BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

481K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME

5.8K 339 115
By VictoriaGie

ASHARI'S POV

"That's a project made by the MPO, signed together with every mafian community."

"It's a project that I want to abolish. In the first place, hindi dapat 'yon binuo at nangyari."

Nakikipag titigan ako ng mataimtim sa isang pintuan dito sa playroom.

Isang linggo na akong nakikipagtitigan dito at pilit pinag-iisipan kung paano ako makakalabas sa pinto na'yan na hindi nahuhuli ng kahit sinong Marchese.

"Project ExG..." bulong ko sa sarili ko habang nakikipagbuno sa pinto.

Ang pinto na'yan ang magiging sagot sa lahat ng stress na pinagdadaanan ko ngayon!

Ang pinto papunta sa ipinagbabawal na west wing ng mansyon! Iyong kinaligawan ko dati! 'Yung pinto patungo sa landas kung saan nagsimula ang kapahamakan ng buhay ko! Ang pinto papunta sa lugar kung saan ko nalaman na mafia silang lahat at ang pinto kung saan ang daan papunta sa libro ng PROJECT ExG!

Hindi ko alam kung bakit atat na atat at hindi mapakali ang pwet ni Rebel na makuha si Gali. Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ang Project Exg doon.

Lalong dumiin ang tingin ko sa pinto.

"Paano ako makakalabas diyan?" bulong ko ulit.

Inis na napapadyak nalang ako sa sahig. "Aish! Dapat talaga binasa ko 'yung libro dati pa!" ginulo ko ang buhok ko sa prustasyon na nararamdaman ko.

Kung bakit ba kasi mahalaga pala 'yung libro na'yon.

Dapat makuha ko 'yon!

Dapat mabasa ko 'yung libro na'yon!

Alam ko at malakas ang kutob ko na iyon ang sagot sa lahat ng problema ko!

Sureball ako na hindi naman basta basta ipagbabawal sa akin na pumunta sa west wing ng walang dahilan.

Something fishy talaga. Lalo lumalakas ang kutob ko na may nangyayaring kababalaghan sa Project ExG na'yon.

"Mamha! Mamha! Tamot mo litod to!" (Kamot mo likod ko)

Wala sa sarili na kinamot ko naman ang likod ni Gali. Busy siya sa paglalaro ng train train at ako naman busy sa pagtitig sa pinto.

Hmmmm...

Ashari isip...

Mag-isip ka...

Gamitin mo ang utak mo hindi yang puro ka mukhang pera!

Paano mo mananakaw ang libro?

Paano mapapasakamay ng hindi nahuhuli ng kahit sino?

Hmmmm....

Hmmmmmmmmm....

"Sasabog lang utak ko kakaisip, leche!" Reklamo ko.

"Mamha tamot pa ato!" (Kamot pa ako)

Kinamot ko yung sa kabilang side ng likod ni Gali. Ang mahal ng sabon niya tapos kinakati siya? Nag safe guard nalang sana o kaya lifebuoy! Mas effective pa yon e. 99.9% germs patay.

Humarap ako kay Gali. Pati kabilang kamay ko ipinangkamot ko na sa likod niya.

"Tikili ato Mamha ahahaha!"

Kiliti 'yon hindi tikili, bulol! Ang sarap lamutakin ng pisngi. Nakakagigil ang cuteee!

Bulol nga lang talaga!

"Gali, bitawan mo muna train mo, humarap ka muna sa akin."

Bawal ang bulol dito kaya dapat matuto ni Gali kung paano magsalita ng tama at tuwid!

Naka-upong humarap sa akin si Gali. Nakita ko nanaman ang pisngi niyang matambok na mamula mula. Ang cute arrgh!

Inosenteng inosente siyang nakatitig sa mukha ko.

Ngumiti ako sa kaniya.

Tuwing nakikita ko siya, nawawala lahat ng stress na nararamdaman ko.

Paano kita ibibigay kay Rebel niyan kung ganyan ka makatitig?

"Mamha i yab you."

Kumaldabog ang puso ko ng sabihan ako ni Gali ng I love you. Walang araw na hindi niya ako sinabihan niyan. Walang araw na hindi niya ipinaramdam sa akin na mahal niya ako at ako ng mama niya kahit hindi naman talaga.

Dapat immune na ako pero yung puso ko ayaw pa din tumigil.

Nahihirapan ako gumawa ng desisyon kapag ganyan si Gali.

Pwede bang kasing bwisit ko nalang siya? Pwede bang maging malditong bata nalang siya? Pwede ba?

Pwede ba 'yon?

Para madali sa kalooban ko na ibenta siya kay Rebel.

Ngumiti ako ng tipid bago sumagot.

"I love you too, Gali."

"Mamha, totoo po? Yab mo ato?" paninigurado niya sa akin.

'After your contract ends, I will be waiting for you and Gali. You know the deal and you know the consequence. Once na tapos na ang kontrata mo, Easton won't see you as his people. He won't rescue you again like what he did now...'

Nag-echo sa utak ko ang sinabi ni Rebel sa akin. Isang linggo na ang nakakaraan pero paulit ulit na parang sirang plaka na pinapaalala sa konsensiya ko ang mga katagang iyon.

"Love ka ni Mamha" nakangiti kong sagot kay Gali. "Pero bulol ka pa din! Tinuro ko na sa'yo na 'yung 'ato' e 'ako'. Ulitin mo sasabihin ko para matuto ka ok?"

Hanggat hindi ko pa nalalaman ang laman ng libro, hindi ko muna i-s-stressin ng sobra ang sarili ko.

Nagsimula akong ibuka ng malaki ang bibig ko.

"A..." banggit ko. "Gayahin mo ako Gali..."

"A...." Pag-ulit ko.

"A..." paggaya ni Gali sa akin. Malapit ko ng kurutin pisngi niya sa sobrang cute!

"Ko..." banggit ko ulit.

"Ko..." paggaya ni Gali.

Phew, akala ko 'To' sasabihin niya e.

"Ok, very good ang baby! Ulitin natin para matandaan mo talaga." Inulit ko sa kaniya.

"A..."

"A..."

"Ko..."

"Ko..."

Kung nakakamatay lang ang ka-cutean ni Gali, kanina pa ako tegi!

"Ako." Diretsyo kong sabi.

"Ato." mabilis at proud na proud pa niyang sagot.

Ini-umpog ko ang noo ko sa pinakamalapit na pader.

"Galiiiiiii! 'Ako' 'yun hindi 'ato'!!!!"

Buti nalang cute siya kahit bobo siya huhu!

"Ato." sabay turo pa niya sa pisngi niya.

Susginoo, gusto ko nalang maiyak.

Kung batang amoy imbornal siya, di ko talaga siya tyatyagain!

"Sige na nga, wag kasi panay cocomelon pinapanood mo ng hindi ka bulol sa tagalog!"

Pansin ko lang kasi ha, kapag english nakakapag salita naman siya ng maayos kahit papaano e. Kapag tagalog lang talaga!

Kaka cocomelon niya yan e.

"Mamha, teach me other words." O diba, english kung english.

Umabot ako ng libro at binuhat si Gali sa hita ko.

"Manang mana ka sa tatay mong englishero." Bulong ko.

Easton...

Biglang nagflash sa utak ko ang mukha ni Easton.

Iyong mukha niya noong bumaba siya sa helicopter para sunduin ako sa kidnapper kong si Rebel panget.

Napalunok ako....

Pakiramdam ko masasamid ako ng sarili kong laway.

Isang linggo ko na siyang hindi nakikita at wala akong planong makita siya.

Ang huling kita ko pa sa kaniya ay yung papaalis siya pabalik sa Italy. Nakasilip ako sa bintana ng playroom, nagtatago habang pinagmamasdan siya paalis.

Pagkatapos ng gabi na kinuha nila ako kay Rebel, alam ko sa sarili ko na may mali na akong nararamdaman sa kaibuturan ng mukhang pera kong pagkatao.

Pakiramdam ko gumagwapo si Easton sa paningin ko!

Kaya ayaw ko siyang makita!

Hindi pwede!

Ayaw ko ang pakiramdam na gumagwapo siya sa paningin ko.

Kadiri lang! Ewww!

Tanders na si Easton kaya dapat senior citizen siya sa paningin ko. May anak na siya na mag t-three years old! Hindi talaga pwede na nag-i-improve ang itsura niya sa paningin ko!

"Mamha, bat ta po face mo red?"

(Bakit po red face mo?)

Tuluyan na akong nasamid sa sinabi ni Gali.

"Ito kamatis! Tomato 'to!" turo ko nalang sa talong na nasa librong dinampot ko.

"You look like this Mamha. You look like tomato." natatawang turo ni Gali sa libro at sa mukha ko.

Kinurot ko nga sa pisngi. "Away (aray) po Mamha." reklamo niya.

Mabilis kong inilipat ang page. Bakit ba kasi may libro ng bahay kubo dito?

"Ito talong--"

"Ms. Ashari?" at may isang capo ang umistorbo sa kalagitnaan ng 'oplan turuan si gali na huwag maging bulol' session.

Hindi ko siya pinansin.

Nagtuloy lang ako sa pagtuturo kay Gali ng bahay kubo.

Hindi pa din umaalis 'yung capo. Istorbonang presensiya niya.

Shooo! Alis na!!!

"Ms. Ashari, nag-aalala na po sina Madam Angel." ani nito.

Natigilan ako sa paglipat ng page ng libro.

One week...

Aalis na ako sa loob lang ng isang Linggo. Bakit ba nag-aalala pa sila sa akin?

"Ms. Ashari, dumating na nga din po pala si Sir Easton, pinapatawag ka din po niya sa office." dagdag pa ng capo pero hindi pa din ako umimik.

Ah, dumating na si Easton.

Ilang minuto pa, umalis din ang capo. Narinig ko ang pagsara ng pinto.

"Mamha?" naramdaman ko ang maliliit na kamay ni Gali na humawak sa pisngi ko. "Why art (are) you sad?"

Kanina namumula, ngayon naman sad?

Ano bang nangyayari sa akin???

Magkakaregla na ata ako kaya kung ano ano nararamdaman ko e.

Pilit akong ngumiti kay Gali. "Hindi sad si Mamha mo. Tingnan mo, nakangiti ako."

Tama. Rereglahin lang talaga ako!

Itinuro ko ang nakangiti kong labi. Umaliwalas na din ang mukha ni Gali at ngumiti din siya sa akin. Niyakap niya ako sa leeg at bumulong...

"Lagi ta ngiti Mamha."

Argh! Bakit naiiyak naman ako ngayon? Pakiramdam ko umiinit ang mata ko.

Tinuruan ko pa si Gali. Sinusulit ko ang isang linggo pa na dadaan. Pagkatapos nito, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Parang kaylan lang kasi, bago ako pumirma ng kontrata, akala ko pagkatapos ng isang buwan ok na, akala ko makakamit ko na ang tamis ng 500 million....

Pero sabi nga, maraming namamatay sa maling akala.

At isa ako sa magiging biktima ng kasabihan na'yon kapah hindi ko sinunod ang deal ni Rebel.

Tigok ako kapag nagkataon!

Huhu, di ko manlang ma-e-enjoy ang kayamanan ko. Nakaka-iyak!

"Ms. Ashari, nag-iintay po si Sir Easton."

"Ms. Ashari Jenesse Ferrell, nagmamaka-awa po ako. Ako po mananagot kapag hindi kayo pumunta sa office. Lagot po ako kay Sir Easton."

"Ms. Ashari!!!!"

Apat na beses.

Apat na beses akong binalikan ng Capo sa playroom. Ilang beses siyang nagmakaawa na pumunta na ako sa office ni Easton.

Hindi ba siya nananawa na tawagin ako? Kitang busy ako kay Gali e!

Wala naman akong maisip na dahilan para ipatawag ako ni Easton.

Pinanindigan ko na hindi ako pupunta.

Pwede ba, isang linggo nalang ako dito!

Hindi na kami magkikitang lahat pagkatapos ng kontrata ko. Malay ko ba kung buhay pa ako non o tegi na diba?

Ayaw ko na sila makitang lahat.

Atsaka isa pa...

Wala akong mukha na ihaharap sa kanila.

Mafia sila...hindi lang basta basta mafia. Samantalang ako, isang kulangot lamang na napadpad dito sa Marchese!

Matapos nila akong sagipin sa mga Silvia...kay Rebel. Doon ko narealize na napakawalang kwenta ko nga pala talagang tao.

Aminado ako na mukha akong pera pero hindi ko naman akalain na mukha talaga akong pera!

Ang dali kong magpa-uto sa pera.

Wala akong paninindigan sa buhay.

Bwisit!

Leche!

Napakawalang kwenta ko at narealize ko na hindi ako karapatdapat na tumuntong sa lugar na'to.

Nalaman ko na lahat sila dito, high ranking officials. Mga matatataas ang estado sa buhay samantalang ako, patatas lang na nakabaon sa lupa.

Wala akong karapatan!

Kung hindi dahil kay Gali at kung hindi dahil sa pagiging babysitter niya, hindi nila ako sasagipin kay Rebel. Baka nga mas mahalaga pa ang tae ni Petra at ng mga hayop sa zoo kaysa sa existence ko dito sa Marchese.

Kaya ano?

Anong mukha ang ihaharap ko sa kanila?

Mabuti pang umiwas nalang ako!

Tama si Rebel.

Hindi ako Marchese and I will never be one.

After this week, everything will be just like a dream.

Kakalimutan din nila ako.

Makakalimutan ko din sila.

Ang gulo na ng utak ko.

Hindi ko pa din napagdedesisyunan ang lahat. Hindi ko pa din alam kung ano ang gagawin ko sa deal na iniwan sa akin ni Rebel.

Si Gali o ang buhay kong wala namang kwenta??

Iniisip ko palang na-s-stress na ako!

Pwede bang magpalamon muna sa uranggutan na alaga ni Dyther? Tapos kapag tapos na ang lahat, iluwa nalang niya ako?

Pamget talaga kabonding ni Rebel. Deal daw pero siya lang naman ang may gusto. Kapag hindi ako pumayag, ako pa ipapapatay niya. Edi siya na talaga paladesisyon sa buhay ng may buhay!

Palibhasa alam niya kahinaan ko. Palibhasa alam niya na mukha akong pera at mahal ko buhay ko kaya yun ang ginamit niya para tirahin ako! Bwisit! Kampon talaga siya ni kadiliman!

"Mamha, where are we going?"

Dahil apat na beses na akong pinuntahan ng Capo sa playroom, sureball baka sa susunod si Easton na ang kaharap ko at ayaw ko 'yon mangyari.

Hindi ko siya pwedeng makita!

Kahit sino sa kanila!

"Chichibog tayo Gali."

Habang pinapakain ko si Gali, nakita ko ang Capo na sinundan kami hanggang dito sa dining.

"Gali bilisan mo kumain, papaliguan na kita." minadali ko ang pagkain ni Gali. Inagawan ko na siya ng pagkain para mabilis lang siya!

Sa paliguan, nasundan pa din kami nung Capo. Walanjo, hindi pa ba siya titigil????

Minadali ko na din ang pagligo kay Gali. Paglabas namin ng paliguan, kamuntik pa naming makasalubong si boy kulot Nate!

"Chef Na--" tinakpan ko ang bibig ni Gali na tatawagin si sana si Nate.

Buhat ko si Gali kaya mabilis kaming lumiko sa hallway.

Nakahinga ako ng maluwag.

Ahhh! Ayaw kong makasalubong ang kahit sino sa kanila please lang nagmamaka-awa ang buo kong pagkatao!

Kahit si Kumareng Helen ayaw ko siya makita. Kahit house wife siya, executive member siya ng MPO at hindi din siya basta basta.

Dapat ko silang iwasan lahat.

Sandali kaming nagtago ni Gali sa isang bakanteng kwarto. Siguro naman hindi na kami makikita dito ng makulit na capo noh?

"Mamha, taylan uwi Papa?"

Hinayaan ko lang laruin ni Gali ang duck toy na nakuha niya sa paliguan. Naka-upo ako sa sofa habang pinapatay ang oras.

"Miss mo na si Papa mo?"

Tumango si Gali sa akin. "Gali..." nasaan ang totoo mong Mama?

Gusto kong itanong yan kay Gali pero haler, 2 years old lang siya at anong matinong sagot ang makukuha ko aa 2 years old?

"Batit po Mamha?" tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Niyakap niya ang tuhod ko.

Binuhat ko siya at nilagay sa hita ko. "Mamayang gabi, makikita mo na si Papa mo." sabi ko nalang.

Ngumiti ng excited si Gali bago siya nagtanong ng tanong na halos ikabagsak ko sa upuan.

"Mamha, I want baby sister. Tabihin to kay Papa bigyan niya ato baby sister." Hinawakan ni Gali ang tiyan ko. "Baby sister, come out...come out." para bang inaasahan na niya na may baby sister siya na lalabas talaga sa tiyan ko.

Ha!

Nakakalamutak yata ako ng matambok na pisngi.

Kalma Ashari. Tandaan mo 2 years old lang si Gali! Hindi niya alam ang kaniyang ginagawa!


Mabilis kong kinuha si Gali at tumayo na sa upuan. Susginoo, lumabas na kami ng kwarto bago ko mapagdiskitahan ang pisngi niya.

Siguro naman tumigil na 'yung capo sa paghahanap sa amin noh. Siguro din naman tumigil na si Easton sa pagpapatawag sa akin.

Akay akay ko si Gali. Plano ko na siyang ibalik sa kwarto niya para patulugin ngayong hapon pero saktong pagliko na pagliko ko sa hallway....

"Ashari!" walanjo! "Gali!"

Tumigil ang mundo ko ng makita ko ang mga taong pinaka-iiwasan ko dito sa mansyon.

Nananadya ba sila?

Talagang nag ala-meeting de avance pa sila't nagsama sama para ipamukha sa akin na Marchese sila at ako ay tanging libag lamang na akay ang pinakamahalagang bata sa balat ng lupa.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Itatakbo ko ba si Gali? Ano? Kunwari wala akong nakita? Kunwari hindi ko narinig na tinawag ako ni kumareng helen?

Anoooooo na Ashari!!!!

Isang linggo ko silang iniwasan tapos sa isang iglap kakausapin ko sila? Ano na! Hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin.

"Papa!" wala sa sarili na binitawan ko si Gali.

Nakatitig lang ako sa likod niya habang patakbo siya ng may maliliit na hakbang palayo sa akin.

Ah, tama. Diyan siya nararapat, sa mga ka-uri niya.

Binuhat siya ni Easton. Nakangiti silang dalawa at tila ba nakalimutan na nila ang paligid.

Sabi na e.

May kakaiba talaga! Tuwing nakikita ko si Easton, gumagwapo siya sa paningin ko.

Anong klaseng ngiti yan aber? Bakit nakakapagpakabog ng puso?

Ashari tandaan mo! May anak na siya! Senior citizen na si Easton! Anong gwapo ka diyan? Hindi ka ba nandidiri sa iniisip mo?

O baka naman malabo na mata mo?

Ah! Kaylangan ko na magpasalamin.

Pilit kong inayos ang sarili ko. Kinurot ko ng bahagya ang palad ko para naman magising ako sa katotohanan.

Humakbang ako ng isa palapit sa kanila pero agad din akong tumigil...

'After your contract ends, I will be waiting for you and Gali. You know the deal and you know the consequence. Once na tapos na ang kontrata mo, Easton won't see you as his people. He won't rescue you again like what he did now...'

Nangatog ang tuhod ko ng bigla nanamang bumalik sa konsensiya ko ang sinabi ni Rebel.

Gusto ko nalang tumakbo paalis. Gusto ko nalang muna lumayo! Gusto ko nalang magkulong sa kwarto ko at huwag muna magpakita kahit kanino.

Tumingin ako sa limang tao na nasa harapan ko.

Tandaan mo Ashari,

Marchese sila...

Garapata ka lang ng aso....

Tinatagan ko ang paniniwala ko na garapata lang ako at isa-isa silang binati.

Wala naman akong plano na kuhanin si Gali kay Easton pero hindi ko alam kung paano ako makaka-alis sa sitwasyon na'to kaya ginamit ko na si Gali para maging alibi ng garapatang kagaya ko.

""Pupunta lang po kami sa rancho, magpapaalam po ako na isasama ko su Gali...." Pakiramdam ko matatae ako.

Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko kay Easton. Sir na ang itinawag ko kay Boy Kulot, kapag tinawag ko si Easton na Sir, baka isipin niya na pantay lang ang tingin ko sa kanila ni boy kulot.

Baka ipapatay na talaga ako ni Easton kapag nasagad siya sa galit.

Ano itatawag ko sa kaniya?

Boss?

Master?

Your highness?

King?

Bakit nahihirapan akong tawagin siya? Dati Isprikiton lang sapat na e!

Anoooo na Ashariiiiiii!

"Kuya Easton..."

Sabi ko sabay layas.

Kuya?

Ashari!

Anong Kuya??

Ah, kasi mas matanda siya sa'yo? Oo! Tama! Ayos lang 'yan Ashari, walang mali sa pagtawag mo sa kaniya. Isipin mo nalang na feeling close kayong dalawa!

Bakit parang hindi kasi natuwa si Easton na tinawag ko siyang Kuya?




____

Kinabukasan....

THIRD PERSON'S POV

Madilim ang tingin ni Easton habang binabaybay niya ang daan palabas sa mansyon. Kasunod niya si Shera na tahimik lang at walang planong umimik dahil iba ang aura ng kaniyang boss.


Pagbaba nila sa mala stairway to heaven na hagdan sa entrance, sumalubong sa kanila ang kabababa lang na si Dyther sa kaniyang puting kotse.

Nagtuloy tuloy si Easton sa paglalakad, tila hindi nakita ang pinsan. Sinundan siya ni Dyther.

"Hey, someone's on a bad mood. What happened?" tanong sa kaniya ni Dyther habang naglalakad sila.

Hindi sumagot si Easton.

"Where are we going Shera?" Tanong ni Dyther sa secretary.

"Sir Adolfo and Madame Giselle will be coming back by night, aabisuhan po sana namin ang lahat na maghanda."

Napa-awang ang bibig ni Dyther pero agad din niya itong itinikom.

"So the Big Boss is coming home." pagkumpirma ni Dyther.

"Yes, sir."

Alam ni Dyther na anytime sooner babalik ang Big Boss at ang asawa nito pero hindi niya naisip na ora mismo mamayang gabi ang dating nila.

Napa-isip siya, iyon kaya ang ikinakagalit ni Easton?

Nabigla ba ito sa agarang pagbalik ng mga magulang niya?

"There seems nothing to be angried about tito and tita's coming home. Bakit ganyan si Easton?"


Gustong itikom ni Shera ang bibig niya pero kanina pa siya naf-frustrate sa Sir niya. Kaylangan niya ng paglalabasan ng sama ng loob.

Kaya naman...

Pabulong niyang ibinahagi kay Dyther ang lahat. Mula sa hindi pagpansin sa kaniya ni Ashari hanggang sa pagtawag nito sa kaniya ng kuya kahapon.

"She called you Kuya?" Pang-aasar ni Dyther na may kahalong nakakalokong ngiti.

Binilisan ni Dyther ang lakad para mapantayan niya si Easton.

"Shut up!" asik ni Easton.

Haha! Kadarating lang ni Dyther galing ng Russia pero nakakatawang senaryo kaagad ang naabutan niya. Biglang naglaho ang jetlag e.

"Buti nga hindi manong ang itinawag niya sa'yo." lalo pa niyang binuska ang pinsan.

Huminto si Easton at tila papatay ang titig na tumingin siya kay Dyther.

"Huwag kang mag-alala, ikaw ang tatawagin niyang manong!" inis na sagot ni Easton kay Dyther bago ito nagtuloy sa paglalakad.

"Hahaha!" Hindi napigilan ni Dyther ang pagtawa. "She won't change calling me by my name." paninigurado ni Dyther.

"How are you so sure? Mas matanda ka ng buwan sa akin. You deserved to be called old greezer!" parang bata na ipinagdiinan ni Easton ang salitang 'old'.

"Well, I'll go see her to check that." ngumisi si Dyther.

"Go on...see for your eyes and hear for your ears how she calls you manong!" Badtrip talaga si Easton.

"Where is she anyways?" tanong niya kay Shera.

"She spends her time mostly in playroom with Gali, Sir. Panigurado ay nandoon siya ngayon."

Playroom? Bakit doon?


Nagpaalam si Dyther kay Easton at Shera na pupuntahan niya si Ashari.

"As if she'll talk to you." badtrip na badtrip na usal ni Easton. Wala nga ni isang kinakausap si Ashari maliban kay Gali.



Nagkibit balikat nalang si Dyther.

Who knows.

Pagdating ni Dyther sa playroom, naabutan niya si Gali na paikot-ikot sa bumper car na sakay nito. Naabutan din niya si Ashari na nakatayo at parang nakikipag paligsahan ng titigan sa pinto na papunta sa west wing.

Bahagyang tumaas ang kilay ni Dyther.

Anong ginagawa niya don?

Nakikipag eyeball sa pinto??

"Tito Dyther!!!" maligayang tawag sa kaniya ni Gali ng makita siya nito. Napalingon naman si Ashari.

Nag drive si Gali papunta sa Tito niya.

"Tito wetome bact!" (Welcome back)

Nakangiting umupo si Dyther para maging pantay sila ni Gali. "Kamusta ang baby namin?"

"Otey po ato. Laro po tami ni Mamha." Itinuro ni Gali si Ashari na palapit na sa kanila.

Nag-angat ng tingin si Dyther.

Nakatitig siya sa mukha ni Ashari na naglalakad papunta sa gawi nila.

Hindi maiwasang mapangiti ni Dyther. She's here. She's not harmed and she's too gorgeous in her messy bun. Thank God she came back.

No one knows how bothered Dyther was when he heard the news that Ashari was kidnapped by Rebel while he's in Russia.

Alam naman niya na hindi sasaktan ni Rebel si Ashari, however, he can't stop himself worrying about what will happen.

Pero ngayong nakita na niya si Ashari at nasa harapan niya ito, those worries are swept in an instant.

Hindi siya nagkamali na ipinagkatiwala ang lahat kay Easton.

Dyther is about to speak ng bigla siyang hilahin ni Ashari patayo.

"Hey Ashari--"

"Dyther kaylangan ko ng tulong mo!!!!"

Hinila siya ni Ashari palayo kay Gali.

"Gali, drive ka muna diyan. Mag-uusap lang kami ni Tito Dyther mo okey?"

"Otey mamha!"

Nang makalayo na sila kay Gali, agad na hinawakan ni Ashari ng mahigpit ang magkabilang braso ni Dyther.


"Tulungan mo akong huwag mahuli ng kahit sino." desperada si Ashari.


Pinagkunutan siya ng noo ni Dyther.

"May plano ka nanamang tumakas?" what is she planning? Hindi ba siya nadala sa nangyaring pagkidnap sa kaniya ni Rebel?

Umiling naman ng umiling si Ashari.

Lalong humigpit ang hawak nito sa braso ni Dyther.

"Hindi. Hindi ako tatakas."

"Then what--"

Itinuro niya ang pintuan papunta sa ipinagbabawal na west wing.

"Tulungan mo akong makapunta sa west wing ng walang nakakakita sa akin."


Ah, ngayon alam na ni Dyther kung bakit ito nakikipagtitigan sa pinto. Mukhang plano nga niya na pumasok doon.

"Bakit? Para saan?"

Nag iba ng direksyon ang tingin ni Ashari at para bang nag iisip ito ng magandang dahilan para payagan siya na tulungan.

"May naiwan ako doon e."

"Naiwan?"

"Oo, naiwan ko 'yung...ano...'yung...singsing na ipinagkatiwala sa akin ng greatest oldest grand pa sa grandmother ko!"

Ano daw? Gaano ba katanda ang singsing na'yon?


"It's Easton's rule na binawalan kang pumunta doon. Uutusan ko nalang ang isang maid na hanapin ang singsing. Ano ba itsura non?"

"Ay hindi pwede! May sumpa ang singsing na'yon, bawal hawakan ng kahit sino."

"Are you for real?"

"Atsaka singsing ko 'yon bat ko ipapahanap sa iba. Ako nakawala non kaya dapat ako ang maghanap kaya bilis na, tulungan mo na ako Dyther!"

Hindi naman na-inform si Dyther na malakas pala ang sense of responsibility ni Ashari.



He doubts na nawawala talaga ang singsing nito. Walang singsing na suot si Ashari ng tumapak siya sa Marchese.

He knows Ashari is planning something.


He is too curious to know kung ano iyon kaya naman...

"Ok, I'll help you."

Kaya naman pumayag siya na sakyan ang kalokohan ng babaeng kaharap niya.

Isa pa, mas mabuti na din na nababantayan niya si Ashari. Baka mamaya mapahamak nanaman e.


"Hulog ka talaga ng langit Dyther! Isa kang anghel na nauna mukha lagapak sa lupa."

Kung hindi sanay si Dyther sa ganitong salitaan ni Ashari, baka kanina pa niya ito ipinatapon sa zoo at ipinalapa kay Madona.


"So, what should I do to help you?"




Ngumisi si Ashari. "Baka naman pwedeng pa shutdown ng mga cctv hehehe."


Napa-iling nalang si Dyther. "That's cheap."

Magiging suspicious pa kung ipapapatay niya ang cctv. Mas better kung i-a-alter lang ang videos na lumalabas sa screen.



"Cheap cheap ka diyan. Napaka walang kwenta mo namang partner in crime. E ano gagawin aber?"



Partner in crime?

Hahaha! Parang gagawa talaga sila ng krimen ah.

"Ako na bahala doon, just do your thing." Nakangiting sagot ni Dyther kay Ashari.




At pagkatapos ng kanilang usapan, nagsimula na ang kanilang plano.



"Partners in crime hmm?" nakangiting pag-iling ni Dyther habang naglalakad siya sa hallway papunta sa cctv room.

Continue Reading

You'll Also Like

15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
481K 23.1K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
574K 16.1K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.