Caught and Conquered (SERIE F...

By elyjindria

4.7M 181K 122K

(COMPLETED) Nathalie Mariano is an unfortunate woman. Her family abandoned her when she was just a kid, she w... More

Caught and Conquered
DISCLAIMER
MOODBOARD
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
LAST CHAPTER
NEXT

Chapter Eleven

114K 4.6K 3.2K
By elyjindria

"Boss..."

Napakunot ang noo ni Ashteroh nang lumapit ako sa kanya. Pinigilan ko siya sa pag-aayos ng necktie n'ya. Napabuga ako ng hangin at ako na mismo ang nagsuot no'n sa kanya. Hindi naman siya nagsalita at hinayaan lang ako habang nakatitig sa 'kin.

Papayag kaya si boss sa gusto ko? Alam ko namang palaging walang choice si boss sa kakulitan ko pero malakas ang pakiramdam ko na hindi siya papayag dito.

"Fuck! Nathalie, mali 'yan! Tangina nasasakal ako," reklamo ni boss at tinapik-tapik pa ang kamay ko.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at agad na binitiwan ang necktie n'ya. Agad namang niluwagan ni boss 'yon at tila nakahinga siya nang maluwag. Napahawak pa siya sa leeg n'ya at napangiwi.

"Sorry boss, hehe. Hindi pala ako marunong n'yan. Akala ko madali lang," nakangusong sabi ko at nag-peace sign.

Pinitik na lang ni boss ang noo ko saka siya na ang nagsuot ng necktie n'ya. Umupo na lang ulit ako sa kama n'ya at pinanood siyang magbihis. Relo naman ang sinuot n'ya pagkatapos n'yang magsuot ng blazer.

"Do you need something? Just tell it... H'wag ka ng mahiya, hindi bagay sa 'yo," nakangising sabi n'ya, tila nang-aasar.

Agad ko naman siyang binato ng unan. Nasalo naman n'ya 'yon at hinagis pabalik sa 'kin, sapul 'yon sa mukha ko... palagi na lang nangyayari 'to. Trip na trip n'ya akong saktan. Ganyan ba ang nanliligaw?

"Eh kasi boss... Nahihiya ako," sabi ko na lang at napatakip sa mukha ko.

Natawa si Ashteroh na para bang joke ang sinabi ko. Naramdaman kong naglakad siya papalapit sa akin saka marahang inalis ang mga kamay ko na tumatakip sa mukha ko. Agad na bumungad sa paningin ko ang gwapong mukha n'ya.

Tangina, ang pogi talaga ni boss. Parang gusto ko ulit magpahalik.

"Sabihin mo na. H'wag ka ng mahiya, Ma'am Nathalie," sabi n'ya saka dinampian ng halik ang mga kamay ko na hawak n'ya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko saka huminga nang malalim. "Boss..."

"Hmm?" Umupo siya sa tabi ko.

"Pwede ba akong sumama sa trabaho mo?" tanong ko.

Natigilan si boss. Maya maya pa bigla siyang natawa. Inakbayan n'ya ako saka ginulo nang todo ang buhok ko. Naiinis na inalis ko ang pagkakaakbay n'ya sa 'kin saka hinampas siya ng unan sa likod.

"Ano ba, boss?! Hindi ka nakakatuwa!" asik ko saka muling inayos ang buhok ko.

Hinawakan naman ni boss ang balikat ko at pinaharap ako sa kanya. Naiinis na napadaing na lang ako nang tila nanggigigil na kinurot n'ya ang magkabilang pisngi ko.

"Aw, dahil lang do'n nahihiya na ang Ma'am Nathalie ko?" tanong nito sa nang-aasar na boses saka dinampian ng halik ang tungki ng ilong ko.

"Ano ba?! Bakit ka nang-aasar?!" naiinis na sabi ko.

Natawa si boss at hinila ako para yakapin. Napaismid na lang ako at sinubukan siyang itulak pero mas hinigpitan n'ya lang ang yakap sa 'kin.

"Bakit ang sungit mo? Meron ka ba?" bulong n'ya.

Napasinghap ako kasabay ng pag-iinit ng mukha ko. Paano n'ya naman nalaman?!

Bahagya na n'yang inilayo ang sarili sa akin saka tumitig sa mukha ko. Nanatili pa rin naman siyang nakahawak sa baywang ko.

"Gusto mong sumama sa trabaho ko?" tanong n'ya sa malumanay na boses.

Napatango na lang ako at kumapit sa batok n'ya. "Oo, boss. Ngayon lang naman. Gusto lang kita panoorin habang nagta-trabaho. Siguro para kang CEO sa mga wattpad," sabi ko saka ngumiti at nagtaas-baba ng kilay.

Yumakap siya sa 'kin. "Okay, you can come with me if that's what you want... But give me a kiss as a--" Agad kong pinutol ang sasabihin n'ya.

"Thank you boss! Magbibihis na 'ko," dali daling sabi ko saka inalis ang pagkakayakap n'ya sa 'kin.

Tumayo na 'ko saka lumabas ng kwarto n'ya. Agad akong dumiretso sa kwarto ko para maghanap ng masusuot. Napakamot ako sa batok ko nang buksan ko ang closet. Naalala ko bigla na wala pala akong ibang damit kundi pants at mga t-shirt... Ano ba ang maayos-ayos na pwedeng suotin.

Natigilan ako nang makakita ng corporate attire na pambabae sa sulok. Napakamot ako sa kilay ko habang nakatitig do'n. Parang hindi naman bagay sa akin 'to. 

Napailing na lang ako at kinuha 'yon. Magka-partner na itim na skirt at dark brown na long sleeve chiffon blouse. Napangisi ako at isinukat 'yon. Medyo excited ako dahil first time kong magsusuot nito. Alam kong hindi ako magiging komportable pero ayaw ko namang magsuot ng kung ano na lang sa kompanya ni boss. 

"Shet, ang ganda ko talaga. Swerte ni boss kapag sinagot ko siya," bulong ko habang nakatitig sa hitsura ko sa salamin.

Bagay pala sa 'kin ang ganito... pero siyempre sa t-shirts at jeans pa rin ako kakalampag. Hehe.

Kinuha ko ang itim na pambabaeng blazer na nakasabit saka sinukat 'yon. Napasinghap ako saka impit na napatili nang makita ang hitsura ko sa salamin. Tangina, gusto kong ligawan ang sarili ko dahil sobrang ganda ko. Dumagdag pa ang kulay ng buhok ko sa ganda ko. Hays, hindi deserve ni boss ang ganda kong 'to. 

Kumuha na lang din ako ng sandals na medyo may takong at sinuot 'yon. Hinayaan ko na lang na nakabagsak ang buhok ko. Nagpulbo na lang ako at naglagay nang very very light na lipstick bago lumabas. Naabutan ko si boss na nakatayo sa tapat ng pinto ko at mukhang kanina pa naghihintay. 

Natigilan siya nang mapatingin sa akin. Napangiti naman ako nang matamis saka nag-thumbs up sa kanya.

"Okay ba, boss?" nakangising tanong ko.

Napaismid naman siya. "Hindi bagay sa 'yo, mukha kang matalino."

Napasinghap ako sa sinabi n'ya. "Bakit?! Medyo matalino na kaya ako!" asik ko.

Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinila ako saka niyakap. Naiinis na hinampas ko naman ang braso n'ya pero mukhang hindi n'ya alintana 'yon.

"Maganda ka kahit anong suot mo," bulong n'ya saka bahagyang kinagat ang tainga ko saka bumulong do'n. "Damn, Ma'am Nathalie... I suddenly want to be your slave," bulong n'ya.

Nagtayuan ang mga balahibo ko ro'n kahit hindi ko na-gets ang ibig n'yang sabihin. Bakit kasi ang gwapo ng boses n'ya? Makalaglag panty talaga, abot impyerno na yata.

"Ang landi mo kamo, boss. Halikan na nga, male-late ka pa n'yan, e," panenermon ko sa kanya.

Ahh! Feel na feel ko ang pagiging office womans! 

“Nga pala, boss. Bakit may mga damit pangbabae ro'n sa kwarto ko? May asawa ka na ba?” tanong ko saka napasinghap.

Binatukan n'ya 'ko. “Tanga, hindi. Sa ex-girlfriend ko ang mga 'yan. Binibigay ko na nga ang mga 'yan kina Andeng kaso ayaw naman nilang kuhanin,” kaswal na sabi n'ya.

Napatango na lang ako. “Boss, bakit parang ang cool lang ng pagkakasabi mo? Parang wala lang sa 'yong sabihin sa 'kin 'yon,” saad ko.

“Bakit? Nagtanong ka, e. Sinagot ko lang ang tanong mo. Saka wala na naman sa 'kin 'yon. It's all in the past. I'm cool with it now,” sabi na lang n'ya.

Napatango na lang ako. Mukha namang wala na talaga sa kanya 'yon. Siniguro ko lang kasi siyempre... manliligaw ko raw siya.

“Let's go?” tanong n'ya. Hinawakan n'ya ang kamay ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin.

“Yes, boss! Let's go!”

ALEXEEV JEWELLERIES, INC. 

Napaawang ang labi ko sa malaking building na nasa harapan ko ngayon. Nakaukit sa pinakataas no'n ang apelyido ni Boss Ashteroh. Alam kong mayaman talaga si boss pero hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang kompanyang pag-aari n'ya.

"Hoy, tutulala ka na lang ba? Akala ko ba gusto mo 'kong makita magtrabaho?" tanong ni boss saka binatukan pa 'ko.

"Aray ha! Never talaga kitang sasagutin!" asik ko.

Napaismid na lang ako nang hawakan n'ya ang kamay ko saka hinila ako papasok sa kompanya n'ya. Nagbigay lang siya ng parang gold na card sa guard, tapos pinapasok na kami. Nilibot ko na agad ang tingin ko sa paligid. Si boss naman ay tahimik lang sa tabi ko habang nakahawak pa rin sa kamay ko na para bang bata ako na pwedeng mawala.

"Shit, boss... Ang daming naka-display na diamondses! Pwede panakaw? Mayaman ka naman, e," bulong ko sa kanya.

"Kung kaya mo bang nakawan, e," nakangising sabi n'ya, tila nagyayabang.

Napangiwi lang ako dahil mukhang mahigpit ang security rito kaysa sa ibang kompanya. Sa tingin ko normal lang naman na maghigpit siya. Nakakalula sa kintab ang mga alahas na nakadisplay rito. Mas lalo kong napansin ang laki ng kompanya nang nasa loob na kami. Maraming empleyado at mga trabahador, panay ang ngiti at kaway ko sa kanila pero wapakels sila sa 'min. 

"Boss, bakit inii-snob ka lang ng mga empleyado mo? Kung ako ikaw, sisisantehin ko sila," bulong ko pa sa kanya.

"Hindi nila alam na ako ang amo nila. Diba nga akala mo pa matandang uugod-ugod na 'ko?" natatawang tanong n'ya. "Secretary ko ang inaakala nilang Ashteroh Alexeev. Pabor sa 'kin 'yon dahil ayoko ng magulo kaya hinayaan na lang namin pareho na siya ang inaakalang ako. Saka hindi pamilyar ang mga empleyado sa mukha ko dahil sa likod ng kompanya ako laging dumadaan. Dito lang tayo dumaan ngayon dahil mukhang gusto mong malibot ang kompanya," paliwanag n'ya.

Napatango na lang ako. Oo nga pala, 'yung matandang secretary n'ya ang napagkakamalang si Ashteroh Alexeev. 

Para akong ewan na patingin-tingin sa bawat nadadaanan namin. Ang laki talaga ng lugar na 'to... Excited na pumasok ako ng elevator kasama si boss. Ang galing, pati elevator glass wall din! O to the M to the G talaga ang kompanyang 'to!

Nagtungo kami sa pinakamataas na floor ng building. Hinawakan na ni Ashteroh ang baywang ko dahil likot ako nang likot. Natatawang napailing na lang siya saka dinampian ng halik ang sentido ko.

Nang makarating kami sa top floor, agad kaming pumasok sa isang silid. Sinalubong kami ng lalaking matikas ang katawan. Nakasuot din ito ng damit pangtrabaho gaya ni boss. Sa tingin ko nasa 40-45 na ang edad n'ya.

"Sir, good morning,” bati nito.

Napalunok na lang ako dahil mukhang super seryoso sa buhay ng lalaking 'to.

“Good morning, Mr. Delos Reyes... I'll leave the paperworks to you at 6 pm onwards. I have to go somewhere,” sabi ni boss saka hinubad ang blazer n'ya.

“Okay, Sir. I'll go ahead. I left everything on your desk. Just call me if you need anything,” sabi ni Mr. Delos Reyes daw saka lumabas na ng opisina.

Kami na lang ang naiwan ni boss. Nagtungo naman si boss sa desk n'ya. Ipinatong n'ya ang blazer sa sandalan ng swivel chair n'ya saka umupo ro'n.

Umupo naman ako sa couch at ipinatong ang paa ko sa mini table.

“Boss, sino 'yong lalaki kanina?” tanong ko.

“Ah, si Mr. Delos Reyes, siya ang secretary ko,” sabi naman n'ya.

Natigilan ako. “Secretary mo? Akala ko ba matandang uugod-ugod na ang secretary mo?” nagtatakang tanong ko.

“Hmm, 58 years old na siya,” saad naman ni boss.

Napasinghap ako. “58 na 'yon?! Eh mukhang kaya pa n'yang makipagsapakan sa mga gangsters sa kanto, e! Akala ko nasa 40 plus lang siya,” tila hindi makapaniwalang sabi ko.

Grabe, ang daming fake news sa mundong 'to.

Napailing na lang si boss. Nilibot ko na lang ang tingin ko sa opisina ni Ashteroh. Ang laki ng opisina n'ya, halos kasing laki yata 'to ng kwarto n'ya sa mansyon.

Tumayo ako at naggala-gala sa opisina n'ya. May mga naka-display ring alahas rito. May mga trophies din na naka-display. Ang ganda ng disenyo ng opisina ni boss. Mas mukha 'tong living room kaysa opisina.

Napalingon ako kay boss. Napasinghap ako nang mapansing nakasuot siya ng salamin. Agad akong lumapit sa kanya at umupo sa mesa n'ya. Natigilan naman siya at nagtatakang napatingin sa 'kin.

“Boss, sobrang pogi mo kapag nakasuot n'yan... Gusto ko kapag nag-sex na tayo, nakasuot ka rin ng salamin,” seryosong sabi ko habang nakatitig sa kanya.

Napaubo si boss sa sinabi ko. Hinampas-hampas n'ya pa ang dibdib n'ya. Hala, mukhang nagulat talaga siya sa sinabi ko.

Hindi pa ba siya sanay sa 'kin? Lagi kong sinasabi ang nasa isip ko, hehe. Peace yow.

“I-I really won't be able to work properly if you're here,” sabi n'ya saka huminga nang malalim.

Natigilan ako nang tumayo si boss. Inilapat n'ya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko na tila kino-corner ako. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang matiim na tumitig siya sa mga mata ko.

“You have a weird kink, Ma'am Nathalie,” natatawang sabi n'ya saka dinampian ng halik ang pisngi ko.

Napangiti na lang ako at yumakap sa batok ni boss. “Maglandian na lang kaya tayo, boss? Hindi ka rin naman makakapagtrabaho nang ayos dahil nakakasilaw ang ganda ko.”

Natawa si boss saka niyakap ang baywang ko at isinubsob ang mukha sa leeg ko... Mukhang sa paglalandian na nga lang mauuwi ang trabaho n'ya kuno.

* * *

“Boss, magigitara ka ulit dito?” tanong ko habang nakapasan sa likod n'ya.

Humawak na lang si Ashteroh sa legs ko at inayos ang pagkakapasan ko sa likod n'ya. Papasok na kami ngayon sa bar na pinuntahan namin nu'ng unang beses ko siyang nakita sa banda.

Napatingin sa 'min nang kakaiba ang guard ng bar, dahil siguro nakapasan ako sa likod ni boss. Ang sakit na kasi sa paa ng sapatos na suot ko, e. Pinagpapalit na nga ako ni boss ng damit dahil nagpalit na rin siya ng kaswal na damit kaso ako ayoko. Dadamahin ko muna ang suot ko ngayong araw.

Marahang pinaupo ako ni boss sa upuan saka dinampian ng halik ang noo ko.

“Sa stage na 'ko ha. Dito ka lang saka h'wag kang masyado malikot. Baka sumakit lalo ang paa mo,” tila nanenermong sabi n'ya.

“Eh boss, gusto kita i-cheer, e,” paghihimutok ko.

Natawa si boss saka tumango. “Ikaw ang bahala. Basta mag-ingat ka lang. Baka mamaga na talaga 'yang paa mo.”

“K, fine. Doon ka na, boss. Papanoorin ko na kayo,” pagtataboy ko sa kanya.

Umalis na si boss at nagtungo sa stage. Nandoon na ang mga ka-banda n'ya. Maya-maya pa nagsimula na silang magpatugtog at siyempre, sobrang wild na naman ng mga tao.

OMG, peoples. Hindi ako magpapatalo sa inyo.

Kahit masakit pa ang paa ko, tumayo ako para i-cheer si Boss Ashteroh. “Go, boss mapagmahal sakalam! Wooh! The best ka, lodi! Pa-autograph sa panty ko! Wooh!”

Naiinis ako dahil nauungusan ang boses ko. Hindi ko rin makita si boss dahil ang daming kalat--este mga tao na humaharang sa akin.

Natigilan lang ako sa pag-cheer nang may kumalabit sa akin. Agad ko siyang nilingon.

“Hey. Can I ask what's your relationship with Alex?” nakataas-kilay na tanong ng babae.

Maganda siya at sexy rin. Mukha nga lang suplada.

“Alex? Ahh, si Alex...” Alex nga pala ang tawag kay boss dito. “Nanliligaw siya sa 'kin,” sagot ko na lang.

Napataas ang kilay n'ya sa sinabi ko. Tiningnan n'ya pa ako mula ulo hanggang paa. Napataas din naman ang kilay ko. Bakit ganito makitingin ang babaeng 'to sa 'kin?!

“Quit dreaming, girl. Hindi nanliligaw si Alex... and besides, I'm his fling right now,” saad pa n'ya.

Fling? Sa pagkakaalala ko nasabi ni Gina sa 'kin 'yon, e. Iyon yata ang kalandian na walang label?

“Fling your face,” bulong ko na lang saka napaismid.

“Whatever, girl. I'll just prove it to you.”

Pagkasabi n'ya no'n, agad na rin siyang umalis. Napakibit-balikat na lang ako at napairap. Wala akong pake sa kanya.

Bumalik na lang ako sa pagchi-cheer kay boss. Pero natigilan din ako dahil parang natahimik ang mga tao. Ano'ng meron?

Napatingin ako sa stage. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing umakyat do'n ang babaeng suplada na kumausap sa 'kin kanina.

“Wow, she's a model, right?”

“Girlfriend yata ni Alex 'yan.”

“She's more beautiful and sexier in person. Bagay sila ni Alex.”

Napakunot na lang ang noo ko sa mga naririnig kong bulungan.

Muli akong napatingin sa stage nang maghiyawan ang mga tao. Natigilan ako at tila hindi nakagalaw sa nakita ko... Hinalikan ng babaeng 'yon si Ashteroh sa stage... sa harap ng maraming tao rito.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 50.5K 61
Warning: Very mature content. And this book is written in Tagalog and English Strong use of inappropriate language. GL.WLW. LGBTQ. Very not suitabl...
1.8M 37.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
243K 13.7K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.6M 235K 45
(COMPLETED) Kiara Amaris North knew that her parents are not really in love with each other, she was just a product of a loveless marriage. On her 24...