Caught and Conquered (SERIE F...

By elyjindria

4.5M 178K 120K

(COMPLETED) Nathalie Mariano is an unfortunate woman. Her family abandoned her when she was just a kid, she w... More

Caught and Conquered
DISCLAIMER
MOODBOARD
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
LAST CHAPTER
NEXT

Chapter Sixteen

105K 4K 3.6K
By elyjindria

“Boss, makikipag-meet ako sa friends ko.”

Nakalambitin lang ako sa likod ni boss habang nagsusuot siya ng relo. Halos magusot na ang blazer n'ya pero tila wala na naman siyang pakialam do'n.

“Sino?” tanong n'ya.

Umalis ako sa pagkakalambitin sa kanya saka hinarap siya. “Yung mga kaibigan kong magnanakaw. Magbo-bonding lang kami,” sabi ko saka napakamot sa batok ko.

Natawa si boss. “Paano ba ang bonding n'yo? Magnakaw?” tanong n'ya.

Naiinis na kinagat ko siya sa panga saka yumakap sa batok n'ya. Natawa na lang siya saka yumakap din sa baywang ko.

Bigla kasing nag-text sa akin si Gina at nagyayayang makipagkita. Magbonding daw kami. Baka nga pagnanakaw ang bonding na tinutukoy n'ya.

“Boss, pansin ko hindi ka nag-aalmusal bago pumasok,” sabi ko saka tumitig sa kanya.

“Kape lang naman ang iniinom ko sa umaga. Hindi ako sanay mag-almusal,” sabi na lang n'ya.

“Eh paano kung ako 'yung almusal? Kakainin mo ba ako? Ror,” sabi ko saka kumindat sa kanya.

Napangisi si boss saka humawak sa baywang ko. “Ang sarap namang almusal n'yan,” anas n'ya saka dinampian ng halik ang labi ko.

“Mas masarap ang almusal na iluluto ko para sa 'yo, boss. Ready ka na ba?” tanong ko saka nagtaas-baba ng kilay.

“Papasok na sana ako sa trabaho... pero hindi naman ako maka-hindi sa Ma'am ko. Basta ba hindi ko ikamamatay 'yang iluluto mo, kakainin ko 'yan,” natatawang sabi n'ya.

“Sus, nu'ng birthday mo nga kahit ang sama ng lasa ng niluto ko, inubos mo pa rin, e. Talaga bang patay na patay ka na sa 'kin no'n pa lang?” nakangising tanong ka.

“Tangina, ang yabang,” sabi n'ya saka pinitik ang noo ko.

“Hindi naman kita masisisi, boss. Makapigil hininga talaga ang ganda ko,” mayabang na sabi ko.

OMG, peoples. I so really really beauty pool likes the people in me is the insecurity of others womans.

“Hoy, nag-e-english ka na naman sa isip mo 'no?” natatawang tanong ni Ashteroh.

Napasinghap ako. “Wow, boss. Para kang side cake! Nababasa mo ang isip ko,” namamanghang sabi ko.

“Tanga, psychic 'yon,” pagtatama n'ya sa sinabi ko.

“Whatevers. Halika na, boss. Ipagluluto kita ng malupit na almusal. Kakaibang almusal 'yon. Kapag natikman mo, hahanap-hanapin mo na,” nakangising sabi ko.

Idinikit ni boss ang matangos n'yang ilong sa ilong ko. “Imbis na matakam, parang natatakot pa 'ko sa sinasabi mo. Sarapan mo ang luto ha,” natatawang sabi n'ya.

“K, fine,” sabi ko na lang at inalis ang pagkakayakap n'ya sa 'kin saka hinila siya palabas ng kwarto.

Nagtungo kami sa kusina. Agad kong pinaupo si boss saka ninakawan siya ng halik sa lips. Hindi lang pera ang ninanakaw ko, peoples. Magnanakaw rin ako ng puso at ng kiss sa poging power ranger na nagngangalang Ashteroh Alexeev na akala ko tatay ko ayun pala yummy na may malaking etits.

“Ano'ng naisipan mo at magluluto ka?” tanong ni boss habang pinapanood lang ako.

“Kapag mag-asawa na tayo at laging nagse-sex, dapat marunong na 'ko magluto. Kaya nagpa-practice na ako ngayon pa lang,” sabi ko na lang saka binuksan ang kalan.

Natawa si boss. “Habol mo rin ba na mapangasawa ako, Ma'am Nathalie?”

“Oo naman, boss mapagmahal sakalam. Unang kita ko pa lang sa pwet mo, I knowing that you is number one and not number two,” sabi ko na lang.

Mas lalong natawa si boss. Baliw na baliw talaga siya sa 'kin. Hindi lang ganda ko ang nakakabaliw, pati sense of tumor ko rin. Ako na talaga.

“Boss! Ready na!” excited na sabi ko saka inangat ang plato.

Inilagay ko sa tapat n'ya ang plato. Natigilan naman siya at napatingin sa niluto ko. Agad na napakunot ang noo n'ya.

“Ano 'to?” tanong n'ya saka itinuro ang pagkain.

“The ball from making the chickens in the world and the fish that are making the feel of sun in the mornings and evenings and crunchy in the making of oil... In short, itlog at tuyo,” tila proud na sabi ko.

“Wow, tangina. Ang lupit nga ng almusal na niluto mo. Halika nga rito, Ma'am ko. Yayakapin lang kita sa leeg,” sabi ni boss saka sinenyasan ako na lumapit sa kanya.

Napaismid ako. “Ayaw mo ba?! Kung ayaw mo, edi h'wag!” asik ko.

“Halika rito.” Hinawakan n'ya ang kamay ko saka pinaupo ako sa kandungan n'ya. “Subuan mo na lang ako para wala na 'kong reklamo.”

“Wow, ang landi,” saad ko na lang.

Natigilan ako nang mapansing dumating sina Inday. Agad naman silang napaatras at umalis nang makita kaming naghaharutan ni boss. Sanay na talaga sila sa amin. Naalala ko tuloy noong nahuli nila kami ni boss na naghahalikan dito sa kusina. First time daw nilang makita na gano'ng ka-wild si boss.

Sinubuan ko na lang si boss para kumain siya. Simpleng pritong tuyo at itlog lang naman 'to kaya maayos ang luto ko... sa tingin ko. Wala rin naman kasi siyang reklamo.

“Nathalie, gusto mo bang magbakasyon tayo?” biglang tanong n'ya.

Napasinghap ako. “Wow! Talaga, boss?! Gusto ko sa outer space tayo magbakasyon. Pangarap ko 'yon,” nakangiting sabi ko saka nag-thumbs up.

Binatukan n'ya ako. “Parang tanga naman. Seryoso kasi 'to.”

“Seryoso naman kasi ako,” nakangusong bulong ko.

“Saan mo gustong magbakasyon, Ma'am? Sa beach ba? Sa bundok? Sa kagubatan?” tanong n'ya.

“Kagubatan? Boss, are you trying to be funny?” tanong ko saka napairap.

OMG, peoples. It's me na talaga.

Halatang natigilan si boss. “Wow, ang galing na mag-english. Saang palabas mo naman narinig ang line na 'yan?” nakangising tanong n'ya.

“Sa part two ng story nina Hazel at Havon. Story ng married life nila,” tila kinikilig na sabi ko.

Napasinghap ako nang basta na lang ako tinulak ni boss paalis sa kandungan n'ya. Muntik pa akong matumba sa sahig. Tangina 'to si boss, ang lakas ng tama!

“Tangina ka, boss! Hindi ko na papahawak ulit sa 'yo ang boobs ko kahit masarap!” asik ko saka binatukan siya.

Siyempre gusto ko pa rin ipahawak ang boobs ko sa kanya, pero kailangan ko rin magpakipot 'no. That are the life of making the peoples like the way of candy. In short, gano'n talaga ang buhay.

“Bakit may part two pa ang kwento ni Havon at Hazel?! Grabe 'yung kawalan nila ng respeto sa pagkamatay ni Homer!” asik n'ya.

Grabe, hindi pa rin siya maka-move on kay Homer. Kaunti na lang iisipin kong mas mahal n'ya si Homer kaysa sa akin, e.

“Boss, kung nalulunod kaming dalawa ni Homer... sino ang una mong ililigtas?” tanong ko saka pinaningkitan siya ng mga mata.

“Si Homer,” mas mabilis pa sa kidlat na sagot n'ya.

“Ah gano'n? Si Homer na lang ang asawahin mo!” asik ko saka sinakal sakal siya.

Agad naman akong nahablot ni boss saka ni-headlock. Napapadyak na lang ako sa sahig nang kagatin n'ya nang malakas ang tainga ko.

“Aray! Violets agains womans na naman 'to! I hate you, boss! Bitiwan mo 'ko!” asik ko.

“Sabihin mo muna... Si Homer ang best boy at si Havon naman ay isang toxic piece of shit na hindi deserving para kay Hazel,” sabi n'ya. Nararamdaman kong nakangisi siya ngayon na parang ewan.

Hindi ko na talaga siya pipilitin ulit manood ng romance movie. Para siyang timang. I so hatings the movies of loving loving to making the boss watchings it.

“Boss, masakit na. Hindi mo na ba ako mahal?” tila nagpapaawang sabi ko saka tinapik tapik ang braso n'ya na nakayakap sa leeg ko.

Lumuwag ang pagkakakapit sa 'kin ni boss. Napangisi na lang ako. Buti na lang marupok si boss mapagmahal.

Agad akong kumawala sa kanya at ako naman ang nag-headlock sa kanya. Napaubo naman siya at pinalo ang braso ko.

Grabe, ang sweet naman namin.

“Bitiw na! Kailangan ko ng magtrabaho para makapagbakasyon tayo, Ma'am Nathalie mapagmahal sakalam,” sabi n'ya.

Napahagalpak ako ng tawa saka yumakap na lang sa leeg n'ya. Pinupog ko ng halik ang leeg at pisngi n'ya. Agad naman n'ya akong hinila at muling pinaupo sa kandungan n'ya at siya naman ang humalik sa akin.

Excited na 'ko sa bakasyon namin.

PAGDATING NG tanghali, nagpunta na 'ko sa coffee shop na pagkikitaan namin nina Gina.

“Gina Cool! Chinu Fah!” pagtawag ko sa kanila pagpasok ko.

Napalingon sa 'kin ang ilang customer pero wapakels na ako. Agad na 'kong lumapit kina Gina at Chinu saka umupo sa tabi nila.

“Hey, friends. Bakit kayong dalawa lang? Nasaan 'yung iba?” tanong ko saka umakbay kay Gina.

Natigilan ako nang mapansing seryoso ang mga mukha nila. Ngayon ko lang din napansin na mukha silang walang tulog.

“May problema ba?” nag-aalalang tanong ko.

Hindi sila nakasagot agad. Napabuntonghininga si Chinu at napahilamos sa mukha n'ya. Mukha talaga silang problemado. Hindi ko maiwasang mag-alala.

“Nakakulong sina Ken, Kuyu, at 'yung iba. Nahuli kami nung huling beses. Kami lang ang nakatakas ni Gina. Hindi kami hinahanap ng mga pulis kaya malamang hindi sila nagsabi tungkol sa amin,” sabi ni Gina saka napapikit nang mariin.

Agad na umakyat ang kaba sa dibdib ko. Kasama ko na silang lumaki at mahalagang parte na sila ng buhay ko kaya sobrang nag-aalala ako ngayon.

“Bakit sila nahuli? Magkakasama kayo, hindi kayo basta sumasabit sa gano'n,” saad ko saka hinawakan ang nanginginig na mga kamay ni Gina.

“Natataranta na kami no'n, Naths. Sabay-sabay ang problema. Pwersahang pinapaalis na ang mga tao sa looban dahil papatayuan ng building ang lugar. Nagmatigas ang mga kapit-bahay kaya ipinagiba na lang nila basta ang mga bahay ro'n kahit may mga nakatira, 'yung iba binugbog at tinangkang patayin. Nagbigay rin ng mga pagkaing may lason ang mga tauhan ng nagpagiba ng lugar natin kaya maraming nasa bingit ng kamatayan ng mga oras na 'yon. Ang daming naapektuhan sa nangyari. Marami sa kanila ang nasa ospital ngayon kaya hindi na namin alam ang gagawin. Naging padalos-dalos kami at hindi na nakapagplano nang ayos,” paliwanag naman ni Chinu.

Nanghihinang napahawak ako sa ibabaw ng mesa. Ang mga kapit-bahay namin doon, ang mga matatanda, ang mga bata, ang mga sanggol pa lang, ang mga buntis... lahat sila, sana maging maayos sila.

“N-Nasaang ospital sila? Puntahan natin sila,” nauutal na sabi ko.

Hindi na kami nag-aksaya ng oras at agad na nagtungo sa ospital kung nasaan sila. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko kadugo ang mga taong 'yon pero pamilya na sila sa 'kin. Mas pamilya pa ang tingin ko sa kanila kaysa sa mga magulang ko na inabandona ako. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanila.

“Ate Naths...”

Natigilan ako nang lumapit sa akin sina Nene. Nagkukumpulan sila dito sa ospital. Agad na nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha nang makita ko ang kalagayan ng mga kapit-bahay namin sa isang ward.

“Naths... n-nalaglag ang kapatid ko sa tiyan ni Nanay dahil sa lason. Kailangan n'ya maoperahan,” umiiyak na sabi ni Nene habang nakakapiy sa damit ko. Puro sugat din ang mga katawan nila.

Ang bigat sa dibdib ng nakikita ko ngayon. Ang iba sa kanila ay napapaiyak na lang at nakatulala. Napahilamos ako sa mukha ko habang pilit na pinipigil ang sarili ko na mapaluha.

Hindi ko na masisi sina Gina kung bakit sila sumabit... kahit ako mawawalan din sa konsentrasyon kung ako ang nasa posisyon nila.

“Ate Naths... wala na po tayong bahay,” sabi ni Toto saka yumakap sa baywang ko.

Nanginginig ang mga kamay na yumakap din ako sa mga bata. Pakiramdam ko may kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa dibdib ko. Naiintindihan ko na ngayon, ito ang iniinda nina Gina.

“Mga bata, h-hindi ako makakasiguro, pero gagawan ko ng paraan 'to. H'wag na kayong umiyak ha, magpagaling kayo,” usal ko habang pilit silang pinatatahan.

“Ate Naths, ang sakit po ng sugat ko...”

“Wala po kaming pambili ng gamot para mawala ang sakit.”

“Ate Naths, nagugutom na kami.”

Tuluyan na akong napaluha. Bakit naman kailangan nilang gawin 'to pati na rin sa mga walang muwang na bata? Dahil lang sa lupa? Sa pera? Nagawa nila 'to sa mga inosenteng tao.

“Nathalie, h'wag mong ipakita sa kanila na mahina ka,” bulong ni Gina saka hinila na ako palayo sa mga bata.

Naluha pa rin ako hanggang sa makalayo na kami sa kanila. Ang bigat ng dibdib ko. Parang hindi ko na matatagalan pa ang makita sila sa gano'ng sitwasyon.

“G-Gina... magplano tayo ngayon din. K-Kahit tatlo lang tayo, kaya natin t-um-rabaho. Gawan natin 'to ng paraan. May alam ako na pwede nating looban ngayong gabi... Kailangan na natin gawin 'to agad. K-Kailangan na nating matulungan sila agad,” sabi ko sa nanginginig na boses.

Nagkatinginan sina Gina at Chinu, tila may gustong sabihin sa 'kin.

“May plano na kami, Naths,” sabi ni Gina saka napaiwas ng tingin.

“Ano 'yon? Sabihin n'yo sa 'kin, sasama talaga ako,” agad na saad ko.

“Narinig namin sa palengke pati na rin sa karinderya na may kasama kang foreigner... si Ashteroh Alexeev 'yon, diba?” tanong ni Chinu.

Natigilan ako, hindi ako nakasagot agad sa tanong n'ya. “O-Oo, bakit mo natanong?”

“Kung gano'n... magaan na ang loob n'ya sa 'yo? May tiwala na siya sa 'yo? Diba?” tanong ni Gina. “Alam naman namin na ginagawa mo 'yon para matakasan siya nang walang hirap... ito na ang pagkakataon natin, Naths,” dugtong pa n'ya.

“A-Ano'ng ibig mong sabihin, Gina?” nauutal na tanong ko.

“Sa tagal mong nanatili sa mansyon n'ya, malamang alam mo na kung nasaan ang mga pera at alahas n'ya, diba, Nathalie?” tanong ni Chinu. “Wala na tayong panahon na maghanap ng ibang lugar, Naths. Si Ashteroh Alexeev na lang ang nag-iisa nating pag-asa. Mahihirapan na tayo magnakaw sa iba lalo ngayon na wala sina Kuyu, wala na rin tayong lakas at konsentrasyon, mahuhuli at mahuhuli lang tayo... Diba nakuha mo naman ang loob ni Ashteroh Alexeev? Hindi na tayo mahihirapan kung siya ang bibiktimahin natin dahil may tiwala na siya sa 'yo. Wala na rin tayong ibang choice dahil malala na ang lagay ng iba rito.” May inabot sa akin na maliit na bote si Chinu.

“Pampatulog 'yan, Nathalie. Ihahalo mo lang 'yan sa pagkain o inumin, mahigit isang araw makakatulog sina Ashteroh at mga tauhan n'ya. Isang araw lang ang kailangan natin. Bibigyan natin ng pera ang mga kapit-bahay tapos lalayo na tayo rito at tatakasan na natin si Ashteroh bago siya magising... Iyon ang plano namin, Nathalie,” sabi naman ni Gina.

Agad na nanginig ang mga kamay ko nang maging malinaw na sa akin ang gusto nilang gawin ko. Agad na bumigat ang paghinga ko kasabay ng pamumuo ng pawis sa noo ko.

“S-Sinasabi n'yo bang...” halos hindi ko maituloy ang sasabihin.

Seryosong tumingin sa 'kin si Chinu saka tumango.

“Oo, Nathalie. Si Ashteroh Alexeev ang nanakawan natin... at alam kong tutulungan mo kami.”

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 40.2K 28
(COMPLETED) Alexandra Sarmiento always wanted to end up with a woman, and even though she could feel attraction towards men, she couldn't imagine hav...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
7.3M 231K 45
(COMPLETED) Kiara Amaris North knew that her parents are not really in love with each other, she was just a product of a loveless marriage. On her 24...
18.1K 511 5
My yearly Christmas Special for you guys :)