LUMINOUS (Fantasy Novel)

By Gregor_io

11.1K 904 554

|| COMPLETED || Stand-Alone YA Fantasy Novel ANG BUHAY NI AMARIS ay puno ng pasakit sa kamay ng kanyang adopt... More

LUMINOUS
The Map
I : AMARIS
II : ALEK
III : AMARIS
IV : ALEK
V : AMARIS
VI : ALEK
VII : AMARIS
IX : AMARIS
X : ALEK
XI : AMARIS
XII : ALEK
XIII : AMARIS
XIV : ALEK
XV : AMARIS
XVI : ALEK
XVII : AMARIS
XVIII : ALEK
XIX : AMARIS
XX : ALEK
XXI : AMARIS
XXII : ALEK
XXIII : AMARIS
XXIV : ALEK
XXV : AMARIS
XXVI : ALEK
XXVII : AMARIS
XXVIII : ALEK
XXIX : AMARIS
XXX : ALEK
XXXI : AMARIS
XXXII : ALEK
XXXIII : AMARIS
XXXIV : ALEK
XXXV : AMARIS
XXXVI : ALEK
XXXVII : AMARIS
EPILOGUE
THANK YOU!
🌕

VIII : ALEK

155 18 10
By Gregor_io


Enerhiya ang nagturugtong sa isang nilalang at sa mundong ginagalawan nito.

Ramdam ko ang Zamarro sa aking katawan (ang pagyakap nito sa akin, ang pagbibigay nito ng lakas at pandama). Nang mawala ang mga ito, alam kong nahahati na ako sa dalawang mundo.

Palagay ko'y narinig kong muli ang malayong tinig ni Danil, binabanggit ang aking ngalan, subalit agad iyong naglaho. Nilamon ng katahimikan ang bawat tunog, hanggang sa wala na akong naririnig.

Tila ba nawala ako sa aking katawan nang naglaho ang tunog. Sa mahabang panahon ay hindi lamang iyon simpleng katahimikan. Naglaho ang tunog, namayani ang dilim na kahalintulad sa mukha ng Dark Majesty.

Ako ba'y nasa kanyang isip?

Ang kasagutan ay unti-unti kong nahinuha nang magsimula nang magbalik ang aking pandama. Marahang nanumbalik ang lakas sa aking dugo't kalamanan, hanggang sa magawa ko na muling buksan ang aking mga mata.

Sa simula ay kadiliman lamang. Unti-unting nagkaroon ng hulma ang dilim, at iba't ibang imahe ang sunod na gumihit.

Gumala ang aking mga mata sa mga tankay ng puno na nakapaligid sa akin (tila ba walang hanggan). Sa aking paanan ay hindi lupa, at hindi mga bato. Mga dahon (na masasabi kong may kalakihan kumpara sa akin nang mga nakita). Ang mga ito'y tinatangay sa iisang direksyon lamang. Lumuhod ako upang malapitang usisahin ang mga ito. Sa dilim, sinasabi ng aking isipan na ang mga ito'y kulay kayumanggi.

Walang-malay kong kinuha ang isang piraso. Manipis at magaan. Nang pakawalan ko ito sa aking mga daliri ay lumipad ang mga ito sa parehong direksyon. Lumuhod ako at dumakot pa gamit ang aking mga kamay. Kamangha-mangha ang kanilang dami sa puntong sakop na nila ang buong lupa.

Habang pinagmamasdan ko ang isa-isa nilang pagliparan ay nagsimula na ring mabuhay ang aking pandama. Malakas na hangin ang humahampas sa akin, at sa mga dahon at bawat puno.

May ilang tunog nang nabubuo sa aking tainga, at sa bawat sandali ay palakas ito nang palakas.

Hindi pangkaraniwang tunog.

Mga magkakasabay na pagkaluskus ang naging hudyat upang ako'y mapatingala.

Bigla akong sinakluban ng pagkamangha. Ang aking nakikita ay mga matatayog na punong napapalibutan ng napakaraming bilang ng mga dahon.

Nanigas ako sa pagkakatayo, nakatitig lamang sa mga walang-katapusang pag-alon ng mga dahon, na wari'y nakakita ng isang maalamat na nilalang na matagal nang naglaho.

At marahil ay ganoon nga. Pagka't ngayon ko lamang ito nakita. Pagka't sa Zamarro, ang mga puno ay pawang tankay lamang. Pawang matutulis na kalansay.

Subalit hindi roon nagtatapos ang aking pagkamangha. Nagkukubli sa kampay ng mga makakapal na dahon ang isang malaking orbe ng puting liwanag. Mayroong kakaibang habi ang balat nito na masasabi kong iba sa mga Darkborne Orb. At ang distasya, tiyak na ito'y nasa kalangitan, mas mataas pa sa mga nakapaligid na kulay-abong ulap.

Sapat na ang imaheng ito upang malaman ko ang aking kinaroroonan.

Sa mundo ng Earth.

At ang aking natatanaw sa tagpong ito ay walang iba kung hindi ang tinatawag na buwan. Isang buong buwan.

Mahabang sandali akong nanatili sa aking kinatatayuan; lubos pa akong lumagi pakiramdam ko'y nag-ugat na ang aking mga paa sa lupa. Ang paglipas ng sandali ay hindi ko na napuna.

Maliban nang kumislap ang paligid sa mala-kurap na paraan. Kasabay ng pagkislap ay ang pagguhit ng matinding liwanag sa kalangitan. Naglaho ito sing-bilis ng pagdating nito, subalit ang malakas at mahabang kulog ay namayani.

Marahil dapat ay napako ang aking tingin sa kaibig-ibig na kalangitan (kamangha-mangha kung gaano kanipis ang ulap) subalit naramdaman ko ang bugso ng enerhiya sa sentro ng aking bisig, at dito ay natagpuan ko ang pagkislap ng puting liwanag.

Ang puting Orbe.

Naglaho ang aking pagkamangha at bumugso ang enerhiya sa aking sikmura. Isa lamang ang nais nitong ipahiwatig.

Ang kakaibang babae sa aking misyon ay akin nang natagpuan.

Siya'y malapit lamang. Siya'y nasa kahit anong lugar na ituturo ng munting, puting liwanag na ngayo'y malamlam at marahang kumikislap sa aking paningin.

Sumulong ito sa gawing kaanan. Sa wakas ay nagawa ko nang bawiin ang aking mga paa sa lupa.

Bawat hakbang ay may kalakip na paghagitgit ng mga tuyong dahon (kasabay ng mga puno). Ilang makakapal na halaman ang aking natagpuan. Ngunit hindi ko na nagawa pang tumingalang muli upang pagmasdan ang buwan.

Hindi ko nais alisin ang aking tingin sa puting liwanag. Nagbalik sa aking isipan ang sanhi ng aking pagpaparito at sa isang iglap ay wala na akong ibang nais kung hindi ang gawin iyon. Ang hanapin ang babaeng tinutukoy ng Dark Majesty.

At ang pagtindi ng kakaibang enerhiya. . . . Tiyak akong malapit na ako sa kanya.

Nagsimula akong tumakbo hanggang sa marating ko ang isang pahabang puwang. Dito ay pansamantalang nagtapos ang mga damo at tuyong dahon, at gumuhit ang gawa sa batong linya. Sa kahabaan nito ay tanaw ko ang isang kakaibang uri ng bagay (kulay dilaw, ang samnit ng aking utak). Sa loob nito ay ang puting liwanag. Napakatindi nito sa puntong sakop na ang buong parektanggulong bagay.

Sa sentro ng matinding liwanag ay ang malakas na enerhiya, at wala nang iba pang itinuturo ang puting tuldok sa aking paningin kundi ang ito.

Akin na siyang natagpuan.

Ang kanyang enerhiya ay lumalaganap sa bawat espasyo, na sa kalabisan ay ramdam ko na sa aking kinaroroonan.

Bumigat ang aking mga paa at hindi ko magawang kumilos, hanggang sa ang liwanag na ang gumalaw (ang sentro ng liwanag) palabas ng parektanggulong bagay.

Doon lamang, natagpuan ko ang isang hugis. Isang kakaibang babae.

Siya ang liwanag.

Naghalo ang tuwa, kaba, at pagkagulat sa aking emosyon, na tila ba nilamon na rin ng kanyang liwanag.

Siya ang aking misyon.

Napako ang aking mga mata sa kanyang hugis. Siya ang maghahatid sa akin pabalik kay Danil at kay Inay.

Siya'y patuloy na kumaripas papasok sa kulupon ng mga matatayog na puno. Hindi siya huminto, sa hindi ko batid na dahilan. Nagpatuloy siya sa paglayo, habang ang mga paa ko ay nanatiling nakapako.

Marahil dapat ay sinundan ko siya. Subalit narinig ko ang ilang iyak ng mga musmos at ang mga gulat na boses sa loob kung saan nanggaling ang nagliliwanag na babae.

Nang wala sa aking plano, sa halip na sundan siya ay tumungo ako sa pinagmumulan ng mga iyak.

"Ma?" rinig kong sigaw ng manipis na boses ng musmos.

Sa aking pagpasok, bumungad sa akin ang dalawang lalaki, isang nakatakip ang mga mata, habang ang isa ay bukas ang mga mata subalit kulay puti ang mga balintataw. Lahat ay masasabi kong gumagalaw maliban sa kanya (at sa isa pa sa parteng sentro ng espasyo) na tila ba tunay na nagyeyelo. At lahat ng gumagalaw ay kapwa nakatalikod sa sentro. Tiyak akong dulot iyong ng matinding pagliwanag ng babae.

Subalit sa pagyeyelo ng dalawa kabilang ang kahindik-hindik nilang mga puting balintataw, hindi ko tiyak.

"Aris?" sambit ng isang lalaking katabi ng lalaking nagyeyelo. Sa ngayon, siya lamang ang tanging nagtatangkang humarap muli sa sentro ng espasyo, tungo sa harapan kung saan lumabas ang nagliliwanag na babae. Hindi niya lubos maimulat ang kanyang mga mata, na tila ba patuloy pa ring nasisilaw (na marahil ay sanhi sa patuloy na pagtalikod at pagtakip ng mga mata ng lahat).

Nang matapat siya sa akin ay walang-pasubali siyang umurong.

Sa mga iyak at balisang boses ng lahat ay napuna ko ang ilang mga salita. "Anong liwanag 'yon?"

"Galing do'n sa babae!"

"Jusmiyo!"

Sa aking harapan ay nagpatuloy sa paglapit ang lalaki (halos pikit pa rin ang mga mata) at nang ganap siyang matapat sa akin ay tila ba natuklasan nyang hindi ako ang kanyang hinahanap.

"Aris," muli nyang sambit, ngayo'y halos pabulyaw.

Bago pa tuluyang lumihis ang kanyang mga mata mula sa akin ay agad kong pinakawalan ang isang salita.

Pabulong ang aking pagbanggit tiyak akong ako lamang ang nakarinig. "Nues-veres."

Ang lalaki sa aking harapan ay huminto sa paggalaw (ang kanyang mga nasisilaw na mata ay nakulong sa akin). Gayon din ang bawat isa. Sila'y tuluyang humarap mula sa kani-kanilang pagtalikod, na tila ba isa akong nilalang sa napakataas na uri. Lahat ay sumunod sa aking isang salita.

At ang lahat ng mga mata ay nagbukas; ang mga blangkong balintataw ay namalagi sa akin.

Ang aking paligid ay huminto. Ang mga bulung-bulungan ay matarik na naglaho kasabay ng bawat musmos na pagtangis.

Isinara ko ang aking mga mata. Sa kailaliman ng aking pandama't isipan ay tinawag ko ang isang partikular na enerhiya (ang enerhiyang mula sa aking pagiging Darkborne Shadow).

Ramdam ko ang pagkabuhay nito. Ang paggapang ng subtil na taginting mula aking dugo. Sa aking mga buto.

Nanatiling nakasara ang aking mga mata, hanggang sa ang itim na enerhiya ay ganap nang lumalabas sa aking katawan.

Nang buksan ko ang aking mga mata, tiyak akong ang aking balintataw ay nabigyan na ngayon ng pulang mga hibla, tulad ng naganap sa aking pagsasanay sa loob ng Shadow Orb. Sa aking balat, itim-at-pulang hibla ng mga usok ang gumagapang palabas.

"Nues-vera."

Sing-lambot ng hangin ang aking naging pagbigkas, at ang mga usok ay tinangay ng mga banayad na salita.

Gumapang ang mga hibla ng usok sa iba't ibang direksyon patungo sa bawat kinaroroonan ng mga nilalang na ito (mga tao, ang tawag sa kanila, mga namamalagi sa Earth sa kapwa naming anyo).

Marahan. Dalisay. Wari'y isang maalamat na uri ng ahas. Tumungo ang itim-at-pulang usok sa mukha ng bawat isa, at sa mga bilog na balintataw sila'y umayo. Nagpatuloy ang pagpasok ng mga hibla ng itim na usok sa mga ito hanggang sa ang mga ito'y magkulay itim sa paraang hindi pangkaraniwan. Ang mga puting balintataw ay marahang nagbalik sa normal (ang gimbal sa mga ito ay nanatili), at gaya ng lahat ay nilamon ng walang hanggang dilim.

Ngayon, ang bawat balintataw ay naglalayag sa kawalan.

Ipinikit kong muli ang aking mga mata, tinawag ang itim na enerhiya pabalik, at muli itong ikinulong.

Sa mismong pagbukas muli ng aking mga mata ay agad na rin akong lumabas ng bus, dama pa rin ang dumaloy na enerhiya sa akin. Lumabas ako dala ang katiyakang wala ni isa sa kanila ang makakaalala sa mga kaganapang may kinalaman sa pagliwanag ng misteryosong babae.

Sa labas ay sinalubong ako ng malalakas na hampas ng hangin at patuloy na dabog ng kalangitan. Sa kalangitan, patuloy ang pagguhit ng liwanag at ang pagdulot nito ng kislap sa paligid (nagbibigay ng anyong pilak sa buong tanawin).

Ang mundong ito ay tunay na kamangha-mangha.

Muli akong napatingin sa aking bisig nang maalala ang aking misyon. Ang aking plano ay sundan ang babae sa ganap na matagpuan ko siya, subalit hindi iyon ang nangyari.

Ngayon ay umaasa akong hindi pa siya nawawala, subalit ang liwanag sa aking bisig ay naglaho na.

Hindi iyon nangangahulugang malayo na siya, pagka't ang pagliwanag ng puting orbe ay sadyang may itatagal lamang. Samakatuwid, hindi nangangahulugang hindi ko na siya matatagpuan pa.

Kaya naman inipon ko ang king sarili at sinuong ang kulupon ng matatayog na puno kung saan sumuong ang babae.

Muli, ang paligid ay puro halaman at sanga, mga berdeng dahon sa itaas at kayumanggi sa lupa. Ang buwan sa itaas ay naglaho sa pagtakip ng makapal na ulap.

Mabuti. Marahil mapa-ibig lamang akong muli sa mahiwagang buwan at mawala ako sa aking misyon.

Sa pagkurap ng sandali ay sumagi sa aking isipan ang isang katanungan. Paanong mayroong imahe ng buwan sa palasyo ng mga Darkborne? Paanong ang parehong simbolo ang aking tinatapakan tuwing may mahalagang lugar akong pupuntahan sa Darkborne Castle?

Ang mga katanungang iyon ay hindi ko na nabigyang atensyon pa nang agad akong makaramdam ng malakas na enerhiya.

Ang misteryosong babae . . . natitiyak kong malapit lamang siya.

Nagpatuloy ako sa paghagilap, dinama ang bawat pagbabago sa enerhiya (ang pagtindi at paghina nito, ang pagbabago ng direksyon).

Nanatiling tutok ang aking buong atensyon sa enerhiya, habang ito'y mabilis na nanghihina.

Kumapit ako sa enerhiya na tila ba isang marupok na sanga na tanging nagdurugtong sa akin sa isang puno. Hinihiling kong nawa'y hindi ito mabali, subalit tila ba naririnig ko na ang mga pagbuo ng mga bitak. At nagpatuloy iyon. Hindi ko mapigilan.

Sa isang iglap, ang enerhiya ay naglaho.

Pinilit kong muli siyang pakiramdaman subalit ako'y nabigo. Ang misteryosong babae sa aking misyon (na akin nang abot-kamay) ay tuluyang naglaho.


Continue Reading

You'll Also Like

28.1K 1.7K 77
COWER SO YOU SHALL BE VANQUISHED. Weeks have passed since their escape and Havierre's special project comes to its wake. With his army and his newly...
2.8M 93.6K 71
Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peac...
6.4K 482 23
Lala Fuentero was a famous singer. At the peak of her career, she died. The police announced that it was a suicide, at ikinagulat iyon ng mga taong h...