WSE-Kabanata 12

129 15 14
                                    

Kabanata 12

Hinagpis



We were silently eating in their dining area when suddenly Keshia stepped in. Nagulat ako sa magulong ayos niya na parang galing sa sabunutan sa gulo ng buhok niya. Natigilan sa pagkukwentuhan ang dalawang auntie ni Zach at napaismid sa nakitang ayos ni Keshia.

"Buenos días a todos. Qué tengas un lindo día!" Bati niya sa aming lahat.

"Primero te miras en el espejo, querida!" sigaw ng tita ni Zach kay Keshia.

"But, your face isn't, Kesh. Look at you! You're messy," turo ni Zach sa mukha nito pababa sa katawan ni Keshia at nakapaa pa.

"I'm still hermosa, right, abuelita? Buenas!" sabi niya at hinalikan ang lola niya na nagta-tsaa pero tinampal nito ang braso ni Keshia para lumayo.

"Por favor, Keshia, ve a darte un baño antes de comer," Nandidiring sabi ng lola niya sa kanya.

"Sí sí, abuelita. I'll eat first," ngisi niya at umupo na sa tabi ko. Nginisian niya ako at lumapit sa akin para bumulong.

"Akala ko nag-overnight ka sa ibang kwarto," ngisi niya sa akin at kumindat.

Nasamid ako kaya mabilis kong inabot ang kape upang uminom. Nang sulyapan ko si Keshia ay nakatitg siya sa akin na may mapaglarong ngiti sa labi. Pasimple kong sinipa ang paa niya.

I woke up at four o'clock and left Zachary sound asleep in his room and went back to Keshia's room. Maybe, she suddenly woken up and saw me next to her.

Sabay sabay kaming umalis sa bahay ng abuela nila at pumasok sa school.

"Ngayong hapon ba ang uwi mo sa San Andres?" tanong ni Zach nang maabutan kami sa paglalakad.

"Oo," tugon ko habang inaayos ang buhok na nilipad ng hangin.

"Hintayin mo ako sa pag-uwi, ihahatid kita," huling sabi niya. Hinalikan niya ang noo ko at naglakad na paalis.

"Bakit ang saya nun?" Intriga ni Keshia sa akin. Nagkibit balikat ako.

"May nangyari 'no?" Tinaas taas niya ang kanyang kilay. Ismid ang sagot ko sa tanong niya.

Walang nangyari... muntikan lang.

I had a lot of self-control as he hugged me tightly last night as we're sleeping. And he repeatedly apologized for not stopping himself from kissing me and that, he was just excited to sleep on our first night.

"May nangyari, Leigh. Alam ko," giit niya.

"Wala. Hinalikan niya lang ako. Yun lang."

"Lang? Bakit mukhang nabigo mukha mo, amiga? You're expecting for something... err, spicy hot moments?" Nag-aalangan niyang tanong.

Di makapaniwala ko siyang binalingan. "Sa tingin mo gagawin ko yun? Then, think again."

"Nag-expect ka eh! Ha-ha," giit niya.

Until after class, Keshia didn't stop asking me questions. He even accompanied Zachary to send me home and intrigued us while inside the car.

"Spill the tea, mi primo," pamimilit nito kay Zachary upang magkwento.

"Bakit ka ba nagtatanong? Alam mo na yun, ginawa mo rin naman yun sa mga ex mo," sagot naman ni Zach.

"Tu hijo de puta!" pagmumura nito at hinampas niya ng pamaypay ang ulo ni Zachary. "Por lo que es cierto?"

"Qué piensas?" ngising binalingan niya si Keshia sa passenger seat.

"H'wag kayong mag-español sa harap ko, pwede!? Ano ba pinagsasabi niyo? Nagmumurahan ba kayo!?" sigaw ko sa kanilang dalawa. "Nabobobo ako sa inyo, eh. Hwag niyo naman ipahalata."

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon