Caught and Conquered (SERIE F...

By elyjindria

4.7M 181K 122K

(COMPLETED) Nathalie Mariano is an unfortunate woman. Her family abandoned her when she was just a kid, she w... More

Caught and Conquered
DISCLAIMER
MOODBOARD
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
LAST CHAPTER
NEXT

Chapter Twelve

117K 4.8K 2.3K
By elyjindria

“Tangina,” mariing mura ko.

Naiinis na hinawi ko ang buhok ko at napabuga ng hangin para pakalmahin ang sarili ko sa nakita.

Muli akong napatingin sa stage. Agad na itinulak ni Ashteroh palayo ang babae. Muntik pa itong mawalan ng balanse pero agad namang nasalo ng isa n'yang ka-banda ang babae. Natahimik ang mga tao sa ginawa nito.

K, fine. Muntik ko na silang batuhin ng sapatos sa stage pero buti na lang tinulak siya ni Ashteroh.

Napaismid na lang ako at tumalikod saka naglakad paalis ng bar. Kahit na 'yung babae ang humalik kay Ashteroh at kahit na itinulak naman siya agad nito, hindi ko pa rin maiwasang mainis.

Mukhang babaero pala si boss bago ako dumating sa buhay n'ya... pero hindi ako sigurado. Baka babaero pa rin siya hanggang ngayon. Ayoko sa babaero. Ayokong sumakit pa ang ulo ko dahil sa gano'ng bagay.

“Nathalie! H'wag kang umalis! Diyan ka lang!”

Napatingin ako sa stage nang marinig ko ang boses ni Ashteroh. May hawak na siyang mic ngayon at doon nagsasalita. Palinga-linga rin siya sa paligid at tila hinahanap ako.

Napaismid na lang ako at tumalikod at akmang lalabas na nang muli siyang magsalita.

“Guards! Don't let a woman with a pink hair out of this bar!”

Natigilan ako at napahawak sa buhok ko. Napatingin ako sa dalawang guard na nakatingin din sa akin. Agad naman nilang hinarangan ang dadaanan ko.

“Mga 'tol, ano ba?! Hindi lang naman ako ang may pink na buhok dito, e!” asik ko saka tumingin sa paligid.

Napakurap na lang ako nang mapansing walang akong nakikitang iba na may pink na buhok maliban sa 'kin. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napapikit nang mariin.

Muli akong napatingin kay Ashteroh na nasa stage pa rin at mukhang hinahanap ako.

“She's the pink-haired woman!”

“Girlfriend yata ni Alex.”

Napamura na lang ako nang mapadako sa akin ang tingin ng mga tao. Ngayon lang ako nainis na nagpakulay ako ng buhok.

Napatingin si Ashteroh sa direksyon ko. Napasinghap ang lahat ng tao na malapit sa stage nang basta na lang tumalon si Ashteroh mula ro'n at tila nagkukumahog na tumakbo papalapit sa akin.

Muli kong sinubukan na makatakas sa mga guard na 'to pero desidido silang harangan ako.

“Ano ba?! Bakit ayaw n'yo magpalabas ng customer?!” naiinis na tanong ko at napapadyak pa sa sahig.

“Nathalie...”

Napaismid na lang ako nang marinig ko ang boses ni Ashteroh. Napabuga ako ng hangin at naiinis na hinarap siya.

Napataas ang kilay ko. “Bakit ka nandito? Makipaghalikan ka na lang do'n sa stage, boss.” Pinagdiinan ko ang huling salita.

Alam ko naman na walang kasalanan si Ashteroh sa nangyari pero hindi ko talaga maiwasang mainis. Mukhang ngayon pa lang na nanliligaw siya, sumasakit na ang ulo ko. Paano pa kaya kapag sinagot ko na siya?

“Nathalie... I didn't kiss her back, please believe me. She just suddenly kissed me and caught me off guard. I know I shouldn't make excuses about what happened but I didn't kiss her back nor liked her kiss... You're the only one I like, you're the only one I want to kiss... Just tell me what you want me to do. I'll do everything for you to forgive me. Sorry na, please,” mahabang sinabi n'ya saka hinawakan pa ang kamay ko.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko dahil lahat ng tao sa bar ay nakatingin sa 'min ngayon. Hindi ko matukoy kung kinikilig o nakokornihan ba sila sa nangyayari. Basta nakatingin lang sila sa 'min na para bang nanonood sila ng drama kung saan nahuli ni girl na nagloloko si boy tapos hinabol ni boy si girl para magpaliwanag kaso matigas ang puso ni girl.

Napabuga ako ng hangin at itinuro ang mic na hawak ni Ashteroh.

“Ashteroh... May hawak ka pang mic. Narinig ng lahat dito ang mga sinabi mo,” sabi ko na lang.

Natigilan si Ashteroh at napatingin sa hawak n'yang mic. Agad na namula ang tainga n'ya nang mapagtanto ang nangyari. Mukhang nawala na rin sa isip n'ya na may hawak siyang mic habang nagsasalita. Nagmukha tuloy siyang deads na deads sa akin.

Napatikhim siya at binitiwan ang mic. “Fuck, I didn't even notice,” bulong n'ya.

Napairap na lang ako kahit gusto kong tawanan ang hitsura n'ya ngayon.

“Umalis na tayo. Ang sakit na ng paa ko,” sabi ko na lang saka napaismid.

Natigilan ako nang bigla akong binuhat ni Ashteroh. Hindi na lang ako nagsalita at kumapit sa batok n'ya dahil masakit na rin talaga sa paa ang sapatos na suot ko.

Tahimik pa rin ako hanggang sa makarating kami sa mansyon n'ya. Binuhat n'ya ako hanggang sa kwarto ko tapos pinaalis ko na rin siya agad. Napabuntonghininga na lang siya at tahimik na lumabas.

Nag-shower na ako at nagpalit ng komportableng damit saka umupo sa kama. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang mapatingin sa namumula kong mga paa. Bigla tuloy akong naawa sa mga araw-araw nagsusuot ng ganito.

Natigilan ako nang bumukas ang pinto. Iniluwa no'n si boss na mukhang kakatapos lang din mag-shower. Napairap na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.

“Nathalie...” Lumapit siya sa 'kin.

Ayoko muna talaga siyang makita. Kapag naaalala ko ang nakita kong paghalik sa kanya ng babae sa stage kanina, bumibigat ang dibdib ko.

“H'wag ka munang magpakita sa 'kin. Kahit anong gawin mo hindi kita kakausapin ngayong gabi. Ayoko muna--”

Natigilan ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Hinawakan n'ya ang mga paa ko saka tiningnan 'yon.

“Hindi mo ako kailangang patawarin agad. Nagpunta lang ako rito para tingnan ang mga paa mo,” sabi n'ya na lang.

Natigilan ako nang muli siyang tumayo. Umupo siya sa kama at hinawakan ang balikat ko saka marahan akong pinahiga. Napakurap na lang ako nang ipatong n'ya ang mga binti ko sa hita n'ya. Hindi ako nakapalag nang simulan n'yang hilutin ang mga paa ko.

Natahimik ako at hinayaan siyang gawin 'yon dahil magaan sa pakiramdam. Tila nababawasan no'n ang sakit ng mga paa at binti ko.

Tahimik lang din siya habang hinihilot ako. Magaan ang kamay n'ya na para bang natatakot siya na masaktan ako. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kanya.

“Boss... babaero ka ba?” tanong ko, hindi pa rin makatingin sa kanya.

Halatang natigilan siya sa tanong ko, pero bumalik din siya sa paghihilot sa akin.

Bahagya siyang natawa. “Hindi ako gano'n, Ma'am. Well, you won't believe it easily if I say it like that anyway... pero hindi ako babaero. Hindi ako gano'n,” sabi naman n'ya.

“Eh sino sa buhay mo 'yung babaeng humalik sa 'yo kanina?” tanong ko saka pasimpleng tumingin sa kanya.

“We were flings, but that was before. Ang tagal na no'n. Halos ilang buwan na nga kaming hindi nag-uusap kaya nagulat na lang ako nang gawin n'ya 'yon kanina... I'm really sorry about that,” paliwanag n'ya.

Saglit akong natahimik.

“Boss... ayoko sa babaero. Mas okay pa sa 'kin ang simpleng lalaki lang basta hindi ako lolokohin,” sabi ko na lang.

Napabuntonghininga si boss saka hinawakan ang kamay ko. Natigilan ako at napatingin sa kanya na seryosong nakatitig sa akin.

“Hindi naman kita lolokohin, Nathalie. Alam ko ang gano'ng pakiramdam kaya wala akong balak iparanas sa iba... Alam kong balewala 'tong mga sinasabi ko ngayon. Words are just words... so please, let me prove myself and my loyalty to you. Wala akong intensyon na saktan ka,” anas n'ya.

“Boss... kapag sinaktan mo 'ko, iiwan talaga kita. Sana kapag nangyari 'yon, hayaan mo na lang akong umalis. Sana kapag nangyari 'yon... pakawalan mo na 'ko nang tuluyan.”

Tipid na ngumiti siya. “Wala akong balak saktan ka... Kaya kung nasaktan man kita nang hindi ko namamalayan, sana sabihan mo muna ako. H'wag kang basta aalis. Ipaliwanag mo muna sa 'kin... Wala akong balak saktan ka, kaya sana h'wag mo rin akong saktan. Ayoko ng iniiwan ako nang walang pasabi, Nathalie... lalo na ng mga taong mahal ko,” seryosong sabi n'ya habang titig na titig sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakasagot sa sinabi n'ya... dahil siguro naramdaman ko na seryoso siya sa bawat salitang binitiwan n'ya.

“O-Okay,” sabi ko na lang.

Tipid na ngumiti si Ashteroh. Marahan n'yang hinaplos ang likod ng palad ko.

“Babawi ako sa 'yo bukas, Nathalie. Magde-date tayo ulit... at ako naman ang in charge at magpa-plano,” nakangiting sabi n'ya.

Napaismid ako. “K, fine.”

* * *

“Saan 'to, boss?” tanong ko kay Ashteroh.

Hinawakan n'ya ang legs ko at inayos ang pagkakapasan ko sa likod n'ya. Medyo masakit pa kasi ang mga paa ko.

“My friend's restaurant. Masarap ang pagkain dito. Pina-reserve ko ang buong restaurant ngayong araw,” sabi na lang n'ya.

Napatango na lang ako. Mukha ngang sosyal ang restaurant na 'to. Buti na lang walang tao dahil parang hindi bagay ang suot kong t-shirt at pants sa lugar na 'to.

Marahan akong inupo ni boss sa upuan. Dinampian n'ya ng halik ang pisngi ko bago siya nagtungo sa upuan n'ya saka umupo.

Nag-abot sa 'kin ng menu ang waiter. Kinuha ko naman 'yon at halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa presyo agad ako tumingin. Nasamid ako at napasapo sa dibdib ko.

“Ano'ng gusto mo, Nathalie?” tanong ni boss.

Alanganing ngumiti na lang ako. “K-Kung ano 'yung sa 'yo, boss,” sabi ko na lang.

Hindi ko rin naman kasi mabasa ang mga pangalan ng pagkain. Baka magkanda-buhol lang ang dila ko.

Saglit lang dumating na ang order namin. Napakurap na lang ako habang nakatitig sa pasta na nasa harapan ko. Halos ayaw ko na yatang kainin 'to dahil ang ganda ng hitsura nito.

Ang halaga ng pagkain na 'to ay katumbas yata ng pang-isang linggong pagkain ng mga kasama ko sa looban... Ayos lang ba talaga na kainin ko 'to?

Hindi ako komportable habang nakain. Bukod sa sobrang mahal ng kinakain ko, nakokonsensya rin ako na kumakain ako ng ganito kamahal na pagkain.

Pagkatapos naming kumain, nagtungo naman kami sa mall na para lang yata sa mayayamang tao dahil sa mga nakakalulang presyo ng mga bilihin. Katumbas na yata ng mga bilihin dito ang buong utang ng Pilipinas.

“Boss... Saan ba gawa ang t-shirt na 'to at tatlong libo ang halaga?” tila hindi makapaniwalang tanong ko at itinuro ang t-shirt na hawak ko.

Ito pa nga yata ang pinakamurang t-shirt dito. Nalulula yata ako.

“Hmm... because of its brand, maybe? Besides, that clothing line has the best fabric,” paliwanag n'ya.

Brand at best lang ang naintindihan ko sa sinabi n'ya. Naii-stress ang pink kong buhok sa mga presyo ng bilihin dito.

“Wait, bakit hindi ka napili?” tanong ni Ashteroh habang hinihila ko siya palabas ng mall.

“Boss, kapag bumili ako ng kahit isang damit sa mall na 'to, baka himatayin ako,” napapailing na sabi ko na lang.

Napatango na lang si boss at iginiya na ako sa kotse. Agad siyang nagmaneho. Pakiramdam ko nakahinga na 'ko nang maluwag nang makalayo na kami sa mall na 'yon. Parang ayoko ng bumalik ulit do'n.

“Boss, bakit naman gano'ng kamahal ang mga tinda ro'n? Meron naman ng mga katulad no'n sa Divisoria tapos nasa 150 lang ang presyo,” napapailing na sabi ko habang pinapaypayan ang sarili ko.

Bahagyang natawa si boss. “Really? We should go there sometimes then,” sabi naman n'ya.

“Mananakawan ka lang do'n, boss. Mukha kang naglalakad na pera,” sabi ko na lang saka pinasadahan siya ng tingin.

Maya-maya pa, nakarating din kami sa tabing-dagat. Nagtataka ako kung bakit kami nandito pero nalinawan na ako nang may ituro siya sa 'kin na malaking yate. Agad na nanlaki ang mga mata ko.

“I borrowed my friend's yacht. There's a really expensive--”

Agad kong pinutol ang sasabihin n'ya. Baka malula rin ako sa yate na 'yon. Hindi kinakaya ng pagkatao ko ang mga mamahaling bagay maliban na lang kung nanakawin ko... hindi talaga pwede sa akin ang ganito.

“Boss, wait... Mas gusto ko ro'n,” sabi ko saka itinuro ang grupo ng mga bangka sa gilid.

“Ha?” nakakunot-noong tanong n'ya.

“Alam kong ikaw ang charger sa date natin boss, pero hindi ko na talaga kinakaya... Mamingwit na lang tayo ng isda sa bangka ro'n, magparenta na lang tayo. Ano, payag ka? Masaya 'yon,” nakangiting sabi ko saka nagtaas-baba ng kilay.

Napangiti na lang siya saka tumango.

Agad kaming lumapit sa mga may-ari ng bangka ro'n at nagbayad, nanghiram na rin kami ng pamingwit ng isda. Sumakay na kami sa bangka, may sumama sa aming isa para paandarin 'yon.

“Magaling ako rito, boss. Ikaw, marunong ka ba mamingwit ng isda?” tanong ko kay Ashteroh.

Napangisi siya. “Magaling din ako rito, Ma'am,” sabi naman n'ya.

Binatukan ko siya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko saka binatukan din ako. Parang kakasabi n'ya lang kagabi na hindi n'ya 'ko sasaktan ah! Fake news!

“Weh?! Paramihan tayo ng mahuhuli oh. Ano payag?” tanong ko.

“Payag... Ang matatalo, may wish na susundin mula sa nanalo. Ano, payag ka?” nakangising tanong n'ya.

Excited na napalalakpak ako saka nagthumbs up sa kanya. “Payag na payag, boss. I-ready mo na ang kayamanan mo,” nakangising sabi ko at nagsimula ng mamingwit.

Ang tagal din bago kami natapos. Wala kasing may gusto na magpatalo sa 'ming dalawa... Ang ending parehas kami ng bilang ng nahuling isda.

“Hay! Akala ko talaga mapupunta na sa 'kin ang kayamanan mo, badtrip!” paghihimutok ko saka kinagat ang balikat ni Ashteroh habang nakapasan na naman sa likod n'ya.

Ang bango talaga ni boss. Sarap n'ya kagat-kagatin.

Natigilan ako at napatingin sa basketball court. Agad kong hinampas-hampas ang balikat ni boss saka itinuro 'yon.

“Boss, doon naman tayo maglaban. Kung sinong maraming masho-shoot na bola, may wish sa matatalo. Halika!” pagyayaya ko sa kanya.

Napasinghap ako nang bahagya n'yang pinalo ang legs ko.

“Tumigil ka na, sumasakit pa nga ang paa mo, e,” tila nanenermong sabi n'ya.

“Sus, natatakot ka lang yata na durugin kita, e. Magaling ako sa basketball. Mga lalaki pa nga kalaban ko pero wala silang binatbat sa 'kin,” pagyayabang ko.

“Saka mo na 'ko yabangan kapag magaling na talaga 'yang paa mo. Lalabanan talaga kita,” sabi na lang n'ya.

Napahagikhik ako dahil sa excitement. Next time talaga, ipapakita ko sa kanya ang galing ko tapos ang iwi-wish ko ay 'yung lahat ng kayamanan n'ya.

“Boss, bitiw na. Maglalakad na lang ako,” sabi ko nang mapadaan na kami fountain.

Marahan akong ibinaba ni boss. Agad akong kumuha ng piso sa bulsa ko saka inilaglag 'yon sa fountain. Pinagdikit ko ang dalawang palad ko saka nag-wish.

Sana maging kasing yaman ko si Boss Ashteroh. G, thanks, bye.

Naglakad-lakad na kami. Hinawakan ni boss ang kamay ko dahil ang likot ko na naman daw masyado... K, fine na lang ang nasabi ko.

“Boss...” Pinigilan ko siya sa paglalakad.

Napatingin sa 'kin si boss pero nakahawak pa rin sa kamay ko. Tumitig ako nang diretso sa mga mata n'ya saka ngumiti.

“Ashteroh, gusto rin kita,” anas ko habang seryosong nakatitig sa kanya.

Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Tila hindi n'ya inaasahan na sasabihin ko 'yon.

“Pero ayaw muna kitang maging boyfriend. Gusto ko ganito muna tayo. Parang friends na may feelings sa isa't isa. Pwede tayo magyakapan, maghalikan, magsex, tapos--”

“L-Like friends with benefits or something?” tanong n'ya.

“Ahm, ewan ko...” Napakamot ako sa batok ko. Ano ba 'yon?

“I didn't get what you want to say, Nathalie,” seryosong sabi nito na tila ba hindi naguguluhan siya sa sinasabi ko.

“Ang ibig ko sabihin, para lang tayong ganito... parang mag-tropa na may malisya. Dito kasi ako komportable sa ngayon. Parang ayaw ko muna ng boyfriend... Sana maintindihan mo, boss... pero gusto rin kita. Gusto talaga kita bilang lalaki. Dadating din naman siguro tayo sa mag-girlfriend boyfriend stage talaga. Pero sa ngayon, ganito muna. Parang mag-MU muna tayo,” saad ko.

“MU?” nakakunot-noong tanong niya.

“MU... Mute wall understanding, gano'n. Naglalandian pero walang label,” paliwanag ko naman.

Hindi kaagad nakasagot si boss at nakatitig lang sa akin. Tila inaanalisa n'ya ang mga sinabi ko sa isip n'ya.

Maya-maya pa, bahagya siyang napangiti. “I really still don't get what's that MU thing for... but if that's what you want, what can I do? I'm your slave, aren't I?” Dinampian n'ya ng halik ang kamay ko. “I'll just take our situation like this... Hmm, you like me back but I'm still courting you,” nakangiting sabi n'ya saka hinaplos ang pisngi ko.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napatango. Ewan ko kung bakit kinikilig ako nang very very light sa sinabi n'ya kahit hindi ko masyadong na-gets.

“Hmm... but I won't forget what you've just said earlier,” dagdag pa n'ya.

Napakunot na lang ang noo ko. Ano naman 'yon?

Inilapit n'ya ang mukha sa akin saka dinampian ng magaan na halik ang labi ko. Napahawak ako sa kamay n'ya na nakahawak sa pisngi ko. Napalunok na lang ako dahil nabitin ako sa kiss na 'yon.

Pinagdikit n'ya ang mga noo namin saka marahang hinaplos ang pisngi ko. Ang init ng mga kamay n'ya, bahagya pang nanginginig ang mga 'yon na para bang kinakabahan siya na ewan sa mga oras na 'to.

“You said we can kiss, Ma'am Nathalie,” anas n'ya.

Napapikit na lang ako at walang pag-aalinlangan na hinalikan siya pabalik nang muli n'yang siniil ng halik ang labi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 64K 20
(COMPLETED) Behind his cold and ruthless façade, Dravis Laurent is actually a refreshing type of guy. He's innocent and clueless about emotion and lo...
1.8M 37.3K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
7.6M 235K 45
(COMPLETED) Kiara Amaris North knew that her parents are not really in love with each other, she was just a product of a loveless marriage. On her 24...
242K 13.7K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.