When Summer Ends (Four Season...

Af TriuMarias

6.6K 604 1.5K

FSS #1: When Summer Ends In spite of the two people with long list of differences and distinctly seen gap of... Mere

FSS #1-WSE
Simula
WSE-Kabanata 1
WSE-Kabanata 2
WSE-Kabanata 3
WSE-Kabanata 4
WSE-Kabanata 5
WSE-Kabanata 6
WSE-Kabanata 7
WSE-Kabanata 8
WSE-Kabanata 9
WSE-Kabanata 10
WSE-Kabanata 11
WSE-Kabanata 12
WSE-Kabanata 13
WSE-Kabanata 14
WSE-Kabanata 16
WSE-Kabanata 17
WSE-Kabanata 18
WSE-Kabanata 19
WSE-Kabanata 20
WSE-Kabanata 21
WSE-Kabanata 22
WSE-Kabanata 23
WSE-Kabanata 24
WSE-Kabanata 25
WSE-Kabanata 26
WSE-Kabanata 27
WSE-Kabanata 28
WSE-Kabanata 29
WSE-Kabanata 30
WSE-Kabanata 31
WSE-Kabanata 32
WSE-Kabanata 33
WSE-Kabanata 34
WSE-Kabanata 35
WSE-Kabanata 36
WSE-Kabanata 37
WSE-Kabanata 38
WSE-Kabanata 39
WSE-Kabanata 40
Wakas
Author's Note

WSE-Kabanata 15

127 15 41
Af TriuMarias

Kabanata 15

Family



"Isasama kita sa welcome party ng pamilya namin ngayong Sunday."

"'Di ba birthday mo yun?"

"Yes. Isasabay nila ang welcome party para sa grandparents ko."

"Ah! Where are your grandparents, by the way?" My curiosity stirred up again.

Tiningnan niya ako sa repleksyon ko sa salamin. "Sa Baguio. Kaya nga kita pinilit na magbakasyon doon kasi gusto ka nilang makilala."

"Weh? Sigurado ka?" Di naniniwalang tanong ko. Iba sa sinabi niya sa akin noon na gusto niya lang magliwaliw kaya kami pupunta sa Baguio.

"I didn't tell you because it's a surprise."

"Surprise! Pinagloloko mo ba ako? Wala namang espesyal sa akin para masorpresa sila. Tss!" I rolled my eyes as I was flicking through a brochure.

"I am their favorite apo, you're my dearest girlfriend and that's what makes you special."

"Blah blah! Hwag mo akong simulan sa mga banat mo at pumili ka lang dyan ng susuotin mo."

Narinig ko ang pagtawa niya, "Ang sungit mo!" sabi niya bago bumalik sa fitting room.

Eleventh monthsary namin ngayon kaya kami lumabas at sinabay niya na rin ang pagbili ng tuxedo para sa kaarawan niya.

I sneaked out earlier in the movieworld to buy the gift I saw and will give it on his 22nd birthday. Binantaan niya pa ako kanina pagkarating namin sa mall na h'wag na akong bumili ng regalo. Pero dahil dakilang matigas ang ulo ko... 'di ko ulit siya sinunod at bumili pa rin.

"Ang sosyal naman kung may pa-welcome party pa, eh ilang oras na biyahe lang Baguio na!" biro ko nang lumabas siya.

Sumang-ayon naman siya, "Oo nga, eh. Wala na daw paglalagyan mga pera nila kaya kailangan daw nilang magbawas and throw a grand party for them," halakhak niya.

"Baliw! Party mo rin iyon!"

"Well, thank you!" he exclaimed.

Naglakad ako palapit sa kanya at inayos ang laylayan ng tuxedo na pangatlong sinubukan niya.

"Nandun din si Keshia sa party?"

"Palagi namang imbitado ang kapamilya ni mommy tuwing may okasyon," Inayos niya ang bow tie at tiningnan ang kabuuan sa cheval glass. "Okay na ba ito? Parang mas bet ko yung denim blue."

I nodded and showed him my thumbs up, "Mas bagay sa'yo ito. Ano bang theme nung party?"

"Just casual." Huling sabi niya bago bumalik ulit sa fitting room para magpalit na.

Saktong paglabas ni Zachary sa fitting room at dumiretso sa counter para magbayad ay nagring ang phone niya. Sinagot ko agad iyon ng makitang si Tita Zascha ang tumatawag.

"Hello, tita. Si Leigh po ito."

"Hi, hija. Tamang tama ikaw ang sumagot. Anong oras kayo uuwi?"

"Hindi ko po alam kay Zach, tita. Bakit po?"

"Ah okay! Diretso kayo sa bahay 'pag umuwi na kayo ah, may ibibigay ako sa'yo."

"Sige po, sasabihin ko kay Zachary."

"Okay, hija. Bye, ingat kayo sa date niyo!"

Huling sabi niya bago ako binabaan ng tawag. Naabutan ako ni Zach nang ibinalik ko sa tote bag ang cellphone niya.

"Tumawag ang mommy mo na dumiretso raw tayo sa bahay niyo kapag uuwi na tayo," sabi ko pagkalapit niya.

"Ah, oo! Bilin niya sa akin kaninang umaga."

"May bibilhin pa ba tayo?" tanong ko.

"Wala na. Ikaw? Gusto mo na bang umuwi?"

Tumango ako. Pagod na rin kasi ang paa ko sa paglalakad mula pa kaninang umaga.

"It fits perfectly on you!" Gulat na gulat ang mukha ni Tita pagkalabas ko sa walk-in closet. "Wow! Ang sexy mo, Leighrah."

Pinaharap niya ako sa wall mirror at tiningnan ang regalo niya sa'kin. It's a high low dark blue sleeveless dress with ribbon on it's waist.

"Wait! Suotin mo 'to," at nilahad ang rectangular box na may tatak na Dolce & Gabbana.

"Tita..." Nag-alinlangan akong kunin iyon dahil alam kong mamahalin ang bagay na ito.

"Dali na, suotin mo na. I can't wait to see you wear it!" Kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang box.

Hinawakan ko iyon ng mabuti bago pa ito malaglag sa kamay ko. Shoebox pa lang natatakot na akong hawakan, paano pa kaya ang laman, diba?

Sinuot ko ang black ankle strap heels at saktong-sakto sa paa ko! Namamanghang sinuri ni Tita Zascha ang kabuuan ko at sinulyapan ang anak sa likod.

"Galing mo naman sumukat, anak!" Proud na proud na sabi ni Tita Zascha kay Zachary. "How did you do it without being inconspicuous?"

Nagtataka kong binalingan si Zach na nakaupo sa ottoman. I gave him a how-did-you-do-it look and he just shrugged his shoulder and grinned.

"It's one of my special skills, mom." Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin. "Tititigan ko lang siya ng ganito alam ko na agad."

I shivered when he accidentally touch my skin as he caress the ribbon around my waist.

Nagulat ako nang sumigaw si tita. "Sukatin mo nga yung binili mong tux, Zach. I wanna see it!"

"Tss. Hwag na, mom. Sinunod ko naman ang kulay na sinabi mo," pinatong niya ang baba sa balikat ko at niyakap patagilid.

"Ganito pala ang itsura ng isang anghel kapag nabihisan," ngisi niya kaya siniko ko siya.

"Mas lalo ka na namang na-inlove sa'kin!"

"Kaya nga patay na patay ako sa'yo," bulong niya.

"Hwag kang mag-alala, bubuhayin kita at dadalhin kay San Pedro." Kinindatan ko siya.

Ngumiwi siya sa sinabi ko at pinanggigilan. "I really hate your humor!"

"Dali na, hijo! Titingnan ko lang kung maganda ba at parehas sa kulay nang kay Leighrah!" Istorbong sigaw ni Tita Zascha sa amin.

Nag-alburoto si Zach at padarag na kinuha ang paperbag, "Kulit mo, mommy! Istorbo!"

Sinuot pa rin ni Zach ang tuxedo at sinuri siyang maigi ni Tita na ngumingiwi.

"Pangit ng quality! Saan mo yan binili?" Malupit na saar ni tita.

Napamulagat ako sa sinabi niya. Ang mahal nang bili ni Zach sa tuxedo tapos nilait lang ni tita!? Maganda naman, ah.

"Pwede na ito, mom. Pili ito ni Leighrah."

Mas napamulagat ako sa sinabi ni Zachary. Anong ako? Siya kaya! Pinandilatan ko siya ng mata.

Inipit ni Tita Zascha ang bibig niya, sinulyapan ako at binigyan ng nag-aalangang ngiti.

"Sige okay na 'yan. Maganda naman ang kulay. Bagay na bagay!" bawi ni tita sa naunang sinabi.

Pinaningkitan ko ng mata si Zachary nang kinindatan niya ako.

"I told you. She really likes you a lot more than me." Umakbay sa akin si Zach habang bumababa sa hagdan.

"Pinagsasabi mo para kang tanga!"

"Didn't you notice her reaction there!? Sinabi ko lang na ikaw ang pumili, tumiklop agad si mommy at binawi ang panlalait niya sa damit ko. That's the attestation!" siwalat niya na tinaasan ko lang ng kilay.

Tita Zascha also gave me jewelries as a gift so I'm ashamed and hesitated to take it because she had given me too much. Pinilit niya talaga ako na kunin iyon, dalawa sila ni Zachary.

I stayed in their house 'till dusk and also waited for his grandparents arrival. Tinulungan ko rin si Tita sa paghahanda ng hapunan namin.

Nakarinig ako nang busina galing sa labas at ang pagbukas ng main door kaya dali-dali naming hinanda nang mga kasambahay ang mga pagkain sa long table.

"Leigh, hayaan mo nang sila Ate Mely ang gumawa niyan. Halika at sumama ka sa pagsulubong kina mama at papa," tawag ni Tita Zascha sa'kin na nakatayo sa bungad ng dining area. Kaya, madalian akong naghugas ng kamay at sumunod palabas ng bahay.

I was standing on their porch with Tita Zascha while Tito Machris and Zachary approached the white van.

The old man yet still elegant in physique and wearing a fedora hat came out first, followed by the old woman who was wearing a scarf around her head and an eyeglasses.

"Mama!" Masiglang pagsalubong ni Tita sa mother-in-law niya at niyakap agad pagkalapit nito sa kinatatayuan namin.

"Kumusta ka na, Shasha?"

"Mabuti naman, mama. Kayo? Okay na ba ang pakiramdam mo? Kagagaling mo daw sa sakit pero tumuloy pa rin kayo sa pagbyahe, mama," nag-aalalang saad ni Tita Zascha.

"Siya ang nagpumilit na bumyahe kami ngayon." Matigas pero mahinang boses na sabi ng lolo ni Zach.

The older woman groaned in annoyance. "Kaya ko naman, Alfredo! Nandito na tayo kaya h'wag ka nang magreklamo pa. Sawa na ako na ikaw ang palaging nakikita ko araw-araw kaya nagpumilit ako!"

Mahinang tumawa si Zachary sa sinabi ng lola niya.

"Bakit, lola? Sawa ka na ba kay lolo? Ayaw mo na sa kanya? Gusto mo mag-omegle tayo at maghanap ng ibang sugar daddy," natatawang biro ni Zach na kinalaki ng mata ko.

"Zachary, shut your mouth!" striktong suway ni Tito Machris sa anak na ngumisi lang.

"Apo, gusto mo bang mag-District 01 tayo? Punta tayo mamaya kung gusto mo."

"Papa!" galit na sigaw ni Tito sa ama niya.

"Nah, pass ako. I have a girlfriend, lolo. Loyal ako," at inakbayan ako ni Zach at hinalikan ang buhok ko na kinapula ng pisngi ko sa hiya.

"Oh!" The older man said, gulat na gulat. "Buti naman at nagka-girlfriend ka na."

"Is she the one you always bring up, apo?" tanong naman ng matandang babae.

"Yup!" Masiglang sagot ni Zachary na kinakislap ng mga mata ng matanda habang tinititigan ako. Kaya mas namula ang pisngi ko sa hiya.

"Magandang gabi po. Ako po si Leighrah Mendez, kinagagalak ko pong makilala kayo," nahihiyang bati ko sa lolo't lola ni Zach na sinagot rin nila ng pagbati.

The older woman wide-open her arms as she approached me and hugged me.

"You're adorable, hija. Welcome to our family, apo!" she said. I stiffened in my stance not knowing what should I react.

Kaya...

"Salamat po," nahihiyang tugon ko lang.

I was fairly quiet as we we're eating on the long table and just listening to them.

The first minutes of our dinner was full of joy but moments later, the air around us suddenly became intense when Senior Alfredo open up about an investigation.

"Any update, Machris?"

"I'll talk to Orlando later, Pa."

"You need to exert more effort on the investigation, Machris. The investigation is over a year but still no improvement! Bakit ba napakabagal!?"

"Papa, I hired men to do it. I have work, too. I just can't leave my own business' and focus on it 24/7."

"So, are you saying your sister isn't important here!?" Senior Alfredo shouted.

Natigilan kaming lahat sa pag-kain at biglang tumahimik sa hapag. Bumuntong hininga si Tito Machris at binaba ang kubyertos at binalingan ng tingin ang Senior para sagutin.

"I never said that, Papa. Ginagawa ko naman ang lahat para matagpuan ulit ang kapatid ko. Hindi man ako sumasama sa pag-imbestiga, sinisiguro ko naman na updated ako sa nangyayari." Maalumanay na sagot ni Tito.

"Double your hired men, Machris to get things work lighter," aniya. "Ano? Hihintayin mo pa bang mamatay ako bago mo matagpuan ang kapatid mo?"

"Alfredo!"

"Pa!"

Magkasabay na bulalas ni Lola Carlina at Tita Zascha. Frustrated namang sumagot si Tito Machris.

"Fine! I'll join the field investigation after I finish my works if that makes you feel better. Okay na ba, Papa?"

"It does makes me feel you're only oblige to do the investigation, Machris. Don't give me that impression," maawtoridad na ani nang Senior. Hindi na sumagot pa si Tito Machris.

Matapos ng pangyayaring iyon ay naging tahimik sa hapag at nagpatuloy ang hapunan na parang walang nangyari. Hanggang matapos ang hapunan ay walang nagtangkang i-open up ulit ang tungkol sa sinasabi nilang imbestigasyon.

"I'm sorry that you had seen that," paumnahin ni Zach pagkalabas namin sa bahay nila.

"It's fine. You also experienced watching a live show at our house," I jest to ease his feeling and not make it a big of a deal.

"Naaawa ako kay dad dahil sa pressure na binibigay sa kanya ni lolo. Puro na lang si daddy ang napagbubuntunan niya. Wala, eh. Panganay kasi." Nagkibit balikat siya. "Dadalawa na nga lang silang anak ni lolo... nawala pa ang isa."

"Anong nangyari?" Kuryoso na naman ako.

Natahimik siya sa biglaang tanong ko, naasiwa siyang mag-open up kaya nang ibubuka na niya ang kanyang bibig ay nagsalita ako.

"You don't have to tell me if you feel uneasy about it. It's fine! I don't have to know about it. That's a problem between your family only."

Tinanguan niya ako at ngumiti.

"Thank you." He said. "Do you want to go home now?"

Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakitang quarter past eight na kaya tumango ako.

"You can stay for the night," suhestyon niya na tinanggihan ko.

"Hindi pwede!" pagalit ko.

Muli kaming pumasok sa bahay nila at nagpaalam akong uuwi na. But, they also suggested for me to stay the night and really forced me kaya nahiya akong tumanggi.

Naalimpungatan ako nang may maramdamang may mabigat na dumagan sa katawan ko. Napahalinghing ako at kinapa iyon at nang maramdamang kamay iyon ay napamulagat ako. Naramdaman ko ring may mainit na bumubuga sa batok ko kaya natigilan ako at binalingan ang taong mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Tinanggal ko ang kamay ni Zachary sa baywang ko at bumangon. Tinampal ko ang pisngi niya para gisingin siya pero daing lang ang naging sagot niya.

"Zach," mahinang pagtawag ko at pinisil ang pisngi niya.

"Hmm..."

"Bakit ka nandito? Bumalik ka nga sa kwarto mo."

Nakapikit pa rin siya kaya inipit ko ang ilong niya para magising siya.

"Love, antok ako..."

Kinapa niya ang pwesto ko at nang maramdamang wala ako ay minulat niya ang kanyang mga namumungay na mata at tiningnan ako.

"Paano ka nakapasok?"

"Sa pinto..."

Napasimangot ako. Masuyo niyang hinila ang kamay ko kaya napahiga ako sa tabi niya at kinulong sa bisig niya. "Tulog na tayo."

"Bumalik ka sa kwarto mo."

"Mas masarap matulog dito," inaantok niyang saad.

"Makita ka nila dito, hindi pwede iyon, Zach!"

"Inaantok na ako, Leigh. Matulog na lang tayo," sabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin at dinagan ang binti sa binti ko.

"Naiipit ako, Zach, di ako makahinga!" reklamo ko kaya nanggigigil niya akong inipit sa katawan niya.

"Ang dami mong reklamo, Leigh!" Daing niya kaya napahagikhik ako at mas hinigpitan ang yakap.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
9.5K 347 43
Status: Completed Bata pa lamang ay namulat na si Jean Aileen Gandoza sa reyalidad kung gaano kahalaga ang pera para mabuhay. Hindi siya ipinanganak...
2.1M 60.8K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...