Against Our Will

Oleh mistymatic

51.9K 3.4K 1.1K

Her name is Faith, but she lost the faith she had after her father died. The trauma of what happened to her f... Lebih Banyak

AGAINST OUR WILL
Prologue
Chapter 1: The Surprise Note
Chapter 2: Fool Genius
Chapter 3: The Best Sister
Chapter 4: Fake Sheep
Chapter 5: The Care of a Brother
Chapter 6: Regrets and Blames
Chapter 7: Consequence
Chapter 8: Conceal
Chapter 9: Team Work
Chapter 10: Church Policies
Chapter 11: Cheating
Chapter 12: The Yellow Box
Chapter 13: Revenge of a Sister
Chapter 14: Weird Feeling
Chapter 15: Toxic Person
Chapter 16: Guilt and Shame
Chapter 17: A Good Pastor
Chapter 18: My Identity
Chapter 19: Heart Check
Chapter 20: His Advices
Chapter 21: Unrealistic Expectation
Chapter 22: It's In Your Name
Chapter 23: Someone Better
Chapter 24: Triggered
Chapter 25: Trust
Chapter 26: Pray for Me
Chapter 27: It's About Time
Chapter 28: Don't Hide
Chapter 29: Faith's Transformation
Chapter 30: Unexpected Gift
Chapter 31: Different Kylo
Chapter 33: Seven Years Gap
Chapter 34: Not Yet the Right Time
Chapter 35: Pastor's Eyes On Us
Chapter 36: The Right Woman
Chapter 37: Heart is Deceitful
Chapter 38: Let Me Die
Chapter 39: Living Testimony
Chapter 40: Against Mine
Chapter 41: True Love Waits (The Last Chapter)
Epilogue
Reflection & Writer's Note

Chapter 32: Little Sister

794 55 20
Oleh mistymatic

Tulala lang ako sa madilim na kwarto namin ni Ate Christy habang nakahiga ako nang patagilid at nakatalikod kay Ate Christy. Nag-ooverthink ako dahil sa nangyari kanina sa bahay nila Kylo. Kaya, naninikip pa rin ng dibdib ko dahil sa anxiety. Ang laki talaga ng trauma na dinulot sa akin ni Damon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap na nangyari 'yon.

Huminga ako nang malalim at kinuha ang cellphone ko sa bedside table na kaharap ko lang.

Binuksan ko ang Messenger ko para tingnan kung may na-receive ako na mga new messages. Pero wala akong nakita na private message kun'di puro sa group chats lang.

Napatigil ako bigla nang makita ko ang picture ni Kuya Neico, kung saan makikita ang mga naka-online o may green na bilog sa gilid ng picture.

Ba't kaya online pa siya?

Mga alas-dose na rin ng gabi. Nakaka-curious kung anong pinagpupuyatan ni Kuya Neico sa gabing ito.

Chat ko kaya?

Napakagat labi ako dahil sa ideyang naiisip ko. I clicked his picture, at bumukas ang message box na wala pang conversation. Ito ang unang pagkakataon na magkakausap kami sa chat box.

Neil Cole Narvaez
Active Now

12:43

Kuya

Bakit gising ka pa?

Hindi ako makatulog.
Ikaw ba?

May kausap ako

Napaisip ako kung sino ang kausap niya sa ganitong oras. Napabuntong-hininga ako at napatitig lang sa chat niya na 'yon. Naisip ko na huwag na lang siya i-chat kasi mukhang nakaka-istorbo ako.

Pero matapos ang ilang sandali, sinundan niya ang chat niya.

May kailangan ka ba?

May aaminin sana ako

Tungkol sa kanina. Noong
nasa dining room kami ni
Kylo

Na gusto ninyo ang isa't isa?

Luh? Hindi no!

Nag-haha-react siya sa message ko.

So, anong aaminin mo?

Kanina kasi inatake ako ng
anxiety.

Kaya nanikip dibdib ko tapos
hirap ako huminga

Kaya nagpakuha ako ng mainit
na tubig kay Kylo at dinala
niya ako sa dining room nila

Bakit ka inatake ng anxiety?

Nandoon kasi yung pinsan
ni Kylo

Huminto ako sa pag-type dahil naninikip na naman ang dibdib ko at naluluha ako. Para akong bata na nagsusumbong.

Huwag mo sana sasabihin to
kay Ate Christy at Tito

Bakit?

Natatakot kasi ako. Ayaw
ko ng gulo, kuya

Nagsimulang manlamig ang mga kamay ko.

Noong birthday kasi ni Kylo.
Doon ako nakatulog

Tapos

Nagising ako na naroon
yung pinsan ni Kylo kasama
ko

He tried to rape me


Hinintay ko ang reply niya dahil naka-seen lang siya sa loob ng ilang minuto. Pero nagreply naman kalaunan.

Anong pangalan ng pinsan
ni Kylo?

Damon

Alam ba to ng parents
ni Kylo?

Oo, pero nakikiusap na
palampasin na lang kasi hindi
naman natuloy at para
walang gulo.

Payag ka ba na palampasin
na lang?

Kung hindi ko na siya
makikita pa

I see

Kumusta ka ngayon?

Di ako makatulog dahil
doon

Relax your mind. I'll pray
for you.

Thank you po

Pasensya na sa abala

Hindi ka abala. Di ba napag-
usapan naman natin na
sasabihin mo sa akin kapag
hindi ka okay?

Nahihiya pa rin kasi ako

Don't be. You are a little
sister to me and I love you.
Please, let me care for you
as your brother.

Mapait ako na pangiti ako nang mabasa ko ang "You are a little
sister to me..." Ano pa nga bang aasahan ko? Alangan na mang magkagusto ang isang pastor na tulad niya sa akin. Bumigat ata lalo ang dibdib ko dahil doon. Ang hirap maging ilusyunada - 'yung nangangarap ka na magkagusto sa 'yo 'yung taong gusto mo na imposibleng magustuhan ka. Kailan ba ako titigil sa kaka-asa? tanong ko sa isip ko. Kapag sinabi niya sa 'yo na di ka niya magugustuhan, sabi ng kabilang parte ng utak ko. Hay...

Huminga ako nang malalim bago nagreply.

Thank you

Try to sleep. Do not over-
think.

Opo

Pinatay ko na ang wifi ko at pinindot ko ang power button ng cellphone ko. Huminga ako nang malalim bago pinikit ang mga mata ko at pinilit na matulog.

***

Nagsitayuan kami nang tumunog ang ring bell, senyales na break time na - lunch time. Dito kami sa school kumakain ng lunch para hindi na kami uuwi.

Saglit akong napasulyap sa bakanteng upuan kung saan ang puwesto ni Kylo, pero absent siya, at hindi ko alam kung bakit. Kaya naman mag-isa akong lumabas ng classroom at naglakad sa hallway.

"Hi, Faith, mag-isa ka lang?"

Napalingon ako sa nagsalita na 'yon sa gilid ko. Si Bruno iyon, kaibigan ni Kylo. Ngiting-ngiti ito sa akin.

"Oo, bakit?" walang emotion na tugon ko.

"Gusto mo samahan kita?" alok niya.

Napa-poker-face ako at tiningnan siya na tila nawiwirduhan ako sa kanya. "Close ba tayo?" supalpal ko.

Napatigil naman siya. "A-ah... hindi," aniya at tumawa nang peke, tila napahiya sa sinabi ko. "Baka gusto mo lang naman ng kasama--"

"Kaya ko mag-isa."

Napabuga naman siya sa hangin. "Sabi mo, e..." aniya.

Di ko na siya kinibo at nagpatuloy lang sa paglakad, pero hindi pa rin siya umaalis sa gilid ko at sumasabay sa akin sa paglakad. Kaya, binilisan ko ang paglakad ko para maiwan siya. Pero binilisan din niya ang paglakad niya.

Inis na nilingon ko siya. "Puwede bang lubayan mo ako?"

"Bakit ba ayaw mo na samahan kita? Kaibigan naman ako ni Kylo, ah," aniya.

"Gusto mong bugbugin kita?" banta ko sa kanya.

"Ng pagmamahal?" nakangising sabi niya at kinindatan ako.

Napatiim-bagang ako sa sobrang inis at mabilis na kinulyuhan siya. Namilog ang mga mata niya sa gulat.

"Woah! Biro lang 'yon!" palusot niya at sinusubukang tanggalin ang kamay ko sa kwelyo niya, pero mahigpit ang hawak ko doon habang binibigyan ko siya ng nakamamatay na tingin.

Pero napatigil ako nang mapatingin ako sa bandang likuran niya. Naroon si Kuya Neico na naglalakad papunta sa direksyon namin.

Mabilis na binitawan ko si Bruno at tinulak sa dibdib, dahilan para mapahakbang siya paatras.

Tumalikod ako at akmang magpapatuloy na sa paglakad nang marinig kong may tumawag sa akin.

"Faith." Boses iyon ni Kuya Neico.

Napalunok ako bago siya hinarap. Napasulyap pa ako kay Bruno na inaayos ang kwelyo niya na nagusot ko.

"P-po?" tugon ko kay Kuya Neico, na ang gwapo at ang bango tingan sa teacher uniform niya na kulay dark blue.

Bahagya siyang ngumiti. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "Break time niyo na ba?"

"Opo. Papunta ako sa canteen."

"Nasaan si Kylo? Wala kang kasama?" aniya at napasulyap pa kay Bruno, dahil nasa tabi namin ito. "Kasama mo siya?" tanong niya.

"Hindi," mabilis na sabi ko.

"Sir, sabi ko sabay na lang kami, pero ayaw niya," ani Bruno.

Napakunot-noo naman ako. Talagang nagsumbong pa siya, huh? Kung wala lang si Kuya Neico, babanatan ko talaga 'to.

"Sige, kuya, alis na ako. Punta na ako ng canteen," mabilis na sabi ko at tumalikod na para takasan si Bruno.

"Sabay na tayo," dinig kong sabi ni Kuya Neico at sumunod sa akin, na ikinagulat ko.

Sabay kaming naglakad papuntang canteen at iniwan si Bruno.

"Classmate mo ba 'yon?" tanong ni Kuya Neico kalaunan sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

"Oo, pero 'di kami close," nakasimangot na tugon ko.

Bahagya siyang natawa at sinabi, "I think he likes you." Lalo ata akong napasimagot dahil doon.

"Yuck," react ko sabay irap.

Tumuloy kami sa canteen at pinaupo niya ako sa isang table.

"Anong gusto mo? Ako na lang mag-o-order," aniya.

Huh? Sabay kaming kakain?

Ito ang unang pagkakataon na makikita ko siyang kakain ng lunch sa canteen. Usually, nagsasalo-salo kasi ang teachers sa faculty room, at doon sila nagtatanghalian.

"Fried chicken with rice na lang," tugon ko kahit na nag-aalangan ako dahil hindi ko alam kung bakit sa akin siya sumabay.

Ramdam ko pag-iinit ng mga pisngi ko.

Tumango siya at pumunta sa counter para mag-order. Matapos ang ilang sandali, bumalik siya sa table dala ang orders namin.

"Kuya, bakit hindi mo kasabay ang mga co-teachers mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kasabay ko dapat sila. But since you're alone, pwede naman na samahan na lang kita. Do you feel uncomfortable?"

"Uh... Hindi naman."

Tahimik lang akong kumain habang pasulyap-sulyap sa kanya. Parang kinakabog na naman ang puso ko. Hay...

Pasimple kong nililibot ang tingin ko sa mga estudyanteng nasa mga table
na kalapit lang namin. Napapatingin din sila sa amin, pero sa tingin ko hindi naman dahil sa magkasama kami ni Kuya Neico kundi dahil agaw-pansin ang physical appearance ni Kuya Neico.

"Sir Neico," bati ng isang lalaking co-teacher niya na napadaan sa table namin - si Sir Soriano. Napatingin ito sa akin. "Kasama mo pala kapatid mo." Ngumiti ito sa akin.

Nahihiyang ngumiti ako pabalik.

Kapatid pala talaga ang alam nila na relationship ni Kuya Neico sa akin.

"Sabay na lang ako sa inyo. Pinagbaon kasi ako ni Misis," sabi nito sa amin.

"No problem, Sir. Join us," ani Kuya Neico.

Mas lalo 'ata akong naging hindi komportable dahil may kasama kami ni Kuya Neico sa table namin, at parang saling-pusa lang ako sa kanilang dalawa dahil sila ngayon ang nag-uusap.

Nang matapos ako, naisipan ko na magpaalam na, "Sir, Kuya, una na po ako. May gagawin lang ako sa library."

Tumango naman si Kuya Neico. "Just see you later. May mass mamaya kaya maaga ang labas ninyo." aniya.

Tumango naman ako bago tumayo.

Dumiretso ako sa library para doon na lang tumambay.

***

Sa parking lot ko hinintay si Kuya Neico. Nakasilong ako sa isang puno na manipis lamang ang dahon, kaya ramdam ko pa rin ang init ng sikat ng araw. Napakainit pa rin ng panahon dahil mga alas tres na ng hapon. Mt. Maybel University is a Catholic school, at na-cut ang klase dahil sa mass gathering mamayang alas-kwatro kaya naman diretso papuntang simbahan ang mga estudyanteng Katoliko. Hindi ako Katoliko, gayon din si Kuya Neico kaya sabay kami na didiretso na pauwi.

Mayamaya lang, dumating din si Kuya Neico.

"Daan tayo sa mall saglit. Bibili lang ako ng libro sa book shop," aniya .

Sakay ang motorbike niya, nilisan namin ang university. Nang makarating kami sa mall, diretso kami sa parking lot para mai-park ni Kuya Neico ang sasakyan niya roon.

"Sobrang init," ani Kuya Neico nang makababa kami ng sasakyan. Pawis na pawis siya... pero pogi pa rin.

Kahit na long-sleeve ang uniform ko, ramdam ko ang init ng araw. Tumutulo ang pawis sa mukha ko. Wala akong panyo kaya kamay ko na lang ang pinangpunas ko... pero 'di sapat.

Napatigil kami sa paglalakad nang kunin ni Kuya Neico ang panyo sa bulsa niya. Akala ko ipupunas niya iyon sa kanya... pero sa akin niya iyon pinunas. "Pawis na pawis ka," aniya.

Parang hihimatayin ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Feeling ko pulang pula ako ngayon dahil sa ginawa niyang 'yon.

Tila napansin naman niya na naestatwa ako dahil sa pinaghalong gulat at hiya, kaya binigay din niya kalaunan sa akin ang panyo niya para ako na ang magpunas sa sarili ko.

Habang naglalakad kami sa mall, parang kinikiliti ang tiyan ko.

Ba't ba kasi ang sweet niyang kuya? Ilusyunada pa naman ako.

Dumiretso kami sa isang Christian book store doon. Sunod lang ako nang sunod sa kanya na tumitingin-tingin kung anong libro ang bibilhin niya. Halos mga theological and devotional books ang naroon.

"Hindi ka ba mahilig sa libro?" tanong niya sa akin habang diretso ang tingin sa libro na hawak niya, binabasa ang description sa likuran.

"H-hindi masyado. Mas gusto manood kaysa magbasa," sabi ko.

"You like stories more. Well, mas gusto ko rin naman ang manood ng movies kaysa magbasa... kapag story. Hindi ako mahilig magbasa ng novels. Kapag nagbabasa ako ng libro, tulad ng mga ganito ang gusto ko..." tinuro niya ang mga libro sa harapan namin na tungkol sa Theology ang laman. "Mas maganda kasing magbasa ng mga libro na very informative at specific ang topic. It will increase your knowledge, wisdom or logic. This kind of books will make you a critical thinker, which is very good for a Christian, especially when we find more things about God and more reasonings or firm basis to stick with our belief. Maraming tao ang nawawala sa pananampalataya kasi hindi sila interesado na kilalanin pa ang Diyos nang malaliman. Kaya ang dapat na maging katangian ng isang Kristiyano ay palaging curious sa mga bagay patungkol sa Diyos..." mahabang paliwanag niya. "And these books will help you know deeper about God. Sa pamamagitan niyan, mas matututunan mo Siyang mahalin."

"So, ang pagkilala pala sa isang tao ang basehan para mahalin mo ang isang tao?" tanong ko.

"Oo naman... Kabilang 'yan."

"Kaya hindi dapat natin basta-basta sasabihan ng 'I love you' ang isang tao kapag hindi mo siya kilala."

Napasulyap siya sa akin. "I think so..." aniya.

"At hindi rin tayo dapat kaagad maniwala kapag sinabihan tayo ng isang tao ng 'I love you' pero hindi naman niya tayo kilala."

Sa pagkakataong iyon, napatitig siya sa akin pero tumango naman siya bilang pagsang-ayon.

"Kilala mo na ba ako, kuya?" biglang tanong ko.

Naaalala ko pa ang sinabi niya sa akin noong isang gabi sa chat: "You are a little sister to me and I love you."

"Sa tingin mo?" balik na tanong niya at bahagyang nangiti.

"Parang... hindi pa," sabi ko.

Mas napangiti siya.

Binalik niya ang libro na hawak niya sa shelf at kumuha ng isa pa para tingnan.

"Hindi ba ikaw 'yung Faith na masungit?" may halong biro na sabi niya at may kasamang pagsulyap sa akin habang naniningkit ang mga mata. "Matapang... Palaban... Minsan makulit... Pasaway... Moody..." pagpapatuloy niya. "At dating lalaki..." natatawang pahabol niya pa.

Doon ako napangiti at nagpigil ng tawa. Hindi ko alam kung anong mayroon sa mga sinabi niya at nararamdaman ko na naman yung kiliti sa tiyan ko.

"Talagang puro negative, 'no?" sabi ko habang nagpipigil ng ngiti.

Tumawa siya nang mahina, "Well, mabait at masunurin ka naman... minsan."

"Minsan..." mahinang sabi ko, kunwari'y offended.

"And you are too honest," dugtong pa niya at ngumiti sakin.

Napatitig ako sa kanya.

"Paano mo nasabi?" may kuryosidad na tanong ko.

"Bukod sa prangka ka, you obviously express what you feel... Hindi ko alam kung ako lang, but I can read you," medyo seryoso na sabi niya, na ikinatigil ko.

Nababasa niya nga ba ako? Parang gusto ko tuloy itanong sa kanya: "Talaga? Nababasa mo na crush kita?"

Kinabahan ako bigla.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

29.4K 1.9K 9
COMPLETED/ under revision She wasn't satisfied. She's always hoping that someday she will be more than happy, sticking to what she thinks is destined...
93K 206 30
"Hindi naman mahalaga kung mahina o malakas ka, ang importante ay ang kaya mong harapin ang iyong mga kahinaan, ang kaya mo itong baguhin upang sa ma...
977K 31.4K 48
Invisible Girl Extra Days.
44K 1.2K 34
No description available. The author, which could been lazy for so long, is also one in BITTER comrades.