Garden Of Hope (Paradise Seri...

By Seachy

2.8K 263 37

Being the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an... More

Paradise Series
Garden Of Hope
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue

Chapter 14

34 4 0
By Seachy

C H A P T E R 1 4
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

Nakatulala lamang si Santa sa puting ceiling ng kwarto niya habang sobrang lalim ng iniisip niya, ito ang pinaka unang gabi na wala ang dad niya na kakatok sa kwarto niya para sabihan na walang matutulog at dapat mag-aral ng buong magdamag. 

Ngayon lang pumasok sa isip niya na kapag ganu'n lagi ang scenario nila at laging siyang palihim na umiidlip ng tulog. Hindi naman siya nahuhuli ng dad niya kaya araw-araw niya na iyon ginagawa. 

Hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit takot na takot siyang suwayin ang dad niya ngunit noon pa lamang simula ay hindi niya napapansin ay sinusuway niya na ito. 

"What the fuck I was thinking!?" she shouted in frustration.

Umupo siya sa kama saka ginulo ang sariling buhok. Gusto niyang sumigaw at maghagis ng bagay na nasa harap niya. 

Bigla na lang kasi pumasok sa isip niya ang nangyari kanina lamang. Hanggang ngayon kasi ay nilalamon siya ng pagsisi, sana ay hindi niya na lamang tinanong kay Milo kung ano ang pangalan ng kinain niya kanina. 

Hanggang sana ngayon ay gusto niya pa ang pagkain na iyon. Balak niya pa namang kumain 'nun bukas but, never mind. 

Pabagsak niyang hiniga ang likod sa malambot na kama at nilagay ang dalawang palad sa t'yan niya. 

"Ugh, I want to sleep," she whispered. 

Akmang ipipikit niya na ang mga mata nang biglang tumunog ang phone niya kaya agad niyang kinuha ang phone niya na nasa tabi niya lamang. 

"Siya na naman!?" inis niyang sabi saka binuksan ang message box. 

Unknown number: Hi miss may lighter ka ba? Ako kasi hindi kasi ako nananigarilyo. 

"What the heck is this saying?" inis niyang tanong at akmang papatayin na ang phone niya ng biglang tumawag ito. 

Nanlalaking matang tinitigan niya ang phone habang nandoon sa screen niya ang pangalan nito, Unknown number. 

May parte kay Santa na nagsasabing sagutin iyon ngunit may parte rin sakaniya na nagsasabing huwag sagutin dahil baka mamaya ay may patibong iyon. 

Natagpuan niya na lamang ang sarili na nakatapat na ang phone niya sa tenga niya at hinihintay ito ang unang sumagot. 

Halos hindi na huminga ang dalaga upang hindi nito marinig ang pagbuga niya ng hangin. Kunot-noo niyang tinignan iyon. Nandoon pa naman ang pangalan nito kaya mas lalong nakaramdam ang dalaga ng pagtataka. 

Napagdesisyunan niya na siya na mismo ang unang magsalita dahil baka hinihintay lang siya nito, mukhang naghihintayan lang sila. 

"Hello?" bulong niya. Alam niya naman na maririnig niya ito kaya bumulong na lamang siya. 

Napangiwi ang dalaga ng marinig na binabaan siya nito ng tawag. 

"What the fuc-" Agad niyang nasapo ang bibig ng mapagtanto kanina pa siya mura ng mura. 

Nakangiwing hinampas niya ng mahina ang bibig niya. "You're so bad. "

Agad siyang natigil sa mahinang paghampas ng bibig ng marinig na nag text na naman sakaniya ang unkown number na iyon. 

Unknown number: Sasagot ka rin pala bakit sa tawag lang? Just text me back😭🙏

Agad na napangiwi ang dalaga ng makita ang emoji sa huling text nito. Malalim siyang humugot ng hangin mula sa dibdib niya saka nagsimulang magtipa. 

Chrysanta: Who are you? Why are you texting me!? 

Umupo ang dalaga saka sinuklay ang sariling buhok gamit ang daliri habang titig na titig sa phone niya. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya ng excite. 

Unknown number: Hulaan mo kung sino ako🤪

Mahina siyang natawa ng makita ang ginamit nitong emoji. 

Chrysanta: I don't want to hulaan ka🤪

Hindi na napigilan ni Santa ang malakas na pagtawa sa panggagaya sa emoji na ginamit nito. 

Unknown number: Edi don't🤪 Mamatay ka sa pag-iisip sakin

Chrysanta: Sinong nagsabing iisipin kita? 

Unknown number: Sus kunwari ka pa na hindi mo ko iispin. Alam ko na mga galawan niyong mga babae. 

Malawak na napangisi amg dalaga ng biglang ay kalokohan na pumasok sa isip niya. 

Chrysanta: Sino nagsabing babae ako? 

Unknown number: Hindi ba!?😱

Malakas na natawa ang dalaga at hinayaan ang satili na bumagsak sa malambot niyang kama. Ngayon ay nakatingala na siya habang nagtitipa. 

Chrysanta: Kakasabi ko lang d'ba!?

Unknown number: Pero ikaw nga mismong nagbigay saakin ng number mo eh.

Napakurap ng ilang beses ang dalaga dahil sa nabasa. Nakailang beses niyang inulit ang sinabi nito upang mag proseso sa utak niya. Agad siyang napaupo sa kama ng pumasok na sa isip niya ang binasa. 

Chrysanta: What do you mean!? 

Kunot na kunot na ang noo niya habang titig na titig siya sa screen. Kinagat niya ang sariling daliri dahil ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa rin siyang reply. 

Chrysanta: Hey, answer me! 

Chrysanta: Heyy!!!! 

Agad napahilot ang dalaga sa sariling sentido ng biglang sumakit iyon. Hinintay niya pa ng ilang minuto na mag reply ito ngunit wala din siyang napala. 

Umakyat lahat ng dugo niya sa mukha niya. Inis na hinagis niya kung saan ang phone niya saka binaon ang mukha niya sa unan. 

"Who the f are you!?" inis na sigaw niya saka nagpadyak-padyak pa. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Nakasimangot na naglalakad ang dalaga pababa sa sala nila. Kaya pala hindi niya mapigilan na magmura kagabi dahil magkakaroon na siya ng buwanang dalaw ngayon. 

Being in period is what being in the hell means to Santa. Well, she guesses not only her, all women think period means hell. 

At mas lalong kinakulo ng ulo niya ay ang buong akala niya na hindi niya iisipin ang estrangherong unknown number na iyon ay doon siya nagkamali, dahil halos isang oras lang tulog niya kakaisip kung ano ang ibig-sabihin ng huli niyang sinabi. 

"Bakit gan'yan mukha mo!?" takang tanong ni Pepper habang sinisipat ang buong mukha. 

"What's wrong?" nag-aalalang sunod na tanong pa ni Poppy saka tumayo mula sa pagkakaupo. 

Mukhang hindi umuwi ang dad niya dahil nakapaghintay ang magkambal sa sala ng mansyon nila.

"Nothing," tipid niyang sagot at hinuling hakbang na ang hagdnan. 

"Let's go," malamig na sabi ng isang pamilyar na boses dahilan para mag-angat ng tingin si Santa dito. 

Agad siyang napalunok nang sumalubong sakaniya ang seryosong mukha at mga mata ni Saddy. Nakagat niya ang pang-ibabang labi ng makaramdam ng matinding kaba. 

Don't be nervous, Santa, talk to him first. You should explain to him because It's your fault why you're in this situation.

"What's wrong with them?" takang tanong na bulong ni Poppy kay Pepper. Agad namang nagkibit-balikat ito saka pinulupot ang braso sa braso ng kakambal. 

"I don't know, mukhang nag-away yata sila," nakangiwing sabi niya habang palipat-lipat ng tingin sakanilang dalawa. 

Akmang mauuna nang lalabas si Saddy ng agad niyang hinawakan ito sa braso. Tumingin siya sa magkambal na kunot-noong nakatitig lamang sakanila. 

"Mauna na kayo," seryosong sabi niya saka tumingala na kay Saddy na seryosong nakatingin lang sakaniya. 

Hindi mapakali ang dalaga dahil hindi niya alam ang unang gagawin, kung mag-iiwas ba siya ng tingin sa malamig na mga mata nito o magsasalita. Ramdam niya na naglakad na ang magkambal palabas kaya bumuga siya ng malakas na hangin. 

"What do you want?" malamig na tanong nito saka inagaw sakaniya ang sariling braso at nilagay ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. 

Mariin na pumikit ang dalaga saka humugot ng napakalalim na hangin upang mapakalma niya ang sarili. Hindi niya alam kung bakit ba siya nakakaramdam ng kaba. 

"Uhmm, I-I j-just want to s-say-" Lakas loob siyang nag-angat ng tingin dito. "Sorry." 

Napalabi siya ng hindi ito magsalita. Galit pa kaya siya? What the heck say something! Mukha siyang tuta na nagso-sorry sa amo niya dahil may nagawa siyang mali dito. 

Unti-unting ngumuso ang dalaga dahil nanatiling malamig ang mga mata ni Saddy na nakatitig sakaniya. Syempre ang ginawa niya ay tumitig din pabalik ngunit gustong-gusto na ng dalaga na magsalita ito. 

"S-Say s-something," nakangusong sabi niya habang palipat-lipat na ang tingin niya sa ibaba at sa mukha nito. 

"Ulitin mo 'yung sinabi mo," malamig na sabi niya. 

Lumunok muli ang dalaga at pinaglaruan ang sariling daliri. "S-Sorry." 

Halos lumuwa na ang mata niya ng bigla siyang niyakap nito ng mahigpit. Ang braso nito ay nakapulupot sa bewang niya habang ang ulo niya ay nasa balikat ng dalaga. 

"That's what I'm waiting for you to say," he softly whispered. 

May kung anong humamplos sa puso ng dalaga ng marinig kung gaano kalambot ang boses ng binata. Nilagay niya ang palad niya sa buhok nito saka mahina iyon tinapik-tapik. 

"Sorry. I should understand you, not be mad at you" she said, full of sincerity. 

"Forgiven," bulong niya saka mas lalong sumiksik sa balikat niya. 

Napangiti ng malawak ang dalaga saka niyakap siya ng mahigpit pabalik. Ngayon ay makakahinga na siya ng maluwag dahil naayos niya na ang away nikang dalawa. Thanks to Milo, she makes Santa realized that Saddy is just worried about her. 

"Hoy tama na 'yan baka ma late pa tayo!" malakas na sigaw ni Pepper. 

Mabilis namang humiwalay si Saddy sakaniya at inayos ang uniform na nagusot. 

"Ingay ng bunganga mo!" inis na sabi ni Saddy sakaniya saka iniripan ito at nauna na sakanila maglakad. 

 Napangiti ng malawak ang dalaga habang nakatingin sa papalayong bulto ni Saddy. At least bumalik na ang palabirong Saddy. 

"Hoy tara na wag ka nang ngiti ng ngiti d'yan," inis na sabi ni Pepper sakaniya saka tinalikuran na siya. 

Agad inalis ng dalaga ang malawak na ngiti sa mga mukha niya. Did she just smiled widely in front of Saddy and Pepper!? She's doomed!

"Ano tatayo ka na lang d'yan!?" sigaw ni Pepper mula sa malayo kaya agad siyang nag-angat ng tingin.

Nanlaki ang mata niya ng makitang nasa loob na ito ng kotse kaya agad na siyang tumakbo papunta doon. 

"Let's go," seryosong sabi niya habang inaayos ang pagkakaupo niya. 

Nang tignan niya ang rear mirror ay muntik na siyang mabulunan sa sariling laway ng makitang nakatitig sakaniya si Saddy. 

Tinaasan niya ng kilay ito. Nginitian lang siya ng malawak nito saka kinindatan bago ini-start ang kotse. 

Agad naman na tumingin ang dalaga sa labas ng bintana at pinapanood lang ang mga punong nilalagpasan nila. 

She feels relief. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

"Masyado pa pala tayong maaga," paos na sabi ni Poppy at pinikit ang mga mata. 

"Si Santa kasi gustong-gustong maaga lagi sa school na'to," naiinis na usal ni Pepper saka humikab ng malakas. "I really hate school!" 

"But Santa and I want school," mapang-asar na sabi niya habang tumataas-baba ang kilay niya. 

Agad na dumilat si Pepper upang irapan si Saddy ng matalim. "Gusto lang naman dito kasi ang dami mong nilalandi." 

"Fyi Miss, Forrest hindi po ako lumalandi sila ang lumalandi sa'akin. Syempre ang sama ko naman kung hindi ko sila lalandiin pabalik," nakangising sabi niya habang inaayos ang buhok sa labas ng salamin ng kotse, 

"Oh, edi malandi ka 'nga!" inis na sigaw ni Pepper at binato siya ng water bottle. 

Agad namang umiwas si Saddy dahilan para dumiretsyo ang water bottle sa labas. Mas lalong namula ang mukha ni Pepper sa inis kaya naghanap siya sa paligid na pwede pang ipangbato sa binata, 

Napailing na lang si Santa saka inayos ang pagkakasuot ng bag niya sa balikat niya. Inayos niya muna ang suot na white polo crop top at tinaas ng bahagya ang high waisted jeans niya bago lumabas. 

"Lilyshi!" 

Agad na kumabog ng malakas ang puso mg dalaga ng marinig ang pamilyar na boses. Kumunot ang noo niya ng makita si Milo na tumatakbo papunta sa pwesto niya. 

Hindi gumalaw ang dalaga at hinintay si Milo na makapunta sa harap niya. Tumigil ito ng ilang kilometrong layo sakaniya saka hinabol ang sariling hangin. 

"What are you doing here? Maaga pa," sabi niya saka inipit sa likod ng tenga niya ang buhok niya at nilagay ang iba sa likod niya. 

Mas lalong kumunot ang noo ng dalaga ng tumitig si Milo sa nakaexpose niyang leeg. What's wrong with him? 

Napansin niya na nagtaas baba ang adams apple nito na animo'y nahihirapan siya. Akmang magtatanong na siya dito ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse, at niluwa 'nun ang magkambal. 

"Oh, anong ginagawa mo dito m.u boy?" nakangiwing tanong ni Pepper saka nag-unat. 

"M.u boy?" takang tanong ni Santa.

Malakas na tumawa si Pepper at hinawi ang pirasong buhok na nakaharang sa mukha niya. "He keep saying na magka m.u kayo, kaya I call him m.u boy." 

"Pero bakit ang aga mo yatang pumasok m.u boy?" tanong ni Poppy saka kinusot-kusot ang mata. 

"Wala pa naman kayong pasok d'ba?" nakangising tanong niya. Kaya kahit nagtataka ay tumango silang lahat. 

"Sumama kayo sa'akin. Libre ko kayo pagkain," nakangiting sabi niya dahilan para napaayos ng tayo ang magkambal at nanlalaking matang tinignan si Milo. 

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Poppy.

"Yes."

"Ano pang hinihintay niyo? Tara na!" malakas na sigaw ni Pepper at nauna ng maglakad.  

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 332 38
Once someone leaves, someone will also come into your life. That's what Ariela realized when Deon left her and finally found her father.. Ngunit paan...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
33.5K 1.1K 33
Casa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father...
41.5K 1.1K 43
Arion, an Engineer of profession and a typical playboy from the most powerful and wealthy family in Surigao, got his life mixed up with Paris Celine...