Caught and Conquered (SERIE F...

By elyjindria

4.5M 178K 120K

(COMPLETED) Nathalie Mariano is an unfortunate woman. Her family abandoned her when she was just a kid, she w... More

Caught and Conquered
DISCLAIMER
MOODBOARD
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
LAST CHAPTER
NEXT

Chapter Twenty-Eight

118K 4.4K 2.2K
By elyjindria

Agad kong itinulak si Ashteroh saka umalis mula sa pagkakaupo sa mesa.

“Ano ba'ng trip mo?! Hindi ka pa ba tapos sa pagpapahirap sa akin?!” naiiritang tanong ko.

“Tapos na 'ko sa pagpapahirap sa 'yo. Gusto naman kitang pagsilbihan ngayon.” Hinawakan n'ya ang balikat ko at pinaupo ako. “Diyan ka lang, Ma'am. Ipagluluto kita,” sabi n'ya habang nakatitig sa akin.

Muli akong natahimik sa sinabi n'ya. Muli na namang naghuramentado ang puso ko... pakiramdam ko bumabalik kami sa dati, noong mga panahong hindi pa magulo ang lahat.

“Ayokong kainin ang iluluto mo. Siguradong hindi masarap,” sabi ko na lang saka inismiran siya.

Napangiti naman siya habang nakatitig sa nakasimangot kong mukha. “Masarap naman ako magluto. Saka hindi kita ipagluluto ng hindi maganda para sa 'yo lalo kakagaling mo lang sa opera. Maghintay ka lang dito, hmm?” sabi n'ya saka lumayo na at kinuha ang dalawang plastic na dala n'ya kanina.

Hindi ako nakakibo dahil mukhang wala siyang balak magpapigil. Napaismid na lang ako nang magtungo siya sa kitchen sink saka inilabas na ang mga laman ng plastic. Puro gulay ang laman no'n.

Tahimik na pinanood ko na lang siya. Hindi ko maisip kung ano ang iniisip at pinaplano n'ya. Bakit n'ya ba 'to ginagawa? Dahil ba alam n'yang mahal ko siya? O baka nakokonsensya siya dahil sa nangyari sa akin?

Hindi pa rin ako kumibo nang matapos na siyang magluto. Agad n'ya akong pinaghain saka umupo sa tabi ko. Nanatili akong nakasimangot habang pinapanood lang siya sa ginagawa.

“This is vegetable soup. I also bought yogurt and soft fruits for you like banana and peaches. I heard berries are good for you too,” paliwanag n'ya habang panay ang ayos sa mga pagkain ko.

Hinawakan ko ang kamay n'ya upang pigilan siya. Natigilan naman siya at napatingin sa akin. Nanatili akong seryoso habang nakatitig sa mga mata n'ya.

“Bakit mo ba 'to ginagawa? Ano ba ang kailangan mo sa 'kin? Wala kang mapapala sa ginagawa mong--hmp!” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang n'ya akong subuan ng peach na hiniwa n'ya kanina. Halos mabilaukan ako dahil ang laki no'n.

Agad naman akong inabutan ng tubig ni Ashteroh. Agad kong kinuha 'yon at ininom.

“Balak mo bang patayin ako?!” asik ko.

Natatawang napakamot siya sa batok n'ya. “Ikaw kasi, e. Ang dami mo pang sinasabi. Kumain ka na muna. Mamaya na tayo mag-usap. Ayokong nagugutom ka,” sabi n'ya na lang saka hinipan ang soup na nasa kutsara at akmang susubuan ako pero agad kong iniwas ang mukha ko.

“Bakit ka ba pa-fall?!” naiinis na tanong ko pa.

Halatang natigilan siya sa sinabi ko saka napakurap. “P-Pa-fall?” nauutal na tanong n'ya.

“Oo! Linyahan ng mga fuckboi sa kanto ang sinasabi mo!” asik ko pa.

“F-Fuckboi?” tila hindi pa rin makapaniwalang tanong n'ya.

“Oo, hindi mo ba alam kung ano 'yung fuckboi? 'Yung mga kagaya ni Cadence, iyon ang ibig kong sabihin,” naiiritang saad ko.

Napailing na lang siya at basta ako sinubuan ng soup, tila pinapatahimik ako. Natahimik na lang ako dahil medyo masarap iyon. Naiinis na inagaw ko mula sa kanya ang kutsara at ako na ang nagsubo sa sarili ko.

“Wala lang akong choice kundi kainin 'to dahil wala naman ibang pagkain,” bulong ko na lang saka muling nagpatuloy sa pagkain.

Hindi na lang nagsalita si Ashteroh at pinanood ako habang nakain. Sa totoo lang naiilang ako dahil baka mukha akong tanga habang kumakain. Hindi naman kasi ako katulad ng mga babaeng kumakain sa commercial.

Ano ba kasi talaga ang gusto n'ya at ginagawa n'ya 'to?!

Natapos na akong kumain pero nakatitig pa rin siya. Hindi ko na lang siya pinansin at kumain naman ng prutas... Bahala na siya riyan. Basta gutom ako.

“May iba ka pa bang gusto?” tanong n'ya nang matapos na ako kumain.

Umiling ako. “Wala na, pwede ka ng umalis,” pagtataboy ko sa kanya.

Tumayo ako at akmang magtutungo na sa kwarto ko pero agad na nahawakan ni Ashteroh ang kamay ko. Kahit ayaw ko, napilitan akong tumingin sa kanya.

“Ano na naman?!” nakakunot-noong tanong ko.

“Dito ka muna. H'wag kang humiga agad dahil kakatapos mo lang kumain,” seryosong sabi n'ya.

“Ano ba'ng pakialam mo? Bakit mo ba kasi 'to ginagawa?! Kanina pa ako tanong nang tanong n'yan, hindi mo naman sinasagot!” reklamo ko saka inalis ang pagkakahawak n'ya sa akin.

“Sabi ko naman kasi sa 'yo na aalagaan nga kita. Ikaw naman kasi ang makulit,” tila nanenermong sabi n'ya, pero tila malambing ang pagkakasabi.

“Nakakainis ka! Bakit ba nilalandi mo ako? Diba may Thalia ka na?!” nakataas kilay na tanong ko.

“Hindi ko siya nililigawan.” Hinawakan n'yang muli ang kamay ko. “Halika muna sa couch,” sabi n'ya saka hinila ako papunta sa sala at pinaupo sa couch. Umupo naman siya sa tabi ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Gusto ko pang magtanong tungkol sa sinasabi n'yang hindi na n'ya nililigawan si Thalia pero ayoko naman na magmukha akong interesado sa mga trip n'ya.

Napabuga ako ng hangin saka tumingin sa kanya. “Umalis ka na. Seryoso ako, Ashteroh. Nilinaw ko na sa 'yo na lubayan mo na 'ko. Bakit ba hindi mo 'yon maintindihan?”

“Aalagaan nga kita. Bakit ba hindi mo maintidihan?” tanong n'ya saka tumingin din sa akin.

Naiinis na hinampas ko ang braso n'ya. Natigilan lang ako nang mapansing bahagya siyang napadaing dahil sa ginawa ko. Umigting ang panga n'ya at pasimpleng humawak sa braso n'ya. Hindi rin nakawala sa paningin ko ang lalong pamumutla n'ya.

“H-Huy, bakit?” tanong ko, pilit kong itinago ang pag-aalala sa boses ko.

Tumingin siya sa 'kin saka tipid na ngumiti. “Wala naman... Sige na, manood na lang tayo ng TV. Sasamahan kita,” sabi n'ya saka kinuha ang remote sa mini table at inabot iyon sa akin.

“Patingin nga ng braso mo,” nakakunot-noong sabi ko.

Alam kong may mali. Hindi naman siya magre-react ng gano'n kung hindi siya nasaktan sa ginawa ko.

“Alam kong nami-miss mo na makita 'tong katawan ko h'wag muna. Mahihirapan din akong ipakita sa 'yo dahil naka-long sleeve ako,” pagdadahilan n'ya.

“Edi hubarin mo 'yang long sleeve mo. Bilis na,” sabi ko saka hinawakan ang laylayan ng damit n'ya.

Agad n'yang hinawakan ang kamay ko upang pigilan ako. “Nathalie... B-Bakit ba gusto mong makita?” tanong n'ya saka napaiwas ng tingin sa akin.

Napairap ako. “Akala ko ba slave kita?! Wala ka namang sinusunod sa mga sinasabi ko, e. Sabing patingin nga,” sabi ko sa seryosong boses.

Napatikhim na lang si Ashteroh saka humawak sa laylayan ng damit n'ya at inangat 'yon. Napasinghap ako nang mahubad na n'ya ang damit n'ya.

Mas lalong gumanda ang katawan n'ya. Tila pinagsisihan ko rin agad na pinahubad ko ang damit n'ya dahil naaakit ako sa katawan n'ya.

Napatikhim na lang ako at agad na ibinaling ang tingin ko sa braso n'ya. Natigilan ako nang mapansing may bandage 'yon. Mukhang hindi biro ang sugat na natamo n'ya ro'n.

“Ano'ng nangyari dito?” anas ko saka marahang hinawakan ang braso n'ya na natatakpan ng bandage. Naramdaman kong napapitlag siya sa ginawa ko.

Tumingin siya sa akin at napangiti. “Bakit? Nag-aalala ka ba sa 'kin?” nakangiting tanong n'ya.

Napaismid ako. “Hindi. Gusto ko lang malaman kung sino ang gumawa sa 'yo n'yan para mapasalamatan ko,” masungit na sagot ko.

Natawa na lang si Ashteroh saka muling sinuot ang damit n'ya. Pinigilan ko ang sarili na magreklamo nang masuot na n'ya ang damit at muling nadamitan ang katawan n'ya.

“Ano ba kasi ang nangyari? Bakit ka nasugatan nang gan'yan?” tanong ko. Hindi ko maitago ang pag-aalala sa boses ko.

“Feroci things,” tila natatawang sagot na lang n'ya.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Thalia kanina... Totoo nga kayang sinugod n'ya si Xeon dahil sa nangyari sa akin? Baka naman nakuha n'ya ang sugat na 'yan dahil doon.

Napatikhim na lang ako at binuksan ang TV. Natigilan kaming pareho nang ipakita na naman ang palabas nina Havon, Hazel, at Homer. Hindi ko alam kung bakit palagi silang ipinapakita sa tuwing manonood kaming dalawa.

Napatingin ako kay Ashteroh nang mapansin nakatitig pa rin siya sa akin. Napakunot na lang ang noo ko.

“Bakit gan'yan ka makatingin?” masungit na tanong ko.

Bahagyang napangiti si Ashteroh saka marahang hinawakan ang buhok ko at hinaplos 'yon. “Team Havon ka pa rin ba?” tanong n'ya.

“Bakit mo tinatanong 'yan?” ganting tanong ko.

“Sinabi ko sa 'yo noon na si Homer dapat ang piliin ni Hazel. Pero ngayon gusto ko na si Havon para sa kanya... Sana si Havon ang palaging piliin ni Hazel,” sabi n'ya habang titig na titig pa rin sa akin.

Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi n'ya 'yon habang seryosong nakatitig sa akin. Bakit parang may iba pa siyang gusto ipahiwatig maliban sa palabas?

“Ano ba'ng sinasabi mo? Team Havon ka na rin ba?” nakataas-kilay na tanong ko.

Bahagya siyang natawa saka tumango. “Hmm... Team Havon na ako.”

Napaismid ako. “Dapat lang 'no. Si Havon naman talaga ang mahal ni Hazel saka mahal din siya ni Havon. Ikaw lang naman ang pinagpipilitan si Homer kay Hazel, e. Saka nagkamali lang naman ng isang beses si Havon. Normal sa tao 'yon.”

Hindi ko alam kung bakit nauwi sa ganito ang usapan... Pilit kong pinapa-normal ang boses ko dahil ayoko na mahalata n'yang natutuwa ako na Team Havon na siya.

“Tama... Kaya si Havon ang dapat kay Hazel,” nakangiting sabi ni Ashteroh.

Napapitlag ako nang marahan n'yang hinaplos ang pisngi ko gamit ang hintuturo n'ya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko 'yon inalis. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang pinakikiramdaman ang kuryenteng dulot ng pagdampi ng balat n'ya sa pisngi ko. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko... Masama 'to. Hindi maganda 'to.

“Nathalie...”

Natigilan ako nang hawakan ni Ashteroh ang kamay ko gamit ang malayang kamay n'ya. Akmang ilalayo ko rin 'yon ngunit agad n'yang pinagsalikop ang mga daliri namin. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kanya.

“Gusto kong maging malinaw na ang lahat sa atin. Gusto kong makapag-usap tayo nang maayos pero mas maganda kung paghahandaan ko muna... Sana pumayag kang makipagkita sa 'kin next week. Paghahandaan ko talaga 'yon,” seryosong sabi n'ya habang titig na titig sa akin.

“Ano ba ang sasabihin mo at pinaghahandaan mo pa talaga? Hindi ba pwedeng sabihin mo na ngayon?” bulong ko saka napaiwas ng tingin sa kanya.

Marahan n'yang pinisil ang kamay ko. “Ayokong sabihin ang mga 'yon ng walang effort. Kaya paghahanadaan ko pa maigi.”

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Nararamdaman kong nakangiti siya habang sinasabi ang mga 'yon.

“Sana pumayag ka, Nathalie... Gusto ko talaga na makapag-usap na tayo nang ayos,” anas ni Ashteroh.

Hindi agad ako nakasagot at napatingin sa kanya. Tila nagsusumamo ang mga mata n'ya. Parang sinasabi ng mga 'yon na talagang gustong gusto n'ya na pumayag ako.

Napabuntonghininga na lang ako at tumango. “Oo na,” sabi ko na lang.

Napangiti naman siya at agad na yumakap sa akin. Natigilan ako ngunit hindi na lang ako kumibo at hinayaan siya... Bahala na.

* * *

“So... niyaya ka ni Mr. Alexeev na magpunta sa Amianna Hills pero ayaw mo siyang siputin?” tanong ni Killian habang pinaglalaruan ang fountain pen sa kamay n'ya.

Napabuntonghininga na lang ako at tumango. Pasimple akong napatingin sa relo ko. 7 pm na, 8 pm ang usapan namin ni Ashteroh... Pero ayaw kumilos ng mga paa ko para puntahan siya ro'n.

“Isang linggo ka ng sinusuyo no'n, ah. Ayaw mo talagang bumigay?” tanong pa ni Killian.

Hindi agad ako nakasagot. Mahigit isang linggo rin akong inalagaan ni Ashteroh sa apartment ko. Nag-text sa akin sina Gina na may kinailangan silang puntahan pero alam ko na may kinalaman si Ashteroh doon.

“Ano ba'ng kinakatakot mo, Nathalie? Bakit ayaw mo na makapag-usap kayo nang ayos? Ano ba ang ayaw mong marinig mula sa kanya at todo iwas ka?” muling tanong ni Killian saka tumayo mula sa couch na inuupuan n'ya at lumapit sa akin.

Umupo siya sa kama katabi ko. Nandito kami sa hotel room na tinutuluyan n'ya. Dito na lang kasi siya lagi sa hotel natutulog para hindi na raw hassle.

Napabuntonghininga ako at tumingin sa kanya. “Killian... ano sa tingin mo ang sasabihin n'ya sa akin?” kinakabahang tanong ko.

“Malay ko, hindi naman ako manghuhula... Pero sa tingin ko, itong tatlong 'to ang hindi mawawala sa sasabihin n'ya sa 'yo. Una, sasabihin n'ya na pinapatawad ka na n'ya sa nangyari sa inyo noon. Pangalawa, sasabihin n'ya na mahal ka n'ya. Pangatlo, sasabihin n'ya na magsama na kayo ulit nang masaya,” sabi ni Killian saka ngumisi sa akin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. “B-Bakit n'ya naman gugustuhing makasama ulit ang babaeng nanloko at ninakawan siya noon?”

“Gano'n naman talaga minsan ang mga taong nagmamahal. Wala na silang pakialam sa past na nangyari makasama lang ang taong mahal nila,” saad pa ni Killian saka napabuntonghininga.

Hindi ako nakapagsalita. Napabuga ako ng hangin at napahawak nang mahigpit sa laylayan ng damit ko.

“K-Kung iyon ang sasabihin n'ya... mas maganda nga na hindi na lang ako magpunta,” anas ko saka napatungo.

Halatang natigilan si Killian sa sinabi ko. “Tanga ka ba? Diba iyon naman ang gusto mong marinig mula sa kanya? Bakit hindi ka sisipot?” sunod-sunod na tanong n'ya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. “W-Wala namang magandang idudulot sa amin pareho kung magsasama ulit kami. Paano kung masaktan ko na naman siya? Paano kung lokohin ko na naman siya at piliin ang ibang tao kaysa sa sa kanya? H-Hindi ako ang dapat na mahalin n'ya kung gano'n. Hindi ako bagay sa kanya. Magkakasakitan lang kami ulit. Masasaktan ko lang siya, masasaktan n'ya lang ako... Nakikita ko na ang mangyayari. Mas mananaig ang sakitan kaysa sa pagmamahal sa aming dalawa,” bulong ko saka pinaglaruan ang kuko ko.

Natigilan ako nang hawakan ni Killian ang balikat ko at pinaharap ako sa kan'ya. Natigilan ako nang mapansing seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko.

“Sigurado ka na ba na ayaw mo siyang siputin?” tanong n'ya.

Napalunok ako at tumango. “Desidido na ako, Killian. A-Ayaw ko ng bumalik kami sa isa't isa... Ano ba ang pwede kong gawin para tigilan n'ya na 'ko?”

Napabuga ng hangin si Killian. “Gusto mong tulungan kita?” seryosong tanong n'ya.

Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanya ngayon. Masyado siyang seryoso, hindi ako sanay na ganito siya... pero tumango na lang ako sa tanong n'ya.

“Sige, tutulungan kita.” Hinaplos n'ya ang buhok ko. “Pero tatanungin ulit kita. Sigurado ka na ba? Ayaw mo na talagang bumalik si Ashteroh sa buhay mo? Kasi sa sinasabi mong 'yan, binibigyan mo 'ko ng chance,” sabi n'ya saka bahagyang ngumiti.

Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Hindi ko siya maintindihan.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at tumango. “A-Ayoko ng bumalik si Ashteroh sa buhay ko... at ayoko na ring bumalik sa buhay n'ya.”

Napangiti si Killian at tumango. Natigilan ako nang marahang hawakan ni Killian ang panga ko at inangat 'yon. Natigilan ako nang mapagtantong medyo malapit ang mukha namin sa isa't isa. Akmang itutulak ko siya ngunit agad n'yang hinawakan ang kamay ko.

“Kung gusto mong tulungan kita... pumikit ka, Nathalie,” bulong n'ya.

Saglit akong natigilan... ngunit napabuntonghininga na lang ako at sinunod ang sinabi n'ya. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga n'ya na tumatama sa mukha ko. Marahan n'yang hinaplos ang pisngi ko.

“Nathalie, sasaktan natin si Ashteroh... para lubayan ka na n'ya nang tuluyan.”

Continue Reading

You'll Also Like

333K 410 50
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
1M 40.1K 28
(COMPLETED) Alexandra Sarmiento always wanted to end up with a woman, and even though she could feel attraction towards men, she couldn't imagine hav...
14K 1.4K 115
Scar Saga (Season 1&2) The Astrea was cut by Scar, and divided into two parts caused by human discord and conflicts in the middle of the abyss in riv...
13.4K 446 1
Katrice Rivera is Fiero De Greco's most loyal employee; she would do anything for him. She was so attached to him that she was willing to surrender a...