Amore and Vains (Lover Series...

By celestinair

3.7K 271 12

Impediment and Betrayal. More

zero
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51

41

24 3 0
By celestinair


"Wow," I sighed in amusement while looking on the name written above. 


"The museum would close in 2 hours. We need to hurry!"


Saglit ko siyang nilingon at nahuli ko siyang nakatingin din sa'kin. Mabilis kaming umiwas ng tingin sa isa't isa, nauna na akong maglakad papasok sa loob, hindi pa rin binibitawan ang kamay nya.


"How did you know that I like this kind of place?" tanong ko ng huminto kami sa tapat ng isang malaking painting. Unti unti na ring lumuwag ang pagkakahawak namin sa kamay ng isa't isa.


"I think everyone who loves art, loves museum." he replied casually.


"Not everyone. My sister don't give a shit about this kind of place." umiling ako.


"Well, I guess it's not everyone." marahan siyang tumawa.


"This place is aesthetically beautiful," inilabas ko ang phone ko at pasimpleng kinuhanan ng litrato ang nasa harapan ko, hindi ko din kasi alam kung pwede bang magpicture dito sa loob o hindi.


"I'll take a photo of you. Stand beside the pole so the other paintings will be seen." utos nya habang naglalakad paatras, iaabot ko pa sana ang phone ko para 'yon ang gamitin nya pero mabilis nyang kinuha ang sariling phone sa bulsa.


"Is this okay?" I bent a little while smiling shyly.


"Pretty," he smiled. I heard the continous sound of the camera. Kakapain ko na sanang muli sa bulsa ang phone ko, plano kong ipapasa ang picture ko sa'kin pero nauna na siyang maglakad papunta sa gilid kung saan naroon ang maliliit na paintings.


Bumuntong hininga na lang ako at muling itinago ang phone sa bulsa, mamaya na lang siguro kapag pauwi na kami. Salungat ng direksyon nya, sa kabilang gilid ako pumunta dahil napansin ko ang ilang makukulay na paintings, mostly abstract. Hindi ko maiwasang hindi sumulyap sa direksyon nya, nakatalikod siya sa'kin, patuloy pa rin sa paglilibot ng tingin sa paligid.


Ilang sandali rin ang itinagal ng paglilibot namin ng magkahiwalay, hindi na rin naman siya lumapit pa sa'kin kaya sa tingin ko ay gusto nya rin munang mapag isa. Umupo ako sa isang wooden stool na nasa tabi ng isang pole, minabuti kong magtext muna kay Samuel, ilang oras na rin ang lumipas noong huli kaming nakapag usap. Nakatingin lang ako sa message na sinend ko, sinabi kong nandito kami sa isang museum. Hindi ko alam kung anong magiging reaction nya, pero kahit ano pa man 'yon, wala akong dapat ipangamba dahil nagsabi naman ako ng totoo, wala akong inilihim at wala rin namang ibang ibig sabihin ang lakad na 'to.


"Pagod ka na?" tanong ni Trevor at umupo sa tabi ko, di ko namalayang lumapit siya.


"Ah, hindi. May chineck lang ako dito sa phone." kaswal kong sagot habang nagkunwaring nagtatype sa screen.


"Let's eat before visiting other places, almost dinner na rin naman."


"I want ice cream," I grinned silently.


"Ice cream for dessert, then." I heard him chuckled before walking away, agad ko rin siyang sinundan, naramdaman kong nagvibrate ang phone ko pero hindi ko na muna 'yon pinansin. Sa isang pizza house kami kumain, sobrang dami ng tao, parang mas lalo pang dumami ngayong gabi.


Walang nagtangkang umimik sa'min habang kumakain, mas mabuti na rin 'yon dahil gutom na ako, mas gusto kong kumain ng tahimik at dire diretso. Huling dumating ang isang cup ng ice cream, hindi umorder ng dessert si Trevor dahil busog na daw siya, sabagay, napansin kong madami rin siyang nakain. Tama nga ako, mas madami talagang tao dito tuwing gabi, karamihan ay turista.


Nang may madaanan kaming isang botique ng bag at sapatos ay hindi na ako nagdalawang isip na mamili, bumili rin ako ng ilan para kina Raven. Tahimik lang si Trevor habang nakaupo sa waiting area, napansin ko na ang ilang babaeng pumapasok sa shop ay hindi maalis ang tingin sa kanya. Napailing na lang ako at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa, hindi na naman bago sa'kin ang ganoon.


Huli naming pinuntahan ang Grand Canal, maraming ilaw sa paligid, lalo itong dumagdag sa kabuuang ganda. Habang nagsasagwan sa unahan ng gondola ang isang lalaki, abala ako sa pagkuha ng picture, may ilan ring gondola sa likuran namin.


Nilingon ko si Trevor, nakatingin rin pala siya sa'kin, sumasabay sa simoy ng hangin ang ilang hibla ng buhok nya, ang liwanag ng buwan sa itaas ay nakikita ko sa kanyang mga mata. Ang mga mata nya, kahit ilang taon na ang lumipas, nagagawa pa ring pabilisin ang pintig sa dibdib ko.


"So, how's the half of your day so far?" he asked, breaking our gaze.


"This is one of my dream getaway," I gave him a firm smile. "Thank you.... a lot."


"Hindi ka na galit dahil pinasakay kita ng helicopter?" he teased.


I rolled my eyes. "It paid well naman, so, we're even."


"It's been a while," I heard him whispered under his breath.


"Huh?"


"It's been years since I enjoyed nights like this.... nights that I was outside, enjoying," he paused and looked away. "And not alone."


I looked at him quietly, there is a lump in his voice, I know that he already had a long day, and loneliness shadowed him from the inside. It made me think, and I just don't understand why he chose to live like this, far from his family, from the life that he used to exist. I met him as a family kind of guy, the kind of person who would never turn his back on family what ever happens, the kind of person who would try countless times just to mend everything that's been broken. I wonder what really happened after my accident.... after I left. I badly wanted to ask him about it, but I don't have the courage, I never had the courage. I was the one who told him to buried everything, everything that we had, and it made me feel like a hypocrite if I try to dig it up again.


"You want to ask something," he faced me. It's not a question, it was a statement.


"I don't," pagtanggi ko.


"You're not good at lying," kampante nyang sagot.Hindi agad ako sumagot, dahil tama siya, hindi ako magaling magtago ng emosyon. Kung ano ang nararamdaman ko, 'yon ang ipinapakita ng mukha ko.


 I looked at the sky while thinking on how to start, I don't want to look insensitive, I need to be careful with my words. I realized that he's right on what he said to me the last time, hindi lang ako ang nasaktan sa nangyari sa'ming dalawa.


 "Naghihintay ako," natatawa nyang bulong.


"What happened to you?" I started, I cleared my throat before continuing. "Ahm, after my accident."


Mabilis akong umiwas ng tingin pagkatapos kong magtanong. Kita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig lang siya sa'kin, hindi umiimik. Tiningnan ko siyang muli, sinalubong ang mga titig nya.


"Gusto ko lang malaman, wala akong masamang intensyon, you know, curious lang." I smiled. "Naisip ko na ilang taon na rin ang nakakalipas pero wala man lang akong kaalam alam sa nangyari sa'yo, may mga naririnig ako, pero mas okay kung sa'yo mismo manggaling. But if you don't want to talk about it, okay lang, naiintindihan ko."


"I don't know where to start." he's now looking in front.


"Don't worry, I'm a good listener." pabiro kong sabi.


"I doubt it," bwelta nya.


"Come on!! Mahaba pa ang gabi, marami pa tayong oras." I protested. "Naging magkaibigan rin naman tayo noon, 'di ba? Kaya ngayon, ikwento mo sa'kin na parang katulad lang tayo ng dati.... magkaibigan."


"Maganda ang career mo. Nasa maayos kang relationship. Masaya at buo ang pamilya mo. Sa tingin mo ba, hindi maaapektuhan ng ikekwento ko ang buhay na meron ka ngayon?" seryoso ang tono nya habang nakatingin pa rin sa harapan.


Nagpakawala ako ng isang malalim na hinga at simpleng ngumiti sa sarili ko. "Ikwento mo man o hindi, matagal na akong naapektuhan. Hindi na natin mababago 'yon."


Marahan siyang tumawa. Saglit siyang nanahimik bago muling magsalita. "Akala ko noon, sanay na akong mawalan, sanay na akong dalhin ang mga bagay ng mag isa." panimula nya.


Pareho lang kaming nakatingin sa harapan, siya na hinahanap pa rin ang mga salita para maituloy ang kwento habang ako ay naghihintay lang sa mga susunod nyang sasabihin.


"Pero noong dumating ka, dun ko lang muling naramdaman na hindi ako nag iisa, yung may karamay, may nasasabihan ng nangyari sa'kin sa buong maghapon, may nagpapakalma ng loob ko kapag magulo ang lahat." his voice cracked. "Naging bago sa'kin ang lahat ng 'yon, hindi ko alam ang dapat gawin, basta ang alam ko lang..... hindi ko hahayaang mawala ka.... gagawin ko ang lahat para manatili ka sa tabi ko.... kahit mawala ang lahat ng meron ako basta manatili ka lang sa'kin, wala na akong pakealam."


"Hindi mo kailangang gawin 'yon," I stopped him.


"Ipinangako ko 'yon sa sarili ko, at ipinangako ko 'yon  sa'yo habang nasa comatose ka noon. Ipinangako ko 'yon sa lahat ng bituin, sa buwan, sa lahat ng nasa itaas." pabiro siyang tumawa.


Habang patuloy siya sa pagkekwento, bumibigat ang dibdib ko. Nasasaktan ako, oo. Kung pinakinggan ko ba siya noon, mas magiging masaya kaya kami ngayon?


"Handa na akong mawala sa'kin ang lahat noon basta nasa tabi kita, basta mabigyan ko ng hustisya ang nangyari sa'yo, kakalabanin ko ang lahat ng haharang sa daan ko. Kahit noong magising ka at hindi mo'ko maalala, hindi ko man natupad ang pangakong panatilihin ka sa tabi ko, sinigurado kong gagawin ko pa rin ang lahat para hindi ka biguin."


"Anong ibig mong sabihin?" I looked at him directly. Thinking confusingly.


"Ako ang nagpakulong kay Tempest." he met my gaze. "Ipinakulong ko rin noon si September."


Hindi na ako nagulat sa una nyang sinabi pero halos malaglag ang panga ko sa sunod na narinig.


"W-what? What do you mean.... ipinakulong?"


"Sinubukan, actually." he said in a low voice. "She was detained for a short period of time but something happened, someone stopped the proceedings of her case."


"Her parents, probably." sagot ko, hindi pa rin makapaniwala.


Hindi ko inexpect na kaya nyang gawin 'yon. I mean, close sila ni September ngayon, hindi ko lubos maisip kung paano nila nagawang maging maayos pa rin sa isa't isa pagkatapos ng mga nangyari. Marami nga talaga akong hindi alam, na dapat ay inalam ko agad noon pa lang na nakaalala ako. Sa kagustuhan kong piliin ang sarili ko at lumayo sa lahat ng sakit, naging makasarili naman ako sa part na may kinalaman sa mga taong mahalaga sa'kin.


Kapag sarili ang pinili, wag ka ng magugulat kung makakasakit ka dahil parte 'yon ng pagpili mo. Unfair, pero iyon ang totoo. Minsan, kahit gaano pa tayo kadesidido na piliin ang sarili natin, aabot pa rin tayo sa puntong mapapaisip at magtatanong tayo kung tama ba ang ginawa ko, o ito ba talaga ang gusto ko? Walang mali sa pagpili ng sarili, kahit kailan ay hindi 'yon magiging mali. Lahat ng bagay ay nakadepende sa sitwasyon, kaya hangga't may pagakakataon ka, piliin mo kung saan ka masaya. At sa sitwasyon na kinaharap ko noon.... masaya akong pinili ko ang sarili ko. Lalo na't ginawa ko 'yon sa unang pagkakataon.


"How I wish that it's just her parents," umiling siya. "But it's not."


"May iba pa?" my brows furrowed.


"You have no idea how bumpy the road is fighting for that case. Pero noong mga panahon na pilit kong pinapalakas ang kaso, kinausap ako ng dad mo." he sit up straight. "Sinabi nyang hindi mo magugustuhan kung makukulong si September, despite of everything, hindi mo gugustuhing mangyari 'yon sa kanya. Doon ko naisip na tama ang dad mo dahil ganoon rin ang pagkakakilala ko sa'yo, you love and treat her like a true sister, you would never wish anything harm for her, kahit ano pa ang naging kasalanan nya."


"I'm glad that you listened to my dad." tipid akong ngumiti.


"I'm also glad that September found her way back, hindi rin biro ang mga nangyari sa kanya."


"We were all glad that everything has turned the way it supposed to be." I gave him a soft beam.


Halos maghahatinggabi na ng makabalik kami sa condo nya. Hindi na rin kami ganoong nakapag usap sa byahe pauwi, may mga gusto pa akong itanong pero pinigilan ko na lang ang sarili ko, mukhang pagod na rin siya. Babalik na ako sa London in 3 days, siguro naman ay magiging maayos na ang lahat dito dahil unti unti ng umuusad ang mga planong napagkasunduan nina Trevor.


"How's your sleep?" Trevor greeted me with a soft smile pagsakay ko sa backseat ng kotse nya. Dala nya ang driver ngayon kaya magkatabi kami dito sa likuran.


Wala naman akong gagawin dito kaya sinabi kong sasama na lang ako sa kanya, ayaw pa nya akong isama dahil hindi ko naman daw responsibilidad ang kumpanya nya pero buti na lang at magaling akong mangumbinsi, ako pa rin ang nanalo.


"Good," simple kong sagot. "Great, actually."


"I'll tell my secretary to buy some breakfast, you can eat in my office if you want while I'm attending the meeting."


"Is it okay for me to stay in your office? I mean, it's fine for me to wait somewhere else there."


"Well, it's not fine with me. I won't let you wait anywhere, you can stay in my office as long as you like." he firmly said. "And that's final."


"Whatever," I chuckled.


Habang hinihintay ang secretary ni Trevor ay tinitingnan ko lang ang kabuuan ng office nya. Walang masyadong gamit, mayroon lang din siyang isang malaking bookshelves na nasa gilid ng lamesa nya. Agaw pansin ang magagandang cover ng libro, parang katulad ng mga sinaunang libro na nauso, punong puno at detalyado ang mga disenyo.


Kinuha ko at tiningnan ang isang asul na libro, isang romance novel. Tiningnan ko rin ang iba at halos puro romance novel ito, ang iba dito ay may halong Italian language habang ang iba ay purong Ingles. Ipinapatong ko muna sa lamesa ang mga tinitingnan kong libro kaya lumuwag ang patas sa hanay ng mga ito, nagulat ako ng tumumba sa bakanteng space ang isang frame, kung saan ko kinuha ang asul na libro. Nakataob ito kaya hindi ko makita ang nakalagay na picture.


Nagdadalawang isip ako kung titingnan ko ba kung ano iyon o basta ko na lang ibabalik sa pinanggalingang pwesto. Kung nakakamatay ang pagiging curious, death anniversary ko na siguro ngayon.


Maingat kong iniangat ang frame, at ng makita ko ang litrato doon, naramdaman ko na naman ang panghihina ng mga tuhod ko. It was us.... noong nasa New Jersey kami, hindi ko iyon pwedeng makalimutan dahil may kopya ako nun, nakapost sa private account ko. Ipinost ko 'yon para may pagkuhanan pa rin ako kung sakali mang magpalit ako ng phone.


Isang mahinang katok ang bumasag sa pagkatulala ko. Agad kong ibinalik sa dating pwesto ang frame at isa isang ipinatas ang mga libro. Bago ko sagutin ang kumakatok ay sinigurado ko munang naibalik ko sa dating pwesto ang mga gamit.


Bumungad sa'kin ang isang matangkad, maputi at blonde na babae, she must be a pure Italian based on her features. She's wearing a brown pencil cut skirt and a black longsleeves, yung karaniwang suot ng mga nag ooffice. When she met my stare, she immediately gave me a formal smile.


"Goodmorning," she greeted, still standing where she stopped when she entered the room.


"Hi, goodmorning." I smiled.


"Miss Ressa had something urgent to do. She told me to bring this breakfast here."


"Oh, thank you. Just leave it there." sagot ko at itinuro ang maliit na coffee table sa gilid.


Gumanti lang siya ng ngiti bago tumalikod, uupo na sana ako sa couch sa pag aakalang lalabas na siya pero natigilan ako ng muli itong magsalita.


"Can I ask.... uhm, something?" she can't even look at me.


Tinitigan ko siya sandali bago tumango.


"Ahm, how are you related to Mr. Carson?"


I was going to raise a brow but instead of looking affected, I blinked twice to avoid showing my real expression.


"Friend," I forced myself not to sound uneasy. "I'm a friend."


"That's.... great." her smile is meaningful.


"What is it to you anyway?" I asked with a blank face.


"I just... I don't want to cause any complications here. I don't want us to be awkward with each other whenever you're here just because of what happened between me and Mr. Carson."


"What do you mean?"


"We used to date," she said proudly.


"Used to...." I shrugged and nodded off. "So, is there anything else that I can help you with?"


Hindi nakalusot sa tingin ko ang pagtaas ng kilay nya dahil sa una kong sinabi. Muli nya akong nginitian at akmang lalabas na sana siya sa pinto ng bigla iyong bumukas.


"Goodmorning," Trevor sounds confused while looking back and fourth to me and the blonde girl.


"Goodmorning, Mr. Carson," she said in a sweet tone.


"What are you doing here, Lauren?" Trevor walk inside and stand next to me.


So the blonde girl's name is Lauren. Not bad.


"I brought the breakfast," nawala ang ngiti nito.


"I'm sure you already met Ria," nilingon ako ni Trevor kaya sinalubong ko ang mga tingin nya.


"Yes.... boss." Lauren urged, faking a smile.


"She's a VIP here. Make sure to give her everything that she needs. The meeting takes a break for a while so I walked by to check on her." Trevor stated.


"I'll send someone to accompany her. I have some stuffs to do.... boss," she snorted blankly.


"I'm assigning you personally. Leave your stuffs for today, I will spare you enough time to finish it on the other day. But now, follow what I just said."


"But, why me!?" she sounds pissed.


Tahimik lang akong nakikinig sa pag uusap nila, nagkukunwaring may tinitingnan sa lamesa.


"I can't trust anyone here to be with Ria. You're the last person here whom I can trust when it comes to this kind of situation." muli nyang dagdag na lalong nagpasimangot kay Lauren.


"Thank you," I whispered.


Nanatili siyang nakatingin sa harapan pero nakita ko ang pagngiti nya.


"She's special..... and too precious to lose." he added for the last time that made me bit my lower lip, hiding the redness of my face.


While Lauren's jaw almost dropped in anger.


______________________

___________________________________


- what an interesting week :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 36.2K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...