo ang nagsuot no'n sa kanya. Hindi naman siya nagsalita at hinayaan lang ako habang nakatitig sa 'kin.

Papayag kaya si boss sa gusto ko? Alam ko namang palaging walang choice si boss sa kakulitan ko pero malakas ang pakiramdam ko na hindi siya papayag dito.

"Fuck! Nathalie, mali 'yan! Tangina nasasakal ako," reklamo ni boss at tinapik-tapik pa ang kamay ko.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at agad na binitiwan ang necktie n'ya. Agad namang niluwagan ni boss 'yon at tila nakahinga siya nang maluwag. Napahawak pa siya sa leeg n'ya at napangiwi.

"Sorry boss, hehe. Hindi pala ako marunong n'yan. Akala ko madali lang," nakangusong sabi ko at nag-peace sign.

Pinitik na lang ni boss ang noo ko saka siya na ang nagsuot ng necktie n'ya. Umupo na lang ulit ako sa kama n'ya at pinanood siyang magbihis. Relo naman ang sinuot n'ya pagkatapos n'yang magsuot ng blazer.

"Do you need something? Just tell it... H'wag ka ng mahiya, hindi bagay sa 'yo," nakangising sabi n'ya, tila nang-aasar.

Agad ko naman siyang binato ng unan. Nasalo naman n'ya 'yon at hinagis pabalik sa 'kin, sapul 'yon sa mukha ko... palagi na lang nangyayari 'to. Trip na trip n'ya akong saktan. Ganyan ba ang nanliligaw?

"Eh kasi boss... Nahihiya ako," sabi ko na lang at napatakip sa mukha ko.

Natawa si Ashteroh na para bang joke ang sinabi ko. Naramdaman kong naglakad siya papalapit sa akin saka marahang inalis ang mga kamay ko na tumatakip sa mukha ko. Agad na bumungad sa paningin ko ang gwapong mukha n'ya.

Tangina, ang pogi talaga ni boss. Parang gusto ko ulit magpahalik.

"Sabihin mo na. H'wag ka ng mahiya, Ma'am Nathalie," sabi n'ya saka dinampian ng halik ang mga kamay ko na hawak n'ya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka huminga nang malalim. "Boss..."

"Hmm?" Umupo siya sa tabi ko.

"Pwede ba akong sumama sa trabaho mo?" tanong ko.

Natigilan si boss. Maya maya pa bigla siyang natawa. Inakbayan n'ya ako saka ginulo nang todo ang buhok ko. Naiinis na inalis ko ang pagkakaakbay n'ya sa 'kin saka hinampas siya ng unan sa likod.

"Ano ba, boss?! Hindi ka nakakatuwa!" asik ko saka muling inayos ang buhok ko.

Hinawakan naman ni boss ang balikat ko at pinaharap ako sa kanya. Naiinis na napadaing na lang ako nang tila nanggigigil na kinurot n'ya ang magkabilang pisngi ko.

"Aw, dahil lang do'n nahihiya na ang Ma'am Nathalie ko?" tanong nito sa nang-aasar na boses saka dinampian ng halik ang tungki ng ilong ko.

"Ano ba?! Bakit ka nang-aasar?!" naiinis na sabi ko.

Natawa si boss at hinila ako para yakapin. Napaismid na lang ako at sinubukan siyang itulak pero mas hinigpitan n'ya lang ang yakap sa 'kin.

"Bakit ang sungit mo? Meron ka ba?" bulong n'ya.

Napasinghap ako kasabay ng pag-iinit ng mukha ko. Paano n'ya naman nalaman?!

Bahagya na n'yang inilayo ang sarili sa akin saka tumitig sa mukha ko. Nanatili pa rin naman siyang nakahawak sa baywang ko.

"Gusto mong sumama sa trabaho ko?" tanong n'ya sa malumanay na boses.

Napatango na lang ako at kumapit sa batok n'ya. "Oo, boss. Ngayon lang naman. Gusto lang kita panoorin habang nagta-trabaho. Siguro para kang CEO sa mga wattpad," sabi ko saka ngumiti at nagtaas-baba ng kilay.

Caught and Conquered (SERIE FEROCI 4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang