Caught and Conquered (SERIE F...

By elyjindria

4.5M 178K 120K

(COMPLETED) Nathalie Mariano is an unfortunate woman. Her family abandoned her when she was just a kid, she w... More

Caught and Conquered
DISCLAIMER
MOODBOARD
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
LAST CHAPTER
NEXT

Chapter Thirty

108K 4.2K 3.6K
By elyjindria

Nanatili akong nakatitig sa reaksyon ni Ashteroh. Pero pakiramdam ko gusto ko rin mag-iwas ng tingin nang makita ang nangingislap n'yang mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha.

Agad akong napaiwas ng tingin at sinenyasan si Killian na isara ang pinto. Sinunod naman n'ya ang inutos ko. Nanginginig ang mga kamay na bumalik ako sa banyo para magbihis. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang nakatitig sa malaking salamin.

Gumawa na naman ako ng desisyon na alam kong pagsisisihan ko.

“Naths, are you alright?” Narinig kong tanong ni Ashteroh habang kumakatok.

Huminga na lang ako nang malalim at agad na lumabas pagkatapos kong magbihis. Naabutan ko si Killian na nakasandal sa gilid ng pintuan. Kagaya ko, nakasuot na rin siya ng damit.

“Ano sa tingin mo, Naths? Mukhang nasaktan mo na siya,” sabi ni Killian saka hinawi ang basa pa n'yang buhok.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at nagtungo sa malapit na upuan saka umupo ro'n. Sumunod naman si Killian sa akin. Kumuha siya ng isang upuan saka naka-de kwatrong umupo sa tapat ko.

“Ito ba talaga ang gusto mo?” seryosong tanong ni Killian.

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka tipid na ngumiti. “T-Tama... Siguradong galit na siya ngayon. Siguradong susuko na siya ngayon,” anas ko habang nakakapit nang mahigpit sa laylayan ng damit ko.

“I think we underestimated him,” sabi pa ni Killian.

Natigilan ako. “A-Ano'ng ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ko.

“Hindi 'yon ang mga mata ng taong balak sumuko, Nathalie. 'Yung mga mata n'ya kanina, sa tingin ko mas nangibabaw sa kanya ang katotohanan na ligtas ka kaysa sa nakita n'yang hitsura natin. Grabe, nakakatanga pala talaga ang magmahal. Tingnan mo ikaw, natatanga na rin,” napapailing na sabi ni Killian habang nakatingin sa akin.

Napalunok na lang ako at muling napaiwas ng tingin sa kanya. “Susuko na siya. Imposibleng hindi siya sumuko sa nakita n'ya. H-Hindi ko siya sinipot, pinagmukha ko siyang tanga, nakita n'ya tayo sa gano'ng sitwasyon... imposible na hindi pa siya sumuko,” bulong ko habang nakatitig sa sahig.

“Hindi natin malalaman 'yan ng gan'yan. Labasin mo siya at kausapin. Pakinggan mo ang sasabihin n'ya. Doon mo lang malalaman kung ano ang iniisip n'ya. Walang mapapala ang pag-o-overthink at panghuhula mo rito,” tila nanenermong sabi n'ya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at nakakunot-noong tumingin kay Killian. “Kanino ka ba talaga kampi? Bakit parang mas boto ka kay Ashteroh? Tinulungan mo pa nga ako para saktan siya, e.”

“Tinulungan lang kita sa gusto mo... pero sa nakikita ko sa 'yo ngayon, mukhang hindi mo naman talaga 'to gusto. Tsk, hay... Ang sarap na lang maging single habang buhay,” sabi ni Killian saka sumandal at pumikit.

Napabuga ako ng hangin at nanghihinang tumayo. Napadilat si Killian saka tumingin sa akin.

“Oh, ano'ng gagawin mo?” nakataas-kilay na tanong n'ya.

“Kakausapin ko si Ashteroh. Papakinggan ko siya gaya ng sabi mo,” saad ko na lang saka agad na lumabas ng hotel room n'ya.

Napapitlag ako nang makitang nakaupo si Ashteroh sa gilid nang pintuan at mukhang kanina pa naghihintay sa akin. Agad naman siyang napatingin sa akin at tumayo.

“Nathalie... Okay ka lang ba? Sumakit ba 'yung sugat mo?” agad na tanong n'ya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Imbis na itanong n'ya kung ano ang ibig sabihin ng nakita n'ya kanina... mas inuna n'ya pang alamin kung ayos lang ako.

Hindi ko deserve ang ganitong pagtrato mula sa kanya. Bakit ba siya ganito sa akin?

“Mag-usap tayo sa labas,” sabi ko na lang at agad siyang tinalikuran.

Nauna akong maglakad sa kanya. Naramdaman ko naman na sumusunod lang siya sa akin. Napabuga ako ng hangin at napahawak sa sentido ko... Sana magawa ko pa rin siyang itaboy kahit na marinig ko ang mga sasabihin n'ya.

Tumigil ako sa paglalakad nang nasa gilid na kami ng hotel. Napabuntonghininga ako saka hinarap si Ashteroh... Gusto ko rin agad mag-iwas ng tingin. Tiningnan ko pa lang ang mukha n'ya, pakiramdam ko bibigay agad ako.

“Sabihin mo na agad ang gusto mong sabihin para matapos na 'to,” sabi ko na lang at agad na napaiwas ng tingin sa kanya.

Natigilan ako nang maramdamang humakbang si Ashteroh papalapit sa akin. Napapitlag na lang ako nang maramdamang hinawakan n'ya ang kamay ko. Magaan ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko na para bang ayaw n'yang masaktan ako sa simpleng hawak n'ya... Mas lalong bumigat ang dibdib ko.

“Mahal kita, Nathalie.”

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman kong agad na nanginig 'yon. Bumigat ang paghinga ko ngunit pinilit kong magmukhang normal sa harapan n'ya.

“P-Paano mo pa nagagawang sabihin 'yan matapos mo kaming makita ni Killian sa gano'ng sitwasyon?” nauutal na tanong ko.

Tumingin ako kay Ashteroh. Kahit na alam kong naluluha ang mga mata ko, tumingin ako nang diretso sa mga mata n'ya.

“May nangyari sa amin ni Killian habang naghihintay ka sa 'kin na sumipot sa usapan natin... K-Kaya paano mo nagagawang sabihin 'yan? B-Bakit hindi ka na lang sumuko at lubayan ako?”

Gusto kong sawayin ang sarili ko dahil nangangatal ang boses ko pati na ang kamay kong hawak n'ya. Ayokong malaman n'ya ang totoong nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

“P-Pwede ko namang kalimutan 'yon, Nathalie. Handa ko namang kalimutan 'yon. Wala na 'kong pakialam kung ano man ang nangyari sa inyo. K-Kakalimutan ko na lang 'yon,” usal n'ya habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko.

Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. Pakiramdam ko hindi agad nagproseso sa isip ko 'yon... Naririnig n'ya ba ang sinasabi n'ya?

“Nakita mo na, Ashteroh? Ganito lang ang mangyayari kung magpapatuloy pa tayo. M-Magkakasakitan lang tayo lagi. Masasaktan lang kita. P-Paano kung piliin ko na naman ang iba kaysa sa 'yo? Paano kung iwanan na naman kita? Hindi mo deserve ang tulad ko. Hindi ang katulad ko ang dapat sa 'yo. Nasa loob ko na ang pagiging magnanakaw. K-Kapag kinailangan ko ulit gawin ang ginawa ko sa 'yo noon, h-hindi ako magdadalawang isip na ulitin 'yon. Hindi mo ba naiintindihan? Magagalit ka ulit, maghihiganti ka ulit, magkakasakitan lang ulit tayo... Hindi rin tayo magiging masaya nang matagal,” nauutal na saad ko saka inalis ang pagkakahawak n'ya sa akin.

Nanatiling nakatitig sa akin si Ashteroh. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at pilit na nilabanan ang mapaluha habang nakatititg sa kanya.

“You can have my everything, Nathalie. You said being a thief is your nature... then I will give you everything I have. I will give you all my money, all my riches. Lahat ibibigay ko sa 'yo. Wala na akong pakialam sa sarili ko o sa pride ko. G-Gusto ko lang makasama ka ulit. Gusto kong magmahalan tayo ulit, Nathalie. Wala na 'kong pakialam sa lahat ng bagay. Ikaw lang naman ang gusto ko. K-Kahit na lolokohin mo 'ko ulit, wala na 'kong pakialam.” Muli n'yang hinawakan ang kamay ko. “K-Kaya bumalik na tayo ulit sa dati. Please, Nathalie... Bumalik ka na sa 'kin,” anas n'ya saka marahang hinawakan ang pisngi ko.

Naluluhang napatitig ako sa mga mata n'ya... Nakikita ko sa mga mata n'ya na tila wala na siyang pakialam sa lahat. Tila ba ako na lang ang mahalaga sa kanya sa mga oras na 'to. Nangingislap ang mga mata n'ya dahil din sa mga luhang nagbabadyang kumawala. Mas lalong nanghina ang mga tuhod ko.

Mas lalo siyang lumapit sa akin saka dinampian nang magaan na halik ang noo ko. Nanghihinang napakapit ako sa damit n'ya saka napapikit nang mariin.

“Mahal na mahal kita, Nathalie,” anas n'ya saka pinagdikit ang noo naming dalawa.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakagalaw at hinayaan lang siya. Gusto ko siyang itulak pero ayaw kumilos ng katawan ko. Hinawakan n'ya ang likod ko at marahan akong hinila para yakapin. Naramdaman kong napabuntonghininga siya saka isinandal ang baba n'ya sa balikat ko.

“Magsama na tayo ulit, hmm? Please,” usal n'ya habang nakayakap pa rin sa akin.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakakapit sa damit n'ya. Napapikit na lang ako at inilapat ang pisngi ko sa balikat n'ya.

Hindi ko na alam kung gaano kami katagal na magkayakap. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw kumilos ng katawan ko kahit paulit-ulit ko ng sinasabi sa isip ko na itulak si Ashteroh.

Maya maya pa, naramdaman kong marahan akong binuhat ni Ashteroh. Napakapit na lang ako sa batok n'ya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib n'ya. Napapagod na rin akong magprotesta... Gusto na namang bumigay ng puso ko sa kanya.

IDINILAT KO ang mga mata ko. Napabuntonghininga na lang ako at inilibot ang tingin ko sa living room... Wala pa rin siya.

Napahawak ako sa sentido ko saka bumangon. Nahihilo ako. Wala akong ginawa kundi ang matulog nang matulog sa nakaraang isang linggo.

Isang linggo ng walang paramdam sa akin si Ashteroh pagkatapos nang huli naming pag-uusap... Mukhang sumuko na rin siya sa kabila ng mga sinabi n'ya no'n.

Hindi ko naman siya masisisi. Imposible talagang kalimutan n'ya ang nakita n'ya. Siguro napag-isipan na n'ya hindi talaga ako ang nararapat para sa kanya... Siguro nga ay mas mabuti 'to.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napabuntonghininga... Sinasabi ko lang 'to pero hinihintay ko naman siya. Alam kong mas mabuti na 'to pero palagi akong natutulog dito sa couch at nagba-baka sakali na bigla siyang dumating.

Napabuntonghininga ako at muling tumingin sa pictures sa cellphone ko. Nag-send sa akin si Cadence ng pictures ng inihanda ni Ashteroh sa Amianna Hills. Siguro nakatulog na naman ako habang nakatitig sa mga 'yon.

Hanggang ngayon nakokonsensya pa rin ako dahil sinayang ko ang effort ni Ashteroh. Naiisip ko rin na marahil gano'n din ang effort n'ya three years ago... bago ko iniwanan.

Natigilan ako nang makarinig ako ng katok. Dali dali akong tumayo at nagtungo ro'n saka binuksan ang pinto... Agad namang bumagsak ang balikat ko nang makitang si Killian lang pala iyon.

“Grabe naman, Naths. H'wag mo naman masyadong ipahalata na disappointed ka dahil ako ang bumungad sa 'yo,” tila natatawang sabi ni Killian saka basta na lang pumasok sa loob ng bahay ko.

Napabuntonghininga na lang ako hinayaan siya. Muli na lang akong nagtungo sa couch saka umupo ro'n. Tumabi naman sa 'kin si Killian saka inilapag ang mga ipinamili n'ya sa mini table.

“Ano? Kumusta naman ang pagluluksa? Wala pa rin bang paramdam si Mr. Alexeev?” tanong n'ya saka ipinatong ang mga paa n'ya sa mini table.

Hindi ako sumagot at napatulala na lang sa sahig.

Napabuntonghininga si Killian saka hinampas ang braso ko. Napasinghap ako sa ginawa n'ya at agad na gumanti nang mas malakas na hampas sa kanya.

“Bakit ba?!” naiinis na tanong ko saka inismiran siya.

“Iyan kasi... kasalanan mo 'yan, tanga. Puro ka emote. Tawagan mo na lang kasi siya at sabihin mong miss mo na siya at mahal na mahal mo siya para hindi ka nag-e-emote diyan. Ang dali dali ng sagot sa problema n'yo. Pati ako nadadamay sa love story n'yo,” napapailing na reklamo n'ya.

Napaismid na lang ako saka napaiwas ng tingin sa kanya. “Siya lang naman kasi ang iniisip ko, Killian. Hindi makakabuti sa kanya kung mananatili pa kami sa isa't isa,” bulong ko saka yumakap sa unan ko.

“Alam mo, Naths, hindi mo dapat siya pinapangunahan. Siya ang dapat humusga kung makakabuti ka sa kanya o hindi,” sabi ni Killian saka umakbay sa akin.

Natahimik ako sa sinabi n'ya... dahil alam ko sa sarili ko na may punto ang sinabi n'ya. Si Ashteroh, higit kanino, ang dapat humusga kung makakabuti ako sa kanya o hindi.

“A-Ano ang dapat kong gawin kung gano'n?” tanong ko saka napatungo.

“Ano pa ba? Nagbaba na ng pride si Ashteroh kaya ikaw naman dapat. Gender equality dapat, Naths. Hindi laging lalaki ang kikilos sa relasyon. Pinakita na n'ya ang efforts n'ya kaya ikaw naman ang mag-effort,” sabi ni Killian saka marahang ginulo ang buhok ko.

Tumingin ako kay Killian. “Bakit mo 'ko tinulungang saktan si Ashteroh kung gan'yan ka pala ka-boto sa kanya?” bulong ko.

Napangisi si Killian saka hinawi ang buhok n'ya. “May gusto lang akong mapatunayan. Hindi naman ako na-disappoint,” nakangising sabi n'ya saka isinandal ang likod sa backrest.

“Ano 'yung gusto mong mapatunayan?” nakakunot-noong tanong ko.

“Kung talagang mahal ka ni Mr. Alexeev. Kung dapat bang hayaan kita sa kanya. Gusto kong malaman kung worthy ba siya para sa 'yo... Alam mo kung ano ang pumasok sa isip ko nang sumugod siya sa hotel last week?” tanong n'ya saka ngumiti sa akin.

“A-Ano?” tanong ko naman.

“Isa siyang walking green flag, Naths. Kung iba 'yon, baka nagwala na sa galit. Pero hindi galit ang pinakita n'ya kahit nakita n'ya tayo sa gano'ng sitwasyon. Mas mahalaga sa kanya na malamang walang nangyaring masama sa 'yo. Grabeng pagmamahal 'yon, Naths. Sobrang pagmamahal 'yon na may kasamang katangahan.” Natawa siya. “Kahit ako, hindi nakapalag.”

Seryosong tumitig ako sa kanya. Napakunot naman ang noo n'ya nang mapansing nakatitig ako sa kanya.

“Killian... bakit ang bait mo sa akin? Noon ko pa gusto itanong kung bakit nagawa mo 'kong tulungan nang sobra sa nakalipas na tatlong taon. Bakit sobrang concerned ka sa akin?” Napalunok ako. “W-Wala ka naman sigurong gusto sa 'kin, diba? Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa 'yo,” sabi ko saka napaiwas ng tingin sa kanya.

Natigilan ako nang mapahagalpak ng tawa si Killian. Agad na napakunot ang noo ko saka tumingin sa kanya. Halos namula naman ang mukha n'ya kakatawa.

“I don't like you, Naths. That would be incest,” natatawang sabi n'ya saka napangiwi.

Bakit naman magiging incest 'yon?

Napahawak siya sa tuhod n'ya saka napakamot sa kilay n'ya. Maya maya pa naging seryoso ang mukha n'ya saka tumingin nang diretso sa mga mata ko.

Hinawakan n'ya ang balikat ko. “Kayleigh,” usal n'ya habang nakatitig sa akin.

Natigilan ako. “B-Bakit alam mo ang totoo kong pangalan?”

Matagal ko ng binaon sa limot ang pangalang 'yon. Lahat ng tungkol sa totoo kong pagkatao at pamilya, binaon ko na sa limot ang lahat ng 'yon.

Hindi sumagot si Killian. Natigilan kami nang makarinig ng katok. Agad namang tumayo si Killian upang buksan ang pinto. Napakunot ang noo ko nang may pumasok na may edad ng babae na nakaupo sa wheel chair. May katulong na nagtutulak dito.

Napakunot ang noo ko at nagtatakang napatingin kay Killian. Dinampian ni Killian ng halik ang noo ng matandang babae.

“Mama, diba gustong gusto mo na siyang makita?” tanong ni Killian sa babae.

Maluha-luha ang mga mata ng babae habang nakatitig sa akin. Napakunot ang noo ko dahil pakiramdam ko pamilyar sa akin ang Mama ni Killian.

“K-Kayleigh, anak... Ikaw na ba 'yan?” naluluhang tanong ng matandang babae habang nakatitig sa akin.

Agad na nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi n'ya. Napatayo ako at matiim na tumitig sa babae. Agad nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang lumulunod sa mga mata ko. Ngayon alam ko na... Kaya pala pamilyar siya sa akin.

“Opo, Mama... Siya si Ate Kayleigh,” sabi ni Killian habang nakatitig sa akin.

Tila hindi makapaniwalang tumingin ako kay Killian... kung gano'n, kapatid ko siya?

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at muling tumingin sa babae... Hindi ko magagawang tawaging ina ang babaeng inabandona ako.

Mapait na ngumiti ako sa kanya. “P-Pwede po bang umalis na kayo? Nagkakamali po kayo dahil hindi Kayleigh ang pangalan ko. Ako po si Nathalie Mariano. H-Hindi ko po kayo kilala. Umalis na kayo... pati ikaw Killian. Wala akong panahon sa mga biro mo,” mariing sabi ko saka agad silang tinalikuran.

Ano ba ang inaasahan n'ya? Na susugurin ko siya ng yakap matapos n'ya akong abandonahin at iwan? Nagdusa ako ng ilang taon... samantalang siya mukhang ayos lang ang buhay matapos akong abandonahin? Ang kapal naman ng mukha n'ya kung gano'n.

“Nathalie... Pakinggan mo muna si Mama,” pakiusap ni Killian.

“Sabing umalis na kayo! Ayokong tingnan man lang ang babaeng 'yan! Umalis na kayo, utang na loob, Killian!” asik ko kasabay ng tuluyang pag-alpas ng mga luha mula sa mga mata ko.

Akmang papasok na ako sa silid ko ngunit agad akong napahawak sa sentido ko nang makaramdam ako nang matinding pagkahilo... Narinig kong tinawag ni Killian ang pangalan ko bago ako tuluyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 35.7K 15
(COMPLETED) Mary Faith Relleve and Pirius Alfero have been in a relationship for years. They knew each other's pasts and secrets. They truly love eac...
9.2M 204K 55
C O M P L E T E D W A R N I N G: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK! CALLOUS GENTLEMAN SERIES #1: ~*~ One day, Eirysia found herself getting mar...
21.1K 714 5
NEW EDITION Cavanaugh #2 Kryptonite, a twenty-three year old stubborn, rebellious, spoiled-brat, and strong-willed woman who's raised alone by the pe...
332K 400 50
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...