BABYSITTING THE MAFIA'S KID

Від VictoriaGie

478K 23K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... Більше

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 32 - ABDUCTED

5.6K 300 58
Від VictoriaGie

(5 YEAR-OLD ASHARI'S POV)

5 years old ako, cute ako atsaka mabait hihi.

Naglalaro kami ng extra kong childhood friend ng lutu-lutuan dito sa harap ng bahay namin. Girl din ang friendship ko pero mas cute ako sa kaniya.

"Achari, natatae ako ikaw muna magbantay ng niluluto natin ah, uwi lang ako chaglit."

Pakat siya sa 'S' kaya ganyan siya magsalita! Minsan naiirita ako sa pagsasalita niya pero dahil mabait ako na bata, nginingitian ko nalang siya at pinagtitiisan ang 'S' niyang pakat.

"Sige, ako muna magbantay dito sa luto natin. Tae ka muna hihi" nagba-bye nalang ako sa kaniya kasi nagtatakbo na siya paalis. Ipit ipit pa nga niya yung pwet niya kasi mukhang lalabas na 'yung tae haha!

"Sana ma-ipot siya sa panty niya para pagalitan siya ng mama niya hihi."

Pinagmasdan ko naman 'yung niluluto naming tubig sa plastic na lutulutuan. Wala namang apoy kaya ang tanga naming perahas, hindi naman 'to kukulo e! Pinitas pa namin 'yung mga dahon ng mangga at bayabas ni Aling Marites para gawing sahog, napagalitan pa kami. Sabi ni Aling Marites mukha na daw kaming albularyo.

Siya nga mukhang engkanto!

At dahil hindi pa din kumukulo ang tubig sa lutu-lutuang plastic, pumasok muna ako sa bahay para kumuha ng kutsara. Kulang 'yung panghalo namin. 

Paglabas ko ng bahay...

May itim na kotse ang huminto sa labas ng kinakalawang naming gate.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa lutulutuan habang nakatingin sa tatlong kuya na lumabas sa kotse.

"Wow! Gusto ko ang suot nila na salamin sa mata! Parang bubuyog astig!" bulong ko sa sarili ko.

Tumingin tingin ang tatlong kuya sa paligid, parang may hinahanap sila. Saglit silang nag-usap tapos bigla silang napatingin sa bahay namin.

Nakita nila akong tatlo. Hindi ko naman sila pinansin tamang halo lang ako sa tubig na kumukulo na sa imagination ko.

"Ang tagal naman tumae ni frenny!" reklamo ko habang inilalagay ang pinilas pilas na dahon ng bayabas sa tubig na kumukulo.

Habang naghahalo ako, biglang dumilim. Nag-angat ako ng tingin, hinaharangan ni kuyang naka bubuyog salamin ang araw.

"Ikaw ba si Ashari?" ui, kilala ako ni kuya bubuyog number 1.

Tumayo sa pagkaka-upo ko.

Nakita ko na siya lang ang pumasok sa may bulok na gate, 'yung dalawang bubuypg pa, naiwan doon sa labas sa kotse nila. "Opo, sino po kayo?" nginitian ko siya. Cute ako e hihi.

Ngumiti din naman siya sa akin. O diba, nacute-an 'yan. "Ahh, inutusan kami ni Papa mo na sunduin ka, dadalhin ka namin sa kaniya." 

Hmmm? Tumingin ako sa nilalaro namin. "Hindi po pwede, may niluluto pa ako." sagot ko kay kuya bubuyog.

Syempre, play first! Play is life ako. Bahala si tatay dun.

Narinig ko na mahinang nagmura si kuya bubuyog. Sasabihan ko sana siya na bad ang magmura pero nakita ko na paparating na ang chilhood friend ko na tumae.

"Achari tapoch na ako tumae."

"Ui, buti naman dumating ka na. Ikaw na magbantay dito sa niluluto natin, sasama muna ako kay kuya bubuyog." 

"Bubuyog?" pagsingit ni kuya sa usapan namin. Halatang naiirita na ang boses niya.

Tumingin kaming dalawa ng frenny ko kay Kuya bubuyog. "Achari, kilala mo cha?"

Umiling ako. "Hindi, pero inutusan daw siya ni tatay e."

"Sabi ni mommy ko don't talk to strangers daw."

Muli akong tumingin kay kuya bubuyog. Hindi naman siya mukhang kidnapper.

"Ashari..." umupo si kuya bubuyog para maging magkasingpantay kami. May kinuha siya sa bulsa ng denim jacket niya...lollipop. "Halika na? Hinahanap na tayo ni Papa mo."

Ini-abot niya sa akin ang lollipop ng may napakatamis na ngiti sa labi.

Nadala ako sa ngiti ni kuya bubuyog kaya sa ka-una-unahang pagkakataon, na-scam ako. Leche, 5 years old palang ako pero na-scam na me!

At dahil 'yon sa isang pink na lollipop na tig pipiso.

Sumama ako sa tatlong bubuyog.

Ngayon ko napatunayan na hindi lang pala sa pagluluto-lutuan ako tanga, tanga din ako kasi nagpa-scam ako.

Hindi ako dinala ng tatlong bubuyog kay tatay. Binusalan nila ako kasi kanina pa ako umiiyak, tinalian din nila ako sa kamay, paa at katawan. Piniringan din nila ako.

Ang cute cute ko tapos nagawa nila sa akin 'yung ganito!

Tinanggal nila ang piring ko at nakita ko ang 5 years old na ako sa isang abandonadong gusali.

Nakatali ang sarili sa isang naka-usli at kinakalawang na malamig na poste.

"Tumahan ka o papaputukin ko 'tong baril sa bunganga mo." sigaw ni bubuyog number 3.

Lalo akong umiyak. "MMMMMAAAAYYYYY!!!!TTMMMMAYYY" palahaw ko sa bibig kong nakabusal. Basang basa na ang tela na nakasubo sa akin dahil sa luha at sa laway ko.

"Sabing tumahimik ka!"

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar. Binaril niya 'yung semento na malapit sa inaapakan ko. Kitang kita ko 'yung usok na nanggaling sa baril at 'yung maliit na butas sa sahig.

Dahil don, natahimik ako. Parang may tumitining na malakas sa tenga ko kaya halos wala na akong marinig sa paligid. Bigla akong nawalan ng lakas. Natulala nalang ako at ang tumatakbo nalang sa utak ko ay 'Gusto ko ng umuwi'.

Cute ako na 5 years old tapos makakakita ako ng ganito? Hindi pa ako nakakapag grade 1, dumedede pa ako sa pachupon, naiihi pa ako sa banig at takot pa ako sa kulog pati kidlat tapos...tapos babaril sila?

Mga panget na bubuyog!

"Pauwiin niyo na ako." walang buhay kong sabi.

Patuloy pa din ang pag-ingay ng tunog na ayaw mawala sa tenga ko.

"Hindi pwede, hindi pa kami tapos." sobrang hina na halos hindi na marinig.

Hindi ko alam kung saan pa sila hindi tapos. May pinag uusapan ang tatlong bubuyog. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nilang tatlo dahil sa ugong na nasa tenga ko.

Gusto ko ng umuwi

Gusto ko ng umuwi

Gusto ko ng umuwi

"Pauwiin niyo na ako." hindi ko alam kung may lumabas ba na boses sa bibig ko dahil pati sarili ko, hindi ko na madinig.

Hindi nila ako pinapansin. Basta ang nakikita ko, nagtatalo ang tatlong bubuyog. Galit lahat sila, pinanood ko lang sila habang umuugong pa din ang paligid ko.

Hanggang sa apat na putok ng baril pa ang narinig ko.

Lalo lumakas ang tining ng ugong sa tenga at utak ko.

Gusto kong pumikit pero nakatulala lang ako.

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano binaril ni bubuyog number 1 'yung dalawa niyang kasama.

Huh? Bakit binaril niya 'yung kapwa niya bubuyog.

"Masyado kayong maingay." wika ni bubuyog 1 sa dalawang nakabulgta niyang kasama. Unti unti ng bumabalik ang pandinig ko.

Tumingin siya sa akin bago lumapit.

Nakatulala lang ako habang nakatitig sa kaniya.

Umupo siya gaya ng ginawa niya kanina para magpantay muli kami. Nakamasid lang ako sa mukha niyang panget! Tinanggal niya ang shades niya kaya nakita ko ang mata,.

Ah, ganyan ba ang mata ng taong pumapatay?

Kumuha siya ng isa pang lollipop sa bulsa ng damit niya, binuksan niya iyon. Tinanggal niya ang pagkakabusal sa akin at isinubo sa bibig ko ang lollipop.

Nakatitig lang ako sa mamamatay mata niya. "Wala akong planong saktan ka at wala din akong planong pakawalan ka."

Tumayo siya at nagsimulang maglakad palayo.

Pauwiin mo na ako.

Pauwiin mo na ako!

"Kung mahahanap ka ng magaling mong ama, swerte ka, hindi mo pa oras. Pero kung hindi, mabubulok ka diyan at mamatay sa gutom. Thank that lollipop, atleast you tasted something sweet before you die."

English 'yung sinabi niya kaya hindi ko naintindihan. 5 years old palang ako, di pa nga ako sanay bumasa ng tagalog tapos i-englishin niya ako?

Umalis yung bubuyog 1 at naiwan ako sa malamig at abandonadong building.

Naiwan akong nakatali kaharap ang dalawang nakahandusay na katawan ni bubuyog 2 and 3.

Bilang isang 5 years old, wala akong nagawa kundi tumulala habang iniintay si Tatay.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatali pero ang natatandaan ko lang, seven na beses akong naihi sa panty ko bago ako nakita ni tatay.

May kasama siyang isang babae at dalawang lalaki na noon ko lang nakita.

Pagkakalas ng tali sa akin, naglakad ako palapit sa dalawang bubuyog na nakapikit na. Umiyak ako ng umiyak kasi gusto ko sila mabuhay.

Sabi ko kay tatay hindi ako uuwi hanggat hindi sila gumigising. Cute ako na medyo tanga, alam ko naman na hindi na talaga sila gigising kasi patay na sila.

Kinuha lang ako pilit ni tatay para maka-uwi.

Simula non, hindi na ako nagpa-scam.

Si Tatay, naging walang kwenta na din siya.Nabalitaan ko na sampong flyer lang tapos naka xerox pa 'yung ipinagawa niya para mahanap ako. Iniiwan na din niya ako palagi at tinuturuan kung paano mabuhay mag-isa. 

Sabi niya matuto na daw akong maging independent.

Ayon, nasobrahan.

Sa sobrang independent ko, kaya ko ng magluto ng totoo at hindi na sa plastic na laruan.

'Yung kaibigan kong pakat sa 'S', hindi ko na pinansin kasi mas cute ako sa kaniya.

Si Tony na ang friend ko kasi pogi siya.

Tapos ayon...

Hanggang sa lumaki na akong walang modo at masama ang budhi.





HAHAHAHAHAHAHAHA! ANG HAPPY!


AFTER 13 YEARS...




HINDI NAMAN AKO NA-SCAM KASI IPINANGAKO KO TALAGA SA SARILI KO NA HINDI NA AKO MAGPAPA-SCAM PERO...




PEROOOOO....






NAKIDNAP NANAMAN AKOOOOOOO!




LECHE!


"You're finally awake, Ashari."

Pinagtaasan ko ng kilay ang lalaking nasa harapan ko. Naka-upo siya sa magandang upuan at ako naman nakapwesto sa isang queen sized bed. Nakaposas ang kamay at paa. Kakagising ko lang at wala pa ako sa mood.

Ayaw magsink-in sa utak ko kung sino 'tong hampaslupang kumidnap sa akin.

Walang hiya siya! Anong karapatan niyang kidnapin ako?

E kung isipin ni Easton na tuluyan akong tumakas, edi lalo akong nategi---

Walanjo!

Teka nga!

Kilala ko 'yung boses na'yan!

Biglang nawala lahat ng antok ko sa katawan ng marealize ko kung sino 'tong hampaslupang kaharap ko!

"Rebel..."

Biglang nagflash sa utak ko lahat ng nangyari. Silvia siya, ibig sabihin siya ang pasimuno ng pagkidnap kay Gali at ang nangyari doon sa Vintagio Museum. Si Rebel din ang salarin sa spy at sa pagsabog ng kapatid ng cellphone ni Aling Marites. Siya din ang dahilan kung bakit bumalik si Cannabeth dito sa bansa at ako pa tuloy ang naatasang magpanggap na jowaers ng Easton Isprikiton naýon!

In short, ang taong nasa harapan ko ang pinaka sukdulan nuknukan ang kasamaan ng budhi. Ang kontrabida sa lahat ng kontrabida sa istoryang 'to! Ang kapatid ni satanas.

Nakatitig lang ako kay Rebel. Kaming dalawa lang ang nandito sa kwarto. 

Iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi niya narinig na binanggit ko ang pangalan niya dahil pabulong lang ýon.

Dapat ba akong magpanggap na hindi ko siya kilala?

Maghimatay-himatayan kaya ako? Magpanggap akong tulog ulit. Orlok orlok lang ganern?

E kung bigla niya akong itapon sa labas?

Napatingin ako sa bilog na bintana nitong umaalon na kwarto. Natatandaan ko ýung usapan ni Cabeth and the two kulokoy (EASTON-kuloy 1, DYTHER-kulokoy 2) dati nung isinama nila ako sa napaka boring nilang meeting. Naalala ko na ang illegal business nitong si Rebel e mga hayop na exotic sa dagat.

Sureball nandito kami ngayon, sa dagat!

Akalain mo 'yon, may magandang naidulot din pala 'yung boring na meeting na'yon. Atleast kahit papaano alam ko kung ano pwedeng gawin sa akin ng bwisit na tattoo boy na'to.

Habang pinag-iisipan ko kung ano ang dapat kong i-react kay Rebel, hindi ko maiwasang mapatingin sa itsura niya e.

Alam kong masama ang budhi ko pero hindi ko akalaing napakasama ko pala talagang tao dahil gwapong gwapo ako sa kaniya kahit alam kong isa siyang mamamatay tao, kidnapper at psychopath!

Akala nasa imagination ko kasi sa kaniya e mukhang dugyutin na mafia.

E ang gwapo naman pala sizt!

Ang gwapo ng maamo niyang mukha. Legit, kung hindi ko kilala ang boses niya, hindi ko siya mapagkakamalan na si Rebel. Ang amo ng mukha! Saan ba 'to pinaglihi? Ang pogi leche. Parang cute na tigre! Siguro kasi mukha siyang Japanese? Korean? Chinese? Ewan, basta mas malakas 'yung Asian na dugo niya e. Hindi kagaya ni Easton at Dyther na halatang westerner ang itsura.

Kung hindi lang dahil sa tattoo niya sa magkabilang braso, hindi pa siya magmumukhang mafia.

Ugh, ang gwapo niya talaga! Ang sarap i-kiss ng pisngi grrrrr!

Walanjo.

 Napakamakasalanan talaga ng mata at utak mo Ashari leche!

Ha, pero atleast napatunayan ko din na hindi lang pala ako mahilig sa pera, mahilig din ako sa gwapo hihi.

Bruha ka Ashari. Kesa pagnasaan mo si Rebel, bakit hindi mo nalang isipin kung paano mo isasalba ang buhay mo sa mga ganitong sitwasyon. Baka nakakalimutan mo na siya ang kidnapper mo!

Mag-isip ka!!!! ISIP MO GAMITIN MO!

Alam ko na kapag nagmatigas ako, 99.9 percent sure na itatapon niya ako sa dagat. 0.01 percent naman na papatayin niya ako gamit ang baril niya na nakalapag sa side table katabi ng isang baso ng beer.

Wala akong choice kung hindi...

"H-hi Rebel hehehe." ngumiti ako ng napakatamis. 'Yung tipong ngiti na makakapagpalambot sa puso ng kahit sinong kampon ni satanas. Pilit kong pinakislap ang mata ko para ma-awa siya sa akin at pakawalan ako.

Isang impit na ngisi naman ang lumabas sa bibig ni Rebel. Ngiti lang Ashari, NGITI KA LANG!

"I didn't expect that reaction." ano gusto niya? Umiyak ako kasi kinidnap niya ako? Duh, di na ako 5 years old! "I thought you'd be crying and begging in your knees for your freedom."'

Bwisit, sino luluhod sa kaniya? Kaskasin ko kaya tattoo ng isang 'to? Pagnakalaya ako dito, ipangbibili ko ng papel de hapon ang isang milyon sa 5 million ko para ipang-liha sa mga tattoo niya sa braso! Ginigigil niya ako!

"H-hehe, bakit ako nandito? May sea outing tayo?" kunwari nalang close kami.

Hello to the world!

ISANG MALAKING TANONG!

Bakit nga ba ako nandito?

Ang huli ko kasing natatandaan e tumakas lang ako sa Marchese, wala naman akong appointment dito kay Rebel.

Wala din naman akong maisip na dahilan para kidnapin niya ako.

Wala naman akong utang sa kaniya diba?

AHHH! 'YUNG FIVE HUNDRED MILLION SA MUSEUM!

Hindi kaya 'yung yung dahilan kung bakit niya ako kinidnap?

Napalunok ako. Kung iisipin kasi talaga, sa mga Silvia talaga yung pera na nasa suitcase non.

Aish, malaki nga ang utang mo Ashari!

"Sea outing?" kalmadong tanong ni Rebel sa akin. Walanjo, ganyan ba talaga makipag-usap ang isang Rebel? Boses maka langit e. Ibang-iba sa tono na narinig ko sa cellphone na pangJurassic dati.

Tumango naman ako with matching "Hehehe." habang pinagmamasdan siya na abutin ang neer sa table at lagukin ito ng diretsyo.

Argh, napangiwi ako. Hindi ba gumuguhit sa lalamunan 'yon?

Atsaka anong oras na ba? Umagang umaga umiinom siya ng beer?

"Since we're on a sea outing, why don't we eat breakfast first."

"Ha?" ano daw? Breakfast? Binge na ba ako o sadyang imagination ko lang na inaya niya ako ng breakfast.

Haler, sinong kidnapper ang papakainin ng breakfast ang hostage niya?

"I said we're having breakfast. The two of us." Lalong kumunot ang noo ko ng tumayo si Rebel sa pagkaka-upo niya. Pumunta siya sa isang cabinet at may kinuha sa isang maliit na vault.

Legit! Inaya nga niya akong magbreakfast. Ahh, may plano siguro siyang lasunin ako kaya niya ako inayang mag umagahan.

Naglakad siya papalapit sa akin.

Napa-usog ako sa kama palayo pero limitado ang galaw ko. Nakatago sa likod niya ang kinuha niya sa vault kaya hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya.

"A-ano 'yan?"

Hindi niya ako sinagot. Isinampa niya sa kama ang kanang tuhod niya para ma-abot ako.

"Lumayo ka kung ayaw mong masuntok!" asik ko sa kaniya habang naka-amba ang nakaposas kong kamay ng suntok.

Hindi naman nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Gwapo pa din siya aaahhhh! 

Hindi siya takot sa suntok ko kaya ako ang natakot sa kaniya. Walanjo, bakit mas nakakatakot siya kaysa kay Easton?

"AHHHH HUWAG MO AKONG HAWAKAN---"

Maghaharumintado na sana ako kasi bigla niyang kinuha ang mga kamay ko ng bigla kong naramdaman na nahulog sa kama ang posas ko sa kamay.

"E?" para akong timang na pinagmamasdan ang posas  sa kama. Sumunod na tinanggal ni Rebel ang posas ko sa paa.

Napapalakpak ako ng very light, try ko lang baka kasi nananaginip ako e. O kaya baka kasi imagination ko lang na tinanggal talaga ni Rebel ang posas ko.

"Bakit mo tinanggal? Hostage ako diba?"

Hindi naman ako na-inform na engot pala 'tong si Rebel. Sinong tangang kidnaper ang magtatanggal ng posas ng hinostage niya?

"I ask you for breakfast, hindi ba courtesy ko bilang kidnapper mo na gawing komportable ang pagkain mo?"

Sabi na e! May balak talaga siyang lasunin ako.

"And don't worry, I'll give you a gift instead of those shackles."

Shackles? Ano 'yon? Bat kasi english english pa 'tong engot na'to e! Nakatingin siya sa posas so baka yung posas yon.

Muli siyang lumapit sa akin. Legit, sobrang lapit na pinipigilan ko na ang sarili ko sa paghinga. Naramdaman ko ang mga palad ni Rebel sa magkabila kong braso.

"Bibigyan mo ba ako ng kwintas? Huwag kang mag-alala, may 5 million na ako. Hindi ko kaylangan ng regalo galing sa'yo!" kwintas ;ang ang naiisip kong ibibigay niyang regalo sa akin sa ganitong posisyon na kinalalagyan naming dalawa ng Boy Tattoo na'to e.

Naramdaman ko na may nagclick sa bandang likod ng leeg ko.

Ahhh, sabi na kwintas e.

Lumayo si Rebel at tumayo sa harapan ko. Napahawak naman ako kaagad sa inilagay niya sa leeg ko.

Halos manginig ang buong kalamanan ko ng marealize ko kung ano 'yung inilagay niya sa akin.

"That suits you well. You look very pretty, Ashari."

Nag-igting ang panga ko sa galit habang kinamumuhian ang unti unting paglabas ng mga nakakalokong ngiti sa labi ni Rebel.

'Yong kaninang maamong mukha, 'yung mukha ng cute na tigre, ngayon parang naging leon na anytime lalapain ang kahit sinong humarang sa dadaanan niya.

"Tanggalin mo 'to!" asik ko sa kaniya habang pilit na tinatanggal ang nasa leeg ko.

Hindi niya ako pinansin. Kinuha niya ang baril sa side table at inilagay iyon sa ilalim ng vest niya.

"You know Silvia's specializes bombs right Ashari?"

"Oo, alam na alam ko leche kang Boy Tattoo ka. Oras na makawala ako dito, babalatan kita ng buhay at titimplahan ko ng asin yang katawan mo bwisit!" wala na akong pake kahit itapon niya ako sa dagat. Hindi na ako magpapanggap na bait-baitan!

"Atlast! You showed the real you."

"Real mo mukha mo! Tanggalin mo 'tong nasa leeg ko, Rebel!"

Lalo siyang ngumisi. "Why would I? That suits you well."

"Suit mo ulo mo!" tumayo ako, lumapit ako sa kaniya at kinapkapan ko siya. OO, KINAPKAPAN KO SIYA MULA ULO HANGGANG TALAMPAKAN!

Siya naman, parang nag-eenjoy pa sa ginagawa ko. Kinuha niya 'yung baril niya bago nagtaas ng dalawang kamay.

"Nasaan 'yung susi? Hoy Rebel 'yung susi! Kukurutin kita sa singit pag hindi mo ibinigay sa akin 'yon!" 

Bwisit naman! Kaya pala ako tinanggalan ng posas ng bwisit na'to!

"You think that thing in your neck has keys?"

"Malay ko diba? Sino ba gumawa nito, ako ba? Ako ba?" Naiinis na ako. "Nasaan nga kasi!"

At mukhang hindi lang ako ang nainis. Kasi biglang hinablot ni Rebel ang braso ko. Legit, daig ko p mapuputulan ng braso sa sobrang higpit ng pagkakakuha niya.

"I won't hesistate to click the trigger in that damned thing in your neck once you get on my nerves." napalunok ako ng tatlo sa sinabi niya. "That thing will blow everything in you and the next thing you'll see is the after life."

Sabi ko nga.

Sabi ko nga titigil na ako sa pagkapkap sa kaniya.

"Bitawan mo na ako." pagsuko ko. Haler, si Rebel 'to. Wala akong ibang choice kundi manahimik bago niya pasabugin ang leeg ko.

Hays, ang nasa leeg ko lang naman ngayon e isang bomb triggered choker. Ito 'yung mga nakikita ko sa tv nitong mga nakaraan e.

Binitawan naman ako ni Rebel.

Nawala na ang nakakalokong ngisi niya. Balik ulit sa normal na cutiepatootie. Mapanlinlang!

"Now, shall we head for breakfast?"

K, no choice kundi sundan siya palabas sa kwarto.

Subukan lang niya talaga akong pakainin ako ng lason!!!!!

Продовжити читання

Вам також сподобається

189K 7K 31
Dahil lang sa pakikinig ng usapan, naituro siya bilang ama nang dinadala ni Aviah Alvarez na anak ng gobernador. Alam naman niyang kakaiba siya dahil...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
45M 758K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...
27.1K 56 3
III (TRILOGY) : GERALDINO 01 - DREAMING OF FOREVER: THE NERD's BEAUTIFUL TARGET GXG / INTERSEX 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits...