WSE-Kabanata 22

138 13 0
                                    

Kabanata 22

Involve



Our planned of 2-week trip in Baguio ended unannounced that night. I thought my last days in the mansion will be memorable and full of happy moments.

Well, I just thought maybe. Because it was the total opposite... brutally opposite.

It was one of the darkest nights full of lies, misery, disappointments and shitty things the cruel world could ever offer in our lives.

Alam niyo kung bakit?

Pagkalabas ni Zach sa madilim na kwarto sa gabing iyon, walang pasubaling bumuhos ang luha ko. Humikbi ako sa sakit na naramdaman para sa kanya. Umiyak ako sa frustration dahil hindi ko alam paano siya dadamayan.

Hindi ko na alam paano siya i-approach dahil sa nalaman. Anong katotohanan na dapat kong malaman, Zachary? Bakit ka naglilihim sa'kin? Bakit ka natatakot? Gulong-gulo ang utak ko na konting kalabit na lang ay sasabog na sa kalituan.

I remained lying in bed, calming myself when my cellphone flashed and rang for a call.

Tinitigan ko lang iyon hanggang sa matapos ang tawag. Hinayaan ko iyon ng ilang beses pero dahil nainis ako sa ingay. Padabog akong tumayo at kinuha ang cellphone.

Napalitan ang inis ko ng pagtataka nang makita ang missed calls na galing kay Mc Cleo. Saktong tumawag ulit siya kaya sinagot ko.

"Hello."

"Ate! Bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko!?" galit na bungad ni Mc Cleo.

"Bakit?" pagtataka ko.

Bigla siyang umiyak. Kinabahan ako. Nagsasalita siya pero hindi ko maintindihan dahil naghihisterikal siya.

"Anong sinasabi mo? Mc Cleo, hindi kita maintindihan-"

"Nasa hospital! Si mama dinala sa hospital ulit, Ate! Ate Leigh, umuwi ka na..."

I was weakened by what I heard. My body trembled with fear and apprehension. I was taken aback that I hit the lamp shade and it would almost fall if I didn't let go of my cellphone and this is what I let shattered on the floor.

Lumuhod ako at nanginginig na pinulot ang cellphone.

"Ate, umuwi ka na. Walang kasama si mama sa hospital. Ate Leigh..."

"K-kailan pa, Cleo?"

"Last week pa. Ate, si papa muntik ng inaway ang doctor kaya pinaalis nila sa hospital. Ate, umuwi ka na kasi walang nagbabantay kay mama sa hospital. Si papa umalis. Hindi pa siya bumalik dito sa bahay."

"Last week!? Bakit ngayon mo lang sinabi, Cleo!? Bakit di niyo sinabi sa'kin agad!?"

"A-ate, wala akong alam. Nilihim nila mama at papa sa'kin."

"Sino kasama ni mama sa hospital kung ganun?"

"Wala, Ate..."

"Ano!? Cleo, iniwan niyo si mama sa hospital!?"

"Kasi si papa-"

"Wala akong paki kay papa, Cleo! Si mama ang inaalala ko! Bakit niyo siya iniwan sa hospital!? Huh!?" Nagtitimpi ako sa galit. "Bumalik ka doon. Hayaan mo si papa babalik din iyon. Bumalik ka, Cleo. Bantayan mo si mama at hwag kang aalis. Uuwi na ako."

"Ate Leigh, takot na takot ako kasi sabi nung doctor-"

"Mag-uusap tayo pagkauwi ko, Cleo. Saang hospital siya dinala?"

"Sa Nalbo, Ate," he sobbed.

"Didiretso ako sa hospital. Hwag kang umalis dyan, mag-eempake na'ko."

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon