WSE-Kabanata 30

125 12 0
                                    

Kabanata 30

Opposite attract



Hawak-hawak ang maliit na notebook at ballpen ay nag-iinspect ako ng rooms kasama ang dalawang assigned na room attendants.

The peak season ended. It's already the end of the summer season, yet our department was still busy with the guests that will arrive this afternoon. I've been inspecting rooms from this morning upto the last minutes before the arrival of our guests. Naka on leave ang room supervisor kaya ako na ang nag-inspection.

Pinasadahan ko muli ng tingin ang loob ng huling kwartong ininspect ko at pinadaan ang kamay sa bedsheet na may lukot ng konti bago binalingan ang dalawang room attendant na nanatili sa pintuan, naghihintay ng ipag-uutos ko. Ngumiti ako at nag-thumbs up sa kanila. I saw them sighed in relief.

"It's all set. You may now inform the front office na VR na ang lahat ng mga rooms."

"Okay po, miss," they answered in unison.

"Nga pala, yung listahan ng mga kakailanganin for next month. Pakilista na dahil kailangan ko na iyon para bukas. Pakisabi rin sa linen and laundry area na kailangan ko ng listahan ng mga linen na pinahiram sa event management. Nakuha niyo ba?"

"Noted po, miss." Tumango sila.

"Sige. Yun lang. Salamat," tipid kong saad.

Lumabas na ako sa kwarto at nilock iyon. Dumiretso ako sa elevator at pumasok. Nang makarating sa ground floor ay dumiretso ako sa F&B para kumain ng tanghalian. Lumapit agad ang isang waiter.

"Good afternoon, ma'am. Here's the menu po." Inabot ko agad pagkalahad niya.

"Lyzon, pakisabi kay chef Roux na kakausapin ko siya sandali," pakiusap ko.

"Okay, miss." At umalis na siya.

Ilang sandali lang dumating naman si chef Roux na may hawak na service tray. Napangisi ako.

"Naku, chef, ano yan? New fusion food?"

Tinaas taas niya ang kilay niya. Nilapit niya ang show plate at mango juice sa harap ko at umupo na sa tapat ko.

"Di ka na sana nag-order ng pagkain. Nagluto naman ako para sa'yo. Tikman mo, masarap daw yan." I felt his excitement in his voice kaya medyo naexcite din ako. Tinaas ko ang plate at tinitigan ang plating.

"Baka nilagyan mo ng potion, ah." I showed him my lopsided smile. He make a face.
Kinuha niya ang tinidor at tumusok ng pagkain. Tinaas niya iyon at nilapit sa bibig ko kaya sinubo ko iyon.

Ninanamnam ko ang pagkain while nakatitig siya sa akin, naghihintay ng komento. Masarap siya at nanunuot sa bibig ko ang kombinasyon ng tamis at anghang ng pagkain. Nag-thumbs up ako. Napa-yes siya.

"Anong tawag sa pagkain na ito? Masarap!"

"It's a food combined by Moroccan cuisine and Filipino cuisine. Ilalabas natin yan by December kung maapprove ni head chef."

"Masasama ito for sure. Ano nga ang pangalan? Diba tagine ito?" Tumusok ako ng konting portion ng chicken at sinubo. Nakatingin lang siya sa akin habang ngumunguya.

"Yeah, it's the national dish of Morocco. And I'll name it Leighrah ala Roux. Maganda, diba?" Sabi niya sabay tawa. Napaubo ako.

"Ang pangit ng taste mo! Gandahan mo naman!"

"Magaganda ang taste ko, babe. Ang ganda ganda mo nga eh, kaya natapilok ako kakatitig sa'yo. Paano ba manligaw ng hindi nababasted?"

Di ko na napigilang tumawa. Uminom ako ng tubig bago siya sinagot.

When Summer Ends (Four Season Series #1)Where stories live. Discover now