WSE-Kabanata 13

131 15 22
                                    

Kabanata 13

Pain



I didn't think about anything else that whole week but my mother's condition. I couldn't concentrate on studying and I was always stunned.

"Leighrah, sigurado ka bang okay ka lang?" Pang-ilang beses na tanong ni Zach sa akin. Pagtango lang ang palaging sagot ko.

Nakakahalata na siya sa disposisyon ko araw-araw at tinatanong kung anong problema ko pero hindi ko kayang maibahagi.

Ayaw kong kaawaan niya ako. Hindi yun ang kailangan ko.

Hangga't maaari ayaw kong idamay ang ibang tao sa problema namin ng pamilya ko, kaya hindi ko masabi-sabi sa kanya.

Hinawakan niya ang noo at leeg ko at tsinek kung may lagnat ba ako.

"Di ka naman mainit. Kumakain ka ba? Anong problema?" Nag-aalala niyang tanong.

Mapait akong ngumiti sa pag-aalala niya at binalingan siya.

"Okay ako, kulang lang sa tulog, Zach," I smiled to show him not to worry about me but I could not escape his doubtful eyes.

He took my hand and showed me my arm with multiple wounds. I didn't know he noticed that. Because every time he touches my hand, I remove it so that he doesn't notice the wound there.

"Eh eto!" turo niya sa mga sugat sa braso ko. "Leigh, naglalaslas ka ba!? Sinasaktan mo ba ang sarili mo!? Ano!? Hwag na hwag kang magsisinungaling sa akin!" Di na niya napigilang sigawan ako sa inis niya.

Inipit ko ang aking labi, nangangahulugang ayaw kong sabihin sa kanya ang rason. Pumikit siya ng mariin para pigilan ang sariling mag-hysteria.

"Leigh, napansin ko ring ilang beses kang umabsent noong nakaraan sa di ko malamang dahilan at sa mga nagdaang araw palaging wala ka sa sarili. Palagi kang nakatulala, balisa, nanginginig. Leigh... anong problema, love?" Mahinahon niyang tanong at hinawakan niya ang namamawis at nanginginig kong kamay. "Come on, tell me. Sabihin mo sa akin makikinig ako. Nandito pa ako." Malamyos niyang sambit.

Suddenly, all the things the doctor said, the difficulty of borrowing money for my mother's operation and her lament every day came rushing to my mind, kaya hindi ko na napigilang mapaiyak.

Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na akong mag-isip ng solusyon.

"Leigh, anong problema? May masakit ba sa'yo? Sabihin mo sa'kin. Love, bakit? Anong nangyayari sa'yo?" Pabaling-baling ang tingin niya sa mga mata ko, naghihintay ng sagot ko.

"Z-zach... si Mama... m-may bukol sa kidney niya. Sabi ng doctor... may polycystic kidney disease si mama. Zach, a-anong gagawin ko? Wala kaming pera pangpa-opera sa kanya..." Nagtatangis kong pag-amin sa kanya, mas lalong napahagulhol.

He was stunned for a moment, he wanted to speak but no words came out of his mouth so I cried even more.

"Bakit di mo sinabi sa akin agad, huh? Bakit ngayon mo lang sinabi, Leigh?" Naguguluhan niyang saad. "Tutulong ako. Magbibigay ako ng pera, Leigh," saad niya na inilingan ko agad.

"Hindi, Zach. Hwag... hindi sa'yo. Ayoko," nakikiusap kong saad.

"Saan kayo kukuha kung ganun?"

"Uutang kami." Kahit kanino, hwag lang sa kanya. Dahil ang dami ko ng utang sa kanya.

Nakiusap kami sa ibang tao para umutang pero wala kaming nahiram. Nababahala ako para kay Mama dahil ang sabi ng doctor ay dapat maagapan kaagad. Na-schedule ang operation noong last week pero dahil wala kaming nautang, pinaextend namin. At hanggang ngayon ay wala pa kaming nahiram na pera.

When Summer Ends (Four Season Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon