Sitio Series 3: Scheming List...

By oootksm

3.8K 422 85

[FIN] | Unedited Sitio Series 3: A typical highschool setting story. A girl who chases someone she admire for... More

Sitio Series 3
Synopsis
Prologue
Mayor
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Mayor
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Mayor
Special Chapter I
Special Chapter II

Chapter 38

43 4 1
By oootksm

Opportunity


Ito ang unang beses kong makatapak sa Maynila. Nalula ako ng tumambad ang naglalakihang gusali, may mga magagarang kotse at isama mo na roon ang pakalat-kalat na mga namamalimos.

Naalala ko ang sinabi ni mama, maganda nga sa Maynila. Mahigpit kong niyakap ang body bag ko habang naglalakad sa apartment na inupahan ko para dito muna pansamantalang manuluyan habang nanatili ako rito.

“Sa taas ang kwarto mo, may paunang bayad na kaya kompleto na lahat ng kailangan mo. May tubig na sa banyo at bagong kabit ang bombilya.. ” Mataray na sabi ng landlady, tumango ako. “O'sya maiwan na kita..” Anito.

Napabuntong hininga ako habang inaayos ang mga gamit sa isang oracan cabinet. Sunod kong hinubad ang jacket na binurda pa mismo ni nanay para sa akin, kinuha ko rin ang cellphone kong pinaglumaan na naman ni Feitan kinuha kasi niya iyong cherry mobile sa akin at pinalitan ng vivo niyang pinaglumaan. Para pa itong bago pero ang sabi niya'y pinagsawaan niya na ito kaya ibinigay sa akin.

Pinagsawaan pero noong ibinigay niya'y nakabalot pa at may resibo.

Siguro'y nag-aalala si Deiry ngayon, ito ang unang beses na nagkahiwalay kami ng kaibigan ko. Gusto pa nga niyang samahan ako rito pero tumanggi ako, masyado na iyong abala sakanya lalo na't may problema ring kinahaharap ang boyfriend niyang si Rossweisse.

“Kaya mo 'to Dorothy.. ” Pagpapalakas ko sa aking loob, saglit na dumako ang kaisipan ko sa kanya... Kay Gremory. Napangiti ako ng mapait nang maalala ang nangyari.

Napahiya na naman ako at mas grabe ito. Ayaw ko pa sanang tumuloy dito pero nagising nalamang ako isang umaga na naisip kong sobra na ang pagkatanga ko sakanya. Hindi na 'to normal, kaya siguro ayaw niyang malaman ng iba dahil nakakahiya ngang makasama ako. Ngayon lang luminaw ang pag-iisip ko, na kahit kailan hinding-hindi ako ipagmamalaki at mamahalin ni Gremory.

Ang sakit lang. Pagkatapos kaming maghalikan at ang iba'y mas malala pa roon para lang akong bayarang babaeng iiwan niya bigla at kapag nagkikita kami sa eskwela'y titignan niya lang akong mapahiya o siya mismo ang gagawa.


Napakatanga ko... Ang sakit.


Hanggang sa sumapit ang gabi’y dinama ko ang pag-iisa. Bukas ay pupuntahan ko agad ang address ng entertainment company at makikipagkita sa producer. The chill breeze was fanning against my skin as I silently prayed that this decision might be the first step for my life to change.

Kinabukasan, suot ang mga pinabaong mamahaling damit nina nanay at tita’y dumiretso ako sa nasabing address. I want to set a good impression kalimitan kasi’y nagre-reflect ang first impression sa kabuuan ng galaw mo kaya hanggat maari’y sana ay umayon ang panahon sa akin.

“Do you have an appointment ma'am?” The receptionist asked. Nagkukumahog kong ipinakita sakanya ang email nang mabasa ito’y dali-dali siyang nagtipa sa computer. “Ah, please allow me to escort you to the office.” She has a faint smile like she wants to tell me something.

Nagtataka ko siyang sinundan mula sa hallway kitang-kita ko ang iba’t ibang mga trainees kagaya ko. Gusto ko lang naman maging sikat na singer... Mula sa glass wall nakita ko ang bawat galaw at aliw sa musika ng mga kaedad ko tuloy ay bigla akong nainggit. Alam ko sa sarili na hindi ako ganoon kagaling, kaya makaka survive ba ako sa industriyang ito?

I shooked my head, “believe in yourself Dorothy!” Ani ko.

The receptionist cough. “Alam mo iha,” napalingon ako sakanya. “Nararamdaman kong malayo ang mararating mo. May mga bagay lang talagang kailangan mong maranasan para tuluyang maabot ang mga bagay na inaasam-asam mo.”

I frowned processing her words. “H-Huh, warning po ba ‘to?” Nag-aalangan kong tanong. She chuckled.

“Iha, maniniwala ka ba kung sasabihin kong manghuhula ako?” Pinaningkitan ko siya ng mata, “basta tandaan mong walang bagay ang nakukuha sa madaling paraan. Kung meron man hindi iyon magtatagal, nakikita ko sa iyong marami ka pang mararanasan kaya sana’y maging matatag ka’t ‘wag agad susuko...” She tapped my shoulders as we reached the office room. I felt her hot breath on my left ear, “tulad na lamang ng sakit na katumbas ng kamatayan.” I felt goosebumps with her words.

Napalunok ako’t napapikit ng mariin bago nagpasiyang pumasok na sa silid. Bumungad sa akin ang isang lalaking naka tuxedo, naka krus ang mga hita habang nakaupo sa swivel chair. Nagtama ang tingin namin, magmula ulo hanggang paa’y ipinasada niya ang kanyang mga mata bago ngumiti ng pagkalaki-laki. “So, you're Dorothy Felipe..” He said. “I’m glad you accepted our offer. Don't worry I'll do whatever it takes just to see on the top. But of course,” Mr. Jameson Garlio smiled mischievously. “I need your cooperation..”

Iminuestra nito ang katabi niyang upuan. “Salamat po,” sambit ko. His stares were intense. Kung sigurong may laser lang ang mga ito’y kanina pa ako nagkanda lusaw-lusaw.

Mr. Jameson Garlio held my hand all of a sudden, I flinched. “You know Dorothy the moment I laid my eyes on you I felt something.. A connection between you and me!” I awkwardly smiled. “Marami akong inahandle na mga artist at karamihan sakanila ay sikat na ngayon. Among the artist that I'm handling now you're someone who's bound to shine! Kung papayag kang maging manager ako hindi ka magsisisi. Hindi ka lang sisikat Dorothy based on your resume you'll also be paid triple than what you're expecting. Sisikat ka na yayaman ka pa..”

I smiled, totoo ba? Hindi naman iyon malabo dahil marami na siyang napasikat na mga kagaya kong nangangarap.. Opportunity nito.. “Paano po iyon?”

Mr. Jameson smiled and gave me a folder. “First, we should set a publicity about you. We should catch the people attention with your talent. Natural na maganda ka’t innocent looking kaya hindi na tayo mahihirapang kumuha ng mga shows. But we need to work hard for your popularity....”

“P-Papayag po ako..” Sagot ko, sa paraang ito maahon ko man lang sa kahirapan ang mga magulang ko.

“Great! Just listen to me Dorothy and I'll prepare the rest.. I'm glad working with you, hindi mo pagsisisihang tinanggap mo ang offer kong ito..”

_______________

“Need ko magparetoke dai,” napalingon ako kay Liza habang seryoso itong nakatingin sa harap ng malaking salamin sa studio. “Sabi ni manager hindi raw ako sisikat sa ganitong mukha,” bumuntong hininga ako. “Talent lang meron ako sa fez? Waley!”

I handed her my tumbler. “Mahal magparetoke atsaka ‘di ka naman pangit. Konting ayos lang pwede na,” ani ko pero umiling ito’t ngumisi.

Itinaas niya ang kamay at taas noong nagsalita. “Alam mo sa world of entertainment puhunan ang talent, mukha, at bonus nalang ang good attitude. Kapag maganda ka sigurado sisikat ka lalo kung may backer kung talent lang meron ka at walang itsura sa tingin mo saan ka babagsak?” Natahimik kaming dalawa. “Edi sa pagiging komidyante. Comedy ang bagsak natin nun, pasalamat ka may bonus na pagmamahal sa iyo si lord kaya pinagtuunan nang pansin ang looks at talent mo. Sana all.”

I just smiled a little, she has a point. It's scary to take a risk with this kind of environment but what will happen if I won't try. “Sana talaga swertehin tayo, Liz.”

Liza on the other hand nodded. “Sisikat ka Dors kagaya ni Emily tignan mo kasabayan mo lang pumasok pero dalawang buwan lang sikat agad!” Si Emily Decero trainee na kagaya namin na biglang sumikat. Sabay kaming pumasok pero kataka-takang sumikat ito bigla may offer kasi sakanya ang isang big company na maging ambassador nito tapos umulan na rin ng projects.

Halos lahat kaming nasa building na ito’y nagtataka kung anong ginawa niya sa isang iglap bigla siyang naka apak sa taas na pilit naming inaakyat. “Siguro,”

Nabalot ulit kami ng katahimikan kami nalamang ang natira sa studio dahil maagang umuwi ang iba. And speaking off, Emily suddenly entered the room with her dance outfit. Nagkatinginan kami at agad itong nag-iwas tingin walang salita itong nagplay ng music at sumayaw nanatili naman kaming nanonood ni Liza.

Upon watching her I noticed minor changes on her body and the way she tries to express emotion while dancing.. Emily's clearly having a hard time. “Uy, Dors. Alam mo ba,” lumapit sa akin si Liza kunwari’y inaantok na nakasandal sa balikat ko.


Still looking at Emily, I asked. “Why?”



“May bali-balita kung bakit bigla nalang inulan ng projects si Emily.”


“Oh, tapos?”




“Ang sabi nila nagpagalaw daw siya kay Mr. Jameson tapos nakipag one night stand sa mga sikat na director, may-ari ng kumpanya at marami pang iba..”


Napakamot ako ng batok, “chismis lang ‘yan. Alam naman nating mabait si Mr. Jameson at lahat ng trainees dito pinagkakatiwalaan siya baka talagang time lang ‘to ni Emily... Huwag kang basta-basta maniniwala sa chismis hindi mo alam kung totoo iyon o hindi,” paninermon ko.



“Katakot ka Dors, ang bait mo masyado tapos napaka inosente. Nag-aalala tuloy ako sayo at sa mundong pinasok mo. Basta kung need mo ng tulong nanditey lang me sa iyong corner!”



I smiled at her genuinely I miss Deiry. How is she? Kumusta na kaya lahat ng taong naiwan ko sa Sitio Ibuka? Natatakot akong kausapin sila kaya mas minabuti kong huwag na munang makipag-usap at kina mama’t nanay naman minsan sa isang linggo lang ako kung makipag-usap ayaw ko silang mag-aalala kaya wala akong choice kundi manatiling may komunikasyon sakanila.





My eyes widened when Emily suddenly appeared on my front. “Mr. Jameson instructed me to tell you to dress nicely this evening. May pupuntahan daw kayong opportunity.” She coldly said kasabay naman ‘non ang pagring ng cellphone ko na nilalaman ang text ni Mr. Jameson.



I clenched my fist. This is it Dorothy!

________________
#Opportunity

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 190K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
90.2M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
3.2M 202K 90
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
3.6M 150K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...