The Sound of Gunfire

By RGFilipina

32.7K 1.7K 204

Matagal nang tinalikuran ni Annika Faustino ang buhay sa lalawigan ng Elena dahil sa tatlong dahilan: gyera... More

The Sound of Gunfire
Annika
Andrus
Thank You
Girlfriend
Flowers
Cold Compress
First Day of Campaign
Luneta
Gunshot
Protect
Fear
The Governor
Busy
Family
Indenial
Basement
Fall
I Like You
Intention
Guard
Help
Need
Explosion
Confused
Dream
Promise
Left
Pain
Truth
Desperate
Priority
Yes
Secret
Kiss
Anger
Trust
Arrested
Choice
Impossible
Realize
Greater
Work
Eyes
Remember
Storm
Home
Caught
Black
Battle
Sound
Wakas

Playboy

668 43 3
By RGFilipina

ANNIKA

RAMDAM KO ang maya't mayang sulyap ni Andrus sa akin habang kumakain. Minsan ay pinapatulan ko ngunit madalas ay hinahayaan ko na lang.

"Pasensya na, hija..." biglang sambit ni Tita Aurelia sa babaeng sundalo na kasama ni Andrus. Ano nga ulit ang pangalan niya? "Hindi kasi ako sanay na may babaeng dinadala rito ang anak ko."

Akala ko talaga pagagalitan na ni Tita Aurelia si Andrus kanina dahil nadatnan namin ito na may kasamang babae sa bahay nila. Akala ko sasabihin ko na kay tita na,

"Nasaan na po ang sinasabi mong Andrus na masungit at seryoso sa kanyang trabaho kaya walang panahon sa ibang bagay? Tita, babaero po ang anak n'yo!"

Pero nag-explain agad si Andrus kung bakit may kasama itong babae. Naniwala naman si tita kasi nakita rin niya ang namamagang binti nito. Inirapan ko iyon.

Mukha bang ospital ang bahay nila? Kung masama ang lagay ng babaeng kasama niya, dapat sa ospital niya dinala at hindi rito.

"Naku, ayos lang po, ma'am. Ako nga po ang dapat humingi ng pasensya. Wala po dapat ako rito pero nagmagandang-loob si Technical Sergeant Dela Cerna na patuluyin ako upang bigyan ng paunang lunas sa sakit ng binti ko. Pasensya na po talaga.." magalang na tugon ng babae.

Uminom ng tubig si Andrus bilang pagtatapos. "Iuuwi ko na siya, Ma."

Binitawan ni Tita Aurelia ang hawak na kutsara't tinidor. Doon ko lang napansin na tapos na rin pala siya kumain. Ako na lang ang hindi pa!

"Paano? Nasaan ba ang sasakyan mo, Andrus?"

"Magta-tricycle na lang kami."

Tumikhim si Tita Aurelia bago hinarap muli ang babae. "Saan ba ang bahay mo, hija?"

"M-Makalagpas lang po sa bahay ng mga F-Faustino..."

Natigilan ako sa pagkain. Pag-angat ko ng tingin, napakurap ako nang makitang nakatingin silang lahat sa akin. Umiwas agad ang babae habang si Andrus nama'y seryoso pa rin ang mga mata. Si Tita Aurelia lang ang tumitig sa akin na para bang nanghihingi ng pabor.

"Why, tita?" tanong ko dahil mukhang may pinapahiwatig talaga siya.

"Puwede ba nating isabay sa pag-uwi si Lauren mamaya?"

Nanlaki ang mata ko bago tumingin kay Andrus na nakakunot na ang noo habang nakatingin sa ina. Mukhang pati siya'y tutol sa gustong mangyari nito.

"Ma, hindi na kailangan."

"Ano ka ba, Andrus! Madadaanan din naman ang bahay ng kaibigan mo. Mas mabuting isabay na namin siya, kung ayos lang kay Annika..."

Sa totoo lang ay hindi ayos sa akin! Ano'ng akala nila sa sasakyan ko? Taxi? Private service?

Pero dahil si Tita Aurelia ang humihingi ng pabor, ano'ng magagawa ko?

"H-Huwag na po," biglang sambit ni Lauren. "N-Nakakahiya naman kay Miss Annika.."

Miss Annika? Wow! Wala akong natatandaang pinakilala ko ang sarili ko sa kanya kaya hindi ko akalaing kilala niya ako. Well, dala ko ang apelyido ni Papa kaya hindi na dapat ako magulat.

Tinaasan ko siya ng kilay bago uminom ng tubig at punasan ng tissue ang bibig. "Fine. Ihahatid ka na namin."

Lumapad ang ngiti ni Tita Aurelia at magiliw na nagsalita, "Salamat, Annika! Ang bait mo talagang bata!"

Napangisi ako.

Mabait? Mabait lang naman ako dahil sa kanya. Kung hindi niya sinabi 'yon, hindi ako mag-o-offer ng tulong sa mga sundalong ito.

Pagkatapos naming kumain, ginamot ni Tita Aurelia ang ibang sugat ni Lauren na medyo na-puwersa dahil sa ginawa nilang pag-ronda sa gubat. Lumabas naman ako ng bahay para magpahangin saglit.

Malaki ang bakuran ng kanilang bahay. Medyo magulo nga lang ang mga tanim dahil hindi na-me-maintain ang linis. Nakakaamoy rin ako ng dumi ng hayop mula sa likod ng bahay nila kaya nilalayo ko ang sarili ko roon.

"Sarge!"

Lumingon ako at nakita si Andrus na palabas ng bahay, may hawak na bowl ng pagkain para sa aso. Mukhang hindi niya rin inasahan na nandito ako sa kanilang bakuran kaya natigilan siya sa paglalakad.

Nagulat na lang ako nang biglang may tumakbo na malaking aso at lumapit sa akin. Tatakbo sana ako ngunit nagsalita agad si Andrus.

"Huwag kang tatakbo!" babala niya bago magtungo malapit sa dog house upang ibaba ang pagkain. "Sarge! Dito!"

Napalunok ako nang talikuran ako ng aso at tumakbo patungo sa pagkain. Mabilis namang lumapit sa akin si Andrus at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, tila naghahanap ng sugat o masakit sa akin.

"Ayos ka lang ba?"

Naningkit ang mata ko. "Muntik na akong kagatin ng aso mo! Sa tingin mo, ayos lang ako?"

Hindi ako takot sa aso pero ang laki kasi ng aso niya! Maliliit na aso lang ang gusto kong alagaan.

"Kagatin?" natatawang wika ni Andrus. "Mas mukha ka pa ngang nangangagat kaysa kay Sarge."

Nanlaki ang mata ko. "Ano'ng sabi mo?"

Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, ah! Tama bang i-compare ako sa aso niya?

Umiling si Andrus habang natatawa pa rin. "Wala, Miss Annika. Bakit pala nandito ka sa labas? Medyo marumi ang bakuran namin at mabaho dahil hindi pa nalilinis ang likod ng bahay. Pumasok ka na lang muna sa loob."

Nagtaas ako ng kilay bago sinulyapan si Sarge na ang bilis-bilis kumain. "Ano'ng lahi ng aso mo?"

Nilingon niya si Sarge bago nagsalita, "K9 'yan."

K9? Kaya pala mukhang matapang at maligalig. Nakatatakot din ang itsura pero mukhang matalino. 'Yong parang hindi mo maiisahan.

"Binili mo?" tanong ko.

"Hindi. Binigay lang sa akin ng isang kaibigan."

Isang kaibigan. Walang pangalan. Duda ako kung kaibigan nga ba o...

"Pumasok ka na sa loob, Miss Annika. Mabaho at magulo rito..."

Humalukipkip ako at nagtaas ng kilay sa kanya. "I'm bored. Gusto kong magpahangin dito sa labas."

Bumuntong-hininga siya. "Ikaw ang bahala..."

Tinalikuran niya ako upang lapitan si Sarge na tapos na kumain. Naglakad sila patungo sa likod ng bahay. Na-curious ako kung saan sila pupunta kaya sumunod na ako kahit mabaho at marumi.

"Bakit ang baho rito!" reklamo ko nang hindi na makatiis. Tinakpan ko na rin ang ilong ko dahil ang baho talaga!

Gulat na nilingon ako ni Andrus. "Bakit ka sumunod?"

"Gusto kong makita kung ano'ng mayroon sa likod!"

"Bumalik ka na roon!" utos pa niya habang tinuturo ang harap ng kanilang bakuran. "Marurumihan ka lang dito, Miss Annika!"

"I don't care!"

Umigting ang panga niya sa iritasyon. "Ang kulit mo rin pala! Bahala ka!"

Tinuloy niya muli ang paglalakad kaya sumunod ulit ako. Nang tuluyang makarating sa pinaka-likod ng kanilang bahay, naintindihan ko na kung bakit mabaho rito.

May alaga silang mga baboy at manok! Nagulat ako kasi sobrang dami at sobrang ingay nila.

"Ang kulit talaga..." iritadong wika ni Andrus habang nililinis ang tirahan ng mga alaga nila.

Lumapit naman sa akin si Sarge at mukhang pinapaalis na rin niya ako dahil ang sama ng tingin niya sa akin.

"So, ito pala ang dahilan kung bakit mabaho ang bahay n'yo..."

"Dito lang sa likod, Miss Annika. Hindi abot ang amoy sa loob ng bahay," malamig niyang sambit nang hindi manlang tumitingin sa akin.

Humalukipkip ako. "Mukhang malapit kayo sa gubat. Buti walang ahas na nakatatawid dito."

Napansin ko kasi na malapit sila sa isa sa mga lagusan ng gubat. Kung matutulog ako rito sa gabi, iisipin ko talagang may kapre na nakatingin sa akin dahil sa taas ng mga punong pumapalibot sa bahay na ito.

"Kaya nga nandito si Sarge upang magbantay," walang gana niyang sinabi. "Bumalik ka na sa loob, Miss Annika..."

Hindi ko siya sinunod. Naglakad pa ako hanggang sa matanaw ang isang pinto na mukhang lagusan papasok sa bahay nila.

"Ano 'to? Lagusan patungo sa back kitchen n'yo?" tanong ko.

Pinatay ni Andrus ang tubig sa hose upang harapin ako. "Basement 'yan..."

Wow! May basement pala sila? Wala kaming gano'n kaya nakamamangha!

"Saan kayo galing ni Mama bago kayo magpunta rito? Bakit dala mo ang sasakyan ng kapatid mo?" tanong niya bago ipagpatuloy ang paglilinis.

Natigilan ako. Paano niya nalaman na sasakyan ni Finian ang naka-park sa labas? Hmm, sinabi siguro ni tita?

"Galing kami sa sementeryo ni Tita Aurelia. Binisita ko ang puntod ni Mama."

Siya naman ngayon ang natigilan ngunit agad ding pinagpatuloy ang ginagawa. "Bakit kayo nagpunta rito?"

Lumapit ako sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. Nakakunot ang kanyang noo bago tiningnan muli ang nililinis. Ang tubig na marumi ay umaagos patungo sa sapatos ko kaya hinila niya ako patungo sa malinis na lupa.

"Diyan ka. Marurumihan ang sapatos mo.."

"Bakit? Dahil ba nahuli ka namin ni Tita Aurelia na may kasamang babae rito sa bahay n'yo?"

Tumigil siya sa ginagawa upang harapin ako nang maayos. Napalunok ako dahil seryoso ang mukha niya. Mas lalo akong kinabahan nang makita ang pag-igting ng kanyang panga habang tumutulo ang pawis sa kanyang mukha.

Ngayon ko lang napansin na pati ang t-shirt na suot niya'y basa na rin ng pawis. Kahit hindi niya tanggalin ang kanyang damit, kitang-kita ko ang makisig at malaki niyang katawan. Napalunok ako dahil doon.

"Hanggang ngayon ba'y iniisip mo pa rin na playboy ako?"

Kumurap ang mga mata ko.

Ha? Ano raw? Ano ba'ng pinag-uusapan namin? Ah!

Tumikhim ako at tumindig nang maayos. "Hindi ba, Andrus? Kung talagang concern ka sa babae mo, dapat sa ospital mo siya dinala at hindi rito. Bakit kasi ayaw mo na lang aminin na type mo ang babaeng 'yon at gusto mong maka-score sa—"

Nagulat ako nang pabagsak niyang binitawan ang hose at walis tingting. Lumapit siya sa akin na puno ng emosyon ang mga mata. Gusto ko sana umatras ngunit naramdaman kong tumama sa likod ng binti ko ang malaking timba na puno ng tubig.

"Kung playboy ako gaya ng iniisip mo, dapat matagal na akong lumapit sa 'yo, Miss Annika..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Gaya ng mga lalaking nagkakandarapa sa 'yo noon at pilit kinukuha ang atensyon mong kay hirap makuha."

Umawang ang bibig ko sa gulat.

So, ano ang ibig niyang sabihin doon? Hindi ako puwedeng mapansin ng mga hindi playboy? Na ang mga lumalapit sa akin ay hindi naman seryoso?

Wow! Sino ba siya sa akala niya? Hindi niya kilala ang mga lalaking lumalapit sa akin noon! Kilala ba niya lahat ng lalaking lumapit sa akin? Hindi naman, ah!

"Huwag ka masyadong mapagmataas sa sarili dahil hindi mo ako kilala!" bulyaw ko.

Lumayo siya sa akin para tumawa. "Huwag ka rin masyadong mapagmataas sa iyong sarili dahil hindi mo rin ako kilala."

"Kilala kita!" agap ko. "Naririnig ko palagi kay Tita Aurelia ang kuwento tungkol sa 'yo!"

Totoo naman na palagi siyang kinukuwento sa akin ni tita. Ang sabi pa ni Tita Aurelia, magaling daw si Andrus sa pakikidigma. Marami na raw itong parangal na nakuha dahil sa husay sa pakikipaglaban.

Eh siya? Ano'ng alam niya sa akin? Wala! Ang alam lang niya, anak ako ni Alvaro Faustino! Hindi niya alam kung ano ang mga pinagdaanan ko. Kung may na-kuwento man sa kanya si tita, siguradong mabababaw lang ang mga 'yon dahil hindi naman ako palaging nagkukuwento sa nanay niya.

"Bakit hindi mo na rin tinanong kay Mama kung may girlfriend ako, o naglaro ako ng mga babae?"

Natigilan ako roon. Ang sabi ni tita kanina, wala pa raw nagiging girlfriend si Andrus. Focus daw ito sa trabaho kaya walang panahon para sa lovelife.

"D*mn it. Wala dapat akong pakialam kung ano ang iniisip mo pero bakit..." pabulong niyang sambit habang nakangisi at dismayado sa bagay na hindi ko maintindihan.

Nagtaas ako ng kilay at umiwas ng tingin. "Kailangan ko nang umuwi. Ihahatid ko pa ang babae mo kaya bilisan mo—"

Humalakhak siya. "Kaunti na lang, iisipin kong nagseselos ka, Miss Annika..."

Namilog ang mata ko sa magkahalong gulat at inis. "Ang kapal ng mukha mo! Bakit naman ako magseselos?"

Tumango siya at ngumisi, tila nang-aasar. "Right. Bakit nga naman?"

Pumikit ako nang mariin bago siya tinalikuran. "Bilisan mo riyan! Kailangan ko nang umuwi!"

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil nagmadali na akong umalis patungo sa loob ng bahay. Pagpasok ko, kitang-kita ko ang gulat sa mukha nina Tita Aurelia at Lauren habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Bakit ganyan ang itsura mo, Annika? Dinala ka ba ni Andrus sa likod ng bahay?" tanong ni tita.

Bumaba tuloy ang tingin ko sa damit ko. Medyo may talsik ng putik ang ibabang bahagi nito. Naaamoy ko rin ang amoy ng baboy. Mukhang natalsikan ako kanina nang hindi ko namamalayan dahil sa pag-uusap namin ni Andrus.

"Sandali, ikukuha kita ng damit sa itaas. Diyan ka lang."

Pag-akyat ni Tita Aurelia, nagkatinginan kami ni Lauren. Nakaupo siya sa sofa habang naka-angat ang isang paa na may benda. Gaya ni Andrus, naka-shirt lang din siya na puti na suot niya sa ilalim ng kanyang uniporme. Dahil doon, nakita ko ang mga sugat niya sa braso na ginamot ni tita.

"U-Upo po kayo, Miss Annika..." aniya sabay lahad ng sofa sa harap niya.

"No. Mabaho at marumi ako. Baka marumihan ang sofa."

"Uh, may sasabihin din po sana ako sa inyo..."

Nagtaas ako ng kilay.

Ano naman ang sasabihin niya sa akin? Puwede bang makipag-friends? No! Sumasakit na nga ang ulo ko kay Andrus, dadagdag pa siya!

"N-Noong unang beses tayong nagkita sa harap ng bahay n'yo, napagkamalan n'yo po na g-girlfriend ako ni Technical Sergeant Dela Cerna..." Tumikhim siya at lumunok bago umiwas ng tingin, tila nahihiya at nahihirapan. "H-Hindi niya po ako g-girlfriend. Nagkakamali kayo ng iniisip."

Hindi ko alam kung bakit natulala ako roon. Hindi ko akalain na tumatak iyon sa isipan niya!

"Mahalaga po sa isang sundalo ang magandang imahe kaya ayaw kong mabahiran ng hindi maganda ang pagkatao ko, lalong-lalo na ng maling impormasyon tungkol sa katauhan ko. Ma-impluwensya po ang pamilya n'yo kaya lahat ng impormasyong malalaman mo ay mahalaga para sa akin kaya ko ito sinasabi."

Oh, wow! Hindi lang pala politicians ang may imaheng inaalagaan, pati na rin ang mga sundalo? Hindi ko alam 'yon, ah!

"I'm sorry," labas sa ilong kong sinabi. "Mukha kasi kayong may relasyon kaya akala ko—"

Tumawa siya kaya natigilan ako. "Noong araw na nakita n'yo kami, 'yon ang unang araw na nagkakilala kami, Miss Annika."

Bakit pakiramdam ko pahiyang-pahiya ako ngayong araw na 'to?

"Let's forget it!" mataray kong sinabi kaya nabura ang ngiti sa labi niya. "From now on, ayaw ko na marinig ang tungkol diyan!"

Tumango lang siya at hindi na muling nagsalita.

Ilang sandali pa'y biglang dumating si Andrus na walang damit sa pang-itaas. Naghanap ako ng gulat sa mukha ni Lauren ngunit parang wala lang sa kanya ang nakikita. Ako lang ang nataranta at nagulat!

"Annika, gamitin mo ito..." Nilingon ko si Tita Aurelia na bumababa na ngayon ng hagdan. May hawak siyang floral dress na sa tingin ko'y pinaglumaan niya. "Pasensya na at ito lang ang nakita kong damit na kakasya sa iyo. Damit ko ito noong dalaga pa ako."

Tinanggap ko ang damit at ngumiti. "Salamat, tita. Okay na po ito."

Okay lang talaga dahil nasa sasakyan naman ako. Hindi ako makikita ng ibang tao.

"Miss Annika," boses ni Andrus. Paglingon ko, muntik na akong ma-out of balance dahil sa lapit niya sa akin. "Akin na ang susi ng sasakyan mo. Ako ang magmamaneho."

Wala sa sariling binigay ko sa kanya ang susi at nagmadaling maglakad patungo sa bathroom. Doon lang ako nakahinga nang maluwag.

Ano'ng nangyayari sa akin? Bakit... kinakabahan ako?

Tsk! Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh! Siguro'y natatakot lang ako dahil sundalo siya. Pumapatay siya kaya hindi dapat ako dumidikit sa kanya!

Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako ng bathroom at kalmadong hinarap sina Tita Aurelia at Lauren na nagkukuwentuhan sa sala. Natigilan sila nang makita ako. Nakaramdam din ako ng kahihiyan dahil nakangiti sila habang nakatitig sa akin.

"Ang ganda mo po, Miss Annika!" magiliw na tinig ni Lauren. Agad niya ring tinakpan ang bibig nang makita ang mataray kong mukha. "S-Sorry po..."

"Bagay na bagay sa 'yo..." puri ni Tita Aurelia kaya napangiti ako.

"Maraming salamat, tita."

Ilang sandali pa'y biglang pumasok si Andrus na nakasuot na ng unipormeng pang sundalo. Fresh na rin ang mukha niya. Mukha nga siyang bagong ligo dahil kahit malayo siya sa akin, naaamoy ko pa rin ang pabangong ginamit niya.

"Andrus, tara na! Kailangan na nating iuwi si Annika bago magdilim."

Tumango si Andrus sa sinabi ng ina bago umiwas ng tingin sa akin at lumabas ulit. Sumunod naman kami sa kanya. Nakita kong aalalayan sana ni Tita Aurelia si Lauren maglakad ngunit tumanggi ito.

Si Andrus ang nagmaneho ng sasakyan. Hindi na ako kumontra dahil ayaw kong mag-usap kami. Desidido na talaga akong iwasan siya dahil hindi na maganda ang epekto niya sa akin. Mukhang hindi naman ako mahihirapan dahil wala naman kaming dapat pag-usapan at hindi naman kami palagi nagkikita.

Ngunit akala ko lang pala iyon.

Nang magtagpo ang landas namin kinabukasan para sa unang araw ng pangangampanya ni Papa, nag-umapaw ang inis sa buong sistema ko.

Continue Reading

You'll Also Like

52.5K 2.4K 18
"Only if I were twenty, would you even dare to love me?" - Secvania "Secret" Retante
2.6K 135 69
Shots Series: #3 I hope being sober is the only way to get you back. Genre: Teen-Fiction | Epistolary Language: Tagalog-English Status: Completed...
1.7K 130 33
A collaborative novel.
33.1K 1.1K 38
Yzce Toaine Samante likes Chasin Xabat----the cold, mysterious, Captain of Disciplinary Committee of their school. But she suddenly figured out a par...