LUMINOUS (Fantasy Novel)

By Gregor_io

11.9K 911 556

|| COMPLETED || Stand-Alone YA Fantasy Novel ANG BUHAY NI AMARIS ay puno ng pasakit sa kamay ng kanyang adopt... More

LUMINOUS
The Map
I : AMARIS
II : ALEK
III : AMARIS
IV : ALEK
V : AMARIS
VI : ALEK
VII : AMARIS
VIII : ALEK
IX : AMARIS
X : ALEK
XI : AMARIS
XII : ALEK
XIII : AMARIS
XIV : ALEK
XVI : ALEK
XVII : AMARIS
XVIII : ALEK
XIX : AMARIS
XX : ALEK
XXI : AMARIS
XXII : ALEK
XXIII : AMARIS
XXIV : ALEK
XXV : AMARIS
XXVI : ALEK
XXVII : AMARIS
XXVIII : ALEK
XXIX : AMARIS
XXX : ALEK
XXXI : AMARIS
XXXII : ALEK
XXXIII : AMARIS
XXXIV : ALEK
XXXV : AMARIS
XXXVI : ALEK
XXXVII : AMARIS
EPILOGUE
THANK YOU!
🌕

XV : AMARIS

104 14 10
By Gregor_io


Sa aking kuwarto, naghagilap ako ng mga artikulo sa internet kaugnay sa mga naganap kanina.

Dark clouds. Baguio City. Philippines. Atmospheric condition today. Alien sighting at baguio.

Ngunit wala akong natagpuang tugma sa aking hinahanap—liban sa isang facebook post na ang tanging isinaad ay: Naninindig pa rin ang balahibo ko habang inaalala ang kanina. Nagising akong duguan ang ilong at bagsak sa lupa sa harapan ng kinakainan kong Resto.

Humagilap ako ng maaring makakapagpatibay rito subalit sa halip ay mga inosenteng komento lamang ang aking natagpuan. Pls see a doctor. I wish u're doing well rn. At ilang gifs.

Isang kumento ang natagpuan ko na siyang nagbigay daan sa isang bagong realisasyon: Ang kaganapan . . . ay hindi rin nakuha ng camera—tanging itim ang nasa screen, subalit ang mga salita sa mga reaksyon ng nasa video ay nakuha.

Nawa'y makatulong iyon.

Kumawala ang mahaba at nanginginig na buntong hininga sa aking tensyonadong bibig.

Tama si Charles. Kung wala kaming ibidensya, sino ang maniniwala?

Pinatay ko ang screen ng aking cellphone at inilapag ito sa aking dibdib. Sa pagkakahiga ko sa aking kama ay idinungaw ko lamang ang aking tingin sa kupas na kulay-rosas ng aking kisame.

Gumapang ang lamig sa aking sikmura nang pumasok sa isipan ko ang aking misteryo, at ang misteryo ng lalaking natagpuan ko kagabi.

At ngayon . . . ang misteryo ng kalangitan.

Maaring may kinalaman ang naganap kanina sa aking misteryo. Na sa lahat ng nahimatay, marahil ako lamang sa kanila ang kakaiba.

At naisip ko si Charles. Kung wala siya, ano ang aking kinahantungan kanina?

Kung hindi ko lang nasilayan ang mukha ng lalaking natagpuan ko kagabi, marahil iisipin kong siya at si Charles ay iisa.

Ngunit hindi.

Mayroon akong natagpuang lalaki na kapwa ko mayroong misteryo. At kailangan ko siyang matagpuan sa gabing ito.

Nanatili siya sa aking isipan, at napagtanto kong siya lang—bukod kay Charles—ang taong mapagsasabihan ko ng mga naganap kanina nang hindi maghahanap ng pruweba.

Alam kong maniniwala siya.

Maaring siya'y may kasagutan.


Bago pa pumatak ang mga kamay ng orasan sa pagitan ng ika-labing isa at labing dalawa—ang oras ng aking pagliwanag—agad na akong tunakas mula sa aking kuwarto at tungo sa dilim ng gubat.

Malinaw pa rin sa aking isipan ang maitim na ulap sa kalangitan kanina, at ngayo'y hindi ko magawang maging kampante nang mag-isa lamang sa ganitong lugar.

Hinigpitan ko ang kayumangging telang nakayakap sa aking katawan, ang salakbong nito'y tinatakpan ang aking ulo.

Kayumpata ang tawag ng lalaki sa bagay na ito. At dahil dito ay alam kong makikita kong muli siya.

Sa kalangitan ang buwan ay muling natatakpan ng mga ulap. Nagpatuloy ako sa pagsuong. Mabagal ang aking paglalakad at bahagya lamang nakakaaninag sa karimlan, pagka't sa mga oras na ito'y hindi pa rin ako nagliliwanag.

Taliwas sa aking inaasahan, ang lagay ng panahon sa tagpong ito ay hindi kasing-tindi ng mga nagdaang gabi. Bagaman may angking lakas pa rin ang hangin, hindi na ito sa paraang nakakakilabot. Ang buong paligid—sa kabila ng bumabalot na dilim—ay masasabi kong kaibig-ibig. Ang pag-alon ng mga puno'y banayad na haplos sa aking mga mata, ang pagaspas ng mga dahon sa isa't isa'y kaaya-ayang musika. Ang lamig ay namamalagi sa paraang nakakaginhawa.

Kusa akong napatigil, at ipinikit ko ang aking mga mata. Sa maikling patlang ng mga segundo ay dinama ko ang pagyakap ng kagubatan sa akin, at ng dilim, at ng Kayumpata.

Humaplos muli ang banayad hangin sa akin at nagbigay ito ng pag-alon ng Kayumpata sa aking likuran. Inabot ko ang isang bahagi ng laylayan nito, marahang inusisa ang kulay-pilak na burda ng disenyo—simple at kumplikadong sa parehong oras, tunay na kamangha-mangha.

"Likha iyan ng aking Inay."

Nabali ang tingin ko sa disenyo. Dumiin ang aking mga paa sa lupa at ang aking mga mata'y kusang inusisa ang mga nakapaligid.

Habang tanging itim na tanawin lamang ang aking napupuna, kalmado akong ang boses na iyon ay mula sa lalaking aking hinahanap.

Matapos ang buo kong pag-ikot ay bigo ko pa rin siya natagpuan.

At kanyang sinabing, "ako'y narito."

Nasa itaas ang boses. Mabilis akong tumingala—sa kanan sa bandang likuran.

Ngunit wala akong matagpuan.

Nang akma ko nang ilipat ang aking atensyon sa ibang parte ay muling umangat ang mga salita.

"Huminto ka lamang."

Nanatili ang aking tingin sa isang sanga ng matabang puno, ilang metro ang layo sa akin. Nangunot ang aking noo. Walang imahe akong natatanaw.

Liban nang . . .

"Ako'y iyong natagpuan." Napuna ko ang tuso nyang tono, buhay at nanghahatak.

Ngunit sa simula'y naguluhan lamang ako, nang sa ibabang bahagi ng sanga—kung saan nakapako ang aking tingin—ay unti-unti kong naaninaw ang pagsidhi ng dilim.

Nagpatuloy ito, marahan, hanggang sa matukoy kong ang dilim ay isang itim na hugis—ng lalaking walang iba kundi ang inaasahan kong matagpuan. Ang kanyang kalmadong tindig ay bukod-tangi.

Ang kanyang itim na silweta ay umangat mula sa pagkakaupo, at sa isang kurap lamang ay walang alinlangang tumalon pababa.

Mabigat ang pagbagsak ng kanyang mga paa, ngunit hindi man lang nito naalog ang kanyang katawan. Sa kanyang paligid, ang mga tuyong dahon ay nagsiliparan at banayad na tinangay ng hangin, habang ang mga matatalim na itim na usok ay nanatiling umaaligid sa kanya.

Hindi ko namalayang mayroon na palang tensyon sa aking mga tuhod, at ang pangamba ay palihim nang kumakapit sa aking mga ugat.

"Huwag kang matakot." Naramdaman nya ang aking pangamba. "Ako lamang ito."

Humakbang siya ng ilang metro papalapit sa akin, at sa panglaw ng gabi ay marahan kong naaninag ang kanyang mukha. Muli, ito ay nagkukubli sa anino, subalit nagagawa ko pa ring mapuna ang ilan nyang mga katangian—ang kanyang mahabang buhok, direktang tingin, at ang kalmadong mga balikat.

Huminto siya—iniwan ang nasa limang metrong distansya sa aming pagitan.

Napuna ko ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang labi. "Hindi ko batid na ang aking Kayumpata'y kayang ikubli ang iyong liwanag, Binibini."

Napakurap lamang ako sa kanyang pananalita, at binuo ang aking isipan sa kanyang mga sinasabi.

Gumala ang aking mga mata sa aking katawan, at dahan-dahan kong kinalas ang pagkakatali ng kayumpata sa tapat ng aking dibdib.

Nanatli ang aking mga mata sa aking katawan habang ang nakabalot na Kayumpata ay aking inaalis. Nang akin itong magawa, saka ko lamang ini-angat ang aking mata sa lalaki.

Hinayaan kong unahan nya ang aking mga salita ngunit nanatili lamang siyang nakatayo at nakatitig sa akin.

Binigyan ko siya ng magaang pagtango ay sinabing, "hindi pa ako nagliliwanag."

Ngayon, siya naman ang napakurap nang magkakasunod.

Naalala ko ang kanyang sinabi kaugnay sa aking pagliwanag, na ito'y salungat sa kanyang enerhiya dahilan upang kailanganin nyang sakluban ang kanyang sarili ng mahika—dahilan ng pagkukubli nya sa mahiwagang anino.

Nilikom ko ang tapang na mayroon ako at pinakawalan ang mga ito sa paraan ng mga hakbang. Marahan, subalit patuloy, papalapit sa kanya.

Kung ano ang nag-uudyok sa akin upang gawin iyon, palagay ko'y ang kagustuhang makilala siya . . . nang walang nakaharang na mga misteryo at mahika.

Tila nabasa nya ng aking isipan. Sa kalagitnaan ng aking paglapit, siya'y gumalaw at sinundan iyon ng kanyang pag-usad.

Sa bawat hakbang ay unti-unting nagninipis ang mga usok na pumapalibot sa kanya. At nang iilang hakbang na lamang ang aming pagitan ay sunod na naglaho ang itim na aninong sa kanya'y nakabalot.

At kami ay huminto—magkasabay. Dalawang hakbang ang naiwang patlang.

Nagapi ng aming distansya ang namamalaging dilim ng paligid, pagka't nagagawa kong usisahin ang kanyang mukha. Sa panglaw, ang kanyang balat ay tila malamlam na nagliliwanag. May kintab sa kanyang mga itim na mata mula sa maliit na liwanag mula sa kalangitan. Kalmado ang buo nyang labi. At ang kanyang itim at bahagyang-kulot na buhok ay magaang humahawi sa kanyang noo.

Noong nagdaan gabi lamang, kami ay kapwa nabigla sa mga naganap—at sa isa't isa. Ngunit sa tagpong ito, pareho kaming payapa.

Ang pangamba sa aking isipan ay naglaho nang hindi ko namamalayan; kampante akong kaharap siya, sa katotohanang kami ay kapwa may misteryo.

Bumaba ang kanyang tingin sa aking kanang kamay, kung nasaan ang Kayumpata. At sumilay ang munting ngiti sa kanyang labi—kalmado, at buhay sa kulay. "Batid kong iningatan mo ang aking Kayumpata."

Ini-angat ko ito sa aming pagitan. "Gaya ng aking ipinangako." Sinuklian ko ang kanyang ngiti habang kanyang inabot ang Kayumpata mula sa akin.

Pinagmasdan ko ang banayad na pagsuot nya rito, at ang pagsakop ng tela sa kanyang mga balikat at matatag na mga braso.

Ang kanyang mga daliri ay kusang ibinuhol ang lubid sa tapat ng kanyang dibdib sa intrikong pamamaraan.

Nagbalik ang kanyang atensyon sa akin. Sa mahabang segundo, ang tunog ng kagubatang nagkukulong sa amin ang tanging namamayani.

"Kumusta ang iyong panahon . . ." sambit nya sa wakas, ". . . matapos ang mga pagtatagpo natin isang Pagdilat lamang ang nagdaan?"

Nagkunot ang aking noo. "Pa . . . Pagdilat?"

Lumawak lamang ang kanyang tingin, at tumango. "Iyon nga. Ang panahong tayo'y nagtagpo."

At ako'y napahalakhak, sa mababa at maiksing paraan na aking makakaya. "Ang ibig mong sabihin ay kagabi? Iyon ba?"

Inasahan ko ang pag-angat din ng kanyang halakhak ngunit sa halip ay lalo lamang siyang naging seryoso. "Iyon nga. Ka. Ga. Bi."

Naglaho ang galak sa aking mukha. Pinigilan ko ang paghakbang ng aking mga paa papalapit lalo sa kanya. "May gusto ka bang ibahagi sa akin?"

"Mayroon," buwelta nya. Bahagyang nalaki ang aking mga mata sa kasiguraduhan sa kanyang tono. "Subalit paumanhin kung hindi ko pa iyon maibabahagi sa iyo sa tagpong ito."

Na ikaw ay mula sa ibang mundo?

Inalog ko ang pag-iisip na iyon palabas ng aking utak.

Ibang mundo?

Kahibangan.

Ngunit—sa mga misteryong akin nang natutunghayan—hindi ko ito mapigilang paniwalaan.

Mala-kidlat na sumilay sa aking isipan ang itim na kalangitan kanina—ang panibagong misteryo ng panahon, o ng ibang bagay.

"Marahil ikaw rin ay mayroong nais isalaysay sa akin."

Kumurap ako at binura ang aligutgot sa aking isipan. Ngayon, ang katanungan ay nasa akin.

Ngunit ito ang katanungang aking nais.

"Kanina," walang alinlangan kong simula, "mayroon ulit akong natunghayang misteryo."

Bahagyang umurong ang kanyang mukha subalit nanatili siyang naka-ugat sa kanyang kinatatayuan. "Ano iyon?" Nanumbalik ang tuwid nyang tindig.

"Kanina lang, sa maaliwalas na kalangitan . . . nabuo ang malawak na bilog ng itim at makapal na ulap."

Sandali kong nasulyapan ang gulat sa munting pagbilog ng kanyang mga mata, bago sumibat ang talim sa mga ito at sunod bumaling sa kawalan. Ako'y nagpatuloy. "Nang tumingala ang lahat dito, ang bawat isa'y naparalisado at nakatingin lang sa itim na ulap, hanggang sa magdugo ang kanilang mga ilong at bumagsak sa lupa." Tumalim ang kanyang mga mata. "Kabilang ako sa mga taong iyon, ngunit hinila ako ng isa kong kasama at nagawa kong makawala sa pagkaparalisa."

Nanatiling nakalinya ang kanyang mga tingin sa aking direksyon, subalit ang mga ito'y naglalayag sa kawalan.

Nag-iisip siya, at kung ganoon, nangangahulugang may nalalaman siya.

Hanggang sa siya'y magsalita. "Kung hindi iyon dulot ng kalikasan, marahil ng ibang bagay."

Gaya ng aking nahihinuha. "At kung ibang bagay?"

Bumalik ang kanyang mga mata direkta sa akin. "Hindi ko mawari." Malakas na hangin ang panandaliang humampas sa amin. "Subalit kung nagawa nitong paralisahin ang mga tao, at kabilang ka, marahil ay nagdadala ito ng . . . ng panganib."

Panganib. Simula pa lamang ay sumibol na iyon sa aking isipan ngunit pilit kong nilayuhan. At ang marinig ito sa lalaking kapwa ko may misteryo ay sapat na upang akin itong pag-isipan.

Marahil hindi lang kalikasan ang nagdudulot ng bagay na 'yon.

"Sa palagay ko'y tama ka," sang ayon ko. "Paano kung ang naganap na iyon ay may kinalaman sa aking misteryo?" Hindi ko mapigilan ang pag-ahon ng takot sa aking dibdib.

"Huwag kang matakot."

"Nababasa mo ba ang aking isipan?" Maging ako'y nabigla sa aking sinambit. Ngayong walang aninong nakasaklob sa kanya, batid ko sa mukha nya na maging siya ay nagulantang dito.

Binigyan nya ako ng tahasang pag-iling. "Nararamdaman ko ang iyong enerhiya."

Halos ako'y mapaatras. Ngayo'y alam ko na kung bakit tila ba kanyang nababasa ang aking isipan.

Nagpatuloy ang pag-apaw ng takot sa akin, at hinayaan ko itong kanyang maramdaman. "Hindi ko ito mapigilan—ang takot." Ini-angat ko ang aking mga kamay ngunit wala pa rin ang liwanag dito. "Maging ako mismo'y natatakot sa 'king sarili—sa misteryo kong ito."

"Akin na iyang napagdaanan." May pagbitak sa magaan nyang boses. Ang kanyang tingin ay bumagsak sa lupa. "At ang mga nangyari . . . ay mga bagay na aking pinagsisisihan. Maging ako ay nasisindak din sa aking sarili. Subalit ako'y walang magagawa, sapagka't ang misteryong ito ay narito na, at parte na ng aking pagkatao."

Sa sulok ng aking paningin ay napuna ko ang puting liwanag na akin nang inaasahan. Hindi ko na inintindi pang tingnan ito, at ipinukaw lamang ang aking atensyon sa lalaki na ngayo'y unti-unti na ring pinapalibutan ng mga itim-at-pulang usok—lumulutang sa banayad na pag-angat, mula paa paakyat ng kanyang ulo. Ang anino na kanyang panangga ay marahang bumabalot sa kanyang malamlam na balat.

Ini-angat nya ang kanyang mukha tungo sa akin. Nang humampas muli ang hangin, ang kanyang magaang buhok ay bahagyang tinangay kasabay ng kanyang Kayumpata.

"Nagawa kong labanan ang aking takot nang naintindihan ko ang aking misteryo," sambit nya. "Nang nagawa ko na itong kontrolin. Nang mayroon na akong sapat na kakayahan upang maprotektahan ang aking sarili laban sa iba . . . at sa akin mismong sarili." Ngayo'y ang kanyang mukha ay tuluyan nang nagkukubli sa anino. "Minsa'y tayo rin ang nagwawasak sa ating sarili. Subalit, tulad ko, maaari mong protektahan ang iyong sarili . . ." Dumako ang kanyang tingin sa aking nagliliwanag na mga kamay. ". . . gamit ang iyong misteryo, sa halip na ito ang magwasak sa iyo."

Ini-angat ko ang liwanag sa aming pagitan. Pinagmasdam ko ang paggapang ng puti at makintab na film sa aking balat. Ang liwanag nito ay tiyak na nakakasilaw, kung dadampi sa mata ng normal na nilalang, ngunit hindi sa lalaking kaharap ko na may sariling kakayahan.

Ako'y napailing. Malawak na puwang ang bumutas sa aking damdamin.

"Anong magagawa ng isang simpleng liwanag?"

Ngunit gumuhit ang ngiti sa nagkukubling labi ng lalaki. "Ating malalaman."

Continue Reading

You'll Also Like

208K 8.9K 34
She is dead in her world but she is barely breathing in reality. Life is a second chance for her to live what she deserves. To love the worthy, not t...
937K 32.9K 55
Haily Constello is an orphan who lives alone and who loves to make a mess. But an unexpected accident happened that changed her life. She got reincar...
933 376 23
"Almost perfect" kung ilarawan si Cassandra Montemayor ng mga taong humahanga sa kaniya. Halos lahat ng magagandang katangian ay nasa kaniya na: maga...
571K 20.9K 40
(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pa...