BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

478K 23K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 35 - HOME

6K 388 97
By VictoriaGie

ASHARI'S POV



Malungkot ako. Gabi gabi, bago matulog iniisip ko kung bakit kaylangan kong maging mag-isa. Bakit wala akong kasama? Bakit wala akong magulang? Bakit wala akong kaibigan? Ah, siguro kasi inilalayo ko ang sarili ko sa kanila? Bakit kaylangan kong sanayin ang sarili ko na malayo sa ibang tao? Bakit pilit kong nilalagyan ng barrier ang sarili ko sa iba? Bakit masyado akong hard sa sarili na pati sa ibang tao hindi ko napapansin ganoon na din pala ako.

I am a sad soul until one day...



Hinding hindi ko makakalimutan noong unang beses na kumatok si Gali sa pintuan ng bahay. Ang baho niya at akala ko talaga ipinaglihi sa maligno. Mukhang engkantong nuno e. Amoy imbornal pa.

Gigil na gigil ako noon kasi bukod sa imbis na nag-k-kdrama nalang ako at ninanamnam ang kagwapuhan ni Cha Eun Woo e may bata pa akong dapat alagaan. Oh, saan ka pa hindi ba? Minsan lang magkaroon ng teacher's conference sa isang taon, 'yung mini bakasyon ko na-udlot pa.

Speaking of mini bakasyon...hindi ko makakalimutan na ang  mini bakasyon ko e naging pang 1 month pala. Sino ba kasi mag-aakala na magiging mala roller coaster with matching babysitting ng malignong bata na may kasama pang barilan, habulan, takbuhan, sakalan, bombahan, kabayuhan, lunudan at higit sa lahat halikan. 

Oh diba, sobrang saya ng naging bakasyon ko.

Tapos nakidnap pa ako.

Enjoy na enjoy ko pa nga e, akala ko kasi anghel. Nakalimutan ko na si satan nga din pala ay dating angel.

Simpleng mamamayan lang ako na scholar ni mayor pero nakilala ko ang mga tao na hindi ko naman dapat makikilala.

Mafias...

Ni minsan hindi ko inisip na ma-i-involve ako sa kanila, haler, pang worldwide ang ganap nila samantalang ako hanggang sa tindahan lang ni Aling Marites...

May nakilala akong Easton isprikiton na walang alam kundi ang pagplanuhan ang pagpatay niya sa akin. Mukha siyang I will kill you kasi. Si Easton na number 1 na rason ng lahat ng paghihirap ko. Kung wala siya sa Marchese hayahay sana ang pag-b-babysit ko kay Gali. Nakilala ko din si number 2 pahirap, ang boy animal na si Dyther. Imagine, unang araw naming mag-usap dinala agad ako sa lupon ng mga ka-uri niya na hayop! Tss, ang panget niya kabonding! Pang number 3 syempre si Angel the Uranggu. Pantay sana sila ni Dyther sa ranking pero binigyan niya ako ng iPhone kaya pang number 3 siya. Walang ibang ginawa 'yun kundi isigaw ang pangalan ko sa mansion kapag hindi niya ako nakikita. Feel ko crush ako ni Uranggu, di lang niya masabi kay Nate! Pantay sa listahan ko si Nate at si Kumareng Helen. Minsan lang nila ako bwisitin pero kapag binwisit naman nila ako e sagad.



Marami pa akong nakilala na hindi naman gaanong mahalaga ang existence sa point of view ko kaya hindi ko na sila isinama sa listahan.

Nakilala ko sila...

Nangyari nga ang lahat...



At dahil iyon sa simpleng pagkatok ni Gali sa pintuan ng bahay ko.

Gali broke that barrier inside me. He introduced me in a world I don't even know existing. 

Oras na maka-uwi ako, yayakapin ko ng mahigpit si Gali hanggang sa mapiraot ko ang pisngi niyang matambok!



Pero bago mangyari 'yon, bago kami magkita ulit ni Gali...



Kaylangan ko munang harapin ang Big Boss ng mga sugo ng kadiliman!



Si Rebel.





"It's been a while, Easton..." sa papalayong ugong ng eroplano ay ang nakakalokong boses ni Rebel.



It's been a while mo ulo mu! Pina-iyak mo kong bwisit ka!



Akala ko matetegi na ako!



Akala ko walang sasaklolo sa akin.



Masyado akong naging pabebe at pa sadgirl sa last chapter at dahil 'yon sa bwisit na Rebel na'yan! Tukso ang bwisit!

Yakap ako ni Easton at pilit kong pinunasan ang luha na tumulo sa mata ko. Mamaya na ako mag-e-emote kapag naka-alis na kami dito.

'Stop crying, Gali will hate that.'

Hindi ko alam kung imagination ko ba'yon o ibinulong talaga ni Easton. Ang ingay kasi ng helicopter, sarap bombahin!

Pinakawalan ako ni Easton pero kinuha niya ang kamay ko. Hinawakan niya iyon ng mahigpit.

Tumingin ako sa kamay namin at sa mukha niya.



Ah, kahit hindi niya sabihin, alam ko na ipinapakita niya sa paghawak sa kamay ko na nandito siya. Hindi niya ako iiwan at magiging ok din ang lahat.

At dahil diyan, hindi na kita tatawaging Isprkiton!



"I expect Dyther gave you a warning, I think that isn't enough knowing that you kidnapped one of my people."



You kidnapped one of my people...


Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin.

Tinawag ako ni Easton na isa sa mga tao niya.


He rescued me and now he is calling me one of his people.

Ashari, ano na?


Ok ka lang ba?

Bakit gulat ka? Happy ka?



Tapos, warning? Anong warning ba'yon?

Ang chika lang ni Rebel e nagkita sila ni Dyther, bakit may pawarning naman na?

Pwede ba isa-isa lang Easton...



"Dyther..." ayan...ayan nanaman ang nakakaloko niyang ngisi. "Easton, sa tingin mo masisindak ako ng simpleng warning?"

Kapag nagtatagalog si Rebel, seryoso na yan.

"Not if you don't want me myself to give you the punishment." sagot naman ni Easton.

Ito namang si Easton, walang pinipiling lenggwahe yan. Palaging seryoso! Pumapatay nga 'yan ng spy na parang humampas lang ng ipis na lumipad sa pader e.

"My....my...Easton." panget mo Rebel. Mukha kang imbornal! Tusukin ko mga tattoo mo e! "I don't think you have the rights to do that, the MPO will be on an uproar and this girl here..." sabay tingin sa akin habang nakapaskil sa mukha ang ngisi... "Will be subjected for investigation."

Ako?

Bakit?

May ginawa ba akong mali ha?

Bakit parang kasalanan ko??


Ako nakidnap dito Rebel! Hindi ba ikaw dapat ang i-investigate?

Naramdaman ko naman na lalong humigpit ang hawak ni Easton sa kamay ko.

"You don't want that do you?" ang sarap talaga lamukusin ng panget na mukha ni Rebel!



Akmang sasagot pa si Easton ng biglang bumukas ang pinto na nasa right side ng yate. 



"REBEL, HOLD YOUR SELF UP!"



Bahagyang nanlaki ang mata at ilong ko.



HOYYYY! BOY WONDER AROUND AND THE OTHER EXTRAS! ANONG KARAPATAN NIYONG ALIPUSTAHIN SI JOHN AT TRIXTER PATI NA ANG DALAWANG MAID AT 'YUNG TUMUGTOG KANINA NG VIOLIN ABER?

Sigaw ng utak ko pero hindi ko na inilakas.



Feel ko kasi mga tauhan sila ni Rebel na ginamit para pasarapin kunwari ang buhay ko dito sa yate.

Tss, mga panget na nilalang!



Magsama sama kayo!



May mga nakatutok na baril kila John and others na kampon ni Rebel, nakataas ang mga kamay nila na sign ng pagsuko. Wala sila magawa, halos labing dalawa ang nakabantay sa kanila e. Sa pangunguna syempre ng leader na si Boy Wonder Around e mukhang in-infiltrate nila ang yate at niransack ang mga tauhan.



Bakit yung pang walo na driver ng yate hindi nila isinali dito?



Madaya! Unfair!



Nakatutok ang baril na lumapit si Boy Wonder Around kay Rebel.



"Oh hey, long time no see Marchese's soon to be left hand."

Salubong ang kilay na itinapat ni Boy Wonder and baril sa ulo ni Rebel. Hindi nito pinansin ang sinabi sa kaniya. "Raise your hand!"

Nakangisi namang sumunod si Rebel.



"Seeing all of you like this, I might as well think that Ashari is really something..." tumingin sa akin si Rebel at nginitian ako. Iyong ngiti na ibinibigay niya na mala-anghel. Leche! Hindi na ako madadala ng mga ngiti na'yan! "I was never wrong on kidnapping you, Ashari."



"Shut that hell of a mouth, Rebel!" asik ni Easton. "Take her collar away and we'll leave you and your people unharmed."



Parang ewan naman na tumingin sa collar ko si Rebel. "Ok, I am an easy pleaser."

Pag talaga psychopath, out of this world ang utak. 

Um-oo agad agad samantalang nung ako nagsabi sa kaniya na tanggalin 'to, kulang nalang magmakaawa at lumuhod ako e.


"Do.it.now."



Humakbang ng isa si Rebel pero naunahan siya ni Boy Wonder Around sa paglapat ng baril sa noo ni Rebel.

"You won't go anywhere." si Easton ang sumagot.



"Oho." itinaas lalo ni Rebel ang mga kamay niya. "How would I take off her collar if I won't go near Ashari. The button needs my fingerprint to unlock. Don't worry, I won't harm her. Kung gusto ko siyang saktan, matagal ko ng ginawa."

May pagdadalawang isip sa mukha ni Easton pero bahagya niyang tinanguan si Boy Wonder Around.

Naglakad si Rebel papunta sa akin.



Sinamaan ko siya ng tingin. Ngayon, humigpit naman ang hawak ko sa kamay ni Easton.



Pag itong collar na'to hindi niya tinanggal ng matiwasay, ihahanda ko ang paa ko para sipain siya sa bayag! Legit, wala akong pake kahit psychopath siya. Lintik lang walang ganti.



"Don't worry, I'll be holding you tight." bulong ni Easton sa akin.



Nasa harapan ko na si Rebel. Nakangiti pa din siya na parang aso nakaka bwisit!



Unti unting lumapit si Rebel sa leeg ko. Hinawakan ng kanang kamay niya ang collar. Medyo nanalangin na ako na nawa matanggal na talaga kasi ayaw kong maging chunky cornedbeef ng wala sa oras.

Babalik pa ako kay Gali.



"You seem terrified..." kinilabutan ang buo kong pagkatao ng maramdaman ko ang mainit na paghinga ni Rebel sa bandang leeg ko. "Do not be, I don't harm people without reasons." wala akong pake. Tanggalin mo na ang collar. Iba na ang kilabot na nararamdaman ko. "After your contract ends, I will be waiting for you and Gali. You know the deal and you know the consequence. Once na tapos na ang kontrata mo, Easton won't see you as his people. He won't rescue you again like what he did now..."

Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Rebel.



Narinig ko na nagclick ang collar at nahulog ito sa sahig.

"I'll be waiting, Ashari." panghuli at seryosong bulong nito sa tenga ko bago siya hinila ni Boy Wonder Around at dinala sa mga kasama niyang extra.



Hinawakan ko ang leeg ko gamit ang kaliwang kamay.



Wala na ang collar.



Wala na...





Pero bakit parang may nakasakal pa din sa akin.






Pakiramdam ko nasu-suffocate pa din ako.




"To bid all you a farewell for now, I prepared a firework display. I hope you enjoy!"






Isang nakakalokong ngiti pa ang ibinigay ni Rebel bago napuno ng ingay at magagandang ilaw mula sa fireworks ang buong lugar.






Sa sobrang gulo ng pag-iisip ko, parang naging fast and slow motion na ang lahat.

Hindi ko na-enjoy ang fireworks kagaya ng sinabi ni Rebel.



Isinakay ako ni Easton sa eroplano habang nakatulala lang akong nakatitig sa ibaba...kay Rebel na hostage pa din nila Boy Wonder Around.



Isang ngiti pa ang ibinigay ni Rebel sa akin habang kumakaway na sign ng pag-good bye niya.



"That sneaky psychopath." nag-iigting sa galit na wika ni Easton na katabi ko.





Bago kami tuluyang maka-alis, nakita ko si Rebel na nagbuka ng bibig niya.

Sinadya niyang ayusin ang pagbuka ng bibig para maintindihan ko siya.



'I'll be waiting...'



Iyan ang huli niyang bigkas bago ako tuluyang ma-stress! Ugh, please lang, gusto ko munang makita si Gali.





___











THIRD PERSON'S POV




EVERYTHING IS FINE FOR NOW.



NAKUHA NA NILA SI ASHARI AT NASUPRESS NA NILA SI REBEL.




Maliban sa ugong ng helicopter' tahimik ang naging byahe nila. Walang nais magsalita sa mga Marchese dahil pinapakiramdaman nila si Ashari.



Kasi naman, tahimik lang itong nakatulala sa labas ng bintana at parang ang lalim ng iniisip.



Hindi tuloy maiwasang isipin ni Angel habang nag-p-piloto na anong kalokohan nanaman kaya ang tumatakbo sa utak ni Ashari?


Si Nate naman, iniisip kung ano ang dapat niyang sabihin para mabawasan ang katahimikan sa lugar. Miski kasi ang Sir Easton niya ay wala ding imik.




Si Easton naman kasi ay pinapakiramdaman din si Ashari. Bakit ba mas mahirap siyang i-approach kapag ganitong tahimik siya. Mas ok pa na si Ashari ang unang nagdidiwara at unang nagsasalita kahit pabarang pa o pabalasubas.







Nakarating sila sa mansion na parang hangin lang na nagdaan ang pagrescue nila kay Ashari.



Hoy Ashari, magsalita ka! Magwala ka! Magalita ka kasi na-late kami sa pagkuha sa'yo! Dali naaaa! - konsensiya ni Angel


Ashari, ano pinakain sa'yo ni Rebel at ganyan ka? Hindi kami sanay na tahimik ka. Ipagluluto kita ng masarap na pagkain para makalimutan mo ang mga ipinakain sa'yo ni Rebel. -konsensiya ni Nate



Speak you dimwit! Iniligtas ka na namin! You are already safe! Why aren't you speaking? Do you want me to open that mouth of yours? -konsensiya ni Easton na may jetlag pa galing ng Italya.











Pumasok silang apat sa loob ng mansion. Wala pa din umiimik.


Nakakabingi ang katahimikan.





Mabuti nalang at mabuti nalang talaga....sinalubong sila ni Kumareng Helen.



"Oh thank goodness you're back Ashari!"

Kinuha ni Kumareng Helen ang pisngi ni Ashari. "Are you ok? You look too pale."



Bumakas sa mukha ni Angel, Nate at Easton ang pag-aalala.

Sabi na e, may mali kay Ashari.




Simula noong dumating sila para irescue siya, bukod sa pag-iyak e wala pa siyang sinasabi na kahit anong salita.




"What did Rebel do to you hmmm?" sinipat sipat ni Kumareng Helen ang katawan ni Ashari. "Did he do something bad? Did he harass you?"



Nagpintig ang tenga ni Easton sa nadinig.

Lumapit siya kay Ashari at kinuha ang braso nito.

Hindi niya napigilan ang sarili na humigpit ang hawak dahil sa naramdamang galit.



"Ashari! What did he do?"


Bahagyang namilipit sa sakit si Ashari.


At ang nakakapag taka pa, hindi siya nagreklamo. Hindi siya nagdiwara. Wala siyang ginawa na kahit ano kundi tumingin lang ng diretsyo sa kawalan.


"Easton you are hurting her."


Tinanggal ni Kumareng Helen ang kamay ni Easton sa braso ni Ashari.




"Ashari--"






"Si Gali po?" Bulong nitong tanong kay Kumareng Helen.



"H-he's on your room. He's waiting for you."




Hindi na sumagot si Ashari. Patakbo siyang dumiretsyo sa kwarto niya.



She needs to see Gali.




Sumunod naman sina Easton sa kaniya.



Pagdating niya sa kwarto, nakita niya si Gali na mahimbing na natutulog.




The moment she saw him, tears burst again in her eyes.


Nakatayo siya sa gilid ng kama niya habang umiiyak.


It's her first time crying like this.



Pilit niyang pinipigilan ang paglabas ng malakas na hikbi para hindi magising si Gali.






"Gali..." Tawag ni Ashari sa pangalan ng bata sa pagitan ng pag-iyak niya. "I-I'm here. B-bumalik na ako." tuloy tuloy ang luha ni Ashari hindi na kinaya ng tuhod niya ang panghihina.



Pakiramdam niya nadrain na lahat ng lakas niya sa katawan.




She cried harder. Hinayaan na niya ang sarili na umiyak habang nakasalampak sa sahig.







"Mamha?"




Nagtaas ng tingin si Ashari ng marinig niya si Gali. Nagising ito dahil sa lakas ng pag-iyak niya.

Pupungas pungas pa ang mata nito habang umuupo sa kama niya.




Kinagat ni Ashari ang ibabang labi para hindi siya lalong maiyak.






"Mamha!!!" Maligaya si Gali pero nag-alala ito ng makita siyang umiiyak. "Mamha bat itaw iyak?" Gumapang si Gali palapit sa edge ng kama.


Pinilit ni Ashari ang sarili niya na tumayo.


Halo halong emosyon ang naearamdaman niya.


She missed him so much!



Ang akala niya ay hindi na niya makikita si Gali.



Sinalubong ng umiiyak na si Ashari si Gali na pagapang sa dulo ng kama.



Paglapit niya sa bed, kaagad niyang niyakap si Gali ng mahigpit.


Mahigpit na mahigpit.



"Gali..." she cried harder.



"Galiiiii!" Ibinaon niya ang mukha niya sa maliit na leeg ni Gali.





"Mamha tahan na po." Naramdaman niya ang maliliit na kamay nito na humahagod sa buhok niya. "Tahan na po itaw, dito po baby Gali. Di po tika iwan."


Imbis na tumahan, lalong umiyak si Ashari.



"Naka-uwi na ako. Gali, I'm home." Bulong ni Ashari galing sa kaibuturan ng kaniyang puso.






Sa kabilang banda naman, tahimik na nanonood si Easton, Angel, Nate at kumareng Helen sa dalawa.




*snif


Pinunasan ni Angel ang luha niya na malapit ng tumulo.


Si Nate naman pilit sinisinghot ang uhog sa papalabas na sa ilong niya.





They are sooo sweet!





"I guess she's fine...she just needs to see her son, Gali." komento ni Kumareng Helen.



Yep, her son.

Ang nakikita nila ngayon ay ang mother-son relationship na never mapapalitan ng kahit anong bagay.


Ashari being the mother and Gali, her son.



"I'm glad she's home." nakangiting banggit ni Easton habang pinagmamasdan si Ashari na yakap yakap ang anak.









__




Isang linggo ang lumipas...




Ang akala nila ok na ang lahat pero datapwat sapagkat....






"Sir, wala pa din pong improvement, hindi pa din po namamansin si Ashari. Si Gali lang po ang kinakausap niya!" Report ng isang caporegime kay Easton ng makabalik ito galing ng Italya.



Pagkatapos kasi ng gabi na inirescue nila si Ashari, bumalik din siya kinabukasan ng madaling araw sa Italya para tapusin ang isang linggong business trip niya doon.


He kept his updates tungkol kay Ashari.


At simula noong umalis siya, wala pa ding ganap kay Ashari.



Sa isang iglap, tila naging ibang tao ito at parang si Gali nalang ang nakikita niya sa mundo.



Pagbalik niya, ganoon pa din. Wala pa ding say ang atey mong pabebe!



"Call Angel." Utos niya sa capo na agad ding tinawag si Angel.




"SIR EASTON!!!!!" Naghaharumintadong bungad sa kaniya ni Angel. "NANGGIGIGIL NA AKO KAY ASHARI!"




"Lower down your voice Angel. What happened?" Nagdaop palad si Easton sa table ng office niya dito sa mansion.

Nasa kabilang table naman si Shera at nagla-laptop ng mga documents ng mga Marchese.




"Sir!" madiing wika pa din ni Angel. "Ibang Ashari yata ang naibalik natin. Naniniwala ako na hindi siya si Ashari! Sir, impostora siya! Dinaya tayo ni Rebel."


Napangiwi naman ng very light si Shera na hindi naiwasang marinig ang suhestyon ni Angel.


Nagkunot naman ng noo si Easton.



"What? Kumain ka na ba ng umagahan Angel? Kung ano-ano naiisip mo."



"SIR NAG-UMAGAHAN AKO!"



"I said lower down your voice."


"Ay sorry sir." Tinampal ni Angel ang bibig niya. "Sir kasi naman, si Ashari hindi siya namamansin ng kahit sino. Hindi siya nagdidiwara. Hindi siya mabunganga. Wala siyang ina-artehan. Wala siyang kinakausap na kahit sino dito sa mansion maliban kay Gali. Kung hindi sa kwarto niya siya nagkukulong, nandoon lang sila sa playroom. Lalabas lang siya kapag kakain. Sir, may mali talaga e! Hindi siya si Ashari!"







Miski si Easton ay nagugulumihanan sa mga ina-akto ni Ashari.




What happened?



What did Rebel do to her!?




"Where is she?"





"Nasa playroom sila kanina ni Gali."




"Call a caporegime. Tell him to call Ashari to come in my office, now!"



Ha!

Wala siyang kinakausap na iba?



Pwes mapipilitan siyang kausapin si Easton!









________________

Continue Reading

You'll Also Like

541K 27.9K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
4.6M 167K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
1.2M 51.5K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...