Caught and Conquered (SERIE F...

By elyjindria

4.7M 181K 122K

(COMPLETED) Nathalie Mariano is an unfortunate woman. Her family abandoned her when she was just a kid, she w... More

Caught and Conquered
DISCLAIMER
MOODBOARD
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
LAST CHAPTER
NEXT

Chapter Thirteen

115K 4.8K 3.9K
By elyjindria

"Shet na malagket. Sana si Havon ang makatuluyan ni Hazel," sabi ko saka napayakap nang mahigpit sa unan.

Natigilan si Ashteroh sa sinabi ko at inalis ang pagkakaakbay sa akin. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kanya nang hampasin n'ya ako ng unan sa mukha.

Naiinis na kinuha ko ang unan sa kanya saka hinampas din ang mukha n'ya.

"Grabe ka, boss! Ganyan ka na porke binasted kita!" asik ko saka sinakal-sakal pa siya.

Napaubo naman siya at itinulak ang mukha ko palayo sa kanya. Gagong 'to, parang kanina lang ang sweet n'ya. Panay ang halik at yakap tapos bigla na lang nanghahampas. Siraulo amputa.

Nandito kaming dalawa sa may living room nanonood ng palabas. Dapat sa kwarto n'ya kaso sabi ko dito na lang sa sala para hindi ako makatulog. Romance 'tong pinapanood namin. Buti napilit ko siyang manood ng ganito. Ayaw n'ya pa kanina kasi corny raw ang romance genre pero ngayon naman dalang dala na siya sa scenes. Parang ewan.

"Bakit Team Havon ka? Ma-red flag 'yon, e. Sobrang toxic. Si Homer ang bagay kay Hazel," nakakunot-noong saad n'ya.

Nako, magkaiba pala kami ng team dalawa. Bakit kasi love triangle pa 'tong pinapanood namin?

"May dahilan naman si Havon kaya siya gano'n 'no! Saka mas may chemistry sila ni Hazel. Mabait nga si Homer kaso mabagal naman kumilos. Wala silang kilig factor ni Hazel," paliwanag ko naman.

Naiinis na inakbayan ako ni boss saka ni-headlock ako. Napaubo naman ako saka naiinis na hinampas ang braso n'ya na nasa leeg ko.

"Type mo ba 'yung ma-red flag at toxic na lalaki? Kung gano'n pala ang type mo dapat mga kaibigan ko na lang ang maging ka-MU mo. Ako ang pinaka-boyfriend material sa feroci akala mo ba? Halos lahat ng mga 'yon maraming red flags!" asik n'ya saka ginulo nang todo ang buhok ko.

Bakit naman nauwi sa ganito ang usapan namin?

"Sa palabas lang kasi! Saka bakit ba galit na galit ka? Porke hindi ako Team Homer nagkakaganyan ka na!" singhal ko saka inalis ng braso n'ya sa akin at kinagat ang kamay n'ya.

Napaismid na lang siya at muling nag-focus sa panonood. Naiinis na napakagat siya sa kuko n'ya.

"Kapag hindi si Homer ang nakatuluyan ni Hazel, hahagilapin ko ang writer n'yan at papatayin ko talaga hanggang--"

Tinakpan ko ang bibig ni boss saka kinagat ang pisngi n'ya. Hinampas n'ya naman ang kamay ko saka hinampas ulit ako ng unan sa mukha.

"Bakit ba kanina ka pa nangangagat?! Bampira ka ba?!" asik n'ya.

"Ang sarap mo kagatin, boss. Payakap nga," sabi ko na lang saka niyakap siya sa leeg.

Napaismid na lang siya at yumakap din sa baywang ko. Marupok si boss.

"Boss, Team Havon ka na lang din, please. Kiss kita kapag team Havon ka na rin," sabi ko saka nagtaas-baba ng kilay.

Napatingin sa 'kin si boss saka napangisi. "Sige na nga, Team Havon na rin ako. Pa-kiss na," sabi n'ya saka hinila ako at pinaupo sa kandungan n'ya.

"Marupok ka, boss. Joke lang 'yon, e!" natatawang sabi ko at itinulak ang mukha n'ya nang akmang hahalikan na n'ya 'ko.

"Deserve ni Homer si Hazel. Team Homer until the end," biglang pagbabago ng isip ni boss.

Napasinghap ako at hinampas ang dibdib n'ya. "Ang pangit mo ka-bonding, boss!"

"Ikaw ang pangit ka-bonding. Bakit type mo ang mga toxic na lalaki gaya ni Havon? Pangit ng trip mo," nang-aasar na sabi n'ya saka kinurot nang malakas ang pisngi ko.

"Aray!" Inalis ko ang kamay n'ya sa pisngi ko.

Umalis ako sa kandungan n'ya saka kumuha ng unan at hinampas siya. Inagaw naman n'ya sa akin 'yon at hinampas ang mukha ko nang mas malakas. Ang ending, naghampasan kami ng unan habang nanonood. Halos wala na kaming naintindihan dahil kung ano-anong pinaggagawa namin.

"Boss, pasan mo 'ko," sabi ko saka sumampa sa likod n'ya.

"Bawal, ayoko. Tanginang palabas 'yon," naiinis na bulong n'ya pero pinapasan pa rin naman ako sa likod n'ya.

Napahagikhik na lang ako at marahang kinagat ang leeg n'ya. Si Havon kasi ang nakatuluyan ni Hazel tapos si Homer namatay kaya inis na inis siya ngayon. Nalulungkot din naman ako na namatay si Homer kasi mabait siya pero gano'n talaga, e.

"Boss, bakit dito mo 'ko dinala sa kwarto mo?" tanong ko saka hinampas ang balikat n'ya.

"Tabihan mo 'kong matulog dahil naiinis ako," sabi n'ya saka basta na lang ako binagsak sa kama n'ya.

"Lah! Kasalanan ko bang si Havon ang nakatuluyan ni Hazel?!" asik ko saka binato siya ng unan.

Humiga na lang si boss sa tabi ko at hinila ako pahiga sa tabi n'ya. Napaismid ako nang yumakap siya sa baywang ko at sinubsob ang mukha n'ya sa leeg ko.

"Ang arte mo naman. Sabi mo pa nga pwede tayong mag-sex, e. Pero siyempre kuntento na 'ko rito. Idol ko kasi ang mga gentleman tulad ni Homer," sabi na lang n'ya.

Grabe siya, dalang dala talaga siya sa characterness ni Homer. Naging idol na n'ya.

"Havon best boy," bulong ko sa kanya saka napahagikhik.

Inalis n'ya ang mukha sa leeg ko saka tiningnan ako nang masama. Napasinghap ako nang bigla n'yang kinagat ang tungki ng ilong ko.

"Aray ha!"

"Anong best boy ang sinasabi mo?! Kay Homer bagay 'yon! Ang pangit talaga ng taste mo!" asik n'ya.

Mukhang hindi na yata matatapos ang away namin kay Havon at Homer.

"Galit na galit gusto manakit?!" singhal ko saka hinampas siya.

"Magyakapan na nga lang tayo para mawala inis ko," sabi naman n'ya saka muli akong niyakap.

Hinayaan ko na lang siya para hindi na siya mainis. Parang ewan 'to si boss. First time n'ya yata manood ng romance movie at ganito siya ka-sensitive.

"Aray," reklamo ko nang marahang kinagat ni boss ang balikat ko.

"Ang sarap mo kagatin," nakangising sabi n'ya.

Aba, gumaganti si boss mapagmahal sakalam.

Kinagat ko naman ang panga n'ya bilang ganti. Yumakap na lang siya nang mahigpit sa 'kin saka pinupog ng halik ang buong mukha ko... 'yung noo ko, ilong, magkabilang pisngi, baba, saka labi.

"Hmm... ang bango," anas n'ya saka sinubsob ang mukha sa leeg ko.

"Siyempre naman, boss. Laking safeguard yata 'to," pagyayabang ko. "Nga pala, boss. Pwede ko na bang pisilin ang pwet mo?" tanong ko.

Natawa siya saka marahang kinurot ang braso ko. "Pwede naman, basta papisil din ng iyo."

"Sus, 'yon lang pala ang kapalit, boss. Dapat dati mo pa sinabi... Sige na, boss. Pisilin mo na ang pwet ko." Kinuha ko ang kamay n'ya at nilapit 'yon sa pwet ko pero agad n'ya naman 'yong nilayo.

Tumingin siya sa 'kin saka pinitik ang noo ko. "Joke lang kasi 'yon, tanga."

Grabe, ang sweet naman ni boss.

"Tanga ka rin," bulong ko.

"Mas tanga ka." Hindi siya nagpatalo.

Napangisi na lang ako.

"Mas mahal kita," saad ko naman.

Gusto kong matawa nang matahimik si boss. Impit na napatili na lang ako nang dumagan siya sa akin saka muling pinupog ng halik ang mukha ko. Panay naman ang tawa ko sa ginagawa n'ya.

Natigilan lang kami sa paglalandian nang biglang may kumatok.

"Lods Ashteroh! Cadence 'to!"

Mariing napamura si boss saka tumingin nang masama sa pinto.

"I'll kill that asshole..." tila naiinis na bulong n'ya.

Dinampian ni boss ng halik ang noo ko bago siya bumangon at pinagbuksan ng pinto si Cadence.

"What the fuck do you need?!" agad na bungad ni boss kay Cad.

"Kalma lang naman, pare. Naabala ba kita sa pagma-masturbate mo? Init ng ulo..." Natigilan si Cad nang mapatingin sa direksyon ko. "Aw, may bebe time pala. Sana all."

"Lumayas ka rito kung ayaw mong tadyakan kita palabas," tila nagtitimping sabi ni boss.

"Saglit lang naman! Hindi naman ikaw ang pakay ko kundi si Nathalie," sabi ni Cad saka napatingin sa 'kin. "Usap tayo sa labas, lods," sabi n'ya.

Napakamot na lang ako sa batok ko at tumayo saka lumapit kay Cad. Nagtungo kami sa sala. Si boss naman nakasunod sa amin.

"Nathalie, pinapatawag ka ni Zak. Dalawa ang operation ng feroci ngayong gabi kaya medyo short sa tauhan. Magnanakaw ka lang naman, hindi mo kailangan makipaglaban," agad na sabi ni Cad.

Napatango na lang ako. "K, fine."

"Wow, mas cold pa sa convo namin ni crush ang respond mo, mare," ma-dramang sabi ni Cad.

"I'll go instead of her. Nathalie isn't my subordinate anymore. She won't be working under feroci starting today. I'll explain that to Zakarius later once I get there," seryosong sabi ni Ashteroh.

"Woah, talaga Ashteroh? Minsan ka lang sumipot sa headquarters dahil tamad ka saka hindi naman importante ang role mo... Magsisipag ka na dahil sa power of love? Naks, sana all," nakangising sabi ni Cad.

"Tangina mo," sabi na lang ni boss saka nagtungo sa kwarto n'ya para siguro magpalit ng damit.

Napatingin ako kay Cad. "Hindi ba importante ang role ni boss sa feroci?" nagtatalang tanong ko.

"Ah, hindi naman sa gano'n. Pero hindi siya talagang dedicated sa organisasyon hindi tulad ng ibang miyembro kaya tatamad-tamad siya sa mga operation. Isa rin siya sa tagong founding member ng feroci, kumbaga hindi exposed kagaya nina Zak at Arken na mas delikado ang buhay," paliwanag n'ya.

"Bakit? Akala ko ba walang dapat makaalam ng organisasyon n'yo? Bakit may exposed kineme?" nagtatakang tanong ko.

"Ganito kasi... Kahit naman sikreto lang ang organization namin, siyempre may nakakalusot pa rin. Sa totoo nga lang kalat na ang org namin sa underground world. Siyempre si Zak ang leader namin kaya siya ang palaging exposed at representative namin. Si Arken naman, mayor 'yon ng Caloocan City. Puro mga pulitiko ang tinitira no'n kaya talagang almusal na no'n ang death threats. Kaya imposibleng magka-girlfriend 'yon, e. Matigas na ang puso no'n. Halos lahat ng miyembro namin, may goal... may gustong makuha kaya nasa feroci. Yung tipong handa silang maging demonyo para lang makuha ang gusto nila," paliwanag n'ya.

"Eh si Ashteroh?" tanong ko.

"Si Ashteroh walang pakialam sa goal o kung ano mang layunin ng members. Hmm... hindi rin maganda ang past n'ya kagaya ng iba pero wala siyang importanteng goal. Meron din yata siyang utang na loob kay Zachariah na una naming naging leader kaya hindi siya umaalis sa org. Hindi n'ya kailangang um-attend sa gathering namin at sumali sa operation kung hindi n'ya gusto kasi wala naman siyang matibay na goal. Hindi siya exposed na miyembro ng feroci kaya pa-petiks petiks lang siya. Sana all talaga," napapailing na sabi ni Cad.

Napatakip si Cad sa bibig n'ya. "Puta, ang daldal ko talaga. Tanginang bibig 'to," bulong n'ya.

Ang dami kong nalaman tungkol sa feroci dahil sa kanya. Buti na lang madaldal siya.

"Gano'n ka rin ba? May hindi magandang past?" curious na tanong ko.

Hindi kasi halata kay Cadence 'di tulad ng ibang members sa org nila na unang tingin pa lang parang papatay na.

Napangisi si Cadence. "Siyempre naman, mare. Isa akong typical na gwapong bida kagaya sa dark romance novels na may dark past tapos toxic manipulative shit na maraming red flags tapos babaguhin ng true love. Lol."

"Wow, may true love ka na ba?" tanong ko pa.

"Wala pa nga, e. Pero kapag meron na sasabihan kita," sabi n'ya saka ngumisi.

"Bakit sasabihan mo pa ako?"

"Siyempre, gagawin kitang kabit ko kasi nakakatawa ka. Akong bahala kay Ashteroh. Batukan ko pa--" Hindi n'ya naituloy ang sasabihin nang batuhin siya nang baril ni boss na mukhang kakalabas lang ng kwarto. Nasalo naman ni Cad 'yon.

"Puro ka katangahan! Halika na, para matapos na 'to," naiinis na sabi ni boss kay Cad at agad na tumalikod saka umalis.

"Bye na mareng Nathalie!" sabi na lang ni Cad saka sumunod kay Ashteroh.

Hinabol ko na lang sila ng tingin saka napaismid... Akala ko pa naman makakatabi ko matulog si boss ngayong gabi. Badtrip.

* * *

"Pst, gising, Ma'am Nathalie. Ang pangit mo."

Nagising ako sa boses ni boss Ashteroh. Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sa 'kin ang gwapong mukha ni boss.

"Nag-inarte ka pa kagabi na ayaw mong matulog sa tabi ko... dito ka rin pala matutulog sa kwarto ko," tila nang-aasar na sabi n'ya saka kinurot ang ilong ko.

"Pakyu ka, boss," anas ko na lang saka mas niyakap nang mahigpit ang unan n'ya.

"Wow, Ma'am... Good morning din," nakangising sabi n'ya.

Mukhang kakauwi n'ya lang.

"Bangon ka na. Ipagluluto kita nang high-class at malupit na almusal dahil day-off nina Andeng. Bangon ka na ha. Lalambingan pa tayo bago ako pumasok sa trabaho." Inilapit n'ya ang labi sa tainga ko. "Love you, Ma'am."

Pagkasabi n'ya no'n, agad na rin siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para magpigil ng ngiti. Napakalandi ni boss sa umaga. Hindi ko ma-take.

Nag-shower na ako at nagpalit ng damit saka lumabas ng kwarto. Naabutan ko na si boss na tila chef sa kusina habang nagluluto.

Napangisi na lang ako at umupo habang hinihintay siyang matapos.

"Matagal pa ba 'yan, boss?" tanong ko.

"Matatapos na mahal kong Ma'am," sagot naman n'ya.

Excited na 'ko sa niluto n'ya. Hindi ko alam na magaling pala magluto si boss ng mga sosyal na pagkain.

Napapalakpak ako patayin na ni boss ang kalan saka inilagay ang plato sa tapat ko... pero nawala ang ngiti ko nang makitang hotdog lang naman 'yon.

"Boss, akala ko ba sosyal na almusal ang iluluto mo? Hotdog lang 'to, e!" reklamo ko.

"Don't be like that, Ma'am... It's hotdog à la carte," nakangising sabi n'ya.

"Hala, comedy ka, boss? Ako lang dapat ang comedian sa story na 'to!" asik ko.

Natawa na lang siya saka umupo sa tabi ko. Napaismid na lang ako nang dinampian n'ya ng halik ang pisngi ko.

"Boss, pwede ba akong sumama ulit sa trabaho--"

Agad na pinutol ni boss ang sasabihin ko.

"Wala akong matatrabaho kapag nando'n ka. Baka maghirap naman ako n'yan."

Napataas ang kilay ko. "Weh? Para ngang di nauubos ang pera mo, e."

Natawa siya saka kinurot ang pisngi ko. "Maaga naman akong uuwi. Tapos itutuloy natin ang naudlot nating landian kagabi," sabi n'ya saka ngumisi.

"Magse-sex na ba tayo?" tanong ko.

Napaubo siya sa tanong ko. "Are you that excited to have sex with me?" natatawang tanong n'ya.

"Hindi naman, boss. Gusto ko lang ready ako para magka-partner na panty at bra ang isusuot ko," sabi ko saka kumagat sa hotdog.

"Saka na tayo mag-sex kapag hindi na tayo mag-MU lang," saad n'ya saka kinagat ang balikat ko.

"Eh kailan?" tanong ko. "Gusto ko ng mapisil ang pwet mo."

Napahagalpak siya ng tawa. "Iyon lang pala ang habol mo sa 'kin, Ma'am? Sakit naman," nag-iinarteng sabi n'ya saka napahawak pa sa dibdib n'ya.

"At least honesty ako sa 'yo. Ikaw? Ano'ng habol mo sa 'kin? Buong katawan ko?" nakataas-kilay na tanong ko.

Napangisi siya. "Ang habol ko lang naman sa 'yo ay mapangasawa ka tapos tumandang kasama ka."

"Tangina, boss. Super corny mo! Pa-kiss nga!" asik ko.

Natawa na lang siya saka siniil ng halik ang labi ko. Yumakap naman ako sa batok n'ya at tinugon ang halik n'ya.

"Boss, baka ma-late ka na sa trabaho," anas ko sa pagitan ng halikan namin.

"Bahala na 'yon. Ngayon na tayo maglandian, Ma'am Nathalie," nakangising sabi n'ya saka niyakap ako.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 37.3K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
3.6M 103K 38
(COMPLETED) Maria Elaine Garcia has been working as a maid at Hacienda Castellon for a long time. She's innocent, kind, and selfless that she didn't...
7.6M 235K 45
(COMPLETED) Kiara Amaris North knew that her parents are not really in love with each other, she was just a product of a loveless marriage. On her 24...
2.6M 37.7K 18
(COMPLETED) Love is not just all about feelings, sparks, and butterflies. Love needs understanding, limitation, respect, trust, and deep connection...