WSE-Kabanata 29

129 12 0
                                    

Kabanata 29

Letter



"May naglate night date kagabi. Ayieee!" tukso ni Keshia pagkapasok sa kwarto.

Umikot ang mata ko. Hinagis ko ang body pillow sa kanya at bumangon na. Nanatili akong umupo sa kama, nakasandal ang ulo sa malambot na headboard.

"Anong oras ka nakauwi kagabi?"

"Pasado veinte tres. Eh kayo? Anong oras natapos ang date niyo?" balik-tanong niya.

Date? Tss.

Nagkibit balikat ako. "Ewan. Di ko na natingnan ang oras kagabi."

"Kayo, ha! Naku! May magkababalikan pa ata bago umuwi nang Pilipinas. Hmm! Naiintriga ako. Wala bang spoil dyan, madam?" Umupo siya sa kama, nang-iintriga. Hinampas ko ang emoticon pillow sa kanya.

"Siraulo!"

"Ano nga!" Pamimilit niya.

"Kape lang 'no."

"Tapos?"

"Lakad pauwi."

"Ano pa? Sige na! Spill the tea, amiga. Ang tipid mo sa impormasyon!"

"Ayun natulog na. Tapos ang kwento." Natatawa kong pagtatapos. Hinampas niya pabalik sa'kin ang pillow.

Pumasok ako sa banyo at nagtoothbrush. Sinundan niya ako. Nakapamewang siyang nakasandal sa pintuan, naghihintay sa akin. Pinamewangan ko rin siya at tinaasan ng kilay. Umalis siya sa pagkakasandal at pumasok na rin para maghilamos.

"Nga pala. Yung nangyari sa Fabrik kagabi, nireport namin sa mismong may-ari. Nagpublic apology naman yung lalaki."

My eyes widened a fraction. Nagmumog ako agad at nagsalita.

"Why public apology?"

"Banned na yung lalaki sa disco club. Yung mismong may-ari rin ng club ang humingi ng public apology. At kilala nila Akira yung may-ari kaya madaling napakiusapan."

"Grabe. That's a big thing!"

"Uhuh. It is." Nagpunas siya sa towelette bago ako hinarap muli. "The club doesn't tolerate that kind of shitty people. Of course, customer ka nila and your well-being is more important for them. Kahit sabihin mong club iyon at hindi maiiwasan ang mga ganung bagay, reputasyon ng business nila at ng mga customer pa rin nila ang pinakamahalaga."

"Yes, yes. Oo naman. Of course! It should be." Tumango-tango ako. Bumalik ako sa sink at nagsimulang sabunin ang mukha.

"And the owner wants to apologize for you, too. Truth is, he sent you an email. Try to check your inbox."

Bumilog ang mata ko. Dali-daling lumabas ako sa banyo at kinuha ang phone sa kama. Binasa ko ang nag-iisang mail mula sa Fabrik. I replied to it and sent an appreciation message for taking an action about the issue right away.

Gumaan ang pakiramdam ko sa balitang iyon.

Sabay kaming bumaba ni Keshia upang mag-agahan na. Naabutan namin si Zachary na naka-apron at nagluluto sa kusina ni Keshia.

"Himala. Nagluto ka. Anong nainom mo kagabi? Nakakatulong ba ang pagwalking walking sa lungsod kapag hatinggabi, Zach?" Panunuya ni Keshia. Pasimple ko siyang sinabunutan.

"Well... you have to try it with him kapag nakabalik ka na sa Pilipinas, Kesh. I suggest try niyo sa Blue Bay Walk o pwede sa San Juanico bridge na lang para sulit ang date niyo." Nanunuya rin nitong sagot.

"Efyu!" bulalas ni Keshia, pikon na pikon. Pabalibag siyang umupo sa high chair at inis na inis sumubo ng croquette.

"Ang hilig mong mangpikon. Pero ikaw itong pikunin, Keshia," tumatawa kong sabi.

When Summer Ends (Four Season Series #1)Where stories live. Discover now