BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

480K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION

5.1K 327 90
By VictoriaGie

ASHARI'S POV

"I am telling you Ashari, do not turn this call down."

Mabilis pa sa kisapmata na nag-ala ninja moves ako pasandal sa pinakamalapit na pader.

May dumaan na capo!

Leche kasi 'tong si Dyther ang daldal! Lalo tuloy akong kinakabahan e. Kapag may nakakita sa akin dito tegi na talaga ako!

"Oo nga! Kakulit ng lahi mo ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko nga papatayin!"

Kapag ako nahuli, siya sisisihin ko!

"I'll immediately tell Easton once you break our rule."

Tumingin ako sa pinakamalapit na cctv at sinamaan iyon ng tingin. Bakit ba mas makulit pa siya kay Gali?

Tutulungan niya ako pero may rule siya na ibinigay. Kadimot noh? Tutulong na nga lang, may pa-rule pang nalalaman.

Huwag kong ibababa ang phone.

Iyan ang number one rule ni Dyther.

Pangalawa, huwag na huwag daw akong gagawa ng kalokohan.

Fyi lang! Kaylan ba ako gumawa ng kalokohan ha? Sila lang 'tong binibigyan ng malisya ang mga kabutihang ginagawa ko dito sa mansion!

Kapag lumabag ako sa rule ni Dyther, sumbong lelang agad ako.

O diba.

"Hindi ko nga ibababa!"

Si Dyther lang ang alam kong makakatulong sa akin dito kaya noong nakita ko siyang pumasok sa playroom kanina, parang nakakita ako ng anghel na ibinaba sa lupa na sagot sa problema ko.

Bakit si Dyther?

Simple lang.

Hindi kasi siya sumbungero. Alam ko na hindi niya ako isusuplong kay Easton.

Atsaka isa pa, siya lang ang kumportable kong kausapin dito sa buong angkan ng Marchese. Siya lang ang kaya kong hingian ng tulong. Siya lang at wala ng iba pa!

Ang akala ko nga hindi siya papayag pero walang pagdadalawang isip na tinulungan niya ako.

O diba, hulog talaga ng langit.

Medyo uto uto lang siya sa part na naniwala siya na may singsing akong nawawala.

Mukha ba ako 'yung tao na nagsusuot ng singsing ha? Kung ako man magkakasingsing, matagal ko na 'yong isinangla!

"After you find your ring, go back immediately! Understand?"

Patiptoe akong nagtatakbo paliko sa isa pang hallway. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Dyther. Bahala siya diyan mwahaha!

"Ashari are you listening?" Medyo madiin na ang boses ni Dyther.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Nakikita ko na ang mga sinaunang protrait at painting.

Mas matagal na lakadan ang gagawin ko. Dapat dinala ko yung cutie patootie na kotse para mabilis e! Very wrong ako sa part na kinalimutan ko 'yon!

"Ashari--"

Wewz. "Nakikinig ako." Sagot ko naman sabay binilisan ang lakad.

"I am watching you Ashari." Paalala pa ni Dyther.

"Pwede shhh ka na Dyther? Nagco-concentrate ako dito! May mga gumagalang alagad ni Easton na capo at kapag nakita ako ng mga 'yon, isasama kita sa hukay. Hindi pwedeng ako lang ang mapaparusahan dito!"

"Baka nakakalimutan mo na ikaw ang humingi ng pabor at tinutulungan lang kita Ashari---"

"Sshhhhh sinabi." Pagbawal ko sa kadaldalan ni Dyther. "Bawal maingay...."

Kasi natatanaw ko na 'yung pintuan papunta sa lagusan ng sagot sa mga problema ko.

'Yung pintuan na kasing luma ng cellphone ni Aling Marites at kasing tanda ni Enrile.

Bumagal ang paglakad ko. Bakit parang bigla akong kinabahan.

Napalunok ako at dahan dahang tumingin sa paligid. Wala namang nakakakita sa akin maliban kay Dyther diba?

Humugot ako ng hininga ng makatapat na ako sa pintuan.

Bigla kong naalala 'yung araw na dito din mismo sa kwarto na'to nalaman ko na mafia pala ang mga taong nakapaligid sa akin dito sa Marchese.

Hindi ko naman akalain na babalik pala ako dito para mangalap ulit ng issue at chismis!

Project Exg

Kung ano man ang project na'yon, dapat mong tandaan Ashari na sa Prohect ExG nakasalalay ang magiging desisyon mo.

Hinawakan ko ang nangangalawang na doorknob. Buo ang loob kahit mejo kinakabahan na pinihit ko iyon pabukas.

Tungek din kasi mga Marchese noh, hindi marunong maglock ng pinto. Ayan tuloy, nasusuplong lahat ng sikreto nila.

Pagbukas ng pinto, sumalakay nanaman sa ilong ko ang amoy matanda at amoy lupa na kwarto. Hindi ba nila nilalagyan ng air freshener 'tong kwarto na'to?

Ininara ko ang pinto. Pagpasok ko sa loob, binuksan ko ang kikindap kindap na mga vintage lamps.

Agad bumagsak ang tingin ko sa kahoy na office table. Nandoon pa din 'yung mga files, folder at syempre yung libro.

Iyong libro na kaylangan ko.

Dahan dahan akong naglakad palapit doon.

"Ashari wala ng cctv diyan sa kwarto. Did you find what you are looking for?" tanong ni Dyther sa kabilang linya ng wireless earphone.

"Oo, nakita ko na." wala sa sarili kong bulong sa kaniya habang nakatitig sa libro na nasa table.

Project ExG : Exploring Peace between Mafian Organizations.

Pagbasa ko sa utak ko ng pamagat ng libro.

Peace?

Exploring Peace pero bakit parang gulo naman ang dala ng Project na'to? Base sa mga nangyari nitong mga nakaraan, wala akong peace na nakikita!

Sinong loko loko ba naka-isip ng pamagat ng libro na'to ha? Panget nila kabonding!

"You found it already? That's good. Now, go back. Hindi ka pwedeng abutin ng gabi diyan."

Hindi ko sinagot si Dyther.

Umupo ako sa swivel chair at may pagkabog sa dibdib na binuklat ko ang unang pahina ng libro.

Foreword.

Binasa ko pero tanging patungkol lang sa MPO at ang relasyon nito sa Mafias ang nakasulat sa panimula.

"Ashari what are you doing? I said go back!"

Binuklat ko ang iba pang pahina.

"Ashari!"

Binasa ko ang mga nakasulat.

"ASHARI!"

"Shhhhhh!" Pagbawal ko kay Dyther. Ang ingay niya, kitang seryoso akong nagbabasa e.

"What are you doing?"

"Nagbabasa."

"Nagbabasa?"

"Oo may binabasa ako! Huwag kang magulo."

Ano ba 'tong libro na'to? Pati history ng MPO at Mafia nandito. Gusto kong i-iskip basahin pero pakiramdam ko mahalaga din 'to.

"Nakuha mo na ang singsing, umalis ka na diyan. Huwag ka ng magbasa."

12 years ago, nabuo ang MPO sa pangunguna ni Peter Veracelli. Ang gobyerno ng mga Mafia. May sampong executive. Ipinakilala kada page ang sampong executive nito. Mukhang updated ang libro kasi updated ang itsura ni kumareng Helen dito.

Pati yung dalawang MPO na bumisita dito noong nakaraan, nandito din. Inpernes, pogi nila parehas.

Kapansin pansin lang na wala ang picture ni Peter Veracelli at may isa ding executive ang nakapasuot pa ng puting maskara.

Pabibo naman nila, feeling pa-importante!

Nasayang ang 20 pages na binasa ko dahil wala naman akong napala.

Pake ko sa sampong executive.

"Ashari! This is a warning. Umalis ka na diyan!"

"Wait lang, may binabasa lang naman ako, bakit ba di mapakali pwet mo Dyther. Basta magbantay ka lang diyan..." Sureball naman na walang pupunta dito dahil sa itsura palang ng office na'to e parang sampong libong taon ng hindi napapasukan ng tao.

"What are you reading?"

"Libro."

"Yes it's a book Ashari! What kind of book?!" Stress na ang tito Dyther hahaha!

Tsk, yung sumunod na 20 pages pa, mga Mafian Organizations na tumugon sa Project Exg.

Babasahin ko pa ba lahat 'to?

"Ashari come on!"

Hindi ako agad sumagot. Busy ako sa pagbabasa e. Baka mahalaga 'tong 20 pages ng different mafian org.

"Hey, answer me Ashari."

Nagtuloy pa ako sa pagbabasa. Hindi ko alam kung may sa ilang oras na ba akong nagbabasa dito.

Ang ingay ingay ni Dyther kaka-inis. Wala naman sa rule niya na bawal ako magbasa ah. Hindi naman 'to kalokohan!

"Ashari, it's been 50 minutes. I'll give you 10 minutes to wrap that up. Kuhanin mo nalang ang libro at umalis ka na diyan."

Wala akong time para pakinggan pa ang sinabi ni Dyther. Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya. Basta nilunod ko ang sarili ko sa pagbabasa.

Natapos ko ang lahat ng mafian organizations....

Inilipat ko ulit sa kasunod pa na pahina.

Pagbuklat ko...

Digital drawing ng isang fetus na nasa experimental tube.

Iyon lang ang nasa page. Walang kahit anong label o written description.

Para saan ba ang Project ExG na'to? Bakit may ganitong drawing?

Binuklat ko pa ng isa...

Chipset...

Ito yung mga picture na nakita ako dati na hindi ko naman pinansin.

Isang buklat pa ang ginawa ko...

Scientists, researchers and laboratories...

Dahan dahang bumigat ang pakiramdam ko. Bakit parang may nagsasabi sa konsensiya ko na tigilan na ang pagbabasa.

Ano ba ang meaning ng Project ExG? Bakit nila ito tinawag na ganoon?

Ang sabi ng kabilang konsensiya ko, tumigil na. Ang sabi naman ng isa pa, ituloy ko dahil dapat kong malaman kung ano at para saan ang project na'to.

Dito nakasalalay ang magiging desisyon ko. Kung ano man ang mababasa ko, dapat ihanda akong maghanda.

Pero bakit kasi sa kada buklat ko ng pahina, parang tinutusok ang buo kong konsensiya at sinasabi sa akin na oras na mabasa mo ang laman ng librong 'to, buhay ang kapalit.

Bakit ganoon?

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Kalma Ashari. Kalmahan mo! Hindi ka hinahabol ng buhay ng librong 'to.

Pikit mata at lakas loob kong binasa ang mga natitirang pahina.

Nilamon ako ng buong konteksto. Tila tumigil ang oras sa akin at nalunod ako sa pagbabasa...

Hanggang sa matapos ko ang libro hanggang sa huling pahina nito...

Nakatulala lamang ako habang binabasa ang huling nakasulat na mga salita na nasa ibaba ng isang picture.

Ang meaning ng Project ExG...

Nagsimula manginig ang buong pagkatao ko ng magsink in sa sistema ko ang lahat ng nabasa ko.

"ASHARI! GET OUT OF THERE NOW!"




Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko gusto kong sumigaw. Gusto kong magalit. Gusto kong umiyak. Hindi ko alam!

Nanginginig ang kamay na nilukot ko ang huling pahinga. Ang page kung saan nakalagay ang picture ng buong MPO executives at ng mga Mafian Organization na parte ng Project ExG.

Nakangiti silang lahat at tila ba masaya sa na-accomplish nilang proyekto.

Paano nila nagagawang ngumiti?

Bumaba ang tingin ko sa pinakababang bahagi kung saan nakasulat ang pinaka pinakakalokohang salita sa na nabasa ko sa librong 'to.

Project Exterminate Galileo

"Ashari, hide. HIDE YOURSELF!"

Oo! Gusto ko nalang magtago.

Gusto ko nalang tumakas at itago si Gali sa mundong 'to!

"ASHARI! SIR ADOLFO AND EASTON IS HEADING THERE-- tsk!"

Nawala si Dyther sa kabilang linya. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari.

Pakiramdam ko nalulunod ako sa lahat ng nalaman ko.

Pinilit kong tumayo sa swivel chair pero bumagsak din ako. Hindi ko kaya. Nanginginig pa din ako.

Bakit?

Paano nila nagawa 'yon?

Easton...

Bakit?

Bakit pumayag kayo sa Project na'to?

"Gali..." halos wala na ding lumabas na boses sa akin. Nanunuyo ang lalamunan ko.

Kaylangan ko si Gali.

Kaylangan ko siyang puntahan.

Kaylangan naming umalis dito.

Itatakas ko siya!

Kahit anong mangyari, aalis kami sa impyernong 'to!

"Gumalaw ka! Gumalaw kaaa!" Singhal ko sa binti ko na nanginginig pa din. Sinuntok suntok ko iyon pero miski ang braso ko walang lakas.

Bumagsak ang katawan ko sa table.

Leche, kung kaylan ko kaylangang umalis atsaka ako hindi maka-alis!

Gali....

Narinig ko ang paglangitngit at ang pagbukas ng pintuan.

Ang akala ko si Dyther ang pumasok pero pag-angat ko ng tingin...

Sa aandap andap na ilaw, tumambad sa mata ko ang isang lalaki na kamukha ni Easton.

Pinatandang Easton....

Parehas na parehas sila ng titig na nanghuhukay ng kahihimlayan mo. Iyong nakakamatay na titig!




"WHO ARE YOU?" malalim ang galit at may katandaan nitong boses.

Kitang kita sa mukha niya na kaya niyang kitilin ang buhay ko kapag nagkamali ako ng isasagot sa kaniya.

Hindi ako makapag salita. Hindi ako makagalaw.


Leche Ashari! Ayusin mo gawa mo sa buhay!



Siya iyon! Ang lalaki sa pinaka itaas ng organization chart na nandito. Ang lalaking may ari ng office. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang Big Boss ng mga Marchese.

Adolfo Marchese.



Napalunok ako.





Alam ko na kapag mali ako ng naisagot sa kaniya, tegi talaga ako. Hindi ako makakalabas ng buhay dito at hindi ko maitatakas si Gali.

Hindi pwede!!!!


HINDI PWEDE!!!!







"Ashari what are you doing here?" nasa likod niya si Easton na akmang lalakad na papunta sa akin.


Gumana nanaman ang witty kong utak!

Hindi pwedeng mahuli ako basta basta! Ayaw ko pang mategi! Bawal!





Kaya naman nagkunwari ako na may hinuhuling daga.

Leche!




Oo!



Dinampot ko ang tsinelas ko ang suot kong crocs at kunwari may papatayin akong bubwit.

"He-hehe!" itinuro ko 'yung book shelf na nasa likod nilang mag-ama. "Ayun yung daga! Hinuhuli ko 'yung daga. Pumasok kasi dito kaya sinundan ko!"

Sana lumusot walanjo! Hindi ako pwedeng mahuli! Lalo akong makukulong dito, worse, machuchugi ako.

Paano nalang si Gali?


Sabay silang lumingon sa book shelf. Ako naman nananalangin na sana maniwala sila. Please lang!!! Please lang!!!!

Muling ibinalik ni Easton ang tingin niya sa akin.

Bumaba ang tingin niya sa libro na nakabukas, ang libro na ipinagbabawal!


Lalong kumunot ang noo niya at mukhang narealize ni Easton na hindi ako nanghuhuli ng daga!



Leche!

Sa dinami dami nga naman ng panahon na mahuhuli ako ni Easton oh!


"There is no such pest here other than you, young lady." malalim pa sa balon ang pinagkuhanan ng matandang boses ni Adolfo the red nose rain deer.


Gg!

Gg talaga ako!

Hindi sila naniwala na nanghuhuli ako ng daga.


"H-hehe..." ano pa ba ang pwede kong ipalusot? Syempre wala na. Ano tingin mo sa mga 'yan? Pipitsuging mafia na maniniwala sa mga dahilan ko? "He-he."

Malamang sa alamang HINDI!!!


Suko na ako.



"Who's this rat, Easton?" Pakiramdam ko dinadala ako sa kaibuturan ng lupa nitong si Adolfo.

Gaano na ba siya katanda at yung boses niya e parang hinukay sa himlayan ng mga patay.

Atsaka isa pa...

Ano itinawag niya sa akin?


Rat?


Mukha ba akong daga ha? Siya mukhang huklubang butiki!




Pumunta si Easton sa harapan ko.

Kinuha niya ang kanang pulsuhan ko at bahagya akong itinago sa likudan niya.

Gusto kong pumiglas at sigawan siya na bitawan niya ako!

Wala siyang karapatan na ihawak sa akin ang masama niyang kamay.

Ang panget niya!!!

Ang panget ng budhi mo Isprikiton!!!!





Naglakad naman palapit si Adolfo sa amin. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Easton sa pulsuhan ko.

"She's the girl, Ashari." sagot ni Easton sa tatay niya.

Huminto ito sa paglalakad at madilim na tumingin sa akin. "Ahh, the babysitter."

Parang daga lang talaga ako sa kung paano niya banggitin ang salitang 'babysitter'.

Alam ko naman na kulangot lang ako na napadpad dito pero the way na si Adolfo mismo ang nagsalita, parang isinampal sa mukha ko na babysitter lang talaga ako ni Gali.

Walang umimik.

Ramdam ko din ang tensyon kay Easton. Ramdam ko sa mahigpit na hawak niya sa pulsuhan ko.

Bumaba ang tingin ni Adolfo sa libro na nasa table.

Napalunok ako.

"I see, you read the book."

Kulang nalang barilin ako ng buhay ng tingin nitong si Adolfo.

Tila ba sa mga tingin niya e nakagawa ako ng isang karumaldumal na krimen.

"Hindi po! Hinahanap ko lang talaga 'yung daga." sana lumusot part 2!




"You think I would believe that filthy alibi?"


Walanjo, gg!

Iba talaga karakas ng mga Big Boss.



"Sir--" sasagot sana si Easton pero bigla siyang inunahan ng ama niyang butiki.

"Do you know what happened to Eve when she accepted the apple Satan offered her?"



Naglakad palapit muli sa amin si Adolfo.

Hindi pa ako nakakaget over sa mga nabasa ko tapos ito na kaagad ang kaharap ko.

Para akong na-triple dead.

"Sir Adolfo, she has nothing to do with this. This is my negligence, I'll take responsibility."

Miski si Easton na akala mo boss na sa boss ay tiklop sarado sa ama niya.

Umikot si Adolfo sa likudan namin ni Easton. Nakita ko ang pagbaba ng mata niya sa kamay ni Easton na nakahawak sa pulsuhan ko.

"Eve was punished to death, sorrow, and regret..."

Bakit ba ganito ang matandang 'to? Kung ano ano pinagsasasabi. Epekto ba'yan ng pagiging masamang tao?

Huwag niyang sabihin na kakambal siya ni Enrile na Jurassic era palang e buhay na at mas matanda pa siya kay Adan at Eba.


"Together with Adam..." wika niya habang matiim na nakatitig sa kamay ni Easton na nasa pulsuhan ko.

Inalis niya ang tingin sa amin at nagtuloy sa paglakad. Huminto siya sa harap ko at kinuha ang libro....

Ang libro ng Project ExG.

"Rat, do you know that I can punish you death for acquiring the knowledge inside this book?"

Leche, saan na ba ako lulugar. Lahat ng gagalawan ko, check mate na. Katapusan ko na nga ata talaga!

Tapos naging daga pa ako ng wala sa oras.

"Sir Adolfo, I hired her. I have the rights to decide what punishment she will receive."

Kung wala si Easton dito, sureball tegi na ako kanina pa.

"Why are you wavering, child?" sagot na tanong nito sa anak. "There's nothing to decide Easton. She must be silenced."

Dito sa Marchese hindi 'silence means yes' ang kasabihan.

'Silence means death!'

Pag tahimik ka na, ibigsabihin tegi ka na non.




"ASHARI!"

Susginoo dumating ka pa! Huli na ang lahat!

Kasalanan mo 'to Dyther! Hindi mo sinabi kaagad sa akin na padating pala ang mga panget na Marchese!

Pumasok si Dyther. Hinihingal siya at para bang tumakbo ng napagkalayo.

"So the accomplice is here."

Nagkatinginan nalang kami ni Dyther. Napakalakas naman ng radar ng matanda na'to at nalaman pa niya na kakampi ko si Dyther.

"Sir, punish me instead. I fell short and consent her on doing this things. I'll accept everything you command."

Sa pagitan ng paghingal ni Dyther ay ang kaniyang diretsyong english na pakiusap kay Boy Butiki.

Bingi bingihan naman si Adolfo the red nose rain deer. Isinara niya ang libro at madilim na tumitig sa akin.

"Tell me, rat, hanggang saan ang nabasa mo?"

At may gana pa talaga siyang tanungin ako sa kung hanggang saan ang nabasa ko?

Sa pagkaka-alam ko, ako ang dapat na magalit sa kanila...sa kaniya.

Wala siyang puso.

Hindi siya karapatdapat na tawaging tao dahil masahol pa siya sa masahol.

Bakit niya naatim na pumayag at makipagkasundo sa ganoong proyekto?

Unti-unti, bumabalik sa sistema ko ang galit.

"Daga mo ulo mo, Sir." Adolfo the red nose rain deer!!!! "Ashari po ang pangalan ko. Kung hindi mo po gets, pwede na din po ang 'ganda' para madaling tandaan."

Seryoso ako! Hindi ako nag jo-joke at wala akong planong makipag-okrayan ngayon! Walang basag trip!

Ngumisi naman ng nakakabwisit si Adolfo. Pinatanda talagang Easton ang itsura niya. Parang pinagbiyak na bunga lang.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko...hanggang saan ang nabasa mo?"

"Pa, stop this. Let me handle her." Hindi na Sir ang tawag ni Easton dito. Ramdam na iba na ang tensyon sa paligid.

"She was able to sneak in this well guarded office like a rat. Now tell me Easton, how can u prove that you can handle her?"

Ahhh, kaya pala daga. Kasi nakakalusot kahit saan.

Edi waw!

Dapat ba proud ako na sa daga niya ako kinumpara?

FYI lang, anong well guarded office ka diyan? Unang una, hindi nga nakalock ang pinto ng office mo e.

'Tong matandang hukluban na'to!

"Sir Adolfo, I helped her. Kung hindi ko siya tinulungan, hindi siya makakapunta dito...so punish me instead of her."

Kung hindi lang talaga ako dinala ni Dyther sa zoo at kung hindi nabahiran ang imahe niya ng pagiging Boy Animal? Ay nakoo! Crush na crush ko na talaga siya!

"Pa, spare her. As I've said, I'll take responsibility and handle her."




"I AM NOT TALKING TO ANY OF YOU TWO!" Legit na dumagundong ang buong kwarto sa lakas ng sigaw ni Big Boss. Napapikit nalang ako... "I AM ASKING THIS RAT!!!" ng marahas niyang hinablot ang braso ko na hawak ni Easton. Halos dumausdos ako sa table. "HANGGANG SAAN ANG NABASA MO!"

Hindi na patanong kundi pa-utos na.

Napangiwi ako ng bahagya sa sakit ng braso ko at sa hita na tumatama lamesa.

"Pa!" Hinawakan ni Easton ang kamay ng ama na mahigpit na nakahawak sa braso ko.

"I CAN CHOP OF YOUR HEAD RIGHT THIS MOMENT! SPEAK, YOU RAT!"



"LAHAT NABASA KO! LAHAT LAHAT LAHAT!" sigaw ko sa pagmumukha ni Adolfo the red nose rain deer aka Boy Butiki. "MASAYA KA NA PO? SINAGOT KO NA PO ANG TANONG MO! OK NA? BITAWAN MO NA PO AKO!"

Pasalamat siya gumagamit pa ako ng Po at Opo kahit hindi niya deserve!

Gigil na tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.

"Ashari ang sabi mo nahulog lang yung singsing mo dito. You didn't read anything! You just happened to open the book right? Right Ashari?"

Hindi ko alam kung para saan pa at pinagtatakpan ako ni Dyther. Manahimik nalang sana siya at ang idinahilan kong pagpunta dito e nanghuhuli ako ng daga.

Lalabas pa na magka-iba kami ng sinasabi e!



"Nabasa ko lahat. Simula hanggang wakas."


Sorry nalang, mukha akong pera pero hindi ako sinungaling (depende sa sitwasyon). At isa pa, hindi ko kayang itago lang sa sarili ko lahat ng nabasa ko.


"Kaya pwede po ba, bitawan niyo na po ako."



Marahas akong binitawan ni Adolfo the Boy Butiki.


Humugot siya ng baril at itinapat iyon sa akin.

"ASHARI!" Singhal ni Dyther bago tumakbo papunta sa pwesto ko at itago ako sa likod niya.


Halos hindi ako makapalag ng bigla ding naglabas ng baril si Easton at itinutok iyon sa kaniyang ama.

Nakaharang siya sa amin ni Dyther.

"Shoot her and I will not hesitate to shoot you too, father."

"I did not raise a son as weak as you are, Easton!"

Nanlaki ang mata ko ng itapat ni Adolfo the red nose ang baril kay EASTON.

"I am not weak. I am protecting my people. She is mine, father. You have no rights to touch her."

"You failed to handle her. Isn't it my duty as the Big Boss to cut down those who do not obey? You are one of my people Easton. And whatever is under you is mine...." Narinig ko na kinasa ni Adolfo ang trigger. Walanjo, seryoso ba siya na babarilin niya ang anak? "Now...I ask you to kill her yourself, Easton."

Wala na bang mas i-aayos pa ang buhay ko dito sa Marchese? Bakit palagi nalang nalalagay sa hukay ang isa kong paa?

Feel ko konti nalang both na ng paa ko nasa hukay na.

Tumingin ako kay Easton. Sakto din na lumingon siya sa akin. Nagtama ang tingin naming dalawa. Ano? Papatayin mo na talaga ako? Legit na talaga? Sa hinaba haba ng pinagdaanan natin, sa kamay mo din ba ako matetegi?

Saan mo ako babarilin? Sa noo din ba gaya ng pagpatay mo sa spy?

Ano na, Easton?

"I can't..."

Parang gumuho ang mundo ko sa isinagot ni Easton. Nakatago ako sa likod ni Dyther, anytime pwede akong barilin ni Adolfo pero noong narinig ko yung ni Easton, pakiramdam ko ligtas na ako.

Pakiramdam ko, makakalusot ako sa pangyayaring 'to.

"You can't? Am I hearing things right, Easton?"

"Yes, father." Muling tumingin si Easton sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. "She is not just a babysitter. Gali believes that she is his mother. She has her reasons. I know well that she sneaks here to read that book for Gali. She risked her life for my son's sake." Easton gave me a reassuring look. "I can't and I will never kill her."








"Goodness gracious!"


Sa nag-iinit na tensyon, dumating si Kumareng Helen kasama ang isa pang matandang babae. Pamilyar ang mukha niya...ahh, tama! Siya 'yung nag histerical ng malaman na may sakit si Gali. Siya ang nanay ni Easton!


"Oh my goodness! Put down the guns!" kulang nalang himatayin ang nanay ni Easton sa naabutan niya.

Asawa at anak niya nagtututukan ng baril. Kung ako man ang nasa kalagayan niya, magwawala din ako!

"You won't kill her?" muling tanong ni Adolfo kay Easton. Tila hindi nito narinig ang sinabi ng asawa. "Then I will do the pleasure."

Muli niyang itinutok ang baril sa akin.

"I don't know what's happening but I demand trial!!!"

Tumingin ako kay Kumareng Helen. Bakas sa mukha niya na may hinala na siya sa kung ano ang nangyayari base sa nakabukas na libro na nasa table.


"Trial?" Nakinig din sa wakas si Adolfo.

"Yes. Trial!" anong trial? "A proper trial. Remember that you cannot kill a civilian without trial, Adolfo." Ah, nasa batas din yon ng MPO? "We should held a trial and investigate her. I, an executive of the MPO will conduct the investigation. Now please Adolfo, put down the guns and do not harm anyone."

Kahit sinong makarinig sa boses ni Kumare, mapapapayag. Napakamalumanay nito at convincing.

Hulog siya ng langit! Buhay pa ako! Buhay pa akkoooo! MAGDIWANG!

Ibinaba ni Adolfo the red nose rain deer ang baril niya ganoon din si Easton. Kumalma na silang dalawa. Narinig ko din ang pagkawala ni Dyther ng pinipigil niyang paghinga.

Mabilis na lumapit sa akin si Kumareng Helen ng mabasa niya na humupa na ang tensyon.

"Oh God, Ashari." bungad niya sa akin sa nag-aalalang tono. Hinawakan niya ako sa mukha at inalalayan. "It's fine. Everything will be fine."

Ha!

Wish ko lang panaginip lang lahat.

Fine?

Sa tingin ba niya magiging ok talaga ang lahat?

Matapos kong malaman kung ano at para saan ang project na'yon, tingin niya magiging ok ako?




Sana lang....sana lang buhayin pa nila ako sa kung ano mang trial na gagawin nila.




_____

A/N: sorry, lame and mejo magulo hehehehe! Bawi nalang ako next chapter.

Continue Reading

You'll Also Like

120K 5.6K 44
Rival Series 3 -Completed- Book cover by: Rosehipstea
1.1M 51.5K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.
121K 10.2K 48
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...