Costiño Series 10: Forgetting...

By Alexxtott

126K 3.1K 237

Cavios Archilles Costiño, a handsome son but a serious type of man. There is a girl who is having a crush on... More

FY
Alexxtott
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Wakas
Notes

Kabanata 14

4.3K 127 10
By Alexxtott

Kabanata 14

Left

The day went smooth as I am his officially wife. Isang linggo ang nakalipas simula ng maganap ang kasal. It was great day for me. Nagkaroon ng pagkakataon na magtipon-tipon ang bawat isa, lalo na ang kanyang pamilya. Meanwhile, my mother is emotional when she knew that I am marrying Cavios for real. That was the best day for me. And today, as the sun rise up and the morning started, galit kong pinagmamasdan ang lalaking nasa tabi ko habang yakap-yakap ako.

Kanina ko pa siya sinasabihan na gusto ko ng bumalik sa trabaho ngunit ayaw niya. Ayaw niya dahil animo'y anong silbi ng kanyang yaman kung magtra-trabaho pa ako. Shit, I hate it! I have my own way to provide my needs! I have my work that is waiting for me! How about my colleagues? My management? My co-flight attendant? This is ridiculous! Ngayong pang naha-high blood ako sa kanyang pagmumukha!

These past days, nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan. Lately, I feel so full and big. At sa pagkain naman ay mapili na ako. Seriously? Noon gustong-gusto ko ng shrimp tapos ngayon ni amoy ay ayaw ko. Tapos nakakaramdam na rin ako ng pagsusuka sa umaga, kapag hindi ko naaagapan ay naiduduwal ko talaga. Cavios was in curious about my situation and feeling, aniya'y mas mabuting manatili sa tabi niya kaysa magtrabaho. Wala naman ako lakas para pigilan siya. He's the ruler and the boss. Lahat ng desisyon ay nanggagaling sa kanya. And I hate thinking about it!

"Bidong, I want to work na talaga! Bakit ba ayaw mo huh!?" pagalit kong sabi.

Ang kanyang nakapikit na mga mata ay unti-unting bumukas. Namumungay iyon, naglalambing sa akin.

"Baby, I won't let you work again. I have the money, the wealth. What's the use of working?" in his soft voice.

Umirap na naman ako. Bwesit! Sabi ng gusto kong magtrabaho e! Ano namang gagawin ko dito? And damn, sobra na akong bored! Walang magawa, tanging sa kwarto at bahay lang nila ako parati. Ni hindi ko nga magawang lumabas dahil ayaw niya rin e! The fuck, I'm like a prison here!

"Bakit ba kasi, Bidong? Nakakainis ka na! Kahit manlang lumabas sa bahay ay ayaw mo! Ano ba?" hindi ko mapigilan manubig ang mata.

He sighed softly.

"You don't get it, Shekky. I am doing this for you, for your safety. Ayokong mapahamak ka sa labas lalo pa't nanganganib ngayon ang bansa. Stop being so childish." he stop.

Nanlaki ang mata ko, sabay sa paghahampas sa kanyang dibdib at balikat. Ano daw? Childish? What the hell! I'm not being childish here! Pinulupot niya ang braso sa baywang ko habang tinatanggap ang bawat hampas ko.

"Ano! Shit ka! I'm not being childish, Bidong! How dare you saying that to me! Seriously? Oh my gosh!" I said almost hysterical.

He chuckled as I continue scourging his shoulder and chest. Damn him!

"I'm sorry, okay. Oh damn, ahh---stop it baby." he said laughingly.

Umiling ako at sinuntok siya sa braso. Nakakainis! Sumasabay pa talaga ang mood swing ko ngayon! Inis akong tumayo at tinalikuran siya. Ano, maghapon lang kami dito? Ganoon ba ang gusto niya? Fuck, hindi ba siya nagsasawang magyakapan kami buong hapon? He's so ridiculous!

"Baby…come back here, let's cuddling more." he said tenderly.

Inirapan ko siya at inis na lumabas sa kwarto namin. Nanatili kami sa mansyon nila, at sa pakawari ko'y dito muna kami pansamantala titira. Hindi ko alam kung may bahay ba kaming pinapagawa niya o wala. Hindi naman kasi siya nagsasabi sa akin e. At wala rin naman akong problema kung saan niya ako dalhin. Hindi na rin kami natuloy sa Iceland dahil sa daming trabahong inasikaso niya. Hinayaan ko naman siya at pumayag na wag nalang muna umalis. Pero sabi niya'y baka matuloy kami kapag matapos ang negosasyon sa kompanya niya. Wala rin dito si mama at papa (ang kanyang magulang) dahil nasa ibang bansa para magbakasyon. Si Calvino at Jachel ay may sariling bahay naman.

Kumbaga kaming dalawa lang ang nandito at solong-solo ang mansyon. Habang pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng bahay, hindi ko mapigilang maalala ang mga nakaraan sa amin dito. Noong panahong nagsisilbi kami bilang katulong nila. Panahon na katulong lang ako at naghahabol sa kanya. Hindi ko mapigilang maisip iyon habang nandito kami. Akalain mo, makakarating pa ako sa ganitong pamumuhay. God is good, that's the truth! Iba siya magbigay ng pagsubok. Iba siya magbigay ng biyaya. Iba rin siya bilang ama sa atin. Kaya kahit sobrang hirap ng mga pinagdaanan ko sa kanila lalo na sa kanya, gusto ko pa ring magpasalamat sa lahat ng ito.

Naalala ko pa nung panahon na nasa mansyon pa kami nila sir Hermes, iyon ang unang tagpo namin. Doon ko siya nakita at nakilala. Hindi ko nga alam kung bakit kami napunta sa kanila gayong mabuti naman ang pamamalakad ng pamilya nila sir Hermes. Siguro ko nung umalis sila abroad, hinabilin muna kami sa kanyang kapatid upang hindi matigil ang hanap-buhay ni mama. I am so happy that even after hardship, we are here…happy and contented, plus my ultimate dream got achieved! I got him! Cavios is mine now!

Bumukas ang pinto at nagulat ng pumasok si Perlita na may ngisi sa labi. May bitbit siyang apat na plastic, at nang nakita ko yung mangga ay mabilis na nanubig ang bagang ko. Oh shit, that Indian mango! I like it! Agad akong lumapit sa kanya kahit pa hindi nababati. Hinablot ko sa kanya ang plastic at ngumisi na parang nagtagumpay. Sumigaw ako sa pangalan ng asawa ko.

"Bidong! Bumaba ka nga dyan at balatan mo ako ng manga!" sigaw ko.

Mas lalo akong natatakam at nanunubig ang bagang dahil sa amoy ng manga. Shit, kahapon ko pa 'to hinihintay e!

"Grabe bes, hindi manlang nangumusta sa akin noh." si Perlita.

Inirapan ko siya. Kahapon ko pa ito request sa kanya at ngayon lang dumating. Sabi niya'y busy daw sa trabaho tapos malalaman kong magkasama sila ng Brazier na iyon! Talagang inis na inis ako kahapon pa. Kaya wag na wag silang manggugulo sa akin ngayon.

"Bruha ka, kahapon pa ako nag-request sayo." inis kong sabi.

Umirap siya.

"Loka-loka ka ba, syempre may importanteng ginawa ako noh!" she said.

Hinila ko ang kanyang buhok, hindi naman malaka ngunit alam kong nasaktan siya. Bagay lang sa kanya!

"Importanteng gawin na sumama kay Brazier Costiño sa penthouse niya, seriously? Wag mo akong artehan dyan." mataray ang boses ko.

She sighed and shook her head. Nakita kong pababa na si Cavios, maaliwalas ang kanyang mukha at sobrang gwapo. Shit, nanggigigil ako sa kanya ngayon. Gusto kong kainin tuloy! Ano ba 'yan, kung ano-ano nalang ang iniisip ko sa asawa! Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"What is it?" he asked gently.

Ngumuso ako. Natakam bigla ako sa labi niyang namumula kaya hindi ko pinigilan ang sarili na lumapit sa kanya at siniil ng halik sa labi. My friend who's my behind was in shock. Cavios snake his arms in my waist as he kissing me back. Same intension, same emotion. Kinagat-kagat ko ang kanyang ibabang labi, nakita kong ngumisi siya habang kagat-kagat ang bibig. Muli kong siniil ng malalim na halik ang labi bago bumitaw at tinignan siya ng masungit.

"Papapakin ko yang labi mo mamaya." I said sternly.

Ngumisi siya, niyakap pa ako ng mahigpit.

"Sure, no problem baby." sagot niya.

"God, naiinggit ako sa inyong dalawa! Itong best friend ko sobrang hayok sa labi huh! Baka maging mukhang labi ang mukha ng anak niyo." natigilan si Perlita ng tumingin ako sa kanya ng masama.

Shit! Wala na! Buking na! Siraulo din 'tong kaibigan ko e! Humigpit ang yakap ni Cavios sa akin.

"What?" he asked darkly.

Umiling at ngumisi ang kaibigan ko.

"Naku…wala---"

"I'm not deaf not to hear what you said, Perlita." may pagbabanta sa kanyang boses.

Namula ang pisnge ni Perlita animo'y tinamaan ng takot sa boses ng asawa ko. Pinanlakihan ko siya ng mata, naiinis at nagagalit sa kanya. Shit! Wala na talaga! Malalaman na ng asawa ko ang totoo! Ito kasing kaibigan ko e! Matabil ang bibig! Last Friday, ginamit ko ang PT na binigay ni mama sa akin bago sila umalis. I used it to stop my confusion about what I feel. And when the two blue lines reflected, doon ko napagtanto at naamin sa sarili na buntis nga ako. Wala naman akong dapat ikatakot lalo pa't gustong-gusto ni Cavios na magka-anak kami. Kaya hindi ako natatakot at nangangamba.

Gusto ko lang na i-surprise siya at sabihin iyon sa darating niyang kaarawan sa Sabado. Ngunit wala na, nabuko na ako! At dahil 'yon sa kaibigan kong madaldal! Wala na akong sorpresa pa! Nakakainis naman oh! Pati si Perlita ay dumagdag sa inis ko!

"Ah…eh…naku wag mo na akong pansinin pa, Cavios. Itong si Shekky---"

"If you will not tell me, I'll make sure you'll sink." banta ng asawa ko.

Goodness! Nakita ko ang kaba at takot sa mata ng kaibigan. Napahinga ako ng malalim at humarap nalang kay Cavios para sabihin ang totoo. I snake my arms in his leeg, looking at him deeply.

"I am pregnant, Cav. The pregnancy test say it all. Now, calm down and don't warn my friend." kalmado kong sabi.

Hindi ko nakitaan ng gulat ang mga mata niya. Animo'y expected niya talagang magbubuntis ako. Ngunit rumiin ang titig niya sa akin, may galit at pagbabanta doon.

"Mas lalo kitang hindi hahayaang bumalik sa trabaho, Shekky." malamig niyang sabi.

Napahinga ako at tumango nalang. I have no choice! Kahit naman sabihin kong pwede at gusto kong bumalik sa trabaho ay hindi naman siya papayag! Knowing their genes, siguradong mas hihigpitan niya ako ngayon! Shit, hindi na nga ako nakakalabas ng bahay mas lalo pa ngayon! Nakakabwesit! I know that our baby is a blessing from God, but it's just too early to have us a child. Baka hindi namin magampanan ang pagiging mabuting ina at ama sa magiging anak namin. We should be responsible. We should think the better for our child.

"I know about it, Cavios. Ang akin lang ay baka hindi pa tayo handa na magka-anak…" mahina ang boses ko.

Umigting ang kanyang panga. Perlita excuse herself. He hold me tight, making me feel that he's mad.

"What do you mean? I'm not ready for having a child? Are you serious? Kaya nga gustong-gusto ko ng magka-anak e, dahil handa ako at gusto kong maalagaan kayo! What's the problem having a child, Shekky?" galit niyang sagot.

I caressed his chest.

"Calm down, baby. I'm just…stating the possibility of having a child, Cavios. What if we cannot handle it? Anong mangyayari sa bata? We should think better about the child." pilit kina-kalma ang boses.

Umiling siya at binitawan ako. He turned his back on me. Napanghinaan ako ng loob ng makita siyang tumalikod sa akin. Animo'y hindi niya nagustuhan ang sinabi ko at nagagalit siya sa akin. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya upang hindi na makalayo sa akin. Hays, I need to calm him! Niyakap ko siya patalikod, hindi bibitawan dahil kapag ginawa ko 'yon ay baka mag-away lang kami.

"I know you didn't like my idea---"

"You want to abort my child!" mariin niyang sabi.

Napapikit ako ng mata. Not that I want to abort the child, no! This is God blessing and we should keep it. Ayoko ring magkasala dahil alam kong malaking kasalanan ito sa batas ng Panginoon. Ang akin lang ay hindi pa kami handa para sa ganito. I don't know what's up to my mind, I'm just thinking about it lately. Paano kapag mag-fail kami sa pagiging parents? Paano kung maghiwalay pala kami sa kasagsagan ng pagsasama tapos nandito na ang anak namin, siguradong siya ang pinaka-maaapektuhan sa amin. I don't want my child left alone. That's what I'm thinking!

"Natatakot ka na baka hindi tayo maging mabuting magulang sa kanya kaya iniisip mo 'yan! What the hell, Shekky? Matagal na akong handa sa pagiging tatay! Matagal ko ng gustong maging ama! Kaya bakit ganyan ang takbo ng isip mo? Wala ka bang tiwala sa akin huh?"

Tinanggal niya ang braso ko at iniwan akong tulala sa kinatatayuan. He left me hanging on!




---
© Alexxtott

Continue Reading

You'll Also Like

30.6K 1.1K 29
Cally, the brat, spoiled and very tactless found her match by her father command. She doesn't want to following anyone, even her family but one day...
115K 3.3K 24
Status: Completed Start Posted: September 2, 2020 End: November 10, 2020 Crush is one word but million of feelings. Humanga ka sa kanya ng matagal, m...
29.1K 1.1K 25
Amadeus Costiño, a soldier who is like his father, a dedicated server of the country, found his love to a very sweet, soft and kind Janiella Cyrish M...
149K 3.9K 25
Ariadna Arsola, ang babaeng reyna ng entablado. Kinababaliwan ng mga lalaki sa bar. Maganda siya, nahuhumaling ang sino mang tumingin sa kanya. Isang...