Caught and Conquered (SERIE F...

By elyjindria

4.5M 178K 120K

(COMPLETED) Nathalie Mariano is an unfortunate woman. Her family abandoned her when she was just a kid, she w... More

Caught and Conquered
DISCLAIMER
MOODBOARD
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
LAST CHAPTER
NEXT

Chapter Twenty

99.3K 4.4K 2.4K
By elyjindria

"Nathalie... Hindi mo naman kailangang gawin 'yon para sa amin. Kami ang dapat na parusahan at hindi ikaw. S-Susubukan ko ulit na kausapin si Ashteroh Alexeev," bulong ni Gina habang nakatungo.

Napatigil ako sa paglalagay ng make up at napatingin sa kanya. Tipid na ngumiti na lang ako.

"Kahit pa kayo ang namilit sa akin na lokohin si Ashteroh... ako pa rin ang pinagkatiwalaan n'ya. Ako ang pinagkatiwalaan at minahal ni Ashteroh pero nagawa ko siyang lokohin at iwan... kaya sa akin siya pinakagalit, Gina. Dapat lang na ako ang parusahan n'ya," sabi ko na lang saka napabuntonghininga.

Muling napatingin na lang ako sa salamin. Hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari. Sinabi n'ya na pagtatrabahuhan ko ang ninakaw namin sa kanya... ibig sabihin no'n hindi ko magagawa nang ayos ang trabaho ko sa hotel. Baka mapatigil pa ako sa pag-aaral nito.

"Good morning, Nathalie. Halika na, sakay na!"

Napakunot ang noo ko nang si Cadence ang bumungad sa 'kin paglabas ko ng apartment. Napahawak ako nang mahigpit sa bag ko saka napabuga ng hangin.

"Mare, sakay na. Hinihintay ka ni Ashteroh. Let's go," sabi pa n'ya.

Wala na akong nagawa at sumakay na lang sa kotse n'ya. Napangisi naman siya at agad na pinaharurot ang kotse. Hindi na lang ako nagsalita at tumingin sa labas ng bintana.

"Ashteroh is not cruel, Nathalie," saad ni Cadence.

Natigilan ako at tumingin sa kanya. Tipid na ngumiti ako saka tumango. "Alam ko," sabi ko na lang.

"Mabait ang gagong 'yon. Para sa 'kin siya ang pinakamatino sa 'ming lahat... pero alam mo naman diba? Iba magalit ang mababait," sabi n'ya saka napasipol na lang.

Hindi ako nakapagsalita. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at muling napaiwas ng tingin kay Cad... Ayoko ng isipin kung gaano nagdusa si Ashteroh nang umalis ako. Pakiramdam ko, masasaktan lang ako kapag nalaman ko kung gaano siya nasaktan kahit ako pa ang nanakit sa kanya.

"Kung tutuusin mabait pa si Ashteroh dahil ito lang ang gagawin n'ya sa 'yo... Kung sa akin ginawa 'yon, babalatan ko ng buhay ang taong gagawa sa 'kin no'n. Pagsisisihan n'yang tinarantado n'ya 'ko. Hindi ako magpapakita ng awa kahit na mahal ko pa 'yon. Tatawa ako habang nasigaw siya sa sakit... Kaya buti na lang talaga at si Ashteroh ang nabiktima mo, mare," sabi ni Cad saka binigyan ako ng kakaibang ngiti.

Napakurap na lang ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nagtayuan ang mga balahibo ko sa ngiti n'yang 'yon.

Tumawa siya. "Chill, mare. Joke lang 'yon," tumatawang sabi n'ya.

Hindi na lang ako nagsalita at napaiwas ng tingin sa kanya... May kakaiba talaga kay Cadence na hindi ko maipaliawanag.

"Salamat," sabi ko na lang at agad na lumabas ng kotse ni Cad pagkarating namin.

Napabuga ako ng hangin at hinanda ang sarili ko bago pumasok sa hotel. Alam kong dito na magsisimula ang parusa ko. Dapat ihanda ko na ang sarili ko dahil magsisimula pa lang ang lahat.

Nagsimula na 'kong magtrabaho. Nakakapagtaka na hindi ako pinapatawag ni Ashteroh. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip... may pinaplano pa ba siya?

"Ma'am Naths, pinapatawag ka ni Mr. Alexeev," sabi ng isang staff nang makalapit sa akin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka tumango. Naramdaman ko ang paghu-huramentado ng puso ko, hindi tamang makaramdam ako ng ganito sa sitwasyong 'to pero hindi ko mapigilan. Alam kong galit na lang ang nararamdaman n'ya sa 'kin ngayon... hindi na dapat ako umasa sa mga bagay na imposible.

Agad akong nagtungo sa hotel room ni Ashteroh. Nakabukas na ang pinto kaya pumasok na lang ako sa loob. Naabutan ko na may dalawang staff malapit sa pintuan ang nakatungo lang. Natigilan ako nang sumilip ako sa loob ng silid n'ya. Bahagya akong napaatras sa bumungad sa akin... Sobrang gulo ng kwarto n'ya.

Napatingin ako kay Ashteroh na prenteng nakaupo sa sofa, nakasuot siya ng robe. Tumingin siya sa direksyon ko.

"All of you, except this bitch..." itunuro ako ni Ashteroh, "get out," malamig na sabi n'ya. "and you... clean this mess alone," utos ni Ashteroh habang nakatitig sa akin.

Halatang natigilan sila sa sinabi ni Ashteroh. Tila hindi nila alam kung susundin ba nila ang sinabi nito o hindi.

"S-Sir, gawain po ng cleaning staff 'yan," sabi ni Mira kay Ashteroh.

"Yeah, but she's my maid. I have all the rights to order her around," malamig na sabi n'ya saka isinandal ang likod sa backrest ng couch.

Halatang naguluhan sina Mira sa sinabi n'ya. Napabuntonghininga na lang ako at hinarap sila.

"Ako na ang bahala rito, iwan n'yo na kami," nakangiting sabi ko na lang sa kanila.

"Ma'am Naths, sigurado po kayo? Sasabihin na lang po namin kay Sir Killian 'to. May problematic na naman po tayong foreigner guest," napapailing na bulong ni Mira.

Gusto ko sanang sabihin sa kanila na nakakaintindi ng tagalog si Ashteroh pero mukhang wala namang pakialam si Ashteroh sa narinig. Uminom na lang ito ng kape habang nasa akin pa rin ang tingin.

Wala ng nagawa sina Mira kundi ang lumabas sa silid kahit pa halatang nagda-dalawang isip sila. Napabuga na lang ako ng hangin ng isara na nila ang pinto at kami na lang ang naiwan ni Ashteroh.

"Ano pa'ng tinutunganga mo? Maglinis ka na."

Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko at nagsimulang kumilos. Hindi ko alam kung bakit naging ganito kagulo ang silid sa loob lang ng isang gabi na nag-stay siya... pero siguro hindi na dapat ako magtaka. Sinadya na 'to... sinadya n'ya para pahirapan ako.

Napangiwi ako nang mapansing ang daming kalat na mga pinagkainan at mga balat ng kung ano-anong tsitsirya. Parang may nagparty sa hotel room na 'to. Alam kong hindi si Ashteroh ang gumawa nito dahil ayaw na ayaw n'ya ng ganito... mukhang nag-effort talaga siya na pahirapan ako.

Pero gaya ng sabi ni Cadence, mabait pa si Ashteroh sa lagay na 'to. Binigyan n'ya ako ng pagkakataon na makapagbayad nang hindi pinapatay ang mga kaibigan ko. Dapat makuntento na ako sa kabutihang kaya n'yang ibigay.

"Aray..." usal ko at hinubad ang pumps ko.

Pasimple akong tumingin kay Ashteroh na abala pa rin sa cellphone n'ya. Napailing na lang ako at inilapag ang sapatos ko sa gilid saka muling bumalik sa paglilinis.

Natigilan lang ako nang marinig kong may kumatok sa pinto. Napatingin ako kay Ashteroh, hindi naman siya kumibo o tumingin man lang sa pinto.

Lumapit na lang ako ro'n at binuksan 'yon. Natigilan ako nang bumungad sa 'kin ang seryosong mukha ni Killian.

"K-Killian, sandali--"

Hindi na n'ya ako pinatapos at basta na lang pumasok sa hotel room ni Ashteroh. Napapikit ako nang mariin at agad na sinundan siya nang lapitan n'ya si Ashteroh.

"Excuse me, Mr. Alexeev. I need to talk to you," sabi ni Killian.

Bored na tumingin lang si Ashteroh sa kanya saka inilapag ang phone n'ya sa table.

"Ms. Nathalie Mariano shouldn't be doing this. She's not required to do heavy work like this. She's still a student. She's not an official staff here. She still have more important things to do than this so please let me call another staff to clean your room for you," seryosong saad ni Killian.

Napabuntonghininga si Ashteroh saka tumayo. Inayos n'ya ang pagkakabuhol ng robe n'ya saka nakipagtagisan ng tingin kay Killian.

"This is the most important work she has to do, Mr. Hotel owner. Please don't interfere if you don't want this precious hotel as a whole to be involved," malamig na sabi ni Ashteroh.

Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko. Agad kong hinawakan ang braso ni Killian at hinila siya palayo kay Ashteroh.

"Killian, o-okay lang. May utang ako sa kanya na kailangan kong bayaran at sa ganitong paraan lang ako makakabayad... Ako na ang bahala, ayos lang ako," bulong ko habang pilit siyang pinalalayo kay Ashteroh.

Malaki na ang utang na loob ko kay Killian. Ayokong madamay pa ang hotel n'ya sa gulo namin ni Ashteroh... Alam ko na kayang gawing posible ni Ashteroh ang mga sinasabi n'ya.

Inalis ni Killian ang pagkakahawak ko sa kanya. "Magkano ba ang utang sa 'yo ni Nathalie at ako na ang magbabayad," sabi ni Killian saka muling hinarap si Ashteroh.

Natawa nang mapakla si Ashteroh saka tumingin sa akin. "Mukhang may nabiktima ka na naman, Nathalie. You're really something, huh. I'm so damn amazed," tila nanunuyang sabi ni Ashteroh.

Hindi na lang ako nagsalita. Pakiramdam ko patalim na sumasaksak sa puso ko ang mga sinabi n'ya... pero hindi ko siya masisisi na ganyan ang iniisip n'ya tungkol sa akin.

"Ano ba'ng problema ng gagong 'to?" naiinis na tanong ni Killian.

Agad ko siyang hinila palayo kay Ashteroh. Binigay ko ang buong lakas ko para hilahin siya papuntang pinto. Pilit siyang nagpupumiglas pero walang magandang maidudulot kung hindi ko siya pipigilan. Mabait si Killian pero mainitin ang ulo n'ya. Ilang beses na siyang nawalan ng importanteng guest dahil sa ugali n'ya.

"Killian, h-hayaan mo na. Problema naming dalawa 'to. Ayokong madamay ka sa gulo ko... ang laki na ng naitulong mo sa 'kin. Wala naman siyang gagawing masama sa 'kin. Ako ang may malaking kasalanan na kailangang bagbayaran sa kanya... Please," mahinang sabi ko habang pinipigilan siya.

Natigilan si Killian sa sinabi ko. Napabuntonghininga siya at tumingin sa akin.

"Sige na, kaya ko na 'to. Kailangan ko pang tapusin 'to," sabi ko na lang at basta na lang siya itinulak palabas ng kwarto at sinara ang pinto.

Napabuga na lang ako ng hangin saka muling tumingin kay Ashteroh na nakaupo na ngayon sa couch. Malamig na nakatingin siya sa 'kin na para bang hinuhusgahan n'ya ang buong pagkatao ko. Hindi na lang ako nagsalita at muling bumalik sa paglilinis.

Ilang oras din yata ako inabot bago natapos. Pakiramdam ko ngayon na lang ulit ako napagod nang ganito. Bukod sa makalat talaga ang paligid, isa pa ito sa pinakamalaking kwarto sa hotel na 'to kaya nahirapan talaga ako na maglinis mag-isa.

"Buy a coffee for me. I want an americano from Brew-burg coffee shop," utos ni Ashteroh saka inabutan ako ng isang libo.

Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. Malayo ang brew-burg dito. Dalawang sakay pa yata kung mamamasahe ako.

"May isang coffee shop na malapit dito. Parang katulad din sa brew-burg ang kape nila," sabi ko naman.

"You heard what I've said, Nathalie... I said I want a coffee from brew-burg," sabi na lang ni Ashteroh saka tumayo at nagtungo na sa cr.

Napabuga na lang ako ng hangin at agad na sinuot ang pumps ko at lumabas na ng hotel room n'ya. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na sumakay ng jeep paglabas ko ng hotel.

Tiningnan ko ang messages ni Killian sa 'kin nang makasakay na ako sa jeep. Napailing na lang ako at hindi na ni-reply-an ang mga 'yon. Wala na 'kong lakas na magtipa ng reply. Mamaya ko na lang ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon ko.

Pagkababa ko sa jeep, sumakay naman ako ng tricycle papasok sa exact location ng brew-burg. Malayo talaga ang coffee shop na 'to sa hotel dagdag pa na medyo tago ang lugar na 'yon... Pinunasan ko na lang ang pawis ko sa noo.

Agad na 'kong bumaba ng tricycle nang nasa tapat na ako ng brew-burg. Maliit na coffee shop lang 'to kaya hindi ko alam kung paano nalaman ni Ashteroh ang tungkol dito.

Agad na 'kong pumasok sa loob para um-order ng americano. Buti na lang at kaunti lang ang tao kaya hindi ako natagalan. Sa biyahe lang talaga nakaka-drain dahil malayo ang coffee shop na 'to.

Umalis na rin ako agad pagka-order ko. Wala na rin naman akong dapat aksayahing oras.

Dali-dali akong pumasok sa hotel pagbaba ko ng jeep. Pasimple ko pang hinawakan ang kapeng binili ko kung mainit pa dahil sa layo ng pinuntahan ko.

"Nathalie!"

Akmang tatakbo na ako patungo sa elevator nang may tumawag sa akin mula sa lobby. Napalingon ako ro'n. Napakunot ang noo ko nang mapansing may babaeng nakaupo sa couch habang nakatingin sa akin. Ang nakaagaw sa atensyon ko ay ang buhok n'yang kulay rainbow.

"Nathalie! It's me, Thalia! Hindi mo na ba ako naaalala?" nakangiting tanong n'ya.

Napakurap na lang ako nang tuluyan ko na siyang maalala. Agad akong napasinghap saka lumapit sa kanya.

"OMG! Thalia, my friend!" nasabi ko na lang dahil sa tuwa.

"O to the M to the G! I missed you, crazy bitch!" Agad siyang tumayo at sinugod ako ng yakap.

Napangiti ako at niyakap siya pabalik. Namiss ko ang babaeng 'to na naging kaibigan ko rin noon. Hindi ko na kasi siya nakamusta simula ng umalis ako three years ago.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin at napasinghap nang mapatingin sa buhok ko. Tila dismayado siya na makitang itim na 'yon.

"OMG, crazy bitch. Bakit nagbago na ang hair mo? And OMG again, look at you. You look like..." Hinagod n'ya ako ng tingin. "you look like a professional bitch!" Napatili pa siya at tumalon kahit na ang taas ng heels n'ya.

Hindi pa rin siya nagbabago, siraulo pa rin siya.

"Yes, friend. I'm looking to the world of more beautiful than yourself of people!" Dahil sa excitement ko, bumalik tuloy sa dati ang english ko. Tangina.

"Kyahhh! I really missed your craziness! Mag-bonding tayong dalawa!" excited na sabi n'ya at muli pang napatalon.

Doon ko lang napagtanto na kailangan ko pa palang ibigay ang kape ni Ashteroh.

"Ay, pasensya na, Thalia. May kailangan pa kasi akong gawin, e. Magkuhanan na lang tayo ng number para text text na lang," sabi ko saka inilabas ang cellphone ko at inabot sa kanya.

Akmang kukunin na n'ya ang cellphone ko nang may pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan n'ya.

"Thalia..."

Napalingon kaming pareho ro'n. Natigilan ako nang makita si Ashteroh na papalapit na sa direksyon namin. Nakasuot na siya ng simpleng long sleeve shirt na nakatupi hanggang siko n'ya at pants. Lumapit siya sa amin.

"Hey, Mr. Alexeev... Sorry na-late ako. Oh, by the way, americano for you," sabi ni Thalia saka inabutan ng kape si Ashteroh.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at nilagay sa likuran ko ang binili kong kape para sa kanya... Malamang hindi na n'ya kailangan 'to.

"The hotel staff already prepared a room for you. I have to go somewhere, make sure to take a rest, hmm? Pupuntahan kita mamaya sa hotel room mo." Hinaplos ni Ashteroh ang buhok ni Thalia saka dinampian ng halik ang sentido nito... Tila ba hindi n'ya ako nakikita.

Hindi ako nakagalaw sa nakita ko. Naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ko at mabilis na tibok ng puso ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kanila.

"Okay. Layas ka na baka importante pa ang pupuntahan mo. Makikipag-bonding pa ako sa friend ko," sabi ni Thalia saka lumapit sa 'kin at kumapit sa braso ko.

Napakunot ang noo ni Ashteroh. "You know her?"

"Yes! She's my friend! Go na, unahin mo ang lakad mo at baka importante 'yon," pagtataboy pa ni Thalia sa kanya.

Bahagyang natawa si Ashteroh saka tumango. "Don't forget to take a rest, baby. I'll go now." Pagkasabi no'n, umalis na rin agad si Ashteroh.

Ni hindi n'ya man lang ako binalingan ng tingin o kaya tinanong tungkol sa kapeng pinabili n'ya... na para bang wala lang sa kanya 'yon.

"Thalia... a-ano'ng relasyon mo sa kanya?" kinakabahang tanong ko kay Thalia. Nanlalamig ang mga kamay ko ngayon. Nanghihina ang buong katawan ko dahil sa pagod at sa nakita ko... para akong nawalan ng lakas.

Pakiramdam ko na lang ay may mabigat na dumagan sa dibdib ko sa isinagot ni Thalia.

"Ah, si Mr. Alexeev ba? He's my business partner... pero manliligaw ko rin siya."

Continue Reading

You'll Also Like

20.9K 708 5
NEW EDITION Cavanaugh #2 Kryptonite, a twenty-three year old stubborn, rebellious, spoiled-brat, and strong-willed woman who's raised alone by the pe...
9.2M 204K 55
C O M P L E T E D W A R N I N G: MATURED CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK! CALLOUS GENTLEMAN SERIES #1: ~*~ One day, Eirysia found herself getting mar...
590K 21.9K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4.1M 68.5K 21
(COMPLETED) Cristina Miranda was just a simple career woman. She spent all her life working her ass off to buy a house, a car, and provide her family...