BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

478K 23K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 39- THE TRIAL

5.7K 348 145
By VictoriaGie

THIRD PERSON'S POV

MPO's Trial...

O paglilitis sa pinakamababaw na salita. Ginagawa ito sa mga special cases. Usually, kapag may civilian na na-involved sa mga mafian businesses.

Bago maging opisyal ang trial, 50% sa MPO ang kaylangang mag-approve dito. Ibig sabihin, dapat ay umabot sa limang ulo ng executives ang papayag.

Pagkatapos, tatlo sa kanila ang kaylangang um-attend bilang maging judge sa mismong trial.

Isa ding MPO executive member ang gaganap bilang prosecutor.

Ang lilitisin ay maaring kumuha ng isa o higit pang abogado upang maipaglaban ang kaniyang karapatan.

Ginaganap ito sa lugar depende sa mapagkakasunduan. Kadalasan, ginaganap ito sa mansion ng mafian community na involved pero sa kalagayan ni Ashari...

"HOY SAAN NIYO NGA AKO DADALHIN? Kanina pa ako tanong ng tanong. May mga tutuli ba kayo sa tenga at hindi niyo ako nadidinig?" nakasakay sila sa isang itim na van. Nasa unahan si Easton katabi ng driver at katabi naman niya si Kumareng Helen.

May mga nauuna sa kanilang kotse. Kotse nila Dyther, Adolfo and others!

"Dear, hush ka lang ok? Kaylangan natin ng matinding concentration ngayon. Let's conserve our energy."

Pinanlakihan ng mata ni Ashari si Kumareng Helen na cool na cool at chilax na chilax.

"Ang panget niyo naman kabonding!"

Hindi alam ni Ashari kung ano ang nangyayari. Ang alam lang niya e isasalpak siya sa isang trial. Malay ba niya kung saan siya dadalhin ng mga Marchese na ito.

Tumingin siya sa front seat kung nasaan si Easton. Miski ito ay normal lang ang ekspresyon.

Siguro naman hindi siya mapapano noh?

"Psst," kinalabit niya si Kumareng Helen na nakapikit at literal na nag co-conserve ng energy.

"Hmmm? Why dear?"

"Anong gagawin niyo sa akin? Wala naman kayong balak na ibenta ang laman loob ko diba?"

"Don't worry dear, we don't sell organs."

Lalo kinakabahan si Ashari sa concentration na ginagawa ni Kumare e. "Ang sabi mo trial, anong trial ba 'yon? Ikukulong ba ako? Ipapatapon sa isolated na isla? Ibigay niyo muna 505 million ko bago mangyari yon!"

Nagdilat ng mata si kumare at takhang tumingin kay Ashari.

"Ashari dear, you will be investigated and judged base on what you have read about Project ExG. Huwag kang mag-alala, hindi ka makukulong, baka ipapatay ka lang nila."

Bumagsak ang panga ni Ashari sa narinig. Nanlamig ang buong sistema niya. Naubos yata lahat ng dugo sa katawan niya e. Sabi na! Sabi na ihahatid siya ng mga ito sa huling hantungan.

Bwisit! Bakit ba kasi nahuli pa siya sa pagbabasa ng ipinagbabawal na libro.


"Oh goodness. You are turning pale." legit na namutla nga si Ashari ng marealize niya na buhay niya ang nakasalalay dito. "We hired a top notch and the best mafian-lawyer for you dear. You have nothing to worry about."

Medyo bumalik ang buhay sa dugo ni Ashari. Phew buti nalang talaga at reliable din kahit papaano itong si Kumareng Helen.

Mananalangin na siya ngayon palang na nawa e magaling na lawyer talaga ang ibinigay sa kaniya. Ililibre niya bg 1 million worth ng fishball ang lawyer kapag nailigtas nito ang buhay niya.

Vernix...

Dinala ng mga Marchese si Ashari sa headquarters ng MPO. Ang Vernix Research Ins.

Manghang mangha pa si Ashari dahil sa TV lang niya nakikita ang malaki at sikat na research institute na ito.

Kaya naman pala ganito kalaki ito, mga mafia pala ang nagpapatakbo!

Haler, sa kurakot na gobyerno sa bansa, walang kahit sino ang may kayang magpatayo ng ganitong kalaking research institution.

"Bid you deathwish, rat." Masama ang tingin ng matandang Adolfo kay Ashari bago ito naglakad papasok sa malaking glass automatic door ng Vernix.

Nakasunod sa matanda ang mga extrang alalay.

"Don't worry, you'll be fine." Bulong ni Kumareng Helen.

"Ashari." lumingon si Ashari sa likudan niya.

Si Dyther at si Easton.

Sabay silang lumapit kay Ashari.

"I am not allowed inside but I assure you, your lawyer is the best. She will take care of you." Isang reassuring na ngiti ang ibinigay ni Dyther kay Ashari.

Imbis na malubag ang loob niya, lalo siyang kinabahan. Leche, 'yung ngiti ni Dyther e parang inihahatid na siya sa huling himlayan.

"Pag nagkita tayo ulit, ililibre kita sa panaginip Dyther." mangiyak ngiyak sa kaba na sagot ni Ashari.

Si Easton naman sa kabilang banda e nakakunot na ang noo.

Bakit hindi kuya ang tawag ni Ashari kay Dyther!? O kaya manong!!!

"Come on! They are waiting."

Nauna na si Easton dahil nabi-bwisit ang kaniyang kalooban.

"Problema non? May regla ba?" gustong batukan ni Ashari si Easton. Promise, oras na makalusot siya ng buhay sa paglilitis na'to, itatakas talaga niya si Gali mula kay Easton!

Mamumuhay silang dalawa ni Gali sa bundok. Iyong walang taong makakakita at makakakilala sa kanila!


Pagpasok nila sa loob, naabutan nila si Adolfo na kausap ang dalawang lalaki.

Isang mukhang responsableng tao at isang senior citizen

Kilala sila ni Ashari!

Nakita na niya ang mukha ng dalawang 'to sa libro ng Project ExG.

"That's Acre and Senior Zaire. They are one of the executives." Wika ni kumare habang papalapit sila sa mga kampon ng lilitis sa kaniya.

Kahit hindi ipakilala ni Kumare, kilala na sila ni Ashari.

Paglapit nila....

"Ohhh! Hello, WANPI! Finally you're here!" kinawayan siya ng matandang Zaire.

Anong pinagsasasabi ng matandang 'to?

"Ano ho sabi niyo? Wanpi?" sambakol ang mukha ng Ashari niyo. Kung ano ano itinatawag sa kaniya ng mga senior citizen nitong mga nakaraan.

'Yung isa rat. Tapos ito namang tanda na'to e Wanpi.

Pilit iniisip ni Ashari kung ano ibigsabihin ng Wanpi.

Wag niyang sabihin na wanpipti yon ha! Wala akong balak maging sugar daddy siya!

"Pinaikling 100 percent yon! One hundred - wan. Percent-pi. Wanpi!"

Napangiwi nalang ang mga nakarinig.

"He-hehe." babatukan ni Ashari tong tanda na'to e. "Sigurado ba kayo na executive yan?" bulong na tanong ni Ashari kay Kumare.

"Mr. Zaire!" isang pingot sa tenga ang ibinigay ni Acre sa senior citizen. "Umayos kayo tanda."

Ha! Seryoso bang executive ang mga ito? Mas balasubas pa kaysa kay Ashari e. Sinong uto ang pipingot sa tenga ng mas nakakatanda sa kaniya?

"Aray Acre bitawan mo ako! Nakalimutan mo na ba na lolo na ako at dapat ay bigyan mo ng galang--ARAY!"


Hindi pinansin ni Acre si Zaire. "Huwag niyo nang pansinin ang sinasabi niya." ani nito kay Adolfo, Easton and others bago tumingin kay Ashari.

Pinagmasdan ni Acre mula ulo hanggang paa ang babaeng kaharap niya.

"You seem normal. It's a thing that one hundred percent of the executives voted for your trial." wika ni Acre habang nakalagay ang kanang mga daliri sa baba habang pinagmamasdan si Ashari.

Ahhh. Kaya pala one hundred percent ang tawag sa kaniya ni Senior Zaire. Ibig sabihin, lahat ng myembro ng executive ay in-aprubahan ang trial niya.

Walanjo.

Mas mataas ang boto, ibig sabihin mas seryoso ang kakaharaping trial ni Ashari.



"Bitawan mo na tenga ko, bata ka!" sa matanda at u-ugod ugod na katawan ni Zaire, inipon niya ang lakas para tapikin ang kaliwang kamay ni Acre na nakapingot pa din sa tenga niya.

Binitawan din naman siya ni Acre. "Naghihintay na ang lahat sa courtroom. We'll lead the way." ani ni Acre bago naunang maglakad.

Leche ito na!

Papunta na sila sa kwarto kung saan nakasalalay ang buhay ni Ashari.

Nagsimula na silang maglakad nang biglang maramdaman ni Ashari na may malamig na kamay ang humigit sa pulsuhan niya.

Si Easton...

"I have something to say..."

Natigilan si Ashari ng makita ang pagbabago ng ekspresyon ni Easton. From masungit na mukhang papatay to parang tuta na mawawalay sa ina. Walangya, huwag siyang ganyan makatingin, kumakaldabog ang puso ni Ashari.

"After your trial, let's....let's talk"

Kung hindi lang iniisip ni Ashari ang buhay niya ngayong mga oras na'to, baka sumabog na ang puso niya sa pagkalabog. Walanghiya!

Kinakabahan lang siya. Ikaw man malagay sa bingit ng kamatayan.

Normal lang na magkikislot ang puso niya!

Napayuko nalang si Ashari at napatitig sa pulsuhan niya na hawak ni Easton. Ayaw niyang tumingin sa mata nito.

Gaano siya ka sure na pagkatapos ng trial na'to e makakapag-usap pa sila? Malay ba natin kung matetegi na pala si Ashari o hindi.

"Oo, mag-uusap talaga tayong dalawa!" sagot niya habang naka-iwas ng tingin.

Hindi pwedeng hindi! Madaming tanong si Ashari kay Easton tungkol sa existence ni Gali.

Binitawan na ni Easton ang pulsuhan niya. Naglakad na si Ashari pasunod kay kumareng helen.

Sa courtroom ng ikadalawamput isang palapag ng building dinala si Ashari.

Nag karoon ng kaunting briefing sa kaniya kaya naman nahiwalay na siya kayna Easton at Kumareng Helen.

Mag-isa siyang nakatayo sa labas ng tinted glass door ng courtroom. Napapapadyak nalang siya ng mahina habang kumakabog ang dibdib sa sobrang kaba.

Pakiramdam niya babalatan siya ng buhay at babahiran ng asin oras na makapasok siya sa loob.

Please lang!

Nawa e matinong lawyer talaga ang mapunta sa kaniya.

Automatic na bumukas ang pinto. Parang pinagsakluban ng tone-toneladang bato ang puso ni Ashari sa kaba.

Lalo na ng tumambad sa kaniya ang hindi normal na courtroom.

Tama naman siya ng napasukan na kwarto diba??

Ibang iba ito sa courtroom na napapanood niya sa kdrama e.

Sa malawak na kwarto, isang bilog na glass chair ang nasa gitna. Kaharap nito ang isang elevated na tila stage na may mahabang black table para sa panel ng tatlong executive na magiging judge.

Literal na mababa ang tingin sayo ng mga panel dahil sa elevation. Pinapamukha na mababang uri ka kapag nasa court room ka. Hindi ikaw ang batas kundi sila!

Sa paligid naman, nakapa-ikot ang mga benches na parang nasa isang arena o stadium ang dating.

Lalong kumaldabog ang puso ni Ashari.

Lahat ng mata ay nakatingin talaga sa gitna.

Hindi ganoong madami ang taong nanonood. Halos bilang nga sa daliri e. At halos lahat ay pamilyar ang mukha.

Naka-upo na din ang panel ng executives sa long table at may isang babae na nakatalikod na nakatayo sa tabi ng glass chair na uupuan niya. Normal lang ang suot nito, isang black long dress.

Ah, ito siguro ang lawyer ni Ashari.

Kinutuban naman si Ashari.

Bakit parang may mali?

Bakit parang kilala niya ang tindig na'yan?

Nagsimula siyang maglakad papasok sa loob.

Hindi niya tinanggal ang titig sa babaeng lawyer.

Sureball naman si Dyther at si Kumareng Helen na legit ang lawyer niya diba!? Hindi naman siya sasabutahihin ng mag-ina na'yon noh?

Sabi nilang dalawa the best daw yung lawyer niya at surety na ililigtas ang buhay niya kahit anong mangyari diba?

Naniniwala siya!

Naniniwala si Ashari.

NANI---

Unti unting humarap ang babaeng lawyer.

Hawak nito sa kamay ang medyo may kakapalang folder.

Parang nagslowmo pa ang lahat at talagang kalabog lang ng dibdib ni Ashari ang naririnig niya.

Pagkaharap ng babae....

Nanlaki ang butas ng ilong niya at napa-awang ng pabilog ang bibig niya sa gulat.


"Canabbeth?"

Kamuntik lang matalisod si Ashari kahit wala namang nakaharang sa dadaanan niya.

Walanjo!!!

Ano to???

"Come sit, I am your lawyer, Canabbeth De Gauthier."

Nakangiting akala mo anghel na paanyaya pa ng bruha sa bilog na upuan.

Sabi na e!

Walang hiya talaga ang mag-ina na'yon! Gusto na talaga nilang mawala si Ashari sa mundong ibabaw kaya si Canabbeth ang kinuha nilang lawyer.

WALANJO TALAGA!

Wala ng pag-asa 'to! Haler to the max! Dakilang traydor ang mga De Gauthier. Malamang sa alamang na kaya nandito si Canabbeth bilang lawyer niya e para mategi si Ashari.

Hindi na siya umaasa. Hihilingin nalang niya na bago siya bitayin e makausap niya si Gali. Yun nalang!




"Ashari Jenesse Silvia Ferell." Pagbanggit ni Canabbeth sa tunay at buo niyang pangalan.

Walanjo!

Ang hirap ng pinagdaanan niya para lang magpanggap na jowa ni Easton tapos sa isang iglap magkikita sila dito ni Canbbeth at lahat ng impormasyon tungkol sa kaniya e hawak nito sa folder.

Bwisit, malay ba niyang lawyer pala ang isang 'to. Di naman halata.

"Hi. Hehe." sabay upo ni Ashari sa glass na circle chair. "Musta na u?" kunwari nalang ibang tao na siya. Hindi siya yung nakaharap ni Canabbeth sa mansion.


"I am very fine Ms. FERELL." Pinagdiinan pa ni cabeth ang aplido niya. "I wish you luck. Let us win this case, shall we?"

Dahan dahang nilingon ni Ashari ang mukha ni Canabbeth.

Pagtingin niya dito, isang malabruhang ngiti ang nakapaskil sa mukha ni Canabbeth.

Walanghiya!

Sabi na e!

Pinagplanuhan nilang lahat to! Gusto talaga nilang mategi na si Ashari!!!!!

Haler, si Canabbeth 'yan. Ang babaeng naagawan ng fiance. Hindi malabo na ipatalo talaga nito ang kaso sa paglilitis kay Ashari.

Magsisimula ng magpray si Ashari na nawa bumuka muna ang lupa at lamunin si Canabbeth.











...


Three MPO executive as panel.

The first executive member na lilitis kay Ashari...

"We are 8 minutes and 6 secs early. The Marchese's are not taking this lightly."

Syempre si Sonata Novena. Ang dakilang investigator na hawak ang orasan! Walang lusot si Ashari sa isang 'to lalo na't pang world class ang datingan niya.

Tsk tsk tsk. Humanda ka Ashari!


"Excited na akooo! Blop blop!" ang pangalawang executive...

Serendepia Grade.

Bakit siya?

E isip bata 'yan e. Ano alam niyan?

Bakit nga ba? Simple lang. Kinulit niya si Yzrael na makipagpalit sa kaniya. Kaya ang ending, siya ang naging isa sa mga panel.

In short, isang pilit na aksidente lamang ang pagkakalagay ni Serendepia dito.


"I hate this! Dapat si Cyan ang nandito, bakit ba ako pa ang napili ni Acre?" reklamo ni Nossa Morgan, ang panghuling executive na hurado.


Nossa hates being a panel. Inilagay siya ni Acre dito dahil siya ang madaming alam tungkol sa mga nangyayari between Marchese and Silvia.

Ibig sabihin, ang trial na ito ay hindi lamang basta patungkol sa Project ExG.

Ang trial na ito ay para imbestigahan din si Ashari patungkol sa mga rumor na kumakalat sa buong mafian community.

Kaya naman hindi na nakakapagtaka na lahat ng executive ay nag-aproba sa trial na ito.

Gabi ng ibinalita sa kanila na may trial na gaganapin. Walang planong asikasuhin ng kahit sinong MPO ang trial pero ng nalaman nila na ang Marchese ang sangkot, kinabukasan din agad, ginanap ang trial.

At ngayon nga ang araw na'yon.





Tahimik ang buong courtroom.

Nakatuon lahat ng atensyon sa babaeng kanina pa hindi mapakali ang pwet sa glass chair na nasa gitna.

"Hindi pa ba magsisimula? Ang tagal ha! Kinakabahan ako lalo e." At hindi na nga po niya napigilan ang sarili na manahimik.



Ang ilan ay bahagyang nabigla sa inakto ng babae, ang iba ay bahagyang natawa at ang iba syempre ay sumama ang tingin.





Kung bibilangin lahat ng nasa loob ng courtroom... siyam na MPO executive ang nandito. Yesss! Siyam! Isang himala na umabot ng ganitong bilang ang executive na nanonood sa isang trial.

(Missing ang pangsampo char)

Karaniwan ay hindi sila interesado kaya hindi nila binibigyang oras ang pagdalo sa trial.

Pero akalain mo nga namang special talaga si Ashari at pumunta ang siyam na executive.

Maliban sa siyam, syempre nandito si Adolfo na katabi ang isang Doctor at dalawang researcher. Nandiyan din si Easton na tahimik na nanood. Hindi nalalayo sa kaniya si Salvador Elcano na katabi ni Kumareng Helen.

May iba pang dumalo sa trial...mga ilang under boss ng ibang mafian community na involve sa Project Exg. Dumalo sila para malaman ang takbo ng magiging desisyon ng panel.

Hindi kasi basta basta ang mga impormasyon na nalaman ni Ashari.

She gets the knowledge na katumbas ng buhay niya.


That is how important ExG is. Bilang lang ang mga tao na nakaka-alam nito at lahat ng mga taong iyon ay ang mga tao na nandito sa loob ng courtroom.





"Don't tell me he is going late again!" tumingin si Sonata sa kaniyang orasan. Hinanap niya si Acre sa mala stadium na benches. Nagtama ang mata nila. "Where's Tobias?" pagbuka niya ng bibig.


Nagkibit balikat si Acre. Bakas sa mukha nito ang inis!

Late nanaman ang maskara boy!

Hindi ba niya alam na siya ang isa sa pinakamahalagang tao na nandito dapat ngayon sa courtroom?


Tobias...the white-masked-executive member. Siya ang na-assign bilang maging prosecutor sa trial na ito.





"Pwedeng umihi muna?" dagdag na tanong ng kinakabahan na si Ashari. "Napakatagal niyo kasi magsimula e."

Walang sumagot.

Sabi nga niya mga mafia lahat ng nakapalibot sa kaniya. Mananahimik nalang siya!

"Bahala kayo kapag naihi ako sa pantalon, kayo maglinis ng ihi ko!" Reklamong bulong ni Ashari sa sarili.





Sa tahimik na pwesto kung saan naka-upo si Easton, matiim niyang pinagmamasdan si Ashari. Iniintay niyang lumingon ito sa kaniya pero nganga ang kuya mo.



Look here you dimwit!


Ani ni Easton sa sarili niya.



Tila naman parang narinig ni Ashari ang sinabi ng utak niya at lumingon nga ito sa gawi niya.




Nagtama ang mata nilang dalawa.




Ibubuka na sana ni Easton ang bibig niya para sabihin kay Ashari that she will be fine ng mabilis pa sa alas kwatro na nag-iwas ito ng tingin.




What on earth is her problem??





Nabwisit lang tuloy si Easton. Gusto lang naman niyang palubagin ang loob ni Ashari para mabawasan ang kaba nito.



Tsk, he will talk to her after this no matter what happened!












...





Sa nakakatensyon na paligid, malapit ng mainip ang mga panel. Isang minuto ng late ang iniintay nila.


Sampong minuto na bale mula ng pumasok si Ashari sa loob ng courtroom.




Halata na sa mukha ng babaeng lilitisin ang sobrang inip, kaba, pagpapawis, at excessive na kilos.



"ARRGGHH! KUNG HINDI PA MAGSISIMULA, PAIHIIN NIYO MUNA AKO!!!" legit na nabasag ang katahimikan sa sigaw nito. "Sasabog na pantog ko leche!"


Inis na tumayo si Ashari. Wala ng makakakapigil sa kaniya at sa pantog niya!




Naglakad siya ng mabilis palabas sa pintuan kung saan siya pumasok.



"I'll go with her." Sambit ng kaniyang lawyer na cabeth bago sinundan si Ashari.






Automatic muli na bumukas ang pinto.





Akmang lalabas na si Ashari ng bigla niyang makabunggo ang isang may katangkaran at matipunong katawan.



"Sorry-"


"Duling naman neto, di tumitingin sa dinadaanan!" Pagputol niya sa sasabihin nung...



Wait.


Nag-angat ng tingin si Ashari.



Aba akalain mo nga naman, ang nakamaskarang weirdo sa libro ng Project ExG na binabasa lang niya kahapon e nasa harapan na niya ngayon.






"Ay sorry po. Sige po daan na kayo hehe. Ihi lang po ako. Balik din ako agad."



Narealize ni Ashari na kahit weird talaga na may pamaskara pa, dapat siyang umakto ng tama dahil executive member pa din ito.





Hindi alam ni Ashari kung nakangiti ba'to o ano. Basta kita lang niya sa itim na itim na mata nito ang pagtitig sa kaniya.


Tumango ang nakamaskara bago siya nilampasan.





Weird din, bakit parang pamilyar kay Ashari ang galaw na'yon.



"Are you going to pee or are you just going to stand there?"




Inirapan ni Ashari si Canabbeth. Bakit ba sinundan pa siya ng isang 'to? Mukha ba siyang tatakas ha?



Psh!

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
104K 8.8K 43
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
15.1M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...