Against Our Will

By mistymatic

53.9K 3.4K 1.1K

Her name is Faith, but she lost the faith she had after her father died. The trauma of what happened to her f... More

AGAINST OUR WILL
Prologue
Chapter 1: The Surprise Note
Chapter 2: Fool Genius
Chapter 3: The Best Sister
Chapter 4: Fake Sheep
Chapter 5: The Care of a Brother
Chapter 6: Regrets and Blames
Chapter 7: Consequence
Chapter 8: Conceal
Chapter 9: Team Work
Chapter 10: Church Policies
Chapter 11: Cheating
Chapter 12: The Yellow Box
Chapter 13: Revenge of a Sister
Chapter 14: Weird Feeling
Chapter 15: Toxic Person
Chapter 16: Guilt and Shame
Chapter 17: A Good Pastor
Chapter 18: My Identity
Chapter 19: Heart Check
Chapter 20: His Advices
Chapter 21: Unrealistic Expectation
Chapter 22: It's In Your Name
Chapter 23: Someone Better
Chapter 24: Triggered
Chapter 25: Trust
Chapter 26: Pray for Me
Chapter 27: It's About Time
Chapter 28: Don't Hide
Chapter 29: Faith's Transformation
Chapter 30: Unexpected Gift
Chapter 31: Different Kylo
Chapter 32: Little Sister
Chapter 33: Seven Years Gap
Chapter 34: Not Yet the Right Time
Chapter 35: Pastor's Eyes On Us
Chapter 36: The Right Woman
Chapter 37: Heart is Deceitful
Chapter 38: Let Me Die
Chapter 39: Living Testimony
Chapter 40: Against Mine
Epilogue
Reflection & Writer's Note

Chapter 41: True Love Waits (The Last Chapter)

1.4K 90 82
By mistymatic

Habang tumatakbo ang van na sakay namin, hindi ko maiwasang makaramdam ng pananabik habang iniisip ko kung anong mga posibleng mangyayari sa evangelism na gagawin namin sa hacienda na pagmamay-ari ng lolo ni Kuya Storm. Pero sa kabilang banda, nakakalungkot din isipin na hindi na namin makakasama sina Ate Fara at Kuya Storm sa main church dahil doon na sila sa hacienda titira, kaya napagdesisyunan ni Pastor Alvin na i-appoint si Kuya Storm na magpastor doon. At ngayon, patungo kami roon upang simulan ang mission na 'yon bilang suporta sa church planting na gagawin ni Kuya Storm sa lugar.

Tahimik ang buong music team habang nasa biyahe. Nilibot ko ang tingin ko sa kanila - tulog silang lahat halos. Wala akong kausap dahil hindi nakasama si Kylo. Hindi kasi siya pwedeng mag-absent dahil ayaw ng papa niya na may malampasan siya na mga lessons nila. Samatala, ako at ang ibang mga estudyanteng kasama ko na part ng music team ay nag-excuse lang sa klase para makasama sa mission na 'to.

"Hahabol na lang daw si Pastor Neico," dinig kong sabi ni Tito Alvin na nasa passenger seat.

Naramdaman ko ang biglang pagkabog ng puso ko sa kaba.

Kuya Neico...

Napalunok ako nang madama ko na naman ang pagguhit ng sakit sa dibdib ko at hindi ko maipaliwanag na pakiramdam sa bandang puson ko. Hanggang ngayon hindi pa rin pala nawawala...

Napabuntong hininga na lang ako.

Mayamaya lang, nakarating din kami sa hacienda - sa mansion kami pinatuloy. Napakalawak at napakaganda nito bagamat luma na ang disensyo. Ayon kay Kuya Storm, ipinamana ito sa kanya ng lolo niya kaya dito sila titira. Napaka-peaceful ng lugar. Puro puno sa paligid at malamig ang simoy ng hangin kahit na sa tanghaling tapat. Parang ang sarap tumira rito.

Nagpahinga kami saglit bago kami naglibot sa lugar. Maraming magagandang tanawin doon, lalo na ang falls na dinarayo roon Kulay berde ang tubig at napakalamig. Naligo kaming lahat doon.

"Nasa mansion na si Kuya Neico," ani Kuya Daniel habang nakatutok sa cellphone niya. Kausap niya siguro si Kuya Neico.

"Tumuloy na lang siya rito sa falls kamo," ani Kuya Storm.

Sinunod naman iyon ni Daniel. Kalaunan, na-receive niya ang reply ni Kuya Neico. "Medyo pagod daw siya sa biyahe kaya hihintayin na lang daw niya tayo sa mansion. Magkausap din daw kasi sila ni Pastor Alvin," ulat ni Kuya Daniel. Naiwan kasi si Tito Alvin sa mansion.

Ginabi kami sa pag-uwi. At habang nalalapit ang pagdating namin sa mansion, palakas din nang palakas ang tibok ng puso ko sa kaba.

Nang makapasok kami sa mansion, naabutan nga namin si Kuya Neico at Tito Alvin na magkasama sa malawak at magarang living room ng mansion.

"Pastor Neico!"

"Kuyaaa!"

"We missed you, Kuya!"

Sinalubong nila siya. Pero ako, parang naestatwa lang ako dahil nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan sila na nagkakatuwaan dahil sa pagdating ni Kuya Neico. Ito na lang din ang muling pagkakataon na nakasama namin siya sa mission dahil may ibang mission siya na ginagawa sa Tiera.

Nang mapatingin siya sa akin, gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. Sinikap ko na ngumiti pabalik kahit na napakabigat ng dibdib ko.

Nang magtagal, naisipan ko na pumunta sa bandang likuran ng mansion kung saan ay mayroong veranda at natatanaw roon ang isang magarang hardin bagamat medyo madilim. Mabuti at walang tao roon kaya doon ko pinakalma ang sarili ko. Parang na-stress ako sa mga nangyayari. Hirap akong umakto ng normal dahil nasasaktan pa rin ako.

Tumayo lamang ako doon at lumanghap ng sariwang hangin. Mabigat ang bawat paghinga ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Nagulat ako nang biglang may tumawag sa akin mula sa likuran ko...

"Faith."

Pagkalingon ko, nakita ko si Kuya Neico. Naglakad siya palapit sa akin, dahilan para tumambol ang puso ko sa kaba.

Napatitig ako sa kanya at napansin ko ang kaunting pag-mature ng mukha niya, na mas lalong nagpa-g'wapo sa kanya. Naroon pa rin amo at bait ng mukha niya.

"Kumusta ka?" aniya.

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niyang 'yon, gayong ganito ang nararamdaman ko ngayon.

Tumayo siya sa gilid ko at pinatong ang mga siko niya sa binarnisang kahoy na railing ng veranda.

"Hindi na tulad ng dati," tugon ko sa mahinang boses. "Ikaw? Kumusta ka, Kuya?" tanong ko naman sa kanya.

Hindi ko alam kung paano ko nagagawang makipag-usap sa kanya sa mga oras na 'to. Parang gusto ko kasing sumabog. Ganoon ang nararamdaman ko dahil sa dami ng kinikimkim ko.

Tumingin siya sa akin kaya nagsalubong ang mga mata namin. "I missed you..." mahinang sabi niya at naroon ang sinseridad sa mukha niya. Bahagya rin siyang ngumiti.

Feeling ko tumigil sa pag-ikot ang mundo sa pagkakataon na 'yon. Parang mawawalan din ako ng malay sa sobrang pagkabigla. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero nangibabaw ang nakakakiliting pakiramdam sa tiyan ko...

"Ang bilis ng panahon... Ang laki mo na," aniya at mas lalong lumawak ang ngiti niya.

Natauhan din ako nang mapagtanto ko na hindi tulad ng inaakala ko nag pagka-miss niya sa akin.

Mapait na ngumiti lang ako at tinuon ang paningin ko sa mga bulaklak na nasa hardin.

"Pastor Alvin told me that you are a youth leader now and you've changed a lot. And I can see it now... I'm very happy for you, Faith. God is so good..."

"At gusto kong magpasalamat sa lahat ng efforts na binigay mo sa akin dati, Kuya, lalo na sa prayers. Hindi nasayang ang lahat ng 'yon. Kumilos ang Diyos sa buhay ko at naranasan ko ang habag at biyaya Niya... Sa panahon na ayaw ko na, pagod na pagod na akong mabuhay at gusto ko na lang na mamatay, isinalba pa rin ako ng Diyos sa kabila ng mga panunumbat ko sa Kanya - niloob pa rin Niya na mabuhay ako..."

Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang pagiging emotional niya habang pinakikinggan ang patotoo ko. Lumunok siya at sinabi, "That's amazing..." aniya at pilit na ngumiti bagamat namamasa ang mga mata niya. "Iba pa rin pala sa pakiramdam kapag sa 'yo ko mismo narinig kung paano mo naranasan ang Diyos ang buhay mo," aniya at huminga nang malalim. "God is so good..."

Hindi ako nagsalita kaya natahimik kami sa loob ng ilang saglit.

"I still remember the days that all I saw in your eyes were anger, rebellion, bitterness and hopelessness... But they are all gone now," aniya at talagang tinitigan ako, "I see the glory of God in your face now... I can't believe that a rebel girl can turn into a woman of God. Well, that's God's tremendous work."

Bahagya lang akong ngumiti. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang lungkot-lungkot ko kahit na normal lang ang pag-uusap namin ni Kuya Neico at mukhang masaya siya habang kausap ako.

"I know you have a lot of things to tell. You can tell me now," aniya.

Dahil doon, naisipan ko na lang na ilabas ang nararamdaman ko sa kanya tulad ng ginagawa ko noon. "Sa totoo lang, hindi ako okay ngayon... emotionally," sabi ko. Naramdaman ko ang pag-init muli ng mga mata ko.

"Why?" tanong niya.

"Noon bang nalaman mo na hindi will ng Lord si Ate Erich para sa 'yo, paano ka naka-move on? Mahal mo siya 'diba?" Alam kong awkward na tanungin ko ito sa kanya, pero alam kong matutulungan niya ako sa bagay na 'to kasi naranasan niya.

"Pagdating naman kasi sa romantic love, it's our choice to love a specific person, but it should be based on the conviction of God. I think nawala yung romantic love ko sa kanya dahil hindi siya ang babae na kalooban ng Panginoon sa akin. Besides, she's already married to someone else. Kung mamahalin ko pa rin siya romantically sa lagay na 'yon, it's already a deception. Heart is deceitful, kaya kung susundin ko ang puso ko, it will just lead me to sin. At kapag sa isang pag-ibig, may involved na kasalanan, it is no longer love, because love is pure. Kapag kalooban ng Diyos ang isang taong minamahal mo, 'yung iiral na pagmamahal sa 'yo ay ang pag-ibig ni Cristo. It's on the right direction. It's not like a love that this world illustrates, which is the love that they think "it conquers all" even if it's against the will of God. That's not how love works. Love is pure. Hindi mo kailangan sumugal at isanla ang kaluluwa mo sa diyablo para lang makamtan ito. Love will automatically flow in you when you live in the will of God. Besides, a spouse is a gift of God. And we shouldn't steal someone's gift by forcing it to be ours. Let go and wait for God to give you the gift that is for you," malumanay na paliwanag niya.

As always, he amazed me. Ito ang kagandahan kapag sa isang lingkod ng Diyos ka nagtanong tungkol sa pag-ibig. They will lead you to the will of God.

"Nahanap mo na ba ang para sa 'yo, Kuya?" lakas-loob na tanong ko. Doon tumabol muli ang puso ko sa kaba.

"Yes," aniya at ngumiti.

Parang piniga naman ang puso ko, dahilan para mag-init muli ang mga mata ko. Sinikap ko na itago ang emosyon ko pero hindi ko alam kung nagawa ko ba talaga. Titig na titig pa naman siya sa akin, tila pinagmamasdan niya ako. Alam kong kita niya ngayon ang pamamasa ng mga mata ko.

I should let go and wait God to give who is for me...

Nakakinis lang dahil hirap akong kontrolin ng emosyon ko. Gusto kong maging kalmado pero unti-unting lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko.

Mahirap talagang magpigil ng luha kapag sobrang nasasaktan ka. Parang dumoble kasi iyon, lalo na nang nakumpirma ko na ang "I missed you" niya ay bunga lamang ng hindi namin pagkikita sa loob ng mahabang panahon. Maraming paraan para hindi niya ako mamiss. Pwede naman niya akong i-chat o i-text, pero hindi niya ginawa, kasi wala lang naman talaga ako sa kanya. Parang tupa ako na pinasa niya sa ibang pastol para alagaan ako.

"K-kailan ka ikakasal, Kuya?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa tanong ko at natawa siya.

"I don't even have a girlfriend yet," nakangiting sabi niya.

"Akala ko ba nahanap mo na siya?" kunot-noong sabi ko at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"I'm still waiting for the right time," aniya at ngumiti.

"Kailan ba ang right time?"

"When she's finally ready."

Tumango na lang ako at malungkot na muling binaling ang tingin sa mga bulaklak. "Ang palad ng babaeng mapapangasawa mo, Kuya," mahinang sabi ko nang hindi siya binabalingan ng tingin.

"Really?" aniya.

Tumango ako.

Bumuntong-hininga siya. "But honestly, I'm afraid that I might be wrong again," aniya. "Noon kasi sigurado na ako kay Erich, pero hindi pa rin pala siya ang kalooban ng Diyos. This time, mas matagal na panahon kong pinanalangin at hinintay ang taong ito, pero hindi ko alam kung siya na ba talaga. As a man, I can be sure of a woman, but as a pastor, I have to pursue the woman that God wants for me. Sometimes, my will is not God's will."

Nakakagulat malaman na parehas kami ng naging takbo ng isip.

"Actually, iniisip ko rin 'yan... Pero paano nga ba tayo makakasiguro na kalooban na ng Panginoon ang taong gusto at minamahal natin?" sabi ko naman.

"Do you like someone, Faith?" biglang tanong niya.

Natahimik ako sa loob ng ilang segundo bago tumango. Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang seryosong aura ng mukha niya.

"I see," aniya, "Why do you think he is not the will of God for you?" tanong niya pa.

"K-kasi hindi naman kami bagay sa isa't isa... He deserves someone better," tugon ko. Namasa muli ang mga mata ko. "Pero mahirap din pala talagang i-let go 'yung feelings na matagal na panahon mong kinimkim. Ngayong Christian na ako, I want to be obedient to God. That's why I'm hoping that I can finally let go of my feelings."

Sunod-sunod na nagsitulo ang mga luha sa pisngi ko pero hinayaan ko na lang.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pag-uusap namin. Ayaw ko na sana pang umiyak sa harapan niya. Noong panahon na wasak ang buhay ko, palagi na lang iyak at sama ng loob ang pinapakita ko sa kanya. Hanggang ngayon ba naman?

"Hindi naman siguro babae 'yan, no?" biglang tanong niya na may halong biro.

Nagulat naman ako. "H-hindi, a. Babae na ako," sabi ko sa kalagitnaan ng pagluha ko.

Napangiti lang siya at sinabi, "Naninigurado lang."

Saglit na nanahimik kaming dalawa. Ngunit kalaunan, nagsalita siya, "You're still young, Faith. Do not invest your feelings to someone you're not sure of. Prioritize first what you have to prioritize while you're still on the process of growing. You have yet a lot of dreams to pursue and a lot of missions to accomplish as a servant of God," payo niya.

Di ko na napigilan ang mahinang paghikbi ko dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

"May panahon para sa lahat ng bagay. There is a right time to awaken love. You don't need to be pressured in pursuing romantic love. It will come in God's perfect time even you didn't plan for it. The Lord will give you a man when He knows that you are completely ready. When a man comes on your way while you're not yet ready, it's a distraction... God is not cruel to do that. God's will and time are always perfect. Therefore, do not let your heart deceive you. Do not listen to it. Listen to the voice of God. Follow His will, not your heart - it is deceitful. Do not awaken love until it desires so or the time is right," paliwanag pa niya.

Tama siya... Hindi pa naman kasi nakapanahon para maranasan ko ang ganito pero naranasan ko dahil nagpadala ako sa emotions ko. Naranasan kong mabigo sa pag-ibig kahit na hindi pa naman dapat - kung nagfocus lang ako sa Panginoon at sa mga bagay na dapat kong gawin at tapusin.

"Kaya, noong kabataan ko, sinikap ko na huwag munang manligaw habang nag-aaral pa ako kasi alam kong hindi pa panahon. I started to involved myself in a romantic relationship when I was finally stable spiritually, physically, mentally, emotionally and financially. Kung hindi pa ako ready spiritually, I will fail to align my relationship with my woman to the will of God - baka mapalayo pa ako sa Panginoon dahil hindi pa ako matatag sa pananampalataya. Kung hindi naman ako sa stable physically - it is related to our age or how old we are - I will fail to protect the family that I will build with my woman because I am not yet a man. A boy is not qualified for a romantic relationship. That means, kapag bata ka pa, you shouldn't involve yourself in this. It's not for you. Be a man first. Kung hindi naman ako stable emotionally and mentally, I might just build a toxic relationship because of my immaturity and instability in decision making. At kung hindi naman ako stable financially, my woman and our future children might just suffer in poverty because I am not able to provide what they need...

Love is not something that you will fall into. Falling in love is a false understanding about love. Love is a decision and a commitment - like how Christ loves us. It means it has a direction and goal. Diyos ng kaayusan ang sinasamba natin, kaya dapat maging maingat tayo sa bagay na ito at magreflect sa atin ang kaayusan na 'yon, especially pagdating sa pagpasok sa isang bagay. Wait for God's will and God's perfect time. Wait for God's go signal, and that is when you are finally ready spiritually, physically, emotionally, mentally and financially. This is a wisdom from the Lord that we need to follow if we don't want to perish...

Sa sitwasyon ko ngayon, though I am ready for this, my woman is not yet ready for this. And as a man, I shouldn't be selfish and force a woman to build a relationship with me even though she's not yet ready. Love shouldn't be like that. Love is patient and not self-seeking. So, if she's not yet ready, I must wait."

Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit doon sa babaeng gusto ni Kuya Neico. Bihira na lang ang ganitong lalaki kay Kuya Neico.

"Salamat po sa mga advices," sabi ko at muling pinunasan ang mga luha ko.

Actually, na-miss ko ang ganitong pag-uusap namin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi nawawala ang bigat ng dibdib ko, at 'yon ang dahilan kung bakit hindi ako matigil sa pagluha. Napaisip tuloy ako kung hindi ba naweweirduhan si Kuya Neico sa inaakto ko. Pinagmamasdan pa naman niya ako at may bahid ng pag-aalala sa mukha niya. Nahiya ako dahil doon.

"Kuya, pasensya na..." paumanhin ko. "Naiyak lang ako kasi ang tagal nating hindi nagkita. Pero masaya ako ngayon dahil nagkita ulit tayo." Pinilit ko na pasiglahin ang boses ko. Ayaw ko talaga na mag-alala pa siya sa akin. Sapat na ang lahat ng sakripisyo niya sa akin noong panahon na patapon ang buhay ko.

Seryosong nakatingin lang siya sa akin at hindi kumibo.

"Papasok na po ako sa loob," paalam ko at nilampasan siya.

"Faith," tawag niya sa akin, dahilan para mapatigil ako sa paglakad. "May tampo ka ba sa akin?" tanong niya.

Nilingon ko siya at sinagot ang tanong niya, "Hindi ko alam kung may dapat po ba akong ikatampo."

"Our connection with one another has been cutt off."

"Maituturing ko po ba na pagtatambo ang sobrang pag-iisip ko kung bakit hindi na kita muling nakausap simula noong umalis ka sa bahay ni Tito Alvin?"

"I'm sorry, but it's not what you think it is..." aniya. "Hindi naging madali para sa akin ang naging desisyon ko na putulin ang communication ko sa 'yo. When Pastor Alvin told me that you are finally okay, pinanatag ko na ang loob ko. I want you to grow in the love of God. I want you to enjoy your relationship with God without distraction, so I didn't disturb you. And I just chose to enjoy my relationship with God as well. Nagpakabusy ako sa ministry at nag-focus ako sa mission na pinagagawa sa akin ng Panginoon..."

Hindi ko makuha ang punto niya kung bakit kailangan niya pang ipaliwanag ang bagay na 'yon. Ano man ang rason niya, hindi pa rin magbabago ang katotohanan na pinabayaan niya na ako. Nawala siya sa tabi ko. Nawalan ako ng Kuya Neico na magsasabi sa akin ng "Naiintindihan kita." at "Okay ka lang?" Nawala siya. 'Yun lang 'yon.

Nagtatampo ba ako? Siguro...

"Opo, naiintihan ko naman po na may iba pa kayong priorities at obligasyon. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan mong ibuhos ang panahon mo sa akin--"

"It's not like that," aniya na mayroong pagkadismaya sa mukha niya. "Kaya kitang pagbuhusan ng panahon kung gugustuhin ko."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya.

"B-bakit hindi mo ginawa?" tanong ko.

Lumamlam ang mga mata niya at sinabi, "Hindi pa panahon... May ministry pa ako na dapat alagaan at palaguin. Itong bagay na ito muna ang dapat kong paglaanan ng panahon at oras dahil dito ako tinawag at tinalaga ng Panginoon."

Muling nag-init ang mga mata ko dahil naguguluhan ako sa pinupunto niya. Pero nakaramdam ako ng guilt dahil parang naging hadlang pala sa ako sa mission niya. "Sorry, Kuya. P-pasensya na talaga. Alam ko naman na mahirap magpastor. Kaya pasensya na kung minasama ko 'yung pagiging busy mo sa ministry..." naiiyak na sabi ko.

Hindi ko alam kung anong nasabi kong mali at napahilamos siya ng mukha, tila na-stress siya sa sinabi ko.

Napabuntong-hininga siya. "It's not like that, Faith," sabi na naman niya. May paghihirap sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit. "Yes, I have to admit that I intended to stay away from you... but it's for your own good. Hindi ko ginawa 'yan dahil sa hindi kita priority. You matter to me... But I thought staying away from you would help you see Christ more. You know what happened to you. Alam kong aware ka roon. You became so dependent on me instead of being dependent on God. So I stayed away. Kahit na namimiss kita, tiniis ko..."

Muli na namang tumulo ang mga luha sa pisngi ko nang mapagbulay-bulayan ko ang mga sinabi niya. At aaminin ko na tama ang naging desisyon niya, dahil noong mga panahon na wala na siya sa tabi ko, doon ko mas na-appreciate ang presensya ng Diyos. Mas nanabik ako sa Diyos kaysa sa kanya dahil tuluyan na siyang nawala sa tabi ko at naputol na ang connection namin sa isa't isa.

"Thank you..." himihikbi na sabi ko. "Thank you, Kuya Neico..."

Hindi ko talaga alam kung paano siya pasasalamatan sa lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa akin.

Hindi siya tumugon... Nanatili siyang nakatitig sa akin, ngunit tila may gusto siyang sabihin sa akin.

Napatigil kami nang may dumating.

"Faith, Pastor Neico, nandito pala kayo." Si Kuya Storm iyon. Napako ang tingin niya sa akin nang mapansin niya na umiiyak ako. "Sorry, naantala ko 'ata ang pag-uusap ninyo. Take your time, guys," aniya at iniwan kami.

Nilingon ko naman si Kuya Neico, "Babalik na ako sa kwarto, Kuya. Good night," sabi ko sa kanya at naglakad na palayo. Gusto ko na lang iiyak sa Panginoon ang lahat ng alalahanin ko at itong emotional pain na nararamdaman ko.

Narinig kong tinawag niya ulit ako.

"Faith..."

Bumagal ang paglakad ko at muli siyang nilingon.

"I'll wait for you," aniya.

Napaawang labi ko dahil sa gulat.

"Yes, you're the woman that I was talking about. I know it is unbelievable and complicated since there's a seven-year gap between us, but I've been praying for you. I hope this confession will not be a distraction to you. Don't worry, I won't bother you. I'll wait for you..."

Hindi ko alam kung bakit parang napipi ako. Hindi ko magawang magsalita sa sobrang gulat at pagkabigla. Parang gusto kong sampalin ang sarili ko para makumpirma kung hindi ba ako nananaginip.

"Good night, Faith," aniya at ngumiti.

Naglakad siya palapit sa akin ngunit nilampasan lang din ako dahil papasok din siya sa loob ng mansion. Pinagmasdan ko lang siya... Pero mayamaya lang, tumigil siya sa paglalakad at sinabi, "And please, stop calling me 'kuya'. Pastor is better, though. But if you can be comfortable with Neico, I'd love to hear that from you." Pagkatapos, nagpatuloy siya sa paglakad, hanggang sa nawala na siya nang tuluyan sa paningin ko.

Naiwan akong tulala at parang tinuklaw ng ahas. Kalaunan, tinampal ko ang pisngi ko. Naramdaman ko ang sakit.

"Hindi ka nananaginip, Faith..."

"Lord, totoo po bang si Kuya Neico 'yung nakausap ko?"

"Baka naman guni-guni ko lang..."

"Faith, kumalma ka..."

Parang baliw ako dahil nagsasalita ako mag-isa. Sana walang makarinig sa akin, baka pagkamalan akong baliw.

Pero...

Si Kuya Neico? 'Yong long time crush ko? Gusto rin ako? 

Gusto kong tumili pero mabilis na tinungo ko na lang ang guess room na pinagamit sa akin ni Kuya Storm. Lumundag ako sa kama at binaon ang mukha ko sa unan habang kilig na kilig.

Humiga ako nang diretso at tinampal ulit ang mukha ko. Naramdaman ko na naman ang sakit. Hayy! Para akong ewan... Tama na nga.

Hindi talaga panaginip. Totoo ang nagyari kanina...

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na umiiyak. Hindi ko alam kung normal ba itong reaction ko para sa isang babaeng na-like back ng crush niya. Pero hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdam ko.

"Lord, if it's Your will, thank You..."

Continue Reading

You'll Also Like

518K 4.5K 130
This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible vers...
2.3K 80 12
Baguio Series #6 [on indefinite hiatus] Aira Karen Romualdo hated her life for having a very strict family, so when her brother, Giovanni, has alread...
23.6K 865 88
✨ Part of WattpadFilipino's "quick reads to satisfy your cravings" reading list - Michelle Zanea Cortez is a first year college student, studying Mar...
1M 30.6K 38
"Kadiri kahit kelan!!" I whispered while looking at the two girls making out at the hallway of this bar. And heller! This is a high class bar na nag...