LUMINOUS (Fantasy Novel)

By Gregor_io

11.1K 906 554

|| COMPLETED || Stand-Alone YA Fantasy Novel ANG BUHAY NI AMARIS ay puno ng pasakit sa kamay ng kanyang adopt... More

LUMINOUS
The Map
I : AMARIS
II : ALEK
III : AMARIS
IV : ALEK
V : AMARIS
VI : ALEK
VII : AMARIS
VIII : ALEK
IX : AMARIS
X : ALEK
XI : AMARIS
XII : ALEK
XIII : AMARIS
XIV : ALEK
XV : AMARIS
XVII : AMARIS
XVIII : ALEK
XIX : AMARIS
XX : ALEK
XXI : AMARIS
XXII : ALEK
XXIII : AMARIS
XXIV : ALEK
XXV : AMARIS
XXVI : ALEK
XXVII : AMARIS
XXVIII : ALEK
XXIX : AMARIS
XXX : ALEK
XXXI : AMARIS
XXXII : ALEK
XXXIII : AMARIS
XXXIV : ALEK
XXXV : AMARIS
XXXVI : ALEK
XXXVII : AMARIS
EPILOGUE
THANK YOU!
🌕

XVI : ALEK

97 12 12
By Gregor_io


Upang maibahagi ko sa kanya ang aking nalalaman, kailangan ko itong simulan sa maliit na bagay, sa panahong maging ako'y dayuhan pa sa aking mga potensiyal at kakayahan.

Hinatak ko ang enerhiyang nananalaytay sa aking katawan, at sa isang iglap, ako ay nagbalik sa pagiging musmos. Ika-anim kong kaarawan, at kapiling si Itay.

Umalingawngaw sa aking isipan ang kanyang mga salita (halos tunay). At habang aking binabanggit ang mga ito sa aking sarili (at sa babaeng nagliliwanag na ngayo'y ilang puno ang layo sa akin), tila ba sing-boses ko na ang aking Itay.

Iyon ay payapa, malinaw, at may sapat na diin upang mahatak ang alinmang atensyon. "Ang enerhiya na iyong matatagpuan ay magkasala-salabid. Isang bola ng masikot na pagkakabuhol, yari sa manipis at talusalang hibla."

At gaya sa aking pagkabata, itinuwid ko ang pagkakabuhol ng enerhiya sa aking kalooban, hanggang sa dumaloy ito na wari isang payapang tubig sa lawa. Sa kailaliman ng aking kalooban, dumaloy ang bawat ginintuang hibla nito mula sa kawalan tungo sa aking katawan.

Sa tagpong ito'y nabura sa aking isipan ang aking pagiging Darkborne Shadow, at ako'y nagbalik sa pagiging normal sa Zamarron, kung saan ang dilim ay nasa paligid lamang, subalit wala sa aking kalooban.

Ang enerhiya ay nakalatag na sa aking katawan, nananalaytay na sa aking dugo. Sumilay sa aking alaala ang mga panahong wala pa akong kakayahang pagalawin ito, habang si Itay ay taimtim akong inuusisa, pirmi sa pagkakatayo, kanyang mga bisig nakabuhol sa isa't isa tapat sa kanyang dibdib.

Ngayon ay walang kahirap-hirap ko na lamang pina-usad ang aking enerhiya at inipon ito sa aking mga kamay. Ang aking nakaatras na paa ay dumiin sa lupa.

Dilaw na liwanag ang malamlam na gumuhit sa aking mga ugat, at mula sa aking kanang kamay ay pinakawalan ko ang mahinang bugso ng enerhiya (ito ang ginawa ko noong ako'y nasa Pagpili ng mga Shadow Apprentice, ang siyang nagpasok sa akin sa hanay).

Ang dilaw na enerhiya ay pumailanglang sa mahabang puwang ng dilim (wari'y bilog na disko ng tubig) hanggang sa sumalpok ito sa isang puno.

Mahinang balabag ang umusbong na sinabayan ng pag-alog ng puno paakyat sa makapal na mga dahon nito. Manipis na kulupon ng mga itim na ibon ang muling nabuwag at nagsiliparan. Sandaling namayani ang kanilang mga magagaspang na tiririt, ang mga tuyong dahon na natukoy ko bilang kayumanggi ay marahang nahulog pababa.

Subalit ang puno ay hindi ko nanaising mawasak. Labis itong bukod-tangi at hindi karapat-dapat sa dahas ng kanino mang kamay. Ang puno ay nanatili pa ring matayog sa pagkakatayo.

Lumingon ako sa kinaroroonan ng babaeng ngayo'y nagliliwanag. Humilamos ang pagkamangha sa kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay bahagyang magkahiwalay.

Bagaman akin na siyang minsang sinagip ay hindi pa rin nya nakikita sa kanyang mga mata ang ganitong kakayahan mula sa akin.

Siya'y akin lamang binigyan ng tusong ngiti at nagbalik sa aking ginagawa.

Muli ay pinakawalan ko ang inipon kong enerhiya sa aking kaliwang, umaandap na kamay, at ibinato ito sa isa pang puno. Agad ko iyong sinundan ng mula sa aking kanan, hanggang sa ang dalawang kamay ay akin nang pinagsasabay.

Matapos ang ilan pang pagkawala ng puwersa ay binawi ko na ang aking enerhiya at ibinabang muli ang aking mga kamay, subalit ang dilaw na mga hibla ng liwanag sa ugat nito ay nanatili.

"Ano sa palagay mo?"

Sa mahabang sandali ay nanatili lamang ang kanyang mga gintong balintataw sa akin. At ito'y aking hinarap, palaging namamangha sa katangian ng mga ito. Hindi ko maipaliwanag subalit ang inosente nyang mga mata ay nagpapaalala sa akin kay Danil, dahilan kung bakit may mga pagkakataon na kusang napapako ang aking tingin sa kanya.

Hanggang sa magbukas ang kanyang mga mala-rosas na porselanang labi. Kung ano man ang mga salitang kanyang bibigkasin ay kanya itong sinusuri. "Ano pa ang kaya mong gawin?"

Maikling hininga ang bumulwak sa aking bibig (o maikling pagkaaliw). Kanina'y nagsaad siya ng kasunduan, na bago nya subukang palabasin ang kanyang mga kakayahan ay nais nyang ako muna ang mauna. Ngayo'y nakikita kong mainam nyang ginagamit kasunduan.

"Gaya ng sinambit ko sa iyo, may kakayahan akong basahin ang enerhiya ng isang tao, o ng bagay." Tiningnan ko ang munting sanga sa uluhan nya at itinapat dito ang aking kamay. Ipininukaw ko lamang ang aking atensyon (ang buong isipan) at hinayaang magdugtong ang aking enerhiya sa lakas ng sanga.

Sa aking paningin, ang pahabang bahagi ng puwang ay nag-alon, mula sa aking nakaangat na kamay tungo sa puno, sanhi ng pagdaloy ng enerhiya.

Dumaloy ito sa akin, ang kaaya-ayang taginting sa aking mga kamay tungo sa aking utak. Isang pakiramdam na punong-puno ng katiyakan.

Sa tagpong ito, walang espasyo sa aking enerhiya ang nakalaan sa pagduruda o pangamba. Kumapit ako sa kung ano ang isinasaad ng aking likas na kakayahan.

Aking pinakawalan ang enerhiyang makakapagpabagsak sa sanga.

Bulwak ng enerhiya. Pagsalpok ng dilaw na liwanag. Pagyugyog ng sanga at paghiwalay nito sa katawan ng puno.

Ang babae ay nataranta at agad napaatras, ngunit malawak ang parte ng sanga upang kanya itong magawang takasan.

Gamit ang itim na mahikang nananalaytay sa akin (na nagmula pa sa Dark Majesty), napabilis ko ang aking paggalaw.

Sing-bilis ng isang kurap, ako'y tumungo sa kanyang tabi. Hinila ko ang enerhiya palabas sa aking dalawang kamay at ninais ang pagpabilog ng dilaw na enerhiya sa amin.

Isa iyong dagliang pag-andap ng dilaw na liwanag. Isang simboryo. Isang panandaliang pagsakop nito sa amin. At ang sanga at mga parte nito ay nawasak at pumailangalang palayo sa amin, at tuluyang bumagsak ilang distansya mula sa amin.

Nang matagpuan ko ang mukha ng nagliliwanag na babae, ito'y nasasakluban ng pagkagimbal. Ang kanyang liwanag ay tumindi dahilan upang kailanganin ko nang umatras ng ilang hakbang sa kanya.

Iniwan ko ang gimbal sa kanyang mga mata at aking isinuot ang itim na mahika sa aking buong katawan.

Sa maikling sandali ay nagbago ang aking isipan. Nang tiyak akong ako'y naglaho na nang buo sa kanyang paningin (sa halip na lumayo at lumitaw ilang mahabang distansya mula sa kanya) ako'y nanatili.

Sa halip, siya'y aking walang-labang pinagmasdan.

Malawak ang kanyang mga mata, at dito'y mas nahatak ako sa kanyang mga gintong mata. Sa mga ito, hindi ko mapigilan ang pagsibol ng alaala ni Danil. Ang kanya ring mga mata ay nagiging ginto sa tuwing kanyang dinodoble ang kanyang enerhiya (ang kanyang angking kakayahan).

At sa kanyang mala-porselanang balat (banayad at dalisay), nasilayan ko si Inay . . . sa mga panahong si Itay ay nabubuhay pa, mga panahong siya'y bata pa, umiibig . . . at maligaya.

Dumako ang aking paningin sa kanyang mahabang buhok (puti at nagliliwanag). At naalala ko si Itay. Ang kanyang mahabang, tuwid na buhok. Sa mga pagkakataong kanya akong binubuhat, palagi akong napapahawak sa kanyang buhok, iniisip na ang itim na kulay ng aking buhok ay mula sa kanya, at ang bahagyang kulot nito ay mula kay Inay.

At . . . nakita ko ang babaeng aking kaharap. Ang babae sa aking misyon. Inosente at busilak. Sa kabila ng nagigimbal nyang mga tingin ay tila ba aking natanaw ang isang bagay na agad kumapit sa malalim na parte ng aking dibdib. Iyon ay ang tiwala.

Sa kanyang mga nababagabag na balintataw ay nasilayan ko ang aking sarili.

Gumuho ang kontrol sa aking isipan, at pinagdudahan ito. Marahil iyon ay akin lamang guniguni.

At ang kanyang mga mata'y kumurap . . .

At ako ay naglaho.

Nang biglaan, ang tanaw sa kanyang mga mata ay naalis sa malayo at nagpukaw sa isang bagay sa kanyang harapan. At makalipas ang ilang sandali, aking napagtantong ako ang kanyang tinitingnan.

Bago ko ito mahinuha, ang aming mga mata ay direkta nang nakapukaw sa isa't isa.

At doon ko tuluyang napagtanto: Ang itim na mahikang sumasaklob sa akin sa kanyang paningin . . . ay naglaho.


Continue Reading

You'll Also Like

831K 44.4K 88
VRMMORPG | TAGLISH | Unedited A Sci-fi/Fantasy Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ The life of a gamer is perfectly ordinary. Eat, game, sleep a...
131K 4.1K 31
After the SL's fourth generation succeed the war the next Legendary is now going to face the hardest problem. The war betwen the Angels.
6.4K 826 35
"Write the name of the person who is dead and they will be brought to life" A group of college students played a dare game in which they wrote down...
33K 1K 39
Welcome to St. Achelous Academy! In a secluded school, far away from mortals. No one knows about this except the gods and the goddesses. A school fu...