Against Our Will

By mistymatic

51.9K 3.4K 1.1K

Her name is Faith, but she lost the faith she had after her father died. The trauma of what happened to her f... More

AGAINST OUR WILL
Prologue
Chapter 1: The Surprise Note
Chapter 2: Fool Genius
Chapter 3: The Best Sister
Chapter 4: Fake Sheep
Chapter 5: The Care of a Brother
Chapter 6: Regrets and Blames
Chapter 7: Consequence
Chapter 8: Conceal
Chapter 9: Team Work
Chapter 10: Church Policies
Chapter 11: Cheating
Chapter 12: The Yellow Box
Chapter 13: Revenge of a Sister
Chapter 14: Weird Feeling
Chapter 15: Toxic Person
Chapter 16: Guilt and Shame
Chapter 17: A Good Pastor
Chapter 18: My Identity
Chapter 19: Heart Check
Chapter 20: His Advices
Chapter 21: Unrealistic Expectation
Chapter 22: It's In Your Name
Chapter 23: Someone Better
Chapter 24: Triggered
Chapter 25: Trust
Chapter 26: Pray for Me
Chapter 27: It's About Time
Chapter 28: Don't Hide
Chapter 29: Faith's Transformation
Chapter 30: Unexpected Gift
Chapter 31: Different Kylo
Chapter 32: Little Sister
Chapter 33: Seven Years Gap
Chapter 34: Not Yet the Right Time
Chapter 35: Pastor's Eyes On Us
Chapter 36: The Right Woman
Chapter 38: Let Me Die
Chapter 39: Living Testimony
Chapter 40: Against Mine
Chapter 41: True Love Waits (The Last Chapter)
Epilogue
Reflection & Writer's Note

Chapter 37: Heart is Deceitful

799 69 9
By mistymatic

Christy left the room to get the first aid kit. Mayamaya lang, bumalik din siya na dala-dala iyon.

"Halika, linisin natin ang sugat mo," aniya kay Faith na umiiyak pa rin hanggang ngayon. We didn't know the exact reason.

Christy and I both knew that Faith wasn't a crybaby, so we were really confused why she was crying like this. Actually, ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak nang ganito. She was even hiccuping.

She just let Christy clean her wounds.

Gusto ko sana siyang kausapin dahil bukas na ang alis ko, pero hindi ako makakuha ng pagkakataon dahil hindi niya ako tinatapunan ng tingin. She seemed ignoring me.

Nang matapos si Christy sa paglilinis ng sugat niya, lumabas ito ng kwarto para ibalik ang first aid kit at itapon ang mga ginamit na bulak at mga band aids.

Faith wasn't looking at my direction, so I made a way to get her attention. Pum'westo ako sa direction kung saan siya nakatingin, dahilan para mapatingin siya sa akin. Kita ko ang mukha niya na basa ng luha.

"Faith, can we talk?" I told her.

Napatitig siya sa akin saglit bago nag-iwas ng tingin.

"I don't know what is your problem. But if you don't want to open it up to me, I understand. However, I hope you'll be okay before I leave. Hindi ako makakaaalis na payapa ang kalooban ko kung ganito ang kalagayan mo," may pakikiusap na sabi ko sa kanya.

She didn't respond.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa kaliwang kamay niya. Nabigla siya nang abutin ko iyon para tingnan ang pulso niya. Pero ako naman ang ang nabigla at natigilan nang makita ko roon ang tatlong guhit ng laslas.

Parang may gumuhit na sakit sa dibdib ko dahil sa nakita ko. I gulped when different emotions started to fill my system.

Nilipat ko ang tingin ko kay Faith, muling nagsitulo ang mga luha sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"Sorry..." mahinang sambit niya.

Binitawan ko ang kamay niya at nag-iwas ng tingin. Masakit para sa akin ang ginawa niya. Bukod sa ayaw ko na sinasaktan niya ang sarili niya, hindi niya sinunod ang bilin ko sa kanya na huwag niya nang dagdagan ang mga bakas ng laslas niya.

"Sobrang lungkot ko kasi... Namamanhid ako.... Ayaw ko ng gano'n... Ayaw na ayaw ko..." umiiyak na paliwanag niya.

Malungkot na tinapunan ko siya ng tingin at sinabi, "Naintindihan kita..." Nag-iinit at namamasa ng ng mata ko pero sinikap ko na kontrolin ang emosyon ko.

I truly understood her... but I couldn't take it anymore.

Tumayo ako kaya napaangat siya ng tingin sa akin.

"I'll be right back," I said.

Tumalikod ako sa kanya at naglakad palabas ng kwarto. Naabutan ko si Christy sa labas, tila hinihintay niya na matapos ang pag-uusap namin ni Faith sa loob.

"Pwede ba tayong mag-usap saglit?" sabi ko sa kanya.

Pumayag naman siya, kaya umupo kami sa sofa ng living room.

"May gusto lang sana akong i-open tungkol kay Faith," paninimula ko.

She nodded her head.

"You are aware that Faith and I have become close to each other when I started staying here, right?"

"Yes," tugon niya.

"And I grabbed the opportunity to counsel her..." Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita, "I know you understand my heart as a pastor. Every soul matters to me. Every youth matters to me. And Faith is one of them..."

Christy nodded her head and I could see in her eyes that she really understood me.

"Si Faith, she is not just a quiet and a rebel girl. She's more than that..." I said in a low voice while looking at into her eyes because I wanted her to know that I was so serious about what we were talking about. "There's no romantic relationship between us but I love her and I care for her so much... And I'm afraid that one day, we'll see her lifeless in that room." Nilipat ko ang tingin ko sa pintuan ng kwarto nila.

Nakita ko na nabahala siya nang dahil sa sinabi ko.

"Hindi ko alam kung aware ka sa kalagayan ni Faith, but she is suicidal. She cuts her wrist. She hurts herself physically when anxiety attacks her. So, hindi imposible na sumunod siya sa yapak ng kaibigan niya na nagpakamatay kamakailan lang," I said in a serious tone. "Sa nakikita ko kay Faith, she bore the Christian principles, kaya naroon pa rin ang takot sa kanya na gawin ang bagay na 'yon. Pero ang tanong: hanggang kailan niya matitiis 'yon? Christians are not exempted from this. You know that..."

Tumango siya habang naroon ang pag-aalala sa mukha niya.

"Aalis na ako bukas. I can't monitor Faith anymore. So, please, take care of her at ikaw na ang gumabay sa kanya kapag wala na ako rito," bilin ko.

"P-pero bakit hindi siya nag-oopen sa akin? Bakit sa 'yo niya sinabi?" naguguluhang tanong niya.

Naalala ko ang sinabi niya sa akin noon: "Kahit naman sabihin ko, walang magbabago..."

"I think it's because of her personality. She doesn't like expressing what she feels. Pero dahil siguro hindi ko siya masyadong kilala, nagawa niyang maging open sa akin since she also knew that I am a youth pastor. Sometimes, it's really hard to be open to a family member, so I understand her on that part. Baka nahihiya siya."

Christ just nodded her head with sadness on her face.

"Based on what character Faith has, I advise you not to confront her about this yet. All you have to do for now is to be on her side and show her that you understand what she feels. That's what she needs. She needs someone to talk with, someone who will listen to her and will care for what she feels."

Huminga siya nang malalim at tumatango. "Okay. Salamat sa pag-inform, Pastor Neico." aniya. "Ano bang oras ang alis mo bukas?"

"Maybe after ng klase ko, diretso ako sa Tiera," I said, referring to the place where I would be residing.

"Alam na ba ni Faith?"

I nodded my head. "I hope she will still keep trying to turn back to God kahit hindi na ako ang gumagabay sa kanya."

"I'll just takeover of her."

"Thank you."

***

Nag-volunteer si Pastor Alvin na ihahatid niya ako sa Tiera para hindi ako mahirapan sa paghahakot ng gamit. Mahihirapan kasi ako kung sa motorbike ko lang iyon isasakay. Therefore, I left my baggages on the bed so that when Pastor Alvin comes, we will just move it into the car.

I already wore my teacher uniform and now ready to go to school, but Faith is still not coming out of their room, so I knocked on their door.

Bumukas ang pintuan at si Christy ang bumungad sa akin. "Hindi raw siya papasok," aniya, dahilan para mapakunot-noo ako.

"Bakit?"

"Hindi raw maganda pakiramdam niya, e."

Sinilip ko si Faith sa loob ng kwarto nila, nakahiga lang siya sa kama. Nabahala ulit ako sa kalagayan niya. Gusto ko mang kausapin siya, baka ma-late ako.

Sumilip ako sa wrist watch ko. Malapit nang mag-alasyete.

"Okay, I'll go ahead," sabi ko at tinungo ang maindoor para umalis na.

Sa kalagitnaan ng klase ko, iniisip-isip ko si Faith. I was being stressed out, actually. Parang hindi ko kayang umalis na ganoon ang kalagayan niya. Pero may mission ako na dapat nang umpisahan. Doon ako dinadala ng Panginoon and I had to obey.

Nang matapos ang klase ko, diretso-uwi ako sa bahay. Naabutan ko si Christy na nagluluto ng ulam sa kusina.

"Kumusta si Faith?" tanong ko.

Tila nabigla naman siya dahil sa biglang pagsulpot ko. "Ay, buti nandito ka pa, Pastor?" nagtatakang sabi niya. "Okay naman na si Faith, pero nakakulong pa rin sa kwarto."

"Iniwan ko ang mga gamit ko dito. Kukunin ko lang sana... Can I talk to Faith before I leave?" paghingi ko ng permiso.

"Sige lang po, Pastor," aniya.

Binitawan ko ang bag ko sa sofa ng living room at dumiretso sa kwarto nina Faith. Mabango ang amoy ng paligid doon. It smelled like lotion. Nakita ko si Faith na nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard nito. Halata ang pagkabigla sa mukha niya nang makita niya ako. Napansin ko na medyo basa pa ang buhok niya, mukhang kaliligo lang niya kani-kanina lang.

"Faith..." I called her as I walked closer to the bed.

Napatitig lang siya sa akin. Kita ko ang pamumula ng ilong niya at bahagyang pamamaga ng mga mata niya dahil sa pag-iyak.

Umupo ako sa dulo ng kama at pinagmasdan siya.

"Aalis na ako," banayad na sabi ko.

Bahagyang kumunot ang mga kilay niya at napakurap pero wala siyang sinabi.

"Okay ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya nag-react. Nakatitig lang siya sa akin. Kaya, napabuntong-hininga na lang ako.

"Take care of yourself, Faith. I'll be praying for you... always," marahan muli na sabi ko.

Nakita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya, hanggang sa sunod-sunod na dumausdos ang mga luha sa mga pisngi niya.

"I'm hoping that when we see each other again, you finally have bright smiles on your face and you are finally healed inside... Only God can make that happen. Keep your faith," I sincerely said and then slightly smiled at her.

"K-uya Neico..." she finally talked in whisper. "Thank you," she said as she she started sobbing.

I gulped when I felt a lump in my throat. I even felt my eyes suddenly became warm.

"To God be the glory, Faith," tugon ko.

Namuo ang kahimikan sa aming dalawa.

Hindi na siya muling nagsalita kaya tumayo na ako at tinungo ang pintuan, pero bago ko pa man mabuksan iyon, tinawag niya muli ako...

"Kuya Neico... Ingat ka," aniya habang patuloy pa rin sa pagluha.

Ngumiti at tumango ako. "Salamat."

Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at saktong narinig ko ang pagdating ng kotse ni Pastor Alvin.

Kinuha ko ang mga bagahe ko sa kwarto namin ni Pastor Alvin at nilipat sa kotse. Bahagyang nagpahinga si Pastor Alvin bago namin napagdesisyunan na magbiyahe na.

Ala-syete na ng gabi nang makarating kami ng Tiera. Lupain ni Pastor Ed ang tutuluyan ko roon. Binigay na niya ito sa EOC Church upang gawing church sa lugar na ito. Napakalawak niyon, kaya roon kami nagkukrusada noon.

Nang makarating kami roon, madilim ang bahay ni Pastor Ed na inabandona na niya dahil sa South Korea na sila nakatira. Malaki ang gate nito, at sa pagpasok mo, bubungad sa 'yo ang napakalawak na space lot nito. Hindi ko alam kung ilang hektarya iyon. At sa gilid ay nakatayo ang maliit na bahay ni Pastor Ed. And I would stay and live there.


Sinusian ni Pastor Alvin ang gate at ang bahay. Pinasok ko naman ang lahat ng bagahe ko sa loob ng bahay.

Mayamaya lang, dumating ang mag-asawang si Bother Lito at Sister Maria. Sila ang contact persons namin dito sa lugar na ito. Nakakilala sila sa Panginoon nang magkrusada kami rito, at sila ngayon ang makakasama ko sa pagtayo ng church dito.

We gathered in the living room of the house. May mga gamit pa naman doon tulad ng mga lumang sofa, lamesita at divider.


"Kayo na po ang bahala kay Pastor Neico. Pinagkakatiwala ko po siya sa inyo," ani Pastor Alvin sa kanya.

"Walang pong problema, Pastor."

Matapos ang mahabang pag-uusap, umalis din ang mga bisita namin.

"Anak, gusto mo bang mag-full time sa ministry?" tanong sa akin ni Pastor Alvin habang tinutulungan niya ako na ayusin at linisin ang kwarto dahil medyo magulo. "Di mo kailangan isipin kung ano ang panggagastos mo sa araw-araw. Susustentuhan ka ng church."

"Kung maaari po, gusto ko po talaga mag-full time para makapagfocus ako sa church planting na gagawin ko."

"Then mag-full-time ka, anak."

Tumango ako. "Tatapusin ko na lang po muna ang klase ko. Next week na rin naman po ang end of classes."

Nag-stay si Pastor Alvin sa bahay at umalis siya kinaumagahan kasama ko dahil sumabay na ako para sa pagpasok ko sa eskwelahan. Hindi ko nadala ang motorbike ko dahil ang kotse ni Pastor Alvin ang dala namin sa pagpunta sa Tiera. Kaya, dadaanan ko ito mamayang pag-uwi ko.

Iniwan ni Pastor Alvin sa akin ang susi ng gate at bahay at binilin na sa akin ang lugar.

Hindi ko nakasalubong ni nakita si Faith sa school. But I hoped she attended her classes today. Inaalala ko kasi na baka hindi siya ipasa ng mga teachers niya dahil sa dami ng absences niya.

Dumiretso ako sa bahay ni Pastor Alvin. Hindi ko rin naabutan si Faith doon dahil hindi pa pala ito umuuwi, kaya umalis din ako kaagad sakay ng motorbike ko. Umuwi ako sa Tiera.

Bagsak kaagad ako sa kama nang makauwi ako. Di naman masyado matagal ang biyahe dahil mabilis lang kapag motorbike ang gamit, pero nakaramdam ako ng pagod dahil kagagaling ko lang din sa pagtuturo bago ako nagbiyahe pauwi rito.

I was just staring at the wooden ceiling for a few minutes. And all of a sudden, nag-flash sa isip ko ang mukha ni Faith. Nakakapanibago na hindi ko siya nakakausap nang ganitong oras. Wala akong Faith na palaging tinitingnan at ginagabayan.

Why do I feel like I miss her?

Pero yung pagka-miss na nararamdaman ko, it felt different. Parang kinabahan ako bigla dahil bumilis ang tibok ng puso ko. This feeling was bothering.

That's crazy, Neico. Bakit ka naman magkakagusto sa bata? I mocked myself in my mind. Napangisi ako dahil doon.

Heart is deceitful. Yes, it is...

I shouldn't awake these feelings. I needed to wait for God's perfect time.

Continue Reading

You'll Also Like

9.2M 242K 51
[COMPLETED] Book 2 of Destined with the Bad Boy. Book 2 is available in book stores nationwide, Shopee, and Lazada!
243K 1.8K 5
Para sa mga taong torpe at sa mga taong hindi marunong dumiskarte. Idaan na yan sa banat! :D
14.1K 489 26
Hindi inaasahang nakapasa sa Entrance Exam si Yasmin sa isa sa mga prehisteryosong eskwelahan ng bansa, ang Figuerra High University o tinatawag na F...
253 107 28
Mariana Cruze is the brave and smart woman, who loves her family. And met Genesis Alvarez, the nonchalant and famous person in their campus. She disc...