LUMINOUS (Fantasy Novel)

Por Gregor_io

11.1K 906 554

|| COMPLETED || Stand-Alone YA Fantasy Novel ANG BUHAY NI AMARIS ay puno ng pasakit sa kamay ng kanyang adopt... Más

LUMINOUS
The Map
I : AMARIS
II : ALEK
III : AMARIS
IV : ALEK
V : AMARIS
VI : ALEK
VII : AMARIS
VIII : ALEK
IX : AMARIS
X : ALEK
XI : AMARIS
XII : ALEK
XIV : ALEK
XV : AMARIS
XVI : ALEK
XVII : AMARIS
XVIII : ALEK
XIX : AMARIS
XX : ALEK
XXI : AMARIS
XXII : ALEK
XXIII : AMARIS
XXIV : ALEK
XXV : AMARIS
XXVI : ALEK
XXVII : AMARIS
XXVIII : ALEK
XXIX : AMARIS
XXX : ALEK
XXXI : AMARIS
XXXII : ALEK
XXXIII : AMARIS
XXXIV : ALEK
XXXV : AMARIS
XXXVI : ALEK
XXXVII : AMARIS
EPILOGUE
THANK YOU!
🌕

XIII : AMARIS

113 13 6
Por Gregor_io

"What, really, have happened, Aris?"

Nakatayo ako sa harapan ng nakasarang pinto ng Crew Chamber, kaharap si Charles. Bagaman sinabihan ko siyang masakit lamang ang aking tiyan na siya ring ibinigay nyang dahilan—muli—sa aming boss ay alam kong iniisip nyang may kinalaman ang hindi ko pagpasok ng Resto kaninang umaga sa pagtrato sa akin ng aking Tita—na bagaman hindi ko mismong binaggit sa kanyang pinagmamalupitan ako'y siguradong ramdam nya; ilang pasa na rin ang kanyang nakita sa aking mukha simula noong una kaming nagkalagayan ng loob.

At ngayon, nakatitig ang kayumanggi nyang mga mata sa aking kanang pisngi. Kanina lamang ay muli akong pinagbuhatan ng kamay ni Tita, at sa harap pa ng kanyang anak na halos ka-edad ko lamang.

Bahagyang bumagsak ang aking mukha at ikinubli ang pamamaga sa aking pisngi, na pilit ko pang tinakpan ng make up. Alam kong epektibo iyon, maliban kay Charles na mismong inuusisa ang aking mukha.

"You know . . ." manipis na paghinga, "you can tell me."

Maaaring gusto kong sabihin sa kanya—hindi lamang ang patungkol sa aking Tita kundi pati na rin sa aking misteryo at sa misteryosong lalaki kagabi. Ngunit sa halip ay inabot ko lamang ang pusol ng pintuan. "Sorry," tugon ko, pinihit ang busol, at bahagyang binuksan ang pinto. "At maraming salamat dahil nariyan ka." Malungkot ang aking mga mata at kahit kakagising lamang isang oras ang nagdaan ay tila pagod na.

Sawa na ako sa ganitong sitwasyon. Kung bakit hindi ko magawang ipagsigawan ang hinanakit ko, kahit sa taong alam kong makikinig at iintindi sa akin.

Binigyan nya ako ng magaan ngunit tuwid na tingin. Tumuwid siya sa pagkakatayo at ipinunas ang kanyang mga palad sa itim na tela ng kanyang pantalon. "I'll see you in the Dining Hall." Isa pang segundo at nagbigay na sya ng saradong ngiti, na pilit kong sinuklian.

Sandali ko siyang pinanood habang papalayo at napaisip, Siya lang ang taong nagbibigay ng halaga sa akin simula noong wala na si 'Nay Felisha.

Pumasok ako sa kulay-abong silid, diretso sa isa pang pintuan kung nasaan ang female locker room at doo'y isinuot ang aking uniporme.

Sa paglabas ng Crew Chamber at pagpunta ng Dining Hall, pinilit kong gawing normal ang lahat. Sa loob ng ilang mahahabang oras ay inalis ko sa aking isipan ang lalaking natagpuan ko kagabi—na siya ring nagligtas ng aking buhay. Ngunit sa tuwing napapalingon ako sa main entrance ng Resto—si Mang Manuel ay wala pa pagka't patuloy pa ring nagpapagaling sa ospital mula sa tama ng baril sa kanyang braso—hindi ko mapigilan ang bayolenteng pagkislap ng mga alaala kaugnay sa aking misteryo. Maya't maya'y napapaisip ako sa lalaking napapalibutan ng itim na usok, kung sino siya at saan siya nagmula, at kung mayroon pa bang iba na katulad namin. Ilang oras ang dumaan at patuloy tumakbo ang mga bagay na iyon sa aking isipan.

"Look!"

Gulantang na sigaw mula sa manipis na boses ang nagtulak sa akin pabalik sa realidad. Nang tingnan ko ang mga tao sa buong Dining Hall, ang lahat ay nakaharap sa labas tungo sa mga transparent glass wall. Lahat sila ay may pareparehong mukha: gulat. Samu't saring reaksyon ang naglipana sa buong silid.

Pagdaan ng mga segundo ang mga tao'y sabay-sabay nang tumutungo palabas ng Resto.

"Anong nangyayari dito?"

Napaharap ako sa nagsalita at natagpuan ko ang aming boss—Sir Bacay.

"Iyon din ang ipinagtataka ko, Sir. Ang mga tao'y—"

"Excuse me, Sir." Napaharap ako at natagpuan ang aking Crew Mate. Bakas ang pagkagulantang sa kanyang mga bilog na mata, at nag-uunahan ang mga paghinga.

"What is it, Ms. Lazaro?"

"Kailangan nyo pong makita ang pinagkakaguluhan ng mga tao."

Sa puntong ito'y nahatak na ang aking atensyon. Lumabas ako ng Resto, kung saan ang mga tao ay nakaharap sa loob, subalit nakatingala sa kalangitan.

Binuksan ko ang pintuan at hinawakan ito hanggang sa makalabas ang aming boss. Nagpatuloy kami ng ilang metro sa bakanteng espasyo, tumabi sa kumpol ng mga tao, at walang-atubiling tumingala sa kalangitan.

Nang gawin ko iyon, awtomatikong bumugso palabas ang aking buntong hininga. Sa aking tabi ay narinig ko ang pagmura ng aking boss sa kanyang nakita.

Sa kulay abo-at-asul na kalangitan, isang malawak na bilog ng itim at makapal na ulap ang nakalatag sa parteng natatapat sa Resto. Sa kalangitan, alam kong higit pa itong malawak.

At ang mga itim na ulap, sa katangian ng dilim nito at labis na kapal, hindi ko mapigilang isipin na tila ito'y mula sa ibang mundo.

Sa aming paligid ay namamayani ang iba't ibang reaksyon ng lahat.

"Lumalawak siya. Lumalawak!"

"Jusmiyo!"

Dumiin ang atensyon ko sa itim na ulap, at sa paglawak nito.

Itim na ulap.

Itim na usok.

Sumibol sa aking alaala ang lalaki kagabi, at ang itim nyang mga umaaligid na usok. Tila bumagsak ang mabigat na hangin nang mahinuha kong ang nagaganap ngayon sa kalangitan ay kahalintulad din ng kanyang misteryo.

Mabilis akong nilamon ng sindak, at agad kong tinangkang bawiin ang aking tingin sa sentro ng itim na ulap. Subalit nanlaki lamang ang aking mga mata, at nanigas.

Hindi ko ito maalis.

Sindak ang dagliang pumulupot sa akin at pinilit kong kumawala. Ngunit habang aking pinupuwersa ang aking paggalaw ay lubos pa akong napaparalisa.

Hanggang sa maramdaman ko ang aking panghihina. Ang lakas at kontrol sa aking katawan ay nalalagas nang wala sa aking kontrol—gaanong paglaban man ang gawin ko rito.

Malayong boses ang aking narinig—o malapit lamang.

"Aris!"

Charles.

Naramdaman ko ang isang mahigpit na kamay na pumalibot sa aking pulso, at doon lamang, sa isang iglap, ang boses ay naging malakas—buo at malapit. Sa isang iglap ang mabigat na hinga ay bumulusok palabas sa akin, na para bang tubig na nakabara sa aking baga. Biglaan, nagawa kong gumalaw, at ang realidad ay mabilis na lumatag at sinakop ang aking kamalayan.

"Let's get out of here!" Sigaw mula kay Charles. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong balisang naglalakad hawak-hawak niya. "Come on!"

Bumilis ang aking paglalakad, nagpasuray-suray ang aking mga binti halos ako'y matalisod.

Biglang gumala ang aking balisang mga mata sa paligid, at natagpuan ko ang mga nakatingalang tao. Bago ko muling ibalik ang aking tingin sa aming direksyon papasok sa Resto, nasulyapan ko ang mga nangingitim na mata ng mga ito, at maging ang pagguhit ng pulang likido sa kani-kanilang mga ilong . . . at ang kanilang pagmistulang istatwa.

Tila ba huminto ang mundo—ngunit hindi. Patuloy akong gumagalaw sa paghila ni Charles.

Isang malakas na dabog ang muling umagaw ng aking atensyon, dito'y natagpuan ko sa sahig ang bumagsak na katawan.

Huminto ang tibok ng aking dibdib. Ang bumagsak ay ang aking Boss. Siya ngayo'y nakahilata sa sahig, kasama ang ilan pang wala nang malay.

Halos ako'y huminto upang hilain ang mga nakatingala pa palayo sa itim na ulap, ngunit matindi ang paghila sa akin ni Charles at hindi ako makawala.

Nang makapasok kami sa loob, doon lamang bumitaw si Charles. Ang kanyang mga mabibigat na paghinga ay sinabayan ng mga salita. "I don't know what to make out of this."

Lumingon ako sa kanya, kanyang mga mata'y nakatuon lang sa kaganapan sa labas. Patuloy ang bigat sa kanyang mga paghinga, at sa mga nakaangat nyang puting sleeve ay kita ko ang humuhupang tensyon sa kanyang mga bisig.

Gamit ang likuran ng kamay ay pinunasan nya ang nakabinbing pawis sa kanyang noo. Nanghihina siya, sa kung anong dahilan. Marahil sa biglaang bugso ng damdamin.

Tinagpo nya ang puno ng kaguluhan kong mukha. "Are you fine?"

Tinitigan ko lamang siya, pilit na binuo ang aking isipan. Kaya lamang ako narito, sa loob ng Resto, at ligtas, ay dahil kay Charles. Habang ako—at ang lahat—ay naparalisado sa pagkakatingala sa mga itim na ulap sa kalangitan, dumating si Charles at inalis ako sa sitwasyon.

Ngayon, ako'y ligtas, habang ang lahat ay isa-isang bumabagsak sa lupa at nawawalan ng malay.

"You're nose bleeding." Natagpuan ko ang puting panyo sa kamay ni Charles. "Pwede mo 'tong gamitin."

Inabot ko ito. "Salamat." Halos hindi pa rin ako makapagsalita. Habang ipinupunas ko ang panyo sa aking ilong ay kalmado akong pumikit at pilit pinatila ang bagyo sa aking isipan.

Kahit papaano'y nakatulong iyon. Kahit papaano'y nagawa kong lumingon muli sa kaganapan sa labas.

"Kailangan natin silang tulungan," udyok ko, ngunit pinigilan nya ang pagkawala ng aking hakbang nang hawakan nyang muli ang aking pulso.

Nang ako'y hindi pumalag, magaan siyang bumitaw. "I don't think we still need to." Sinusubukan nyang maging kalmado.

Sa labas, ang ilang nananatiling nakatayo ay sabay-sabay bumagsak, at kalauna'y marahang gumapang ang sinag ng araw sa kanila.

"I think it's over."

Bumagsak ang aking balikat, at sa paglipas ng mga minuto ay wala akong ibang magawa kundi manigas sa pagkakatayo at mapatitig lamang.

Ang alam ko na lamang ay nakaupo na kami sa isa sa mga dining table, nang isang walang malay na costumer ang gumalaw at nanghihinang na umubo.

Bumulusok ako sa pagtayo at bumulalas palabas bago ako mapigilan ni Charles.

Nang marating ko ang babae, siya'y nasa kanyang mahinang pagkakaupo, ang dalawang kamay nya'y nakasakop sa kanyang ulo sa bandang noo, na tila ba umiikot ang kanyang isipan at pilit nya itong pinipirme.

Humarap ang babae sa akin, mga mata'y banlag sa matinding liwanag ng paligid. At doon ko napagtantong nawala na ang itim na ulap sa kalangitan at nagbalik na ang asul at aliwalas dito.

"A . . . Anong nangyari?" Umiikot ang kanyang mga salita gaya ng kanyang isipan. Iginala nya ang kanyang atensyon sa mga bagsak na tao, at bumugso ang kanyang pag-uha—matinis at maikling sigaw ng pagkabigla.

Halos siya'y muling mahimatay nang agad akong lumuhod at siya'y inalalayan.

"Hindi namin kayo mabibigyan ng kasagutan." Napatingala akong bigla sa aking likuran at natagpuan si Charles. Sandali nyang tinagpo ang aking nagugulumihanang tingin at idinako ito sa babae, at nagpatuloy. "Maging kami'y nagising lang din sa ganitong . . ." Iginala nya ang kanyang tingin sa paligid, na tila ba totoong kakamulat lamang nya mula sa kawalang-malay. ". . . ganitong misteryo." Maging ang tono ay kapanipaniwala.

Nanatiling nakapako ang tingin ko kay Charles, nagkunot kong mga kilay. Gusto kong malaman ang kanyang dahilan sa hindi pagsabi ng naganap sa babae. At nabasa nya iyon sa aking mga mata—tiyak ako.

Tinulungan namin sa pagtayo ang babae, at ilang minuto lamang ay panibagong costumer ang nagising, at sinundan ng ilan pa.

Nang ang Boss namin ang magkamalay, tinulungan namin siyang makabalik sa loob ng Resto at sa kanyang opisina.

Sa loob ay dali-dali nyang kinuha ang kanyang telepono at pumindot ng ilang numero. Sa mismong pagsagot sa kabilang linya ay agad nyang ibinalita ang inilarawan nyang "Kababalaghan," kung saan nagising na lamang silang nasa lupa sa harapan ng Resto, na ang tanging naaalala ay mayroon silang tinitingala sa kalangitan.

Nagdiin pa lalo ang kaguluhan sa kanyang ekspresyon. Marahil tinanong siya mula sa linya kung ano ang bagay na kanilang tinitingala, dahil ang aming boss ay umiling lamang at sinabing, "Hindi ko maalala."

At ganoon nga ang nangyari sa lahat. Wala silang maalala, maliban sa sila'y tumingala upang tingnan ang kalangitan.

Nagpasalamat ang aming boss sa kabilang linya, at itinuon ang kanyang nagkakagulong tingin sa amin. Sandali akong namangha sa kanyang pagiging propesyonal sa ganitong tagpo. "The ambulance will be here ASAP. If any of you feels unwell you can wait for them." Muli ay humarap siya sa kanyang telepono at makaraan ang ilang mabibilis na pagpindot ay inilapat nya itong muli sa kanyang tainga. "You can leave now," saad nya sa amin.

Agad kaming tumungo sa naiwang nakabukas na pinto at nagpatuloy sa paglayo.

Ngayo'y ako lamang at si Charles sa maikling pasilyo. Sandali kong inusisa kung may ibang tao sa paligid bago ako huminto at buo siyang hinarap. Mula sa opisina ng aming boss, ang kanyang boses ay bahagya pa ring tumatagos sa ngayo'y nakasarang pinto, kaya pilit kong binabaan ang aking boses, subalit ang mga salita'y likas na nang-uusid.

"Anong mayroon doon, Charles?"

Alam kong kanya na iyong inaasahan. Tinumbasan nya ang baba ng aking boses habang ang mga mata'y aktibong nakabantay sa dulo ng pasilyo. "We needed to do it—"

"Ang hindi ipaalam sa kanila ang nalalaman natin?"

"—or otherwise we'll look hysteric."

Siguro'y tama siya, ngunit hindi ko magawang sumang-ayon. "Ang lahat ng nangyaring iyon ay kabaliwan na kung iisipin," singhal ko. "Ang kabaliwang eksplinasyon sa kabaliwang pangyayari ay hindi na masama."

Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi, kung bakit ko iginigiit na dapat ay ipinaalam namin sa lahat ang aming nalalaman. Alam ko sa sarili kong unti-unti na akong sumasang-ayon sa ginawa ni Charles. Ngunit kailangan ko ng iba pang dahilan.

"Aris, look." Ikinulong nya ang kanyang tingin sa akin. "Kung sasabihin natin sa kanila ang bagay na maging tayo ay hindi maipaliwanag, it will only make the whole thing even more chaotic. Have you seen how everybody react even if they don't know yet what really has happened? They need an enlightenment and we cannot give them that because we ourselves don't have it." Bumalik ang kanyang atensyon sa dulo ng pasilyo kung saan rinig na namin ang ilang paparating na yapak. Hinawakan nya ang aking magkabilang braso upang panatiliin ang aking atensyon. "Here's the deal, Aris. We'll wait until someone, except us, saw what really happened then brought it up to the authority. We'll wait until we see them have some evidence on what really has happened. Only then we will help. We cannot just go out there and tell them things like a clairvoyant who just saw a bad omen."

Sa mismong pagkawala ng huling salita, dalawang awtoridad ang sumulpot sa dulo ng pasilyo at mabilis na naglalakad patungo sa amin. Pirming bumitaw sa akin si Charles at hinarap ang mga ito.

"Sir Bacay's office is in that door, ma'am, sir." Hinawi nya ang kanyang palad sa direksyon ng pintuan ng aming boss.

"Salamat," tugon ng lalaki, at ang kanyang kasamang babae ay nag-alok ng tulong kung aming kailangan, ngunit tinanggihan ito ni Charles na aking sinabayan.

"Let's go outside, and try to assist others instead," usal nya nang magpatuloy ang dalawa sa opisina.

Tumango ako at sinundan siya sa pagbalagtas ng pasilyo tungo sa Dining Hall.

Ilan sa mga costumer ay nakaupo at kinakausap ng ilang mga awtoridad at rescue team, habang karamihan ay taimtim lamang sa loob ng kani-kanilang mga isipan.

Hinarap kami ng isa sa mga awtoridad at pinaanyayahan sa isang maikling panayam.

Hindi na ako lumingon pa kay Charles at binanggit na lamang ang siyang isinasaad ng lahat.

"Wala akong maalala."

Seguir leyendo

También te gustarán

45.8K 1.8K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
18.2K 1.1K 51
What will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. M...
497K 35.1K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...