Caught and Conquered (SERIE F...

By elyjindria

4.7M 181K 122K

(COMPLETED) Nathalie Mariano is an unfortunate woman. Her family abandoned her when she was just a kid, she w... More

Caught and Conquered
DISCLAIMER
MOODBOARD
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
LAST CHAPTER
NEXT

Chapter Ten

121K 5.5K 3.7K
By elyjindria

“Boss... bakit?”

Alam kong ang pangit ng respond ko sa pag-amin n'ya, pero hindi kasi talaga ako maka-move on. Napapaisip ako kung ano'ng meron sa akin at nagustuhan n'ya 'ko.

“A-Ang ibig kong sabihin boss... ano ba'ng kagusto-gusto sa akin? Bakit mo 'ko nagustuhan?” tanong ko, tila hindi pa rin makapaniwala.

Napakunot ang noo n'ya. “What do you mean? What's not to like about you? What's not to adore about you? I mean, you are so likable. Paano ako hindi magkakagusto sa 'yo?” tila kaswal na sabi n'ya.

Paano n'ya nagagawang maging kalmado sa ganitong sitwasyon? Nagwawala na ang puso ko ngayon kahit siya naman ang umamin sa akin.

Napabuntonghininga siya at napaiwas ng tingin. Natigilan ako nang mapansing namumula ang tainga at pisngi n'ya. Ginulo n'ya ang buhok n'ya saka napabulong.

“Damn, this is so uncool. I should have done this better,” bulong n'ya saka napakagat sa ibabang labi.

“Boss?”

Napatikhim siya at napabuga ng hangin na tila pinapakalma ang sarili. Muli siyang lumingon sa 'kin. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina... hindi siya mukhang kalmado ngayon.

“I-I really like you, Nathalie... Gusto kitang ligawan,” sabi n'ya saka muling napaiwas ng tingin.

Paano ko naman siya seseryosohin? Kung saan-saan siya tumitingin.

“Boss, tumingin ka nga sa akin. Para kang estudyanteng magpapaalam mag-cr sa teacher n'ya, e,” nakapamaywang na sabi ko.

Napaismid si Ashteroh at binatukan ako. Napasinghap ako sa ginawa n'ya.

“Boss! Kainis ka ha! Ganyan ka ba magkagusto?!” naiinis na tanong ko sinuntok ang dibdib n'ya.

“Para ka naman kasing ewan! I-I'm trying to be romantic here. Akala ko ba madaling umamin?! Kanina pa 'ko kinakabahan dito!” Napaismid siya.

“Eh bakit ka galit?!” asik ko.

Natigilan ako nang hinawakan n'ya na lang ang kamay ko at hinila ako papasok sa mansyon.

“Para kang ewan, sweet dapat 'to, e. Bakit ka ba ganyan?” Inakbayan ako ni boss saka ginulo nang todo ang buhok ko.

“Boss! What making do this of you to me! Akala ko ba gusto mo 'ko? Dapat sweet ka sa 'kin!” singhal ko saka kinuha ang kamay n'ya at kinagat 'yon. Hindi naman siya nag-react.

Tumigil siya sa paglalakad. Napatigil din ako dahil nakaakbay siya sa 'kin. Natigilan na lang ako at nagtatakang napatingin sa kanya. Gusto ko rin sana agad umiwas dahil ang lapit namin masyado sa isa't isa pero hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata n'ya.

“Bakit? Magpapaligaw ka ba sa 'kin?” tanong n'ya. “Ma'am Nathalie?” dagdag pa n'ya habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi agad nakasagot. Mali talaga na ganito kami kalapit sa isa't isa at kitang kita ko ang tila nang-aakit n'yang mga mata. Baka bigla ko siyang sagutin agad at yayain siyang magpakasal.

“S-Sa isang kondisyon, boss,” usal ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

“Hmm?” tanong n'ya.

“Sabihin mo muna... sobrang ganda ni Nathalie kaya nabihag ang puso ko. Habang nanliligaw ako sa kanya, papayagan ko siyang pisilin ang pwet ko dahil sobrang ganda n'ya at deserve n'ya ang pwet ko,” sabi ko habang seryosong nakatitig sa mga mata n'ya.

Napakunot ang noo ni Ashteroh. “Bakit ba gustong gusto mo ang pwet ko? Ano ba'ng mas gusto mo? 'Yung pwet ko o ako?” tila naiinis na tanong n'ya.

Wow. Nagseselos ba siya sa sarili n'yang pwet?

“Hmm... depende 'yan kapag nahawakan ko na ang pwet mo, boss,” sabi ko na lang saka nag-peace sign sa kanya.

“Puro ka kalokohan,” sabi na lang n'ya saka basta na lang ako hinila papuntang kwarto ko. “Matulog ka na. H'wag kang palaging nagpupuyat, baka mamatay ka kaagad.”

“Hala, boss... Grabe ka naman, sobrang sweet mo. Pinaka-sweet ka sa lahat ng nanligaw sa akin,” puno ng sarkasmong sabi ko saka ngumiti nang matamis sa kanya.

“Ayoko lang na mamatay ka kaagad kasi magpapakasal pa tayo,” sabi naman ni boss.

Napasinghap ako. Tangina.

“Gano'n ba ang mga linyahang gusto mo?” nakangising tanong ni boss.

Aba, tanginang 'to ah.

Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko at kumuha ng unan saka pinaghahampas siya. Tawa lang naman nang tawa si boss habang umiilag sa mga hampas ko.

“Gago ka, boss. Hindi talaga kita sasagutin! Kainis you!” asik ko.

Napatigil lang ako nang hawakan ni boss ang unan. Binato n'ya 'yon sa likuran ko saka nakangiting tumitig sa akin. Napaismid na lang ako at inirapan siya.

“Hmp!” sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Natigilan ako nang hawakan ni boss ang kamay ko at marahang pinisil 'yon. Pasimple akong napatingin sa kanya. Seryoso na siyang nakatitig sa akin ngayon.

Hinawi n'ya ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa mukha ko at inipit 'yon sa ilalim ng tainga ko.

“Ma'am Nathalie... nagtatampo ka ba?” anas n'ya habang nakatitig sa mga mata ko. “Ano ba'ng dapat kong gawin para hindi ka na magtampo?”

Huh, ano'ng akala n'ya? Madadaan n'ya ako sa ganyang pang-aakit n'ya? Sorry na lang pero hindi ako marupok.

“Papisil ng pwet mo,” bulong ko saka napanguso.

Natawa siya sa sinabi ko. Napaismid na lang ako nang marahan n'ya 'kong hinila para yakapin. Ang init ng yakap ni boss tapos ang bango pa n'ya. Parang gusto ko tuloy siyang makatabi matulog.

Sabay ibibigay ko na rin sa kanya ang virginity ko.

Charot lang, peoples.

“I really like you... and I'll prove it to you, Ma'am Nathalie,” bulong n'ya saka mas hinigpitan ang yakap sa akin.

Napaismid ako at gumanti ng yakap sa kanya. “K, fine.”

* * *

“Ang sosyal ng bahay mo, new friend,” sabi ko kay Thalia habang nililibot ng tingin ang bahay n'ya.

Sabi na nga ba at yayamanin 'tong new friend ko, e.

“I know, crazy bitch,” sabi naman ni Thalia saka naglapag pitsel na may lamang juice sa tapat ko.

Tinawagan ko siya kanina para makipag-meet up. May gusto kasi akong ipa-konsulta sa kanya. Gusto ko rin makipag-chikahan sa kanya dahil friend ko na siya.

Nilibot ko ang tingin sa bahay n'ya. Ang ganda ng disenyo ng bahay n'ya kaso gawa sa glass wall. Tinitingnan ko pa lang, madali ng nakawan. Kailangan mag-ingat siya. Ang dami pang blind spot sa paligid. Mukha ngang hindi ako papawisan kapag pinasok ko 'to, e.

Napailing na lang ako. Gumagana lang talaga ang utak ko kapag tungkol sa pagnanakaw.

“Ano ba ang chika mo? Make kwento,” sabi ni Thalia saka uminom ng juice.

Napakunot ang noo ko. Aba, ang gaga ng new friend ko. Naghanda pala siya ng baso at juice para sa sarili n'ya... Sabi na nga ba, unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko ng loka loka rin siya.

Kinuha ko na lang ang baso na ininuman n'ya at uminom din do'n. Hinampas n'ya ang kamay ko pero wala na rin naman siyang nagawa. Ang sama ng ugali n'ya ha.

“Ayun nga, ito ang sasabihin ko sa 'yo... 'Yung boss ko, umamin siya sa 'kin na gusto n'ya raw ako,” pagkwento ko.

Napasinghap si Thalia at umayos ng upo. Tumitig siya nang maigi sa 'kin para pakinggan ang sasabihin ko.

“Ano naman ang problema kung gusto ka ng boss mo?” tanong n'ya.

“May problema ro'n... paano ko malalaman na legit like n'ya talaga ako? Eh imposible namang magkagusto ang gaya n'ya sa tulad ko. You know, I just is like a simple womans. Simple lang naman akong babae. Siya pa naman 'yung tipo ng lalaki na hinahabol-habol ng babaeng almost perfection. Diba? Siyempre napapaisip ako kung ano'ng nagustuhan n'ya sa 'kin,” paliwanag ko.

Napahawak si Thalia sa baba n'ya, tila nag-iisip. Natigilan ako nang bigla siyang tumingin sa 'kin saka pinaningkitan ako ng mga mata.

“Sino ba 'yang boss mo?” tanong n'ya.

“Si Boss Ashteroh Alexeev mapagmahal sakalam,” agad na sagot ko.

Napasinghap siya. “O to the M to the G! In short, OMG!” sigaw n'ya at napahawak pa sa magkabilang pisngi n'ya.

Napasinghap din ako. “O to the M to the G, peoples! Bakit?! Kilala mo ba si boss mapagmahal sakalam?!” tanong ko.

“OMG, Nathalie girl. Si Ashteroh Alexeev? Diba senior citizen na 'yon? Naririnig ko na matanda na raw talaga 'yon. My goodness, Nathalie,” tila hindi makapaniwalang sabi n'ya at napapailing pa.

Nako, mukhang pati siya naloko rin ng fake news na 'yon.

“Hindi 'no, super gwapo kaya ni boss. Tingnan mo pa.” Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita ko sa kanya ang pictures ni Ashteroh.

Puro stolen pictures 'yon. May picture na natutulog si boss, nakain, nanonood ng TV, nakatutok sa laptop... meron ding picture na mukha siyang galit. Hehe.

“Woah, ito ba si Ashteroh Alexeev? Pogi pala siya... pero mas pogi ang boyfriend ko,” sabi n'ya saka hinawi ang buhok n'ya.

“Edi wow,” bulong ko na lang saka muling binalik ang phone ko sa bulsa ko.

“So, nasaan ka na ba sa kinu-kwento mo?” tanong n'ya saka muling uminom ng juice.

“So ayun na nga. Sabi n'ya liligawan n'ya raw ako. Eh hindi pa nga ako makapaniwala na gusto n'ya ako. It like a making of dream to me in my lifes. Diba? Ang hirap kasi talagang paniwalaan,” napapailing na sabi ko.

“Baka naman type n'ya ang mga baliw na babae gaya mo,” sabi n'ya at napahawak sa baba n'ya.

Kinuha ko ang unan na nasa couch n'ya at binato 'yon sa kanya. Napatili naman siya at gumanti sa akin. Aba, palaban ang new friend ko.

“Seryoso ako rito, new friend! Kailangan ko talaga ng advice. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sabi n'ya strong na babae ang type n'ya eh hindi naman ako gano'n. Paano n'ya ako nagustuhan?” nakangusong sabi ko at napaismid.

“Baka naman kasi na-fall talaga siya sa 'yo. Alam mo ba 'yung boyfriend ko? Type n'ya ang mahihinhin, tahimik, at prim and proper na babae pero sa akin siya bumagsak. Gano'n talaga kapag tinamaan na... Sundin mo ang gusto ng heart mo. Gusto mo ba siyang bigyan ng chance o hindi? Gano'n lang 'yon, crazy bitch. H'wag ka ng mag-overthink at baka sumakit lang ang ulo mo. Maganda tayo kaya nila tayo nagustuhan. I mean, just look at our hair... Nakaka-fall kaya ang may ganitong hair like us,” sabi n'ya saka hinawi pa ang buhok n'ya.

Natigilan lang kami sa pagk-kwentuhan nang may lumabas na lalaki sa isang kwarto. Napasinghap ako at napatitig sa lalaki. Wala itong damit pang-itaas, pero hindi 'yo ang nakaagaw ng pansin ko... Pamilyar siya sa akin.

“Thalia... you have a new friend again?” tanong ng lalaki habang nagpupunas ng buhok.

“Hi, baby!” Agad na tumayo si Thalia at sinugod ng yakap ang lalaki.

Bahagyang ngumiti ang lalaki at gumanti ng yakap kay Thalia. Napangiwi na lang ako nang maglandian at maghalikan sila sa harapan ko. Respeto naman sana, new friend.

Pero teka... naaalala ko na ang lalaking 'to. Siya 'yung kasama ni Boss Ashteroh sa banda. Sa pagkakatanda ko siya yata ang main vocalist sa kanila.

“Oh, by the way, Nathalie... This is Xeon Leclarc, he's my boyfriend. Xeon, that's my new friend, Nathalie, ” pagpapakilala ni Thalia sa boyfriend n'ya.

Napatingin sa akin ang lalaking 'yon. Totoo nga ang sinabi ni Thalia na gwapo siya. Hindi ko siya masyadong pinansin noon sa bar dahil na kay boss lang ang atensyon ko no'n, e.

Mukha nga lang siyang suplado. Mas pogi pa rin si Boss Ashteroh kasi mabait. Saka siguradong mas kapisil-pisil ang pwet ni boss.

Matiim na tumingin sa 'kin si Xeon. Napalunok na lang ako. Naaalala n'ya kaya ang kabaliwang ginawa ko sa bar na tinutugtugan nila?

“Tell her to go home already. Let's spend our whole day in your room,” sabi na lang ni Xeon saka yumakap sa baywang ni Thalia. Natatawang hinampas naman ni Thalia ang dibdib ng boyfriend n'ya. Ang ending, naglandian na naman sila sa harapan ko.

Siyempre umalis na lang ako at iniwan sila... Malalanding nilalang. Hmp!

* * *

“I felt the heat of the sun on my skin but it didn't hurt me.”

Napakamot ako sa batok ko dahil wala na naman akong naintindihan. Hays. Ang hirap pala mag-aral ng english.

Napailing na lang ako at kumuha ng tatlong libro na madaling basahin para sa 'kin saka lumabas ng library... May library kasi rito sa mansyon ni Ashteroh at sobrang daming libro. Kaso wala akong makitang tagalog na libro, puro english lang tapos meron pang Russian yata ang luggage. So stress pool.

Pero magbabasa na rin ako ng mga 'to. Aaralin ko nang kaunti ang english para magawa ko ng makipag-away ng english ang sinasabi. Hehe. Peace yow.

Agad akong dumiretso sa kwarto ni boss. Naabutan ko siyang nakaupo sa kama n'ya. Nakasandal ang likod n'ya sa headboard ng kama habang nakatutok siya sa laptop n'ya at nagtitipa ro'n. Minsan talaga dinadala n'ya ang trabaho hanggang dito sa bahay.

“Boss! Busy ka ba?” tanong ko at lumapit sa kanya.

Inilapag ko ang mga libro sa tabi n'ya saka dumapa sa kama. Natigilan naman si Ashteroh sa ginagawa at napalingon sa akin.

Isinara n'ya ang laptop saka ipinatong 'yon sa tabi n'ya. “Hindi naman, bakit?” tanong n'ya.

“Magbabasa ako ng english books. 'Yung mga hindi ko alam, ita-translight mo sa tagalog,” sabi ko habang winawagayway ang mga paa ko.

“Translate,” pagtatama n'ya sa sinabi ko.

“K, fine.” Kumuha ako ng isang libro at binuklat 'yon. “She was a flower. She bloomed a little late, but still, she bloomed beautifully more than anyone else,” pagbasa ko.

Nakikinig lang si boss sa pagbabasa ko. Itina-translate n'ya sa tagalog ang mga hindi ko maintindihan at itinatama naman n'ya ang mga salitang mali ang pagkakabasa ko.

Hanggang sa nauwi sa english lesson ang pagbabasa ko. Umakto naman si boss na teacher ko. Kung iba siguro ang nagtuturo sa akin malamang naubusan na ng pasensya, pero si boss parang isang truck yata ang pasensyang nakaipon sa loob n'ya. Hindi siya napipikon o naninigaw. Minsan nampipitik lang siya ng noo.

“Now, try to introduce yourself in english,” sabi naman n'ya.

Napangisi ako dahil naintindihan ko ang sinabi n'ya.

“Hello, peoples--I mean... Hello, everyone. I'm Nathalie Mariano, 28 years old. I'm beautiful, kind, and a thief with a heart of gold,” proud na sabi ko at kumaway kaway pa sa imaginary audience.

OMG, ang dami ko ng nalalaman na new words. Makikipagsagutan na 'ko kay Thalia in english.

Natawa si Ashteroh sa sinabi ko saka bahagyang ginulo ang buhok ko.

“Very good... You're a fast learner, I'm so proud, Ma'am Nathalie,” nakangiting sabi n'ya saka marahang kinurot ang pisngi ko. Ngumiti na lang ako nang matamis at nag-peace sign sa kanya.

“Boss, pwede ba magkaroon tayo ng englis lesson na ganito tuwing hindi ka busy?” tanong ko.

Hinaplos ni boss ang pisngi ko habang nakatitig sa 'kin. “Of course, baby. Anytime you want.”

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman kong nag-init ang mukha ko. Akala ko sa ‘Ma'am Nathalie’ lang ako kikiligin, pati pala sa baby.

“Boss... Sure ka na ba na like mo 'ko? Tingnan mo naman ako, nag-improve ako nang slight pero ang lala pa rin ng english ko. Parang hindi tayo bagay,” sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko.

“Mukha ba akong may pakialam do'n? Saka pwede naman kitang turuan sa gano'ng bagay. Hindi mahalaga kung magaling ka ro'n o hindi, basta gusto kita. You shouldn't belittle yourself just because of that. Ikaw si Nathalie na maganda, mabait, at nagnakaw ng puso ko,” nakangising sabi n'ya.

Napasinghap ako at hinampas ang dibdib n'ya. “Boss! Ang corny!”

Natawa na lang siya at hinawakan ang kamay ko saka hinila ako palapit sa kanya. Napaismid na lang ako nang paupuin n'ya ako sa kandungan n'ya.

“Hmm, but you should be aware that my teaching lessons aren't for free,” anas n'ya habang nakatitig sa akin.

Wow. Naintindihan ko 'yon ah.

“Ano'ng bayad?” nakakunot-noong tanong ko.

Napatitig siya sa 'kin saka marahang hinawakan ang pisngi ko. Natigilan ako nang ilapit n'ya ang mukha sa akin at marahang inilapat ang mga labi sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya nagawang itulak... ipinikit ko pa nga ang mga mata ko.

Yumakap ako sa batok n'ya nang banayad na gumalaw ang mga labi n'ya. Iniyakap naman n'ya ang isang braso sa baywang ko at humawak naman ang isang kamay n'ya sa batok ko para palalimin ang halik. Lasang toothpaste na may halong sigarilyo ang labi n'ya... ayoko sa sigarilyo pero tila hindi ko alintana 'yon sa mga oras na 'to.

Hindi ko alam kung ano'ng paano ko igagalaw ang mga labi ko dahil wala naman akong karanasan sa ganito.

Bumaba ang kamay ni Ashteroh sa panga ko at marahang ibinaba 'yon para ibuka ang labi ko, pakiramdam ko kusa ng gumalaw ang labi ko ng mga oras na 'yon at sinabayan ang banayad n'yang halik. Napakapit ako nang mahigpit sa damit n'ya nang hilahin n'ya pa ako lalo palapit sa kanya.

Hinihingal ako nang ilayo na n'ya ang labi sa akin. Napalunok na lang ako at marahang idinilat ang mga mata ko saka napatitig sa kanya... pakiramdam ko hinahanap agad ng mga labi ko ang halik n'ya.

Isinubsob ni boss ang mukha sa leeg ko saka mas niyakap ako nang mahigpit. Sana hindi n'ya mahalata ang mabilis na tibok ng puso ko at ang bahagyang panginginig ng katawan ko.

“I'm sorry, baby. I lose my self-control. I won't do it again without your permission,” bulong n'ya.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “O-Okay lang, boss. Masarap naman.”

Halatang natigilan si Ashteroh sa sinabi ko saka natawa. Inalis n'ya ang pagkakasubsob sa leeg ko at tinitigan ang mukha ko. Napadaing na lang ako nang kurutin n'ya ang pisngi ko.

Napangiti siya habang titig na titig sa akin. “I like you so much, Ma'am Nathalie.”

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 37.3K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
242K 13.7K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4M 64K 20
(COMPLETED) Behind his cold and ruthless façade, Dravis Laurent is actually a refreshing type of guy. He's innocent and clueless about emotion and lo...