WSE-Kabanata 28

124 12 0
                                    

Kabanata 28

Coincidence



Nasa loob ako ng kotse, nakatingin sa malawak na establisyimento habang hinihintay ang kaibigan ni Keshia na sasalubong sa amin. Rinig na rinig ko na ang sigawan ng mga taong nagkakasiyahan sa loob at humahalo ito sa malakas na tugtugin kaya nae-excite ako na kinakabahan.

"We're here outside. Come and get us!" Keshia shouted to the other side of the phone. Napatingin ako sa kanya sa labas. "Sí sí. We'll wait!" huling sabi niya at pinatay ang tawag.

Naglakad pabalik si Keshia patungo sa sasakyan. Tinanggal ko ang jacket sa katawan at lumabas na sa kotse.

"Suotin mo muna ang jacket. Baka mahubaran ka pagkapasok pa lang natin," saad niya kaya inabot ko ang jacket at sinuot agad.

"Hindi pa tayo papasok?"

"Palabas na daw si Carly. Let's go!" Hinatak niya ako. "Hwag kang uminom ng marami, ha. Kung may magbibigay, hwag kang mahihiyang tumanggi. Drink spiking is a timeless trend here. Hwag na hwag kang magpapauto kahit gwapo pa yan."

"Wow! Salamat sa tip-off, señora. I'll take note of it." Ngumisi ako.

"This isn't a normal place, so beware. And your wristlet hawakan mong mahigpit baka ma-snatch ng di mo namamalayan."

"Okay okay," sabi ko na lang.

"Keshia!" Pagtawag-pansin ng babaeng naka-bralette at denim short na nakatayo sa entrance. Winagayway nito ang hawak na dalawang bote.

Pagkalapit namin ay inilahad niya agad sa amin ang bote ng heineken. Nag-aalangan akong kunin iyon kaya kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang bote. Hinawakan ko agad iyon ng mahigpit at hinatak na niya kami papasok ng entrance.

Pagkatapak ko pa lang sa loob ay sinalubong na ako ng malamig na aircon, kasabay nito ang pagdagundong ng mga sigawan at paglakas ng musika. Natameme ako sa rami ng tao. Hindi ko inakala na disco club ang pupuntahan namin, kaya wrong choice of clothes ako. Dagdagan pang naka-heels ako.

The broad and lofty place... It's very crowded, chaotic and animated disco club filled with high-spirited dancing folks.

Pahirapan kaming makapasok dahil sa magulong nagsasayawan. Hirap na hirap ako sa paglakad lalo na't hawak ko pa sa isang kamay ang bote. Ingat na ingat akong hwag mahubaran kaya ang isang kamay ko ay mahigpit ang hawak sa jacket na suot.

Napabuga ako ng hangin at padarag na umupo nang makarating sa second floor kung saan nakapwesto ang pinareserved nilang table. Hinubad ko na ang jacket dahil nakakaramdam ako ng init at pinagpapawisan ako.

There are about twenty people in our horseshoe table set-up. Some are chitchatting, dancing with booze on their hands, silently drinking and some other are making out. Napainom ako sa hawak na alak habang tahimik na nagmamasid.

"You good? Nag-eenjoy ka ba?" Masayang tanong ni Keshia.

"Kind of." I answered eventhough I really feel joyful.

"You should because this will be an all-out fun night out. We'll dance like wild animals in the forest dance floor with the other animals like we're some in a riot! Sounds fun, right?"

Natawa ako. "It's funny, not fun."

"You killjoy animal!" Ungot niya.

"Let's have a cheers, beasts!" One of the group shouted. They gathered in the center, therefore Keshia and I stood up on our sit and joined their exuberance.

Bumalik ako sa pagkakaupo at pinagpatuloy ang pag-inom. Lumapit si Akira at umupo sa pagitan namin ni Keshia. Inakbayan niya kaming dalawa at inimbitahang bumaba para sumayaw. Tumayo si Keshia. Nanatili akong nakaupo.

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon