BRING YOU HOME

By goyenggoo_

1.7K 154 171

Maraousia is an orphan and force to live in the house of her Mom's bestfriend. There, she met Leonardo- the g... More

MAY AKDA
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
19
20
21

18

21 2 0
By goyenggoo_

Kabanata 18: Forehead kiss.




Dinala niya ako sa loob ng isang subdivision kung saan ang apartment niya. Hmmn, malinis ang loob. Walang maruming pinagkainan o basyo ng chichirya o bote ng alak. I sat carefully on his bed. Thereʼs no wall to hide his bedroom but it is incredibly organize. Hindi ako mapakali dito mag-isa kaya kinalikot ko na lang ang cellphone ko. Hinihintay ko siyang bumalik kasi sabi niya kailangan niyang bumalik saglit sa Review center para tapusin ang nalalabing oras.

I scan his house and see if he is entertaining other people here. Alam ko namang dalawang araw pa lang siya dito pero malay ko ba? I check the restroom at namula ako sa nakita ko. Mukhang kailangan kong ipaglaba si Leo dahil halos puno ng labahan ang maliit na basket. Para wala siyang iiwanang marumi pag-uwi namin sa Bulacan.

Pagkatapos kong maglaba, ilang minuto lang ay dumating na siya. Mabuti na lang hindi niya ako inabutan. May dala-dala siyang pizza at isang plastic ng ulam. Alas otso na ng gabi kaya paniguradong.. dito na nga ako magdidinner at magpapalipas ng gabi.

“H-Hindi pa ako nakakapag-paalam kay T-Tita Emmy..” I said, pagkatapos naming kumain. Nagliligpit na lang kami ng pinagkainan. Ako, nagkukuskos ng lamesa, Siya—naghuhugas ng pinggan.

“Tinawagan ko na siya, Mara..”

“A-Anong sabi? Galit ba siya sa akin?”

He stop so I knew the answer. Saka ko na lang haharapin pagdating namin. Mas lalong magbabago ang pakikitungo sa akin ni Tita Emmy pero nakapagtatakang hindi ako nagi-guilty this time.

“It would be better if this will never happen again..” I told him with no conviction. I just said it just to be decent but I donʼt really care no matter what it cause me. Mapa-image ko pa o kung anong sasabihin sa akin ng iba.

Where did you get that, huh? Is this your way to get him?

Irene—the decent side of me is guilt tripping me! Kaya bumaba ang balikat ko at bumuntong hininga sa harapan ng salamin. Magkasama kaming nagsisepilyo na parang parati namin itong ginagawa. We barely donʼt touch each other. Hindi kami ganito kahit nakatira ako sa kanila ng tatlong taon. In his tiny restroom, we felt we are the only living people as of the moment.

“I bought spare toothbrush. Para sa susunod na magpunta ka meron kang gagamitin.”

“Sabi ko hindi na 'to mauulit, Leo.”


“Says who, Mara?”

Pumikit ako nang hawakan niya ang braso ko.

“Hmmn. Says who?”

Argh! Hindi ba siya nag-aalala kay Tita Emmy? Sa sasabihin niya?

“Hanggang kailan ka ba dito?”

“A month.”

A month?!! Ang tagal nʼon!

“Silly! Hahahahha.”

“Makakadating ka ba sa birthday ko?”

Nawala ang ngiti niya. He canʼt promise a thing to me. Alam kong hindi siya makakapunta dahil busy siya at sinabi ko na nga kanina na building his future will never be a bother to me. Kaya sana hindi na lang ako nagtanong.

Inayos niya ang higaan at nilagyan ng partition sa gitna. Pinahiram niya ako ng short at malaking t-shirt para makatulog na ako.

Tinignan ko siya. Again, his profound nose is so beautiful. Sinara namin ang ilaw kaya tanging ilaw sa labas ang dahilan para makita ko siya. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin sa ibabaw ng partition. Our legs touches sometimes. Umisod pa ako palapit sa kanya.

“Nahihirapan ka bang makatulog?” he asked while his eyes close, tightening his hold to me.

“O-Oo..”

“Huwag na kaya tayong matulog?” bulong niya. His voice was extra sexy. Kinuwentuhan niya ako tungkol sa unang araw niya sa review center.

Ang sabi niya, puro lalaki ang kaklase niya sa review. Pag natapos niya ang isang buwan, magtitake na siya ng exam sa UST at doon itutuloy ang mas malalim na pag-aaral sa course niya.

“Is Orlando coming with you?” I asked.

Gusto ko lang malaman. Atleast para may isa man lang akong kakilala sa mga kasama niya.

“Next year pa siya tutuloy, Mara.”

“Bakit hindi siya sumabay sa'yo?”

Medyo pushy ang pagkakatanong ko. Akala ko hindi niya sasagutin o sasabihing hindi niya alam pero nagulat ako sa nalaman ko.

“Meron din siyang hindi maiwan.”

“Hmmn. Girlfriend?”

“Sort of.”

Kinilig ako bigla. Si Orlando Sebastian may tinatago palang girlfriend? At hindi maiwan. I wonder why Leo is leaving Sandra alone? Hindi naman kinumpirma ni Leo kung ano sila pero siya kasi ang pinakahuling girlfriend ni Leo sa Bulacan. At hindi ba nga si Tita Emmy ang sabi kaya hindi tutuloy si Leo ay dahil kay Sandra?

“Eh ikaw? What made you push your post graduate studies? How about Sandra? Sabi ni Tita Emmy siya ang dahilan kung bakit ayaw mo tumuloy. Narinig ko kayo habang nagtatalo..”.



Matagal bago siya sumagot. Dinadalaw na ako ng antok at nakapikit na rin ako. My hold is loosening up too. Pero naririnig ko parin ang mahihina niyang paghinga.

“Hindi naging kami ni Sandra. Wala akong ibang girlfriend.”

“So bakit ka nga tutuloy?”

“Iyon kasi ang ibinigay na kondisyon ni Mama para makasama kita.”



I left stun pero nagkunwari akong tulog the whole time. Ramdam ko pa nang dalhin niya ang bibig sa noo ko. Ang hirap magkunwaring walang nararamdaman. Hanggang sa makabalik kami ng Bulacan ay wala na kaming kibuan. Marahil, alam din niya na ang ibig sabihin ng pag-uwi namin ay ang pagbabalik namin sa dati. I miss his hand holding mine. Gusto ko iyon hawakan pero baka hindi na pwede kasi maraming nakakakilala sa amin dito sa eskinita kung san kami dumaan.

Inilapag ko ang bitbit kong paperbag sa lamesa. Nagulat ako dahil nandito pa si Tita. Una niya akong chineck bago si Leo. They are speaking with their eyes at sila ang nagkakaintindihan. Humalik si Leo kay Tita at ako naiwan ako sa gilid, nakatayo at tahimik. Hindi makatingin ng diretso sa kanya.

“Hindi baʼt pupunta kayo ng Unibersidad ngayon? Maghanda na kayo dahil papunta na sila Coach Greg.”

“O-Opo Ti..”

Hindi na ako pinatapos ni Tita at dinala na ang paperbag ng mamahaling alahas. Papunta siguro sʼya kay Cynthia.

Hindi ko pala kayang huwag isipin ang iisipin sa akin ni Tita Emmy. After all, siya ang nag-iisang magulang ni Leonardo. She have the right to pick a woman for her son.







“Hindi pa rin kayo nag-uusap ni Beatrice?” Orlando came to me and ask pagkakitang sa ibang upuan umupo si Bea—ang muse namin. Parehas kaming may 'museʼ sa jersey. Number lang ang pinagkaiba kaya naiintindihan kong mas lalo siyang iritado sa akin.



“I told you, itʼs not a good idea to wear this, Orlando!” Naiiyak kong sabi. Doble dobleng pasakit na ang nararamdaman ko magbuhat kaninang umaga.

I couldnʼt hold it anymore. Hindi pa tapos ang quarter pero gusto ko ng umuwi. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Kung kaya ko lang umuwi mag-isa gagawin ko, hindi naman ako pwedeng umalis dahil hahanapin ako sa bus mamaya sa roll call pabalik ng Unibersidad de Assuncion.


“Sorry.. Di ko alam na big deal ito sa kanya.” He sincerely apologized.



Kahapon lang ang saya-saya ko. Bakit ngayon kaagad ang kapalit? Akala ko ba solace ko itong lugar na ito? Why am I slowly despising this place?

Kasi sa lugar na ito, hindi mo maipakita sa lahat kung gaano mo kagusto si Leonardo!

Shut up, Irene!

I stand up and went to the lavatory room. Hindi ito kasing ganda ng lavatory sa Unibersidad de Assuncion pero okay na. I dont want to be in a familiar place at this moment. Kaya tinagalan ko talaga. Not knowing na susundan ako rito ni Bea.

“Come out!”

I heard her from where I am. Kaya binuksan ko kaagad ang cubicle.

“You are a backstabber b*tch!” sabi niya saka ako itinulak sa toilet bowl kaya naupo ako.

Wala pa akong naalalang ginanito ako nang kung sino. Siya pa lang. Natatakot akong lumaban at hinayan siyang magsalita.

“Sinisiraan mo ko kila Orlando to get sympathy! Mas masahol ka pa pala kay Sandra! Malandi ka!”

Sinabunutan niya ako at wala akong nagawa. I felt my head bang to the wall. To my horror, pinunit niya ang uniform ko kahit suot ko pa yon. Like I was not meant  to wear this coz sheʼs the muse.

“Yan ang gusto mo di ba?! Ang magpapansin kay Leo at Orlando! There! Lumabas ka ng ganyan ang itsura para ako na naman ang masama!”

Hinila niya ako kaya humawak ako sa bakal na hawakan ng cubicle. Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito ang itsura. Tuluyang humapdi ang mga mata ako at lahat ng luha ay pumatak. Nagagalit ako sa kanya pero hindi ko iyon pinakita. We used to be bestfriends. Pero anong nangyari sa amin ngayon?

Someone knock the door. I knew itʼs Orlando cuz heʼs the only person who knew I went here.

“Damn it! Beatrice open this door!”

“See! Alam mo sigurong susugurin kita dito at inunahan mo nang magsabi kay Orlando! You framed me up once again!”

Umiling ako bilang pagtanggi. Bakit ko naman iyon gagawin?

“Ang galing galing mong magmukhang biktima! Pinagmumukha mo kami laging masama!”

“Ha? Kailan ko ginawa iyon, Bea?! Sabihin mo nga?”

Sinampal niya ako. Sheʼs so violent and I didnʼt know her next move. Basta narinig ko na lang ang sunod-sunod na click ng camera ang cellphone niya at pinicturan niya ako ng ganito ang itsura tsaka lumabas. Orlando came for me at pumikit siya agad para hindi ako makita nang ganito.. I move the strap of my bra back to where it was.

“Oh my dear God. Wait.. hintayin mo ako dito, Maraoussia, okay?”

“Y-Yes please?”

Napaupo ako dahil sobrang nanlalambot ang mga tuhod ko. Hinilamos ko ang palad sa mukha ko dahil hindi ko lubos maisip na magiging ganito kami ni Bea. Ano bang sabi ni Sandra at bakit galit na galit sa akin si Bea? Wala naman akong ginagawang masama..

I was expecting Orlando but Leo came rushing to my place. Dala-dala ang damit ko kanina. Hindi siya nagsalita habang chinecheck ang namumula kong pisngi. Still flushed by  what happened. Sobrang nahihiya ako sa itsura ko ngayon. He looked away and handed my clothes. Tinanggap ko iyon at nagbihis sa loob ng cubicle. Kahit tapos na ako ay umupo lang ako doon ng mas matagal.

I cried silently but my sob still audible. Kahit anong pilit ko, nasasaktan pa din ako sa nangyari. Bea was my first friend in the school. Ang bait bait niya sa akin kahit magaspang ang ugali niya sa iba. But suddenly things turn out like this. Na parang wala kaming pinagsamahan. Hindi niya ako pinapakinggan. Ang sabi niya, sinisiraan ko siya. Hinding-hindi ko iyon magagawa sa kanya..

Kita ko si Leo sa tapat ng cubicle.

“Do you want to be alone?”  he gently ask. 

“Do you want me to leave, Maraoussia?” 

Gusto ko ba siyang umalis? Hindi pero nahihiya akong humarap sa kanya nang ganito.

“Baby..”

All my inhibitions were gone. Crying all my heart out. Paano kung malaman ito ni Kuya Eli at magsumbong kay Tita? Tiyak na hindi ko na tatapusin ang palugit na ibinigay sa akin kung nagkataon. Tama! Kailangan kong ayusin ang sarili ko upang hindi sila makahalata. Kahit nanghihina ay tumayo ako para lumabas. Leo is still there waiting for me. He is serious and his ocean eyes is ready for a storm. Ang tahimik niya habang tinitignan ang pisngi ko. Iniwas ko ang mukha ngunit hinawakan niya iyon.

“F*ck..” Mahinang mura niya..

“Itʼs.. okay. Iʼm okay Leo..” 

Pumikit ako ng mariin nang halikan niya ako sa noo pababa sa kung saan lahat masakit. My eyes is producing tears so I hug him to cover up.

After all, kahit anong sakit ng sampal sa akin.. Hindi pa rin ako nagigising sa katotohanan. Nalulunod na ako kay Leo kahit alam kong mali.

“Letʼs go home, hmmn?”

Umiling ako. Pwedeng dito muna kami? Kagaya nang sa Lagoon at sa Maynila, gusto ko siyang makasama na kaming dalawa lang..


Kami lang.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 71.9K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
18.3K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
14.8K 208 25
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...